Aminado kong hindi ako kagandahan (ekshuweli hindi talaga maganda!) kaya naman madali akong masuya masora magsawa sa itsura ko! Matagal ko na sinukuan to kala niyo ba. Di ko na inasam na habulin ang ganda ni Kirstine Hermosa at baka kahit kalyo non hindi ko maabot.
Anyway dahil diyan, para medyo iwas busog umay pag wala magawa pinagtitripan ko nalang ang buhok ko. O ako ang pinagtitripan ng parlorista? Di na ko sure...Hahahaha!!! Maiba lang paminsan minsan kahit parang wala naman masyado pagbabago. Anu anong kalechehan nga ba pinagdaanan ko? Tunghayan!!!
1. The Lady....
Pag mahaba buhok walang palyang alam nang babae ka (in my case minsan hindi din)... Wala nang mas babae pa sa mahaba, makintab, at malambot na buhok. Ganito itsura ng buhok ko pag marami kong pambili ng shampoo o kinakatamaran kong pumunta ng pagupitan o gusto ko lang umuso sa losyang look (no offense sa mga babaeng mahahaba buhok.ako nilalait ko dito wag na umalma!LOL).
- Chumacharice ka ba?
- Bigo ka ba sa pag-ibig?
- kamuka mo na si vice ganda
- nasisira na ba ulo mo?