Me & Greta Against Nature


                           


           Anything slimy and grimy sa paningin e talaga namang nakakapagdulot sa akin at sa kapatid kong si Greta ng matinding hilakbot!(Wag mong masabing maarte kami at sasamain ka!) Walang sinabi si Sadako sa takot na kayang idulot ng mga hinayupak na creatures kahit hamak ang laki namin sa kanila(lalo na si Gretang barako). Kung nabubuwisit ka na samin madali lang kami patayin sa takot... Iharap mo kami sa mga sumusunod:


        • UOD (pag utod ng dami, at kumibot na silang parang si Gary V, kikilabutan nalang ako ng todo!)
        • BULATE (actually eto yung mga galing sa tiyan,o sa pwet...ganon na itsura sagwa pa ng pinanggalingan!)
        • BUTIKI (hutana!!!!!!!!CREEPY!!)
        • PALAKA (WWWWWWWWWAAAAAAAAHHHHHHH!!!!!
                    Kahapon pa ako sinusubukan ng kalikasan. Pagbukas ko ng pinto para lumabas sa mundo something medyo cold fell on my forehead. Pero mabilis na nahulog sa floor. At nang sundan ng mata ko....SSHHHHHHHEEEEEEETTTTTTT!!!!!!!!isang malusog at mamasa masang butiki pala!potaness naman talaga!Dugyot!

                   Pero kanina ang ultimate test sa akin at kay Greta...Mamalantsa na sana ko ng mga uniform ko. Sa kwarto ko na sana gagawin at medyo malamig don. Isasaksak ko na sana ang plantsa nang may something small and brown sa sahig. Sa unang tingin naisip ko...Dahon?Pano makakapasok sa room yon?Napagdesisyunan kong sipain na sana palabas ng pinto. Paglapit ko sa inaakalang tuyong dahon, bigla itong nagtransform sa paningin ko.May mata ang dahon!Hindi!isa siyang bulilit na PALAKA!wwwwwwwaaaaaahhhhhh.....Panic mode! Siyempre dinamay ko nanaman si Greta sa aking suliranin.hahaha!

                   ROUND 1... Nang tumambad sa harap ng kapreng Greta ang buset na frog, nanlaki ang mata ng Greta at kung anong laki niya ay siyang laking duwakang(nagsalita ang matapang!)...Habang steady ang impaktong palaka pinaplano na namin ni Greta ang pagdispatcha sa kanya. Plan A: Hiluhin ang palaka sa pamamagitan ng pagpalo ng walis(harsh?kaw kaya yon!). Nang aktong pakpakan na naleche na ang mundo! Turuan pa kung sino ang titira. Dinaan ko na sa sumbatan 
               
                Greta: Ate naman e!Bakit pag nakakadiring gawain laging ako?!(teary eyed sya)

                Ako: Aba! Nang harangin ka ng malaking palaka sa paliligo mo AKO ang lumigpit para sayo!!!!!

                 Kaya naman ang kawawang Greta ang unang sumubok...PAK! potashet!!!!!!ang hayop na palaka tumalon talon patungo sa direksyon sana ng nanginginig na Greta. Sa tili namin kabog ang apat na bakels na naghuhumiyaw para kay Venus Raj(http://www.youtube.com/watch?v=-HePTmrV-og ayan ang link kung di mo pa napanood)...Second attempt! Ang plano,takpan ng basahn ang palaka at saka bibirahin ng walis ni Greta. Mayari ang 100ng pagrorosaryo nakasagap din ng lakas ng loob,natapkan ko din ang hinayupak sabay tira ng Greta, at mabilis na winalis palabas ng terrace ang hilong palaka.RELIEF!Back to normal na. Naplantsa ko din ang mga damohong uniporme at bumalik na si Greta sa busy life niyang pag-eFB... Maya maya inantok na ang Greta. Papaakyat na ng sa kalahati ng hagdan,tumatakbo pabalik ang impakta at naghuhumiyaw....Ang impaktang palaka ay buhay pa pala!Parang nananadya.Nag ala "i'm back bitches!" siya.Hindi successful ang unang attempted murder(natrick nya kami sa kwarto)!shet! 

                ROUND 2 Balik sa dati..Plano plano plano!Inabot din kami ng ilang oras sa pagpapaalis sa kanya sa hagdan(30minutes kada 2 steps!).Hanggang sa maisipang isprayan ng baygon.Oo!Desperado na kami na kahit pamatay insekto ginamit sa palaka.Walang epekto!Deym! Hawak kamay pa kami ng Greta sa pagtuligsa sa palaka...At buong tapang na sumugod sa giyera dala ang walis at dustpan(awww.sweet!nice sister bonding experience). Hanggang sa marating namin ang kusina at nacorner ang kalaban.Kung pano sya humantong sa pagtihaya sa gilid ng ref e hindi ko alam(nagpapakamatay ata) "It's the end of the line for you paksyet!" Pero gayon pa man natagalan kami sa pagmurder sa kanya...Kahit paano'y hinaplos kami ng bahagya ng aming konsenya. Last resort...Tinakpan ni Greta ng karton ang nakatihayang palaka para naman hindi masyadong kita ang pagpisak...boom!boom!pak!pak!toogsh!No sign of life...It's dead!Shet!Natuluyan na siya. Ang planong paghilo nauwi sa kamatayan.Nyak! Unti unti, dinakot ang bangkay at saka itinapon sa kanyang pinanggalingan.sa nature...Relief(totoo na to)! Matapos ang krimen balik na sa normal.May little froggy rest in peace. Di namin sinasadya..Kaw kasi e!Mali ka ng bahay na pinasok!

               Sabi sa inyo gubat na tong bahay na to e...Oras na para maglinis!

Q&A Portion

                    Oo!Tungkol sa katatapos lang na miss Universe ang post na to...


                   Tungkol sana sa naganap na malagim na trahedya kagabi ang ipopost ko pero alam kong marami nang titirada non at naisip kong kahit gawin kong comedy yon, it's not something you can make fun of(oha!kaya ko magenglish)at hindi yon funny.Masyadong sad and tragic.


                   Pero kanina panandaliang natanggal ang samu't saring emosyong nagrerebolusyon dulot ng mga pangyayari kagabi. Salamat sa naggagandahang kandidata ng Miss Universe 2010. Buti nalang at may TV sa unit namin kaya kahit nakaduty nasaksihan ko ang tagisan ng kagandahan at talino ng mga kandidata. Malamang ngayong araw na to nakatutok ang lahat. Lahat ng babaeng nais maging beauty queen at mga babaeng bitter sa itsura. Lahat ng lalaking mahilig sa maganda(punasan ang mga laway).At syempre lahat ng sisteret na beki na pangarap magka pepet(alerto sila dyan.pustahan!)All eyes sa TV.Kumpol kaming lahat.Kanya kanyang opinyon sa mga kandidata. 


                   Nurse 1: Ano ba naman yan!Banlag pa ata..hahahahaha!


                   Nurse 2: Ay kacute.Teka!Kahawig ni Miley Cyrus!(oo si miss australia sinasabi niya)


                   Nurse 3: Grabe naman yan muka naman nang matanda!


                   Nurse 4: ay!Hiwalay yung dede(panalong comment!)
                  
                   Hindi talaga mawawala ang pintasan kahit alam naming mas magaganda samin yung mga yon.Perpekto kasi kami sa paningin namin.hahaha! Magaganda naman talaga sila. Beautiful and sexy (sige!sila lang anak ng Diyos!bitter?). Nang tawagin na ang top 15, laking tuwa namin ng makapasok ang pambato ng Pinas na si Venus Raj na talaga namang gandang Pilipina ang bitbit. Excited ang lahat.Pero mayamaya...


                  Nurse 1: Top 10 kasama si Venus hanggang Top 5...
                  kaming lahat: HUH?!ano yon hula?
                  Nurse 1: Ayan o!Puro ganon na usapan sa Facebook!
                  
                  Shet! Late pala ang napapanood namin sa ABS-CBN! Kumbakit kasi walang cable sa ospital na yon (nagreklamo pa.LOL)...SPOILER!Oh well panandaliang nawala ang excitement.Nakakabanas talaga! Nang oras na ng pagrampa ng mga kandidata na nakaswim suit, tumigil na ang mundo namin. Kanya kanya nang tutok.Kanya kanyang puna kaninong boobs ang hiwalay o bagsak, kaninong katawan ang walang korte man lang, sino ang naubos na ang pwet at sino ang talagang HIPON lang...Perpekto nga kasi kami. 


                 O de pumasok na nga sa top 5 si Venus...Panalo na si Venus sa paningin namin. Malakas ang kutob naming kahit gano kaganda si Ms. Mexico na bet ko, kahit gano kacute si Miley Cyrus (miss australia),at kahit gano kalaki ang nganga ni ms. Jamaica,mananalo si Venus sa kanila. Pero...


                 Nurse 1: Panalo si Ms. Mexico,pang-apat lang si Venus.1st runner up si Ms. Jamaca
                 Ako: Napakaspoiler mo! Itigil mo na nga yang facebook na yan!
                 
                 Suzmeng buhay to...Dahil alam na namin ang resulta hinintay nalang namin ang Q&A..Eto na!Gisahan na...May mga talino nga kaya?Sa inip ko naisip ko "sana may challenge pa sa Q&A.Yung fish bowl na bunutan ng questions may piranha.hahahaha!"ang saya siguro non. Anyway ayon nga nagkatanungan na...Sa mga nauna kay Pinas nagustuhan ko ang sagot ni Miley Cyrus. Wala nga namang say ang gobyerno sa gusto mong isuot at right mo yon. Bright child! Si miss Ukraine ata yon sumagot na ok lang sa kanya ang scanner sa airport na kita na kaluluwa niya. Susme ka te!Namamanyak ka na ok pa sayo..hahaha! Kabado ang lahat ng isalang na si Venus.Para sa mga hindi nakapanood....
                
                William Baldwin: What is the one big mistake you've made in your life and what did you do to make it right?
      
                Venus: blah blah blah... In my 22years of existence, i can say that i didn't have a MAJOR MAJOR problem,because i'm confident with my family and the love that they are giving to me so thank you so much that i'm here. Thank you so much.

                 Wapak!Lagapak!Bagsak! Ang layo ng sagot sa tanong.Sa dami ng thank you parang bumati lang si ateng sa showtime! Major Major?Major in Economics?OH my gas!!!Nawindang at natulilig ako sa ingay sa aming unit. Halo halong opinyon....Andyang sana daw gumamit nalang ng interpreter si venus. Andyang nagsusuggest ng isasagot kala mo kasali sa pangeant at talagang affected.hahaha!Andyang sa sagot daw ni Venus lumalabas perfect siya...whahahahaha! Sa huli pangapat nga ang ating pambato at nanalo nga ang bet ko. Yaan niyo na...Kinabahan lang siguro si Venus.Gayon pa man panalo parin. Winner!


                 Pero panalo si Ann Curtis sa Showtime kanina. Nagmala beauty queen at sumubok sumagot sa tanong kay Venus. Namangha ako sa ganda ng sagot ni Ann. Pero wag ka!Malayo din ang sagot maganda lang ang pinagsasasabi.Wapak! Ganda lang talaga ang meron siya.hahahaha!bitch...Beauty without brains is like a shell without a pearl(pang mis gay talaga ko).


                Ako nalang sana sumali don..Panalo na tayo sa Q&A.Eto lang ang problema.....Ang utak ko pang miss Universe, pwera ang katawan at lalo na ang itsura!!!whahahahahahaha...Congratulations Venus!!!!Salamat sayo,may bago nang paboritong expression o quote ang buong mundo.MAJOR MAJOR!


                 
                           

NEW CAREER!!!

                      Nang ako'y isang munting musmos marami akong pangarap....Maraming nais maging. Andyan ang walang kamatayang palasak na pangarap na ginasgas na ng bawat candidate sa Little Miss Philippines, ang maging DOCTOR "para makatulong sa may sakit"...ya rayt!!! Minsan ko ding pinangarap maging MADRE. Ang babait kasi nakakainggit. Pero hindi pagmamadre ang makakagamot sa aking kabugukan...At baka maghanap lang ako ng partner na pari.tsk tsk!BAD!At siyempre nangarap din ako ng mga weirdong pangarap tulad ng maging ANGHEL (para makalipad), maging MAGICIAN (para magmagic at makagawa ng maraming pera) at ang pinkaweirdo sa lahat ay....ang maging iNA ng maraming manika.WTF!!!Ina ng manika?creepy kid!


              Wala sa mga pangarap ko ang natupad. Ang bagsak ko ay isang dakilang nurse na puro charity work.O diba?Hindi man doktor pero nasa ospital parin at tumutulong sa mga may sakit, hindi din madre pero mapagkawang gawa parin(volunteer) at walang sweldo...yey! Pero kanina salamat kay Greta (nanaman?!) at sa youtube (tares na youtube yan!) namulat ang mata ko sa isang bagong pangarap at posibleng career. I think may bago na kong kakareerin! Goodbye nursing, hello POLE DANCING! Ganda diba? Alam ko na naiisip niyo. Laswa! Sagwa! YUCK! I know...Kahit ako nasusuka sa idea ko...Pero mukang fun e.(crazy laugh)...Pwede ding sideline...Pero on second thought wag nalang...Hindi uubra ang pangangatawan at itsura ko sa ganyang larangan. Magdudulot lang ako ng o my! UMAY! Makuntento nalang sa pagiging nurse! 


               Matagal naman nang uso ang pole dancing... Pero noon hindi art o sport ang tingin dito. Kundi libangan ng mga lalaking hayok sa laman (true or false?hahaha!).... Pampawi ng mga problema sa buhay at pagod ng mga kalalakihan na dulot ng stress sa trabaho at mga pumapanget nang syota. Ngayon isa nang sport ang pole dancing... Nilalahukan ng mga seksing bebot na walang kasing tigas at tibay ang mga muscle sa katawan at kipay....Iba't ibang stunts kayang gawin. Andyang nakabalentwad na tanging kipay lang ang nakakapit sa tubo (mapalad na tubo)...Super flexible ang mga babaeng to na kung makapagstretch ng legs ay parang nais maabot ang langit. Akala ko mahahati ang katawan...OA?maski...Kung makabukaka si ateng talaga namang open wide.Maaidentify na ang parts ng kanyang reproductive system(ayun ung ovaries,ayun yung fallopian tube).Andyan ding nagpapaikot ikot na mala carousel sa tubo. At sasamahan pa ng mga moves na mala contortionist.IMBA!Nakakamangha talaga.... 


               Eto ang sample ng pole dancing (courtesy of youtube as usual)... Tunghayan ang hawt australian na si Felix Cane na winner ng pole dancing competition sa kanyang nakakabigahaning pole dancing...Boys! Maghanda ng ice pack sa tabi...wink* enjoy!!!!
              
              

Japanese Humor


                    Mosh mosh!tama ba bati ko?yon yung hello sa japan e...mali?yaan mo na!

                    Bilib ako sa mga hapon...Ibang klase ang takbo ng mga utak. Pagdating sa gadgets,electronics magigilas.Ibang klase ang talino.Hi-tech kung hi-tech! Kung ano ikinagilas sa kutingtingan ng gadgets siya ring husay sa kabugukan...hands down ako sa kanila!(tama ba grammar ko?nyemas babagsak ako sa ielts)Saludo ko sa mga sakang na to gumawa ng mga weirdong gameshow at walang kwentang makapagpakabag na pranks na kahit hindi ko maintindihan ang mga pinagsasasabi(may subtitle naman.pero hindi ko parin maintindihan at hapon din!) e talaga namang mapapatumbling ka sa kakatawa.Pusta mo pa lahi mo...funny talaga!

                   Ilan sa mga paborito kong videos na nagalugad ko sa youtube ay ang isang grupo ng mga lalaki na nakacostume ng pambabaeng nurse uniforms.Kung bakit kailangan pambabae pa suot kahit walang kinalaman sa prank e hindi ko alam. Isa isang papasok sa isang examination room ang mga kalalakihan at isa isang isasalang sa isang CT scan machine. Lingid sa kaalaman ng mga uto-utong sakang, sa dulo ng makina e makakatikim sila ng matinding nakakasulaksok na lips to lips sa isang babaeng twin sister ni mahal.yak!!!!Tapos lalabas silang kala mo narape at hindi isisiwalat sa mga kasama ang nangyari sa loob ng room.

                   Isa pang prank ay ang CR prank...Ang setting parang sa park lang.May mga portable CR. Sa loob ng bawat cubicle ay may hidden camera. Pagpasok mo para ilabas ang sama ng loob mo,aktong nakatuwad ka na at iire e bigla nalang aangat ang sahig at CHARAN!!!nakatore ka na at kitang kita ng sambayanan ang iyong tootoot!Sa bilis ng mga pangyayari hindi ka na makakapagtaas ng salawal mo at kahihiyan lang talaga ang mapapala mo. Salamat sa video na to,nakakapraning na magCR!damoho!

                   Napakarami pang funny videos tong mga hapon...weird kung weird! Pero kagabi...wapak!!!!Ibang klaseng high ang naramdaman ko sa panonood ng damohong video. Kumombo na lahat ng damdamin!!!kombong suya,humor,dugyot! Talaga namang dulot ay bangungot...Para naman hindi lang ako ang nasiyahan at nasuya(mas lamang yung nasuya) idadamay ko na kayo...

TAMAD!



*WARNING: walang kwenta ang post na to...bwhahahahaha!

                          Katamaran....Salitang pumagkit na sa puso't isipan ko at syempre sa aking pagkatao(tingin ko inborn na din to)! Isinasapuso. Isinasaisip. Isinasagawa....At ang tanging kinasisipagan ko ay ang KATAMARAN...


                          Eto ang ilan sa mga pagbabago sanhi ng aking pagsamba sa katamaran...Dati,kung makapagsipag sa pagsimba kala mo ko kakandidato sa pagkasanta. Ngayon, Kung walang binyag,kasal,o libing hindi ako pupunta don!(ooopppss!)Dati masipag magFB. Lahat ng laro name it,i've played it....ngayon kundi pa hayok sa chismis hindi na ko mageFB. eff u na yn...tamad! Dati,hindi pa dumadapo ang mikrobyo sa sahig ng bahay nakaamba na kong maglinis ng todo na ang resulta mas sterile pa sa OR sa ospital ang bahay namin. Ngayon, salamat sa katamaran ko pwde nang gawing destination ng survivor philippines ang bahay namin.Jungle theme ang potaness na bahay!tamad!Dati,isang utos ni ermats sunod kagad ako(may bayd kasi).Ngayon,kundi pa niya ko habulin ng itak hindi ako susunod(pero di niya ko masisindak!hahaha..luv u my)Dati, masipag akong magluto ng chibog kahit kadalasan mga damohong langgam lang naman ang makikinabang at bobochog. Ngayon, kundi pa titirik ang mata ko walang magluluto. Patigasan kami ni Greta kung sino unang bibigay sa gutom.Tamad! Dati, bawat araw may ngiti ako sa labi.Excited magduty kahit routine lang ang gawain (AT WALANG SWELDO)na kahit pumikit ako e magagawa ko. Ngayon, salamat sa katamaran ko malapit na ata kong tanggalin sa hospital(di rin).bwhahahaha!tamad! Dati, araw araw masipag magblog.Kahit ano maitira lang. Ngayon,NATATAMAD AKO!!!!! 


                            Bakit nga ba kahirap iwasan at labanan ang katamaran? Kung syota ko si katamaran sobrang under nya ko...Isusuko ko ang lahat para sa kanya. Konting haplos lang niya bumibigay kagad ako. Mahirap tanggihan!!!!SHET!!!!Tao lang ako at marupok.hahahaha!May mga panahon talagang tatamaan ka ng matinding pagsubok ni katamaran.....Guguluhin niya mundo mo at pag bumigay ka,sa huli ka na magsisisi na nagpatalo ka sa katamaran mo(kailangan malalim?)...


                            Pero ayos lang ...Walang kaso!Maski na!di bale nang tamad..hindi naman pagod!!!!!!!booya!


                            Ikaw,ano ang kinatatamaran mo?!
                         


                          
                  

pasasalamat kay greta

                   Buhay pa si Greta kaya hindi to isang tribute....


                   Isang masalimuot na araw habang inuubos ko ang oras ko sa wala...


                   Greta: hahahahaha!!!whahahaha!!!(puro tawa nalang ang ginawa)
                   Ako: (natural na usisera...nacurious) Ano ba itinatawa mo dyan?
                   Greta: (nakakapang-asar ang ngiti) pikit mo mata mo!may surprise ako for you!!!
                   Ako:(ano ko uto-uto?pero pumikit parin ako!nagpatalo kay greta ang usiserang ungaz)..hhhmmmm...game na!
                   Greta: O game!tignan mo na...
               
                   When i opened my eyes.....Holy inakay ng sibangot na palaka!That's me sa screen...I look different.Shocking transformation.Ang larawan ko na mukang inosente ay nagtransform into a lady..Ibang klaseng ligaya ang dulot sa aking puso.Talaga namang natouch ako ng todo!!!!


                   Dahil masyado ang hanga ko sa sarili kong kagandahan (subukan mong kumontra!pasasabugin ko organs mo!)ginawa kong profile picture ang naturang larawan sa FB(shet!hindi na surprise sa mga kaFB ko ang naturang larawan)...


                   Marami yata ang nasindak at nagulat sa aking malaking transformation...Umani ng sandamakmak na kutya at puri ang impaktong larawan (mga inggit!LOL).Para naman makarelate ka, eto ang larawang nagbigay ligaya sa lahat.

                             How'd ya like me now!!!whahahahaha..........
     
                   Eto ang ilang mga puri sa aking kagandahan:
                   ijit: creepy!pano re?
                   Ralph: ASTIG!(malabo ba msyado mta ko at nilakihan pa talaga)
                   Yow: Natural beauty. I love it. (oo saktong yan ang kumento ng putres na yow...nakakatouch!hahahaha)
                   Ciz: sis nakakatakot ka
                   Nanayniungaz: litaw na litaw ang inner beauty. (oo maniwala ka nanay ko nga nagsabi nyan.barubal.tsk tsk)
                   Greta: My greatest creation...natural beauty! (i know..salamat.bits!)
                   Mukay: natural na natural lang
                   anonymous: ba't ba ganyan?!NAKAKATAKOT itsura mo! 
                   jubiz: anong nangyari sayo boy.wag kang lalabas ng bahay ng ganyan.(ang ganitong ganda,shineshare sa mundo)
                 
                   Ang sweet niyong lahat...i know!ang ganda ko talaga.thank you... Maraming salamat Greta sa make over na ito.Hindi ko to malilimutan ever (humanda ka!gaganti ko!)...Thank you sooooooooo much!(watch yer bek utol...whahahahaha)

                                  


NBS (NAKIKIBASA Bookstore )

                           Off ni inday...Yes!Pero mukang di na ko sanay tumambay sa bahay at parang sinisilaban ang pwet ko tuwing mapipirmis kaya lumarga nalang ako...


                  Anak ng putakte!Umuulan...Ayaw akong paalisin ng bahay.Di pwede!Hindi ako nagpapapigil...Nagaya ako ng isa pang kapwa kasama sa charity work na gumala....Maghapon nag-ikot kami at lumibot. Hangga't di pinapaltos ang paa namin walang uuwi.


                  Nagawi kami sa bookstore ng bayan...Ang National Bookstore!Hindi ko trip tumambay don pero nagkasubuan na...Pag punta namin sa gawi ng books ano pa nga ba aasahan mong eksena? E di nagpila ang mga taong walang pambili ng libro at nakibasa nalang ng libre.papetiks!Lumibre pa!Pinoy nga naman..hahaha!Impernes gumaya kami..siyet!mahirap!Dumampot kami ng isang librong puno ng mga nakakaumay na tirada....


                  example:

      • Ang ganda naman ng palabas...parang ikaw (hutanang yan)
      • do you know CPR?cause you take my breath away. (palasak)
      • para kang tae...hindi kita kayang paglaruan (orayt!)                    
                  Nakakasuya!!!!!Sa gitna ng aming pakikibasa pagbabasa...."hahahaha...grabe.nice one!"...Nahinto ako at napalingon...Damoho!susme!may lalaking mag-isang tumatawa.Wala palang prendship na kasama para ishare ang kanyang funny discovery. Akala ata nagiisa siya sa bookstore.Masyado galak sa binabasang libro na sa malamang hindi naman bibilhin....Kami pa nahiya at natahimik.Sa hiya ng mga katabi namin, nag disperse! Di nakuntento tong si kuya kinopya pa sa kanyang celfone cellpone  (syet na spelling!) selpown ang nakakatawang quote at saka inisend to many (oo natanaw ko kaya)...

                  At dahil wala akong kasing walanghiya kinunan ni ungaz ng larawan si kuya...


                    exhibit #1: here's mr. deadma sa paligid nakikibasa...
 
                             exhibit #2: Hule ka balbon!Tatawa ka pa a...

                   Mano kasing binili nalang saka binasa ng may kasama...O kaya kinalabit mo kami para may karamay ka.Di ka pa nagmukang timang na tumatawa mag-isa.At di ka sana nasabit sa blog na to.hahahaha!  
BABALA: mag-iingat kung si ungaz ay nasa paligid..baka sa susunod ikaw na pala ang binabalahura niya sa blog na to..hahaha!




picture picture

                             Dahil tambay ng FB kakakutingting nakakita ko ng mga larawang ke gaganda...Mga oh so common poses...Walang originality!hahaha


                   Eto ang ilan sa mga palasak nang larawan....(based on true to life story...)


10. The PEACE sign!

 recognize her?LOL


      Wag mong sabihing minsan sa buhay mo e hindi ka pumose ng ganyan. Di ko lam kung sinong hudas ang nagpa-uso niyan pero pag wala na talagang maisip na pose automatic tataas ang kamay and saka magpepeace. palasak!


9. The POUT


      Kadalasan lang to sa mga kababaihan. Na kumbakit cute na cute sa sarili pag ngumuso at nagpapaka angelina jolie na kahit ang totoo e nagmumukang  suso(su-so,matigas na pagbigkas.english ay snail. hindi suso na joga.may definition talaga)


8. pang-ibabaw


    Ito ang mga todo portrait...Mga tipong pangyearbook at pag minamalas at madisgrasya.et viola! may pangibabaw ka na ng kabaong na picture.
7.Wacky


   Birit ng mga sawi sa kagwapuhan at kagandahan. "WACKY TAYO!" isa na ko dito..whahahahaha...at least umaamin
6. the MIRROR


    Ang larawang halata namang kinunan ang sarili habang pumoposing sa harap ng salamin... narcissistic?hahaha!
5.The car


   BMW...Mercedes Benz...Porsche....Ferrari. Ang gagandang kotse.Kung di mo afford, ano naiisip mo(bukod sa karnapin)?"makapagpapicture nga pang FB"hahaha...mga taong pumopose sa harap o tabi ng kotse at walang hiyang aangkinin kahit alam ng makakakita na IMPSOBILE yon...
4.buddah


  Kahit sa malayo  alam mong ang inaakalang sa thailand ay sa isdaan sa tarlac pala kinunan...wapak!
3.shades


   Wanna look cool?magshades...Para mukhang sosyal at japorms....(pasintabi sa may ari ng picture...)whahahahaha!
2.starbucks


   alam niyo na to...Hindi ko malaman kumbakit parang pagnapunta ng starbucks e automatic dapat may picture kasama ang inorder na mamahaling kape.Masabi lang na nakafford magstarbucks.kahit pagorder "one tall frap pe and one croysant (croissant) plis...." at ang pambili e isang buwang pinagipunan.hahahaha!
   


                    at ang number 1 ay.............................
































1.suso


  eto na yung joga...Ito yung mga babaeng dahil ata hindi kagandahan pero sagana ang cup size (hipon) e cleavage nalang ang pinapakita. Eto yung friend mo pala sa FB o friendster na pagnakasalubong mo hindi mo alam na siya na yon at suso lang ang profile pic niya (goodluck madistinguish mo sya sa boobs palang sa crowd)...


*ang mga larawan ay tunay na tao at tunay na kaFB ni ungaz...bawal pikon!hahahaha...
  

gotcha!

                 Kakapost ko palang ng tungkol ke kamatayan e humahabol naman ang aming tiyuhin sa last trip(asawa ng isa sa destiny's child.it's complicated.LOL)....Kanina nga napress release ng tita kong hindi nakakuha kahit kelan ng most behave award na inatake ulit ang kanyang sweetie for the nth time (pangapat palang actually).Matibay si tito at talaga namang himala na nakaligtas ng tatlong beses sa halinhing ni kalawit....


                 Diba nga kagabi pumanaw ang nanay ng isa naming kabarkada. Dahil takot ako magpagabi sa lugar nila(deadly and dangerous talaga) sukdulang tanghaling tapat sumugod ako don at dumamay sa kanilang kalungkutan. Kalungkutan na bahagyang napawi sa aking pagdating. Bakit?Ako ang clown ng aming barkada. Kahit sa ganong sitwasyon hindi ko naiwasang maitago ang aking sense of humor pagkabugok na kumbakit tuwang tuwa naman sila. Maya maya tinawagan ako ng pinsan ko. Nasa panic mode na daw ang tita ko at puntahan ko sa hospital. Kagabi pa daw kasi hindi magising si tito. At ako pa talaga ang dapat pumunta kagad. Ako ba si Agua?Magigising kaya si tito pag pinatakan ko ng laway luha ko? Wala na kong nagawa. Kaagad kong iniwan ang lamay na kasalukuyang ineenjoy at bumalik na sa siyudad.Hindi ako nagpapagod impernez!Pagdating sa hospital tumambad sakin ang hindi kagandahang senaryo. Nakatalikod si tita sakin...Crying lady sa tabi ni tito. Tinapik ko...Humarap.Nakangiti kahit halo na uhog at luha sa muka.Di ko na napigil tumawa.hahahaha! 
                   Tita: Kahapon pa hindi nagigising si G...(hikbi)
                   Ako: Ikiss mo! Only true love's kiss can break the spell and wake him...
                   Tita: (boogsh!!!! nadagukan pa ko...Nagsusuggest lang naman ako.Malay mo...)GAGA!!!!


                   Sa government hospital dinala si tito. At dahil puno and ICU sa ward lang siya. Dahil charity e nakatiwawang ang lahat sa madlang people. Sa third bed may isang pasyente na walang bantay. Dahil ayoko tignan si tito sa kanya nabaling ang pansin ko. Si kuya,nurse ng sarili niya...Siya na ang nagpapakain sa sarili at siya na ang nagreregulate ng swero niya (parang alam niya) kulang nalang maguniform ng puti. At dahil minsan na ko nagtraining don,at ang nakaduty na nurse e sing buset ng abu sayaf,hindi ko sinita o nireport ang gawain ni kuya.Bahala kayo!(bitch!)Makaganti man lang sa lahat ng pahirap niyo sakin.bitter?hahaha...Maya maya itong si kuya nagchange outfit from sando to tshirt.Ang laki ng pagbabago grabe!Lumakad si kuya. Aba teka!Walang swero si bugok. WTF!Ang hinayupak na pasyente buong tapang na hinugot mag-isa ang swero, kumawala na at tumakas. kaya pala nagchange outfit. Dahil medyo walanghiya ako nag-isip pa ko bago nagsalita (hanggang sa tingin ko nakalayo na ang takas).


                 Ako: (with a sinister smile talking to a nursing student) Ma'am yung pasyente niyo nakatakas na....hehehe


                 Students: (panic) po?sir sir blah blah blah...(sarap nila panooring mataranta.LOL)
   
                 At dahil mabagal tumakas si kuya e hule ka balbon! Naibalik ang damohong pugante sa kanyang kama. Kala niya makakaisa siya... Agad siyang sinwero ulit ng buset na nurse at tsaka sinermunan ng todo!Pero alam kong sa malamang na alam ng pasyente ako ang nagsumbong sa kanya tumalikod na ko at umiiwas sa kanya...


                 Ako: RR..Nahule ang taragis.
                 RR: oo nga boy...Sama nga ng tingin sayo o.hahahaha!
                 Ako: ows?tay tau diyan...umepal pa kasi ko....


                Kaya naman nang pauwi na kami umexit akong parang talangka na patagilid lumakad wag lang maharap sa shitty face ng nahuling pugante pasyente....


                Moral lesson...Walang ligtas sa batang sumbungera!bwhahahaha

p.s. alam ko hindi akma ang picture..iba nanaman tuloy naisip mo sa post na to.disappointed?i don't care...whahahaha!

unahan lang

                         Ano ba namang araw to...Dalawang nagbabaitang tao ang pumanaw ngayong araw na to. Inuuna na talaga ang mababait (i'm not worried)...


                 Una, kaninang umaga mukang natuluyan ding jumoin ang aking latest favorite patient(dugo niya ang pinanligo ko nung lunes) kay kalawit. Naman o!Pinilit naming buhayin sasama din pala kay kamatayan....Effort! Hindi ako nakapagpaalam ng matino sa kanya kanina. Kaya naman buong puso nalang siyang nagparamdam sa unit kanina.Pinagsasaran niya kami ng pinto....Dahil brave ako dineadma ko siya tulad ng dugo niyang nanunutsot....psst psst! Iniwanan naman niya ako ng madugong magandang ala-ala.


                Ngayong gabi naman ibinalita samin na pumanaw ang nanay ng kabarkda namin...Isa pang mabait na sumakay na sa biyaheng langit (literal at matino...hindi tulad ng alam kong iniisip niyo). Malungkot na araw talaga to...


                Bakit nga ba inuuna ni Bro yung mababait? Nagkakaubusan na tuloy...Yon ba ang paraan niya ng pagbalanse ng mundo? Malapit nang ma-out of stock ang mababait. At puro masasamang damo na natira..No wonder mahaba ang buhay ng angkan namin.hahaha! Sabi nga ng pinsan kong si boga "bad grass tayo e"... Alangya!Matira matibay pala labanan ng lahi namin.... Kami kami lang rin pala talaga sa magtutuos sa huli....Kaya ngayon parelax relax lang kami. Malakas ang radar ko na malayo pa ang biyahe ng sundo ko (sa sama ng ugali ko na to!Baka ako pa sumundo sa sundo ko sa inip ko) papunta sakin....


                Hay buhay....Napakaiksi.One minute you're laughing,the next you're goneHindi mo alam hanggang saan lang ang biyahe mo. Ang driver(bro) lang ang makapagdedesisyon.Kaya hangga't may oras lubusin mo na...Iparamdam na pagmamahal sa lahat (hindi ko sinabing mambae ka o manlalaki)Ienjoy lang ang biyahe. Para sa paghinto ng biyahe masaya kang bababa sa bagong destinasyon mo ng walang pinagsisisihan.


      (Nahinto ako sandali....Ang seryoso.Ngmemerida na ba ko?!Di pa ko handa!hahaha....)


                My condolences sa mga mga naulilang pamilya ng mga yumao ngayong araw na to....


                Sa mga yumao, See you someday (not SOON) in heaven (kung don ako mapunta.kung sakali)....May you rest in peace. Unahan lang naman. Hindi ako nagmamadali...





                

Habulin

                        Gusto ko mang sabihing habulin ako ng swerte o kaya ng lalaki e isang malaking kalokohan yon. Lately napagtagpi-tagpi ko ang mga pangyayari sa buhay ko at napagtanto kong habulin pala ako ng kamalasan at minsan....disgrasya. Pero kahapon nadiksubre ko na may bago akong FAN na hahabol habol sakin. DUGO! In english, blood....


                   Kahapon ng umaga(hapon ba o umaga?kagulo!) nagising ako ng good mood. Mapapakanta talaga ko ng "i feel pretty and witty and..." di ko na lam kasunod na lyrics. Well anyway everything was fine all morning hanggang sa pagpasok sa aking charity work. Ganon talaga ang mayaman puro charity work. Syempre reminisce muna kami ng aking mga kosa sa nagdaang gabi ng lagim (gay's night sa bar). Maya maya kami ay napatawag sa ICU para don isagawa ang aming magic(dialysis) sa isang medyo alanganing buhay o patay na pasyente. Palitan kami sa pagbantay na parang matatalas na watch dog kay kuya. Nang ako na ang toka, ayos naman lahat nung una. Makalipas ang halos isang oras.... Psssstt!Psssstttt! at dahil hindi ako sutsutin dineadma ko ang sutsot. Dahil hindi ko pinansin "chaos" tapped mo on the shoulder.hahahahaha! Linsyak!Pumupusitsit na pala ang malapot at medyo kulay talong na dugo ni kuya sa aking braso(PSST PSSST ang tunog).PANIC!!!! Syempre inasikaso ko muna ang aming pasyente bago ang aking sarili. Pakitang astig ako at coboy (cowboy,or cowgirl) para hindi lang mapahiya. Pansamantala kong nakalimutang nagshower ako ng dugo. Matapos ang panic mode at back to reality, saka ko palang sinipat ang sarili.Wow!Bloody Mary(may idudugtong pa sana ko dito pero wag na.hahaha!)!Ang plain blue scrub suit ay nagtransform sa blue with red polkadots.Nanghina ako sa itsura ko na mukang lang namang galing sa SAW movie...Hindi ko alam kung tatawa ako o iiyak sa itsura ko!Ligong ligo na ko pero hindi pa ko pwede umuwi kagad. Yuck! Think positive nalang ako..Tomorrow is another day!


                               Today ang tomorrow na sinasabi ko. Routine!Gising,gayak,kain,duty...Shinortcut ko na for you. Napagkwentuhan ang aking bloody experience the day before. After that,it's time to move on...Pero there's no moving on.dahil habulin ng malas.... Maayos naman sana ang session ng pasyente ng mausog ata ng kanyang doktor at everything went wrong!Shet naman o.Messy ang lecheng pagaayos ng kapalpakan. Naligo nanaman ako ng dugo.Hay!Wala na kong scrub suit na matino!!!!Naubos na lahat!Ano ba!(galit?).Naayos din naman ang mali. It's official. Habulin nga ako ng dugo...RUN!


                                Hapon na. Last trabaho na.Yes!Makakapahinga na din. Masaya pa ko at pumipito pa habang naglinlinis ng dialyzer (iresearch kung hindi alam). Pero sadyang mapalad.Napusitsitan nanaman ako ng dugo!Alangya.Gusto ko na magwala!Ano bang meron at gustong gusto ng dugo na pumagkit sa katawan ko! Kaloka. Masyado ba kong maputla?Kailangan ng konting kulay?O yon na bagong paraan ng blood transfusion?Ang buhay ng nurse nga naman!wwwwwwwwaaaaaaaaaahhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!


                                Bukas pag nag ala- tinumis nanaman ako...magRERESIGN na ko!!!!!!

Gimik

                                 Minsan, nagkayayaan ang aking mga duty mates na gumimik. Aba himala!Nag-aya ang mga manang at manong conservative mag-aliw sa dilim.Type! Dahil may pagkakaladkarin pag sinisipag, sumang-ayon ako...


                         O de kagabi nga ang natakdang araw ng pag-aaliw. After duty umuwi muna ko para gumayak. Usapang marangal mga 7pm magkikita para sabay sabay magdinner para maraming enerhiya. Dahil i'm punctual, i'm about 1hour late sa venue...maski..Aba! Hindi madaling pagandahin si Rosalka no. Tinodo blower ko pa ang buhok ko na mukang permanenteng helmet... Partey time!Syempre gayak ako ng medyo in between conservative and malandi.Medyo nahawa kay Greta at nilitaw ang pata na muka lang midget version.wapak!hahaha! Hinubad ko na sa bahay ang aking pagkamanang at saka inilabas ang aking inner kabakalaan...Kire time!Nasabi ko nalang, tonight mamimick up ako ng papa...hahahaha!


                        Pagdating sa tagpuan pansamantalang nalumbay ang ungaz. Akalain mong ako lang ang walang nakaladkad na date.Shet!OP... Pero agad sumigla ng maisip kong "at least ako walang bantay...Eat all you can alone mamaya!solo ang buffet.hahahaha"...Maya maya tumulak na ang grupo sa partey place. Pagdating sa naturang pook aliwan bar, agad kaming humagilap ng hot spot...But no luck,reserved ang magagandang pwesto.Saklap! Ang ending namin, napwesto kami sa medyo may kadiliman na sulok na lalo pang nakakadismaya dahil sa dami na senior citizen. Deym! Senior Citizen's area ba to?! Pag-upo, order na ng drinks and some pulutan para pampainit. Sa dami ng kalalakihan,hyper at malikot ang mata ko. Namamalengke na ko ng karne sa palengke.Nakakahighblood ang mga itsura...It's raining men!Hallelujah!!!!woohoo....hahahaha!Syempre maya maya tumirada ng na dance song ang singer na i swear mukang twin brother ni jovit na talaga namang mapapakibot ka... Maya maya may tatlong mala Rayver Cruz na todo bigay na humahataw sa dance floor.Whatta view!ayos.Napagdesisyunan ng manyak na ungaz na jumoin sana sa masayang grupo sa dance floor. Papatayo na ko ng...Wait!Parang may mali. Malansa ang simoy ng hangin.OMG!Ang tatlong gwapito e mga impaktitang baklita! Shet.Ginigilingan ang isa't isa na maypagka rated X...Bigla akong kinilabutan at napaupo nalang ulit.Nakakadismaya....


                               Agad ko din namang nakalimutan ang nasaksihang kalaswaan...Idinaan ko nalang sa kain. Marami pa namang choices kaya....NEXT PLEASE! Sa kabila ng kadiliman ng scene may nahagilap nanaman ang mata ko. Yes!This is it.Jackpot kay kuya.Ilang beses na dumadaan si kuya puro side view at likod lang ang nakita ko (oo kahit likod lang ang nakita ko alam kong gwapo.hahaha!). Nang sa wakas humarap nakumpirmang pamatid uhaw ang itsura ni kuya biglang naging alert ang aking reproductive system senses! Pagdating ni kuya sa kanilang table(natatanaw ko,under surveillance) para akong sinabugan ng bomba!Nasaksihan ng bongga ang pagsipsip na parang bulalo ni kuya sa labi katable na LALAKI....wwwwwwwaaaaahhhhh!!!Nakaka-Acid Reflux!!!!Nakaka-HYPER EMESIS GRAVIDARUM!!Gay bar ba to? Ladies(gay's) night ba??????!!!!!Shet!Nagkalat ang mga sisters.....Nakakasuyang gabi to.Yon nalang nasabi ko....Looks can be deceiving talaga!!!!Nawala na lahat ng hope and energy ko...Naman o!


                             Masaya naman ang gabi kabonding ang aking duty mates kahit ang buong atensyon ko ata e nasa pagkire.At sa palagay ko natrauma din ata ko ng gabing yon....Hindi na ata ko uulit!Gumastos pa ko para lang masuya.Pag-uwi, agad isinuot ko ulit ang aking pagkamanang at nagdesisyong hindi ko na huhubarin ever!Binangungot ako ng bahagya sa aking pagtulog.


                            Moral lesson....Hindi lahat ng gwapo lalaki.hahahahaha!
                                                                                          
                                                                                      Psychotically yours,
                                                                                      Ungaz