Ang mga beki (pechay tapos biglang beki.nobayan!), pangarap syempre bukod sa makahanap ng lalaking magmamahal sa kanila ng habambuhay e ang maging real
It's complicated
Ungaz | 6:06 AM | | 13 comments
Ang mga beki (pechay tapos biglang beki.nobayan!), pangarap syempre bukod sa makahanap ng lalaking magmamahal sa kanila ng habambuhay e ang maging real
Whatta Ride
Ungaz | 4:33 AM | | 11 comments
Mabait akong tao...Gandang panimula! Kahit tong keyboard umaalma, patalon talon letra sinabi ko lang na MABAIT AKO!!!! Bukod sa mabait ako, matiyaga akong kausap. Di ako mag-angat ng sariling bangko dito...Bago pa kayo masuya....LET ME EXPLAIN.hahahaha!!!
Di ako supladang tao. KIDLAT!KULOG!LINDOL!!! Oo na..Pero pag kinausap naman ako ng stranger at maayos ang approach e sasagutin ko naman siya ng maayos. Depende din sa mood ko... Matiyaga akong makinig sa kwento ng nangangailan ng kausap. Lalo na kung ikagagaan nila ng loob yon. Ke paulit ulit na problema sa lablayp ("nag-away kami ng syota ko...for the nth time"), o wala lang...("imbey talaga yon, may bago nanamang ginawang kabubuset"). Ako na mahilig maging human diary!
Kanina, matapos ang duty ko for the day (lagi nalang matapos ang duty pangyayari...hahahaha!Ako na walang buhay.), just like everyday, diretso kagad si Ungaz sa terminal at sumakay sa mga nakaparadang jeep na babiyahe patungo sa piling ni mommy V...Pagsampa ko sa jeep wala pang gaanong sakay. Iisang ale lang na walang bitbit (supot hir supot der bag ober da sayd bag pa on da lap...see!walang bitbit)...Pag-upo ko kinalabit ako ng isang paslit. "ate ate pengeng piso..." tinitigan ko lang ang paslit ng matagal. Lumayas din. Kala ata adik ako...hahahahaha!!! Iniisip ko kasi kamuka ni Greta yung bata. hahahaha! Sabay birada ni ateng kasakay ko "di mo dapat bigyan kasi bigyan mo isa madami na lalapit.." i know right...kuyog. E muka naman mabait ang ate e di nginitian ko na sabay "oo nga po". Kala ko yon na katapusan ng interaction namin. Hindi pala.....
After ng friendly advice ni ate, sumigada pa...itinuloy pa ang litanya. Deep inside "ate! you're a stranger!Don't talk to me!"joke...Nasabi ko nalang sa sarili ko "uy!close!sige tell me more" Nagpakanurse nanaman ako. At dahil hindi naman ako bastos pinakinggan ko lang siya. Hanggang sa tuluyan na ngang umalis ang biyahe. Akala ko pag bumiyahe na kami titikom na kipay bibig ni inang. Ayun nanaman ako sa akala ko! Sige parin si ate...Ginawa nang seminar ang pagsasalita. Para kong nasa convention na sapilitang inattendan!
Eto ang ILAN sa mga naisiwalat ni ateng sakin :
- Ang mga anak niya (isang nurse at isang doktor..asteeg)
- Nakapaglibot na sila sa asia (weh no ngayon?san san naman?!)
- Sa sipag at tiyaga (Manny Villar?Kaw ba yan?)nairaos nila ang pagaaral ng mga anak
- Isa palang butihing guro si ate...(hindi niyo po ko studyante wag niyo na po ko lecturan)
- Si Mayor tralala, e kamag-anak ni mang huever dat is at si manang na castillo e patay na (a ok po...sino po yon at how can you make the world a better place?)
In fairness kay ate nice naman siya at friendly siya sa strangers...Magilas ding guro at magulang at tao si ate. At pwede mo idolohin...hahahaha!Pramis. After non...Close na kami....Feeling ko next ime ililibre na talaga niya ko pamasahe.Hahahahaha!!!!