Farewell

                 Paalam na...Tinagalog ko lang ang farewell! Sa mga panahong ito suicidal ako(weh?!) at ninamnam ko na ang bawat sandaling nalalabi sa pagtira sa aming PEACEFUL loving apartment....Oras na para bumalik muli sa kagubatan sa piling ng mga ikik.


                 Next week lipatan mode na...nasestress na nga ako sa mga pangyayari sa charity work ko stressed pa sa paglilipat bahay. Ibabalik na namin si ina sa piling ng kanyang loving sisters. Sama sama na kaming mamumuhay sa "SINGLE LADIES' HOUSE" sa gitna ng kagubatan with my 3 lovely single titas!!!Pakshet!...Oo kagubatan!As in hindi kayang abutin ng putek na smartbro kaya napilitang kumabit sa Globe. At ang pag-iinstall e aabutin pa ng ilang taon ang paghihintay. Kaya naman tigil blogging muna.Hahiatus ako kahit wala kayong pakialam!Impernez sa tagal kong magpost hindi niyo mamamlayang naghiatus ako.Parang normal lang din...Wapak! 


                 Well anyway balik barrio na nga kami ni Greta ala Paris Hilton and Nichole Richie sa "the simple life" (kunyari alam niyo!)...Syempre mamimiss ko ng todo ang madaling pamumuhay sa citey!(slang e!).Dito sa citey paglabas ng pinto ready kabod ang taxi(tricycle) at ilang kansot lang nasa patutunguhan ka na.Sa beryo(barrio) nasa muka mo na ang lahat ng alikabok sa kalsada(Instant face powder!) wala paring dadaang jeep.pathetic! Sa citey pag biglaan kang tumembwang madadala ka kagad sa hospital at asahan mong lalabas ka ng buhay. Sa beryo isusugod ka sa hospital but sadly sa layo ng hospital kinuha ka na ni kamatayan on the way...Sa Funeraria ang diretso!ampness! Sa citey ang tanging ingay na maririnig mo ay ang mga sasakyan na nagdadaanan at nagbabanggaan sa kalsada. Sa beryo maririnig ang huni ng mga kuliglig sa gabi ng katahimikan at mapapa "horror movie ba to?!Anong oras lalabas ang multo?!"ka...Buti nalang no commercial break ang bibig ng mga tiyahin kong ikik kaya mababawasan ang takot ko, sasakit nga lang ang ulo ko!!!WWWWaaaahhhh!!!!Magiging suki na ko ng BIOGESIC!!!Sa citey hindi uso ang paranormal shits! Ang puno dito ihian lang ng lasing unlike sa beryo tirahan ng engkanto. Sa citey puro buildings at walang gubat. Sa beryo puro puno...feeling mo para kang si Tarzan (hindi Tarzan X) na pwde magpabitin bitin sa mga baging!Impernes tipid sa transpo...Sa citey ang gimikan ay bars na may sayawan at mga sosyalen at feeling sosyal ang pumupunta. Sa beryo ang tanging gimikan ay beerhouse at para lang yon sa mga nagchichill na farmers. At ang mga pangtable na babae epektib na pampurga itsura.LORD!!


                 Hindi ko maiwasang pagkumparahin...Sorry naman!Marami pa pero natatamad na ko....Ayawan na!




                 O citey i'll miss you so much...Hindi halatang ayoko umalis sa piling mo....Puro ako panlalait sa farmville. Goodbye easy breezy (cover girl?)life,goodbye sleepovers,goodbye freedom..Hello Pakshet!hahahaha!!!Goodluck naman sa aming life changing move. OA masyado! O well,paalam na....Hanggang dito nalang.Hanggang sa muling pagkabuhay.Mamimiss ko kayo.Hahaha!Lande!Labya!

Mommy V Strikes Again

                 Itong si ermatz bumirada nanaman...Kanina hati kami ng gawain. Ako ang maglalaba at siya naman ang magpeprepare ng lunch.Call!May washing machine naman..chicken lang!


                 Habang ako'y busy sa paglalaba itong si ina biglang tumatawa mag-isa habang nagluluto!!!!Nagtaka ako, alam kong walang ibang tao kundi kami lang dalawa at nakaoff ang tv...Napapano kaya yon?


                  Ako: hoy mommy!Napapano ka ba?Tumatawa ka pa!
                  Mommy V: E ganon talaga para hindi mapait tong ampalaya...hehehe
                  Ako: ANO?!Gumaganon?
                 
                 E yun naman pala ang sikreto sa ginisang ampalaya niya..Impernes para sa picky eater like me(bata?!) masarap siya....Shunalo!!!!


                 Maya maya pagdating ng greta nag-aya magmalling...Bonding ang mga hitad. Pagdating sa mall habang palisaw lisaw....Biglang napansin ni mommy V na may hanging nail siya.Humanap daw kami ng tindang nail cutter.Ayaw paabutin sa bahay.Atat!Di makatiis...Punta naman kami sa department store at naghanap ng nailcutter. Maya maya pumili kunyari ng nail cutter...Ang siste hindi pala niya bibilin.Makikigupit lang!WTF!!!!Habang abala ang saleslady nilabas ni mommy V sa lalagyan ang nail cutter at CLICK CLICK CLICK!!!Eskandalosa ang nail cutter!!!Narinig ni saleslady at biglang lumapit...Shet panic!Pinagmamadali ko si mommy V na tapusin na ang krimen.Tong si mommy V palibhasa guilty mabilis iisip ng palusot. "Aba siyempre dapat bago ko bilin yan tinetesting muna!E kung mapurol!" Malakas talaga pagkakasabi para marinig ng saleslady. Sabay tingin kunyari sa mga tiyane naman(palusot!)...SUSME!!!Nang mabore ata "Tara na nga don sa Maybelline makatingin ng blush on!"...Oha!Ibang klase didiskarte...Magaling na huwaran!hahahaha!!!!


                 Konting pagsama sama ko pa siguro kay mommy V hindi malayong magpasko kami sa kulungan!!!hahahaha!!!!Ciao!Labya

Please Don't Leave Me

                   Pagdating sa cellphone, sadyang hindi ako maingat. Kundi ko maiwala nasisira ko...Anak ng!


                  Naalala ko bigla ang aking unang pempong(cellphone)...Isang nokia 3210. Bagong labas pa at may kamahalan pa nung mauto ko si ina para bumili ng mobile phone. Hati pa kami ni Greta non kasi pareho kaming bata pa..Ang problema wala naman kami makatext at sa aming mga circle of friends and kafamily kami palang ang may pempong. Parang tanga lang!Masabi lang na may cellphone...ssheeessshhh!!Pagdaan pa ng mga taon unti unting naglitawan ang mga bagong models ng nokia at iba't ibang mobile company. Tigisa na din kami ng pempong ng mayabang na Greta(3210 ako sya 3310!WTF!Daig pa ko!). Dala narin ng kalumaan e bumigay ang impaktong 3210.YES! Pagkakataon ko nang bumili ng bago...


                  Nakabili ako ng bagong phone isang Nokia 30..uhhmm..anong model na nga yon?Shet di ko maalala!Anyway, ang tanging dahilan kaya ko siya type e sumasabay sa beat ng tone ang ilaw.wapak! Pero di nagtagal sa piling ko ang nasabing pempong...Kinuha siya sakin ng dressing room!Oo dressing room!Naiwan ko ampota sa isang dressing room sa mall, dahil nastress ako kay ermats kakapilit sakin magsukat ng masakit sa matang pulang gown pang JS na mukang pamball room!Sino si maiistress don?!E di naiwan ko ang potang phone!Impernez iniyakan ko yon na parang namatayan.Kahiya lang.


                  Dahil panahon ng timawa sa textmate, i can't live without a phone.Paano na syempre ang pagkembang? kaya pabili ng bago kay ina.Kaya lahat ng klaseng panguuto ginawa ko. Inall in one ko na lahat ng okasyon sa buhay ko na may regalo para sa hayop na cellphone...Nang mairita na si ina ako'y pinagbigyan.Isang nokia 3510i...Aha!with an i...Colored na at polytone.Sosyal...Hindi pa uso yon non.Matapos ang ilang buwan(not so long)...Nawala din siya.Nalaglag sa tricycle at di ko na muling nasilayan kahit kelan!WALANGHIYAAAAAA!!!!


                  Ipinahinga ko muna kapal ng muka kong magpabili..Baka mapatay na ko ni ina. Kaya naman tiis tiisan ang drama na nakikisaksak ng sim kay Greta.Purita!Nagkaroon pa ng bagong pamblackmail ang impakta "sige!Di kita pasasaksakin ng sim sa cellphone ko!" Langya!Api...


                  Hindi na ko makatiis nangulit muli....Napagbigyan naman. Magaling manguto e!(sinamahan ko ng "magpapakamatay ako!") Nokia 3660...Woohooo!!!Lumevel up. May camera na...at umiinfrared at blutooth! Kahit di ko pa alam ano silbi ng mga yon basta alam kong hitech siya!But but but....Tulad ng iba. Iniwan niya din ako!Nawala din!Hayop!At ang masaklap hindi ko alam ano sanhi ng pagkawala niya. Kung ninakaw ng klepto kong friend(kahit ninanakawan na ko friend ko parin.pathetic!) o nailaglag ko nanaman sa tricycle. Masyado kasi akong abala sa pagmamadali umuwi dahil....never mind!


                  Kawawa mode nanaman.Nasusundan niyo pa ba ilan naiwala ko? Anyway, dahil malapit na akong magdebut(18 hindi 21!)Itong si titong Stateside nangakong magigift ng ipod mini(yon pa uso non) pero dahil nawala nga ang impaktong phone, binigyan nalang ako ng pambuy ng nokia 6230. Syempre umusok ang ilong ng anak niya sa selos.Maski!Nagtagal naman ang relasyon namin(lumagpas ng isang taon)...Pero namatay din siya!Nasira.Dala narin ng katandaan.Hay!Naaalala ko pa ang aming pinagsamahan(shota?!)...Yung cellphone tinutukoy ko a...Baka slow kayo.hahaha!


                  At dahil isang good girl si Ungaz at matataas ang grades sa school, nirewardan ako ni emratz ng isang sony ericsson w810i. Peborit ko yung phone na yon...Walang kasing tibay! Ilang beses ko nang nabagsak at pinalipad alive na alive parin. Pero mukang sawa na siya sa pambubugbog ko nagsuicide si bitch! Hindi nalang bumukas unabis...Di man lang nagpaalam!hmp!E di goodbye!!!!


                 At lastly...My current phone. Isang SE C902 James Bond Edition.Walang kaespesyal espesyal kumpara sa ordinaryong SE C902.Masabi lang na James Bond Edition...Ang huling pempong na ibinigay ni ina. Yon ang kapalit ng paghihirap ko sa pagaaral at pagpasa ng malaimpaktong board exam....Matagal tagal na kaming nagsasama ngayon. At hindi ko na kakayanin kung iiwan niya ko.Madrama? Kaya naman sobrang iniingatan ko(kahit wala sa itsura)....Pero anak ng putakte!Mentras iniingatan ko lalo namang nawawasak unti unti.Panay ang lipad at pagbagsak!Akala ata makakalipad siya!Andyang natutuklap pa ang keyboard. Puro gasgas pa (parang 10yrs na sa piling ko)....Pero kanina ang ultimate shit niya!!!Naligo ang pempong ko ng isang baldeng tubig!wwaaaaaahhhh!!!!Panic si Ungaz! Shet!Agad kong tinuyo at chinek up...Ayaw pumindot ng 2 at 3.Shet!Dryer!Dinryer ko siya at sinabayan ng sandamakmak na "LORD!LORD!LORD!!!!" Boom!Narevive ang aking dear pempong!!!Hay!Salamat...at eto lang ang nasabi ni ina sa balisang Ungaz


         "Bakit kasi dinadala mo pa telepono mo sa banyo?!Ungas ka talaga!"


               Che!Busy ako wag kang magulo..Nagpapanic na nga!!!Anyway,okay naman siya ngayon...Nawa hindi niya ko iwan.Magtagal pa sana kami(BF?!)!Parang awa mo na wag mo ko iwan leche ka!!!!!!!!!!!!


         P.S Kung sino man po ang may mabuting loob ay wag magatubiling magdonate sa inyong lingkod ng isang BRAND NEW SONY ERICSSON XPERIA X10....Salamat!!!!Labya!

Ikana mo dito

                October pa lang binubuliglig na kami ng hawt young energetic chief nurse(BOOM!!!Shet!Kumulog!) namin na magkabit na ng mga xmas decor sa unit...Atat si tyang! Umiskip na sa pasko, hindi na pinadaan ang undas. Sayang ang eport naming hindi mag-agiw sa paligid para naman halloween na halloween ang dating!pfft!!!


                Dahil sandamukal kaming tamad, hindi kami tuminag at hindi nageffort magdecorate ng unit. Biglang naging Iglesia ni Cristo ang lahat (wala silang pasko)....Nalalapit na pasko,at tanging kami nalang ang walang diwa ng pasko.Walang kadekodekorasyon!Linsyak!Muka kaming yagit...Kailangan nang kumilos...Kanya kanya nang isip paano magdedecorate(at saan kukuha ng pandecorate ang mga dukha).Masabi lang na nakikiisa sa diwa ng pasko. Hanggang sa tamaan ng matinding bright idea si Ungaz!


                           "Pizza Hut ang sagot sa problema natin!!!!"


                Hindi pagkain ng pizza ang tinutukoy ko(bigla akong ginutom)...Ginaya namin ang gimik ng pizza hut pag araw ng mga malalanding puso....Ang pagdidikit ng mga cheesy shits sa window nila na nakasulat sa mga pulang cartolina na hugis puso mula sa mga patay gutom na customers.hahaha! Pero this time xmas wishes ang greetings naman ang ipapaskil namin sa pinto. At ang mga wishes and greetings e isusulat sa bilog na makukulay na cartolina.Operation: Ikana mo dito ang wishes and greetings mo...


                Kamakailan lang naumpisahan ang damohong proyekto! Buwis buhay at nakakapagod na tunay!Nang mayari na ang improvised "wall" para sa mga xmas wishes ang greetings ng kahit sinong gusto magdikit, syempre pinangunahan na naming magdikit ng mga wish namin....Eto ang ilan


                Head Nurse: Sana manalo ako sa super mega grand lotto (super na mega pa!Di nya lahatin!Gahaman!hahaha!)
                Ako: Dear Santa, Wag po sana matupad ang wish ni Head Nurse! Ako nalang panalunin mo...(O diba..Ibang klase magwiwish!kontra bulate)
                LG: Sana po may xmas bonus.Happy birthday papa Jesus, i love you po!!!(kulang nalang dagdagan ng "bless mommy,bless daddy"..Nagdadasal?)
               
                 ....at marami pang iba. Kinabukasan pagpasok namin!Laking gulat nang may ilang pang nagdikit ng kanikanilang mga wish at pagbati (kahit wala naman kaming gagawin para matupad ang wish nila)mula sa mga hindi kilalang nilalang...Ang ganda!Dumami ang nakadikit.Halos pare pareho lang naman ang mga wish nila. Puro materyal na bagay.... Bahay, lupa, kotse, umabroad,tumama sa lotto(may kahati pa ko sa panalo!)...Pero ang pinakamt=atapang ang hiyang wish ay..."Sana makapangasawa ako ng magandang babae!" Gusto ko hanapin si kuyang nagwish. Napakachoosy!Kailangan talaga maganda?Ambitious!hahaha!!!Meron pang kumana ng "wag mo muna ko sana kukunin Lord!"...Kaloka!Parang mental hospital ata napasukan ko...Maya maya, nagawi ang paningin sa last wish na nasa dulo ng board...."I wish for contentment in life, good health and happiness..." Simple lang pero may sense....Kanya na pinaka may sense so far. Nahiya naman ako sa wish niya. Puro kababawan lang yung samin.hahaha!!!


                Ang tao talaga pag humiling laging materyal na bagay ang inuuna..Lahat ng kababawan.Kaya naman binago ko ang wish ko...


              "Dear Santa, I wish you'd keep me and my love ones safe always, and give us all good health...Lastly, give me a very loooooooooonnnnnnnnnnggggggggg patience para hindi ko po mapatay ang mga nasa paligid ko.tenchu! Merry Xmas!!!"


               Kayo,ano xmas wish niyo.....???Labya!






           

Mother's Bloopers

                      Aminado kong paminsan minsan may pagkatopak ako at mahirap unawain minsan...Minsan lang naman. Naisip ko, saan ko kaya nakuha ang aking amazing unique traits?Lingon sa kaliwa....ding!ding!ding!ding!!!!!SAYO AKO NAGMANA MOMMY!!!!Yes...Kay Mother V (hindi vagina)ko namana ang toyo....


                     Tong si ina paminsan minsan ibang klase babanat. Tipong mapapatawa ka hanggang umakyat na matres ko sa lalamunan.Tulad kanina.... Habang ako e abala sa pagkakalkal sa internet at abalang iniisa isa ang mga nasa blog roll ko...


                     INA:        May bago ka bang blog?
                     AKO:       Ha?Ala...masipag magblog?
                     INA:        Si (insert real name) si (insert blogger name?) 
                     AKO:       (absent minded) Oo...siya nga yon
                     INA:        Tapos yung (blogger name) yung tttooootttt, tapos yung tttooottt ang tttooootttt....
                     AKO:       BUMOBLOG HOP KA MOMMY????!!!!!!


                     Anak ng!May pagkatechy si ina at hindi papahuli...Pero hindi ko akalaing bumblog hop siya...blog hop!!!Hindi na siya nakuntetong pumeysbook lang!woah!!!


                     Pamaya maya naasiman sa amoy niya, naisipang maligo... 
                     INA:      (Sa loob ng banyo) wwwaaaahhh...say twalangaing myulawtere sa bahig.....!!!(nagtititili sa banyo!!!tulilig tenga mode!)
                     AKO:     (kay Greta) ano daw?
                     GRETA:  Panty daw ata.
                     INA:      may dalawang bjgbnaonfpa sa sahig!!!!
                     AKO:     ANO???!!!
                     INA:     (binuksan ang pinto!) may dalawang bulate sa sahig!Tanggalin mo nga!!!Nakakadiri!!! 
                     AKO:    AYOKO!!!SI GRETA NALANG!(sabay lingon sa banyo)
                     AKO:    WHAHAHAHAHAHAHA!!!!ANO BA YAN.GRETA TIGNAN MO NANAY MO!!!OMG!
                     (Si ina nakatapi lang ng twalya!Pagtalikod....charan!!!Never mind!!!!)
                     GRETA: Tssss!!!Ano ba yan!Kadiri (Si ermats tinutukoy niya)
       
                     Masama man ang loob ng Greta dinampot parin ang dalawang walang muwang na patay na bulate sa banyo para matahimik na ang lahat (si ina lang actually)....Nang masigurong wala na ang mga slimy thingy tuloy na ang ligo ni ina, with matching singing pa(Kung may volume lang imu mute ko,sintunado e!!)...Iba talaga si ina!!!


                     Hay mother!!Nakakakabag ka talaga...Oh well.Ako lang natawa dito.hahahahahaha!!!!Maski!!!!Labya!

World Peace

                     Lalaban nanaman si Pacman bukas....Syempre excited nanaman ang buong mundo. Lahat inaabangan ang pakikipagbasagan ng muka ni Pacman(kahit umpisa palang o kahit walang laban muka nang basag muka ni pacman.ahahaha!!!) sa kalabang poreynjer. Inaabangan kung paano lampasuhin ni Pacman ang kalaban with his fast effin moves and heavy punches...Parang laging galit sa mas gwapo sa kanya kung makabira kaya laging nananalo....Pero ano nga ba ang mga benepisyo natin mula sa laban o pagkapanalo ni Pacman?

                  Let me enumerate some....

  1.  Mabango nanaman ang pangalan ng Pilipinas sa buong mundo- Puro puri nanaman ang matatanggap natin mula sa mga banyaga. "blah blah blah boom tarat tarat futaness imbaness FILIPINOS". Ang galing daw ng mga pinoy....
  2. Nauuso ang pagiging charitable- Sa mga mayayaman at politicians to. Mahirap hingan ng salapi pag nagpapakain ng sandamukal na mahihirap pero pag laban ni Pacman todo bigay ng pondo para sa libreng LIVE panooran.Damoho!!!!
  3. Kumikitang kabuhayan- Ang laban ni Pacman ay nagbubukas ng maraming opurtunidad para kumita ng salapi ang mga mukang pera.hahaha!!!Nauuso ang souvenir thingys (kabakya lang), kumkita ng bongga ang mga sinehan (kahit puro surot bast pacquiao dadayuhin), at sympre hindi mawawala ang pustahan!!!Kaya pag pumusta ka samahan mo ng maraming dasal...
  4. Dumarami nagdadasal- Ayun dasal!!Dumarami ang nagbabalik loob kay bro at panumandaling nagiging mabait pag labanan na...At ang dasal "BRO...Panalunin mo si Pacman. Nakapusta po ang isang buwang sweldo ko.Promise i'll be good.mwah!" o diba parang text lang...Bait!
  5. May bumubeauty- Yayaman nanaman si Pacquiao...Syempre may pamparetoke nanaman si Jinkee! Ano naman kaya ang ipagpipilitan niyang ipaBELO?hhmmmm...(manong si aling Dionisia ang iparetoke!Mauubos yaman nila.LOL)
  6.  At eto ang huli...WORLD PEACE!!!!Eto pinakaastig sa lahat. Panandaliang world peace. Lahat magkakaibigan...Lahat ng pinoy nagkakaisa.Pero ito ang da best...Tahimik ang kalsada, Madalang ang daan ng mga sasakyan. lahat nakatutok sa laban. Tigil pasada ang lahat(Pahirapan sumakay)... So peaceful!Pwede kang humilata sa gitna ng highway..imba! Tumitigil din ang mundo ng mga kriminal..."Pare mamaya na natin holdupin yung bangko tapusin muna natin yung laban ni Pacman..." Very nice.
       O diba...bongga si Pacman!!!World peace ang drama. Araw araw sana laban niya.hahaha!!! Pero eto ang masklap...Pag panalo si Pacman
            "Yehey!!!Panalo tayo....Panalo ang Pilipinas." Lahat talaga tayo? Lahat tayo nakisuntok?

       Pag talo si Pacman
            "Tsk tsk tsk...Sayang!Talo si Pacman.hay!" Mag-isa na lang siya?Iniwan sa ere?


        
       Hahahahaha!!!Good luck Manny sa laban mo...Galingan mo!Nakapusta ko sayo loko ka!!!!Baon ko yon!!!
        

Yun Pala Yon

                         Dahil nainggit ako sa paboblog ni Yow gumawa din ako ng blog ko...Dahil tambay ako non at malapit na maturat sa kaka kausap sa pader, naghanap ako ng pwede kong labasan (vent) ng kung ano anong naiisip at nadarama.EMOde ako non....Kaya naman agad kong inumpisahang gumawa ng account.

                Pero nagstruggle ako sa pagiisip ng "screen name"(artista ba?!)...May pagkawalanghiya talaga ko at paminsan minsan prangka at taklesa na wala sa lugar. Pintasera kahit di naman maganda!Grabe...Kaya naman mas pinili kong magpaka anonymous kunyari para ano man masabi ko sa blog ko tungkol sa kahit sino(wala akong pinipili barubalin) keri lang at di nila ko mabubuking....Kung ano anong naiisip kong pangalan. 


                Ilan sa mga pinagpilian ko ay ang Bogart(nakakapika ang tunog sa tenga at panlalaki), 2ngaw (corny!duh..), Sutil (kirempang ang dating at parang pangkama.Parang porno!), Sungit (swak sa pagkatao! pero ayoko), Bugnot (Super swak sa pagkatao ko.Ayoko parin!), Donya (di naman ako mayaman..alam ko na DONYANG DUKHA.pero no..)...Hanggang sa biglang may maalala...."Hindi ka kasi nakikinig sakin. Mas pinakinggan mo pa kibot ng mani mo!Ungas ka talaga".Mga katagang namutawi sa labi ng aking super sweet na ina(Nadiabetes tuloy sa sobrang tamis) ng minsang pinairal ko nanaman ang tigas ng aking ulo.Pinalitan ko nalang ng "Z" ung "S" para maiba at kunyari asstig (ang laki ng difference grabe!!!). Ayan may pangalan na ko sa mundo ng blogsoperyo. Bumlog blog na ko....At nagpakilalang UNGAZ!


                After how many years, naisip ko....Tang Mangga!Degrading ata pangalan ko a...Too late para magpalit. Naitira ko na e....Panindigan nalang.hahaha!!!May idea na ko sa ibig sabihin ng "Ungas". Sa dalas ba naman maibato sakin ni ermatz yan na may kaakibat na hindi magandang sitwasyon at pangyayari hindi ko pa ba magegets? Kaya naman naisip kong iresearch ang naturang salita...Masiguro lang...Joogle time(oo..mas cute sambitin pag JOOGLE.try mo!). Eto ang resulta(mula sa http://www.urbandictionary.com...)










                O diba? Sirang sira ang pagkatao.hahahaha!!! Ala na ko magagawa. Yan na napili ko at nakatatak na yan sa noo ko....Till death do us part. Putek! Paanonymous anonymous pa kasi hinayupak..Napala!!!Diyan na ko nakilala ng mga naguumapaw sa daming fans and readers (mabibilang mo sa daliri)... Sa ngayon hindi naman na ko anonymous gano.hahaha!! Gayon pa man masaya na ko. Ano pa mang pangalan ang gamitin ko.Basta nakakapagblog ako.... Nagkaroon ako ng bagong mga friends sa pagboblog.ayee! Natuklasan kong hindi talaga ko pwedeng maging writer(pang essay lang talaga ko.sablay pa nga.hahaha!). At masaya akong gumagana pa pala ang slightly used kong utak(kaya mahal ang aking utak pag binenta)... 


               Para sa mga nakakaalam ng tunay at buong pangalan ko...FOREVER HOLD YOUR PEACE!!!Ano daw?Malalaglag o matutunaw ang bayag ng magsasabi(panlalaki)...Tutubuan ng penis sa pisngi ang magsabi(pambabae). Walang laglagan kung ayaw niyong masaktan....Tenchu!!!!Labya'll


                                                                             


                     
                           

Ang Bigat

                 Usapang dibdib nanaman....Sasabihin niyo nanaman bitter ako...hahaha!!


                 Suso! Joga! Boobs! Dibdib!Hinaharap! Ano pa man tawag mo diyan.... Parte ng katawan ng babae. Biyaya ng Diyos sa babae (at ikasisiya ng lalaki) regardless of the appearance and size! Size...Cup size! Diyan na nagkakatalo talo. Hindi lahat binyayaan ng masaganang hinaharap.Sawi...Tulad ko!hahaha...Meron namang mga anak ng Diyos at biniyayaan ng perfect perky pair of boobies.Lahat hinimod! Naguumapaw sa cleavage....


                 Tama na sa paningin ko yun sakto lang. Sakto..Yung nasa tamang posiyon. Hindi umaabot sa tiyan at hindi sumosobra sa gilid. Yung nakatayo at hindi pwedeng isabit sa balikat. Sakto sa palad pag dinakma. Ano daw?hahaha!!! Nagkakaintindihan na tayo kaya enough.


                 Pero isang video ang sumira ng gabi ko....Bagong video na kumakalat sa facebook. Eto naman grabe na...IMBA!!!! Wala nang tatalo sa suso ni ate. Malaki na nakakapitpit pa ng lata. Di pa nasiyahan pinambali pa ng baseball bat ang hinayupak. Pero mayabang talaga. Pinagwasak pa ng pakwan! Maso ba hayop na suso? Pansumandaling nawala ako sa ulirat sa mga pangyayari at di ko kinaya..Di pa nakuntento pinalamas pa sa judges at pinabuhat. Mapatunayan lang na genuine ang joga at hebigats talaga....Para naman makarelate kayo...eto na!


          http://www.facebook.com/video/video.php?v=1444295022791


                     "Thank you po Lord hindi ganon yung akin...hahahaha!!!"

                        





Taena!Walang title!!!

                 Ang pananamit...bow!Mahalaga ang pananamit sa tao. Ang purpose ay maging panangga sa lamig o init, maging kaiga igaya at mukang presentable sa paningin ng iba o pasimplehin natin, para takpan ang mga parteng hindi dapat makita ng buong mundo!!!!

                 Ang pananamit dapat akma....Akma sa lugar o okasyon o sa katawan(tama ang size)...Kung payat e di small.kung mataba e di large...wag ipagpilitan sa mali. Pero minsan sadyang may mga babaeng sablay mananamit at mabubuwisit ka talaga....Di man lang iakma sa katawan o itsura.At dahil apektado talaga ko isheshae ko sa inyo....Eto ang ilan.


1.Tube top- Patube top tube top pa e wala naman makakapitan. Isuot man ng gifted sa suso ganon din. Mababa lang ng bahagya hila ng hila pataas. Ayaw pala masilipan nagsusuot naman ng tube!Kirempang. Di mo itape o iglue gun sa balat ng di ka haltak ng haltak!!!GInusto mo yan paningdigan mo...


2. Mini skirt...Partner ng tube. Susuot suot ng maikli ayaw naman palang makita mani haltak ng haltak pababa.Di kasi mahaba haba isuot.duh!!!PAg kinombohan ng tube dala dalawa pa hinihila.one down, one up.langya!!!


3. Skinny jeans(yung suuupppeerrr sikip). Masabi lang na mukang payat kahit putok na putok ang itsura na napupush na lahat ng laman at taba pataas.Ang resulta? Bukol bukol ang tiyan at puson.Suya!!!!


4. Bra Strap o bra- Ipasilip sa tube top?sagwa! Ipasilip sa spaghetti strap?sagwa! Ipakita pag nakabackless? Sagwa!!! Hindi dapat nakikita strap ng bra mo sa kahit anong damit!ampanget kaya!!chipangga!Kombo siya pa pag bacon na garter nung strap.nak ng teteng!Wag ka nalang sana magbra!


5. Pekpek shorts- Oh yes! Pekpek o puke shorts. Mga short na kita na ngi-ngi ng mani.. Magsusuot pala ng ganon ang binti naman e alkansya pala. sarap tuloy magpabarya!


6. Fit top- Uber fit!Kala mo body builder. Parang naubusan ng size para sa kanya kaya kahit maliit pinagpipilitan. Kahit na masikip at medyo bitin at nakikita ang mga kamot sa tiyan. Masabi lang na may kurba kahit puro kurba!


7. Eto na last...for now...ang...LOW WAIST JEANS- Oo na sexy tignan. Pero naman!Matuwad ka lang ng konti, nakita na ang hati sa dagat ni moses.Sa sobrang low, kita na hiwa ng pwet...Anong kaligayahan naman kaya ang dulot non sa puso nila?susme!!! Perwisyo pa sa mga kumakain. Pampawala ng gana.tulad kanina...Pakshet!!!!


    At dahil alam naman niyong walanghiya ako at wala akong konsensya...Let me share with you "the view"....




             Wala namang masama sa pagsusuot ng mga saplot na nabanggit sa taas....Siguraduhin lang na kumportable sa suot at hindi mapapahiya o makakaperwisyo...sabi nga nila "nasa nagdadala lang yan...!"

             Muli ko nanamang inaksaya oras niyo...Kung binasa nyo to ng BUO (walang skip reading) e natats ang aking puuuu...so! Mahal niyo pala ko.weh! 


             O siya! Masuya kayo sa pwet ni ateng...Buset na kuyukut yan!!!