This is it!


Serious mode tayo ngayon.Kaninang umaga o

tanghali ano mang oras yon, ganap nang nanumpa sa
harap ng
napakaraming pinoy sina vice president Jejomar Binay
at President Benigno Aquino III....Isa nanamang
makasaysayang araw para sa ating mga pinoy.

Sa umpisa ng program parang concert lang.
Iba't ibang artista nagperform ng kanya kanyang kanta
nila.hahahaha! Malamang pakana ni Kris A un...
After ng panunumpa ni P-Noy
(president noynoy) kaagad niyang inumpisahan ang mala nobela
niyang speech.... Nakatutok kami ni pogi sa TV para mapakinggang
mabuti ang litanya ni PNoy. Pero syempre interesado kami sa mga
gown ng Aquino sisters na gawa ni Paul Cabral. Agaw eksena,
magaganda mga gown lalo na ang gown ni Kris A na kala mo pinaslang
ni Paul Cabral si Big Bird ng Sesame Street para gawing gown ni Kris.hahahaha!
Maganda ang speech ni PNoy...Nagkaroon ako ng pag asa.Parang feeling
ko isa kong batang nakahanap ng kakampi. Hari nawa ito na nga ang simula
ng pagbabago para sa ating mga pinoy....Panahon nang umahon tayo at
umasenso. Pero siyempre dapat tulong tulong tayo.Hindi pwedeng iaasa
lamang natin sa pangulo ang lahat. Nagiisa lang siya, at
kailangan niya ang tulong ng bawat mamayan. Wala namang masama
dahil para naman ito sa ikabubuti ng bawat mamamayang Pilipino....
Congratulations! PNoy and Binay...Mabuhay ang Pilipinas. Panahon na ng
pagbabago...:)

Meet the oldies


My golly! Dahil akala ng mga pinsan ko sikat na ang munting blog ko, nagrequest silang ma special feature dito. Akala ata dito sila madidiscover na mag-artista... woah! Asa..hahaha! Unahan pa kung sino papakilala ko.tsk tsk...Sige by age nalang!wala na kokontra.
Presenting cousin number 1...BOGA* (hindi tunay na pangalan). Kung bakit yan ang pangalan niya wag na niyo alamin.Baka bigla ako hagisan ng bomba non..DOCK!BOOM!!!!Si Boga ang nakatatanda sa aming lahat. Unang sumibol sa pamilya....Dahil siya matanda siya ang minsan nanay namin na ang level of maturity e minsan kalabel ng pinakabata.Walang pikunan!Di ako nangakong puro puri diba?hahahaha!Si boga tulad ni ermats isa sa mga bayaning OFW na nakikipagsapalaran at nagbubuwis ng buhay sa IRAQ (this information may be true or not..hahahaha!)....Dahil masyadong busy si Boga sa giyera libangan na niya magFB para maibsan ang lumbay. Lahat ng laro na sa FB na napaglipasan nating lahat ineenjoy niyang kasalukuyan dahil no choice siya.hahahaha! Nang mabagot sa FB at nalamang ngboblog ako ng kung ano ano lang gumaya....Nainggit si te!kagabi e kinalampag ang tahimik kong mundo para matuto magblog. Oras na daw ishare ang pagkaEMO niya sa mundo.Ayos na rin at least may paraan na kaming malaman kung suicidal na siya.hahahaha! Dahil medyo oldie na si boga (31, bastusan talaga!) medyo sablay sumunod sa instructions.PapaLBC na sana ko ng BLOGGING FOR DUMMIES kagabi...hahahahaha!Nang makalaunan, EUREKA!nakagawa din ng makapagdugong kipay na blog si Boga. English si ateng...Kaya medyo sumakit ulo ko!DEYM!Mahaba din ang title ng blog ni Boga kahirap tandaan may memory gap pa naman ako.hahahaha!Excited magblog si Boga Halos di makatulog.Nawala antok!Parang batang magbubukas ng regalo s pasko!hahaha!enjoy boga...Kung trip niyo magpadugo ng ilong go na sa qnc-curiositykilledthecat.blogspot.com!sabi sa inyo mahaba e....Bugok din talaga si Boga e.Pahihirapan ka pa..hahahaha!
Ang susunod nating pagtitripan ay si Bondoy*..woohoo!!!!Si Bondoy naman ang bunsong kapatid ni Boga. Isang dakila at kagalang gala na guro si Bondoy na sumasideline ng pagiging MALE STRIPPER sa gabi dahil sa tindi ng pangangailangan. Isa pang nainggit nagblog din si Bondoy. Halatang hindi na nating kahenerasyon at kung magbansag ng blog kala mo ka magbabasa ng ALAMAT!Tagalog na tagalog "Mga Obserbasyon"..hahahaha!Kahapon kinaray ko magstroll sa mall si Bondoy dahil nababagot ako at wala kong pera. Gumala gala lang kami at nagpagod kahpon sa mall. Dahil dukha nagpalibre pa ko ng miryenda sa KFC. Nang mapunta sa shoe store nakakita ko ng magandang pangduty na tsinepin...Naawa ata si Bondoy binilan ako.Ganon sana! Nilabas niya ang mga kinita niya mula sa gabi gabing paggiling sa tubo sa harap ng nagkakandarapang beki....Hindi naman ako nakonsensya.Aba siya nagoffer.Kukuha na sana ako ng size para sakin kaso inisnob ako ng malditang sales lady. Kung di pa lumapit sakin si Bondoy hindi lalapit ang mahaderang sales lady.Masyado kasing gwapo(this is the part kung san ilalabas ko lahat ng kinain ko) si Bondoy.Ayon nga,inasikaso lang ako ng sales lady dahil may pagkakataon siyang makausap si Bondoy.GGGRRRRR!!!!Kilabot ng beki at sales lady si insang Bondoy. Dahil kilabot ng beki si Bondoy tuwing magmomall kami may pwesto don ang mga beki na aabangan siya at kanya kanyang pout ng lips parang angelina jolie. Petot nga lang sila dahil iiwasan sila ni Bondoy, allergic ata sa kabaro.hahaha!Pagnakita ng mga beki na kasama ako o si POgi, kung nakamamatay lang ang tingin napatay na kami ni pogi...woah!behave sistas...sit!stay!

Yan ang mga old peep kong cousin na kahit minsan o madalas pa sa minsan kung balahurain ako e mahal na mahal ko....(please include me in your last will sa pamamanahan wag lang utang)....Hahahaha!Sa susunod i'll introduce you the others...Next feature siguro si Jinx at Uod.Oo lahat may bansag....Pamilya ata talaga ng mapangkutya!tsk tsk....

trabaho hindi lalaki...!!!!

Hapo ang inyong lingkod nitong mga huling araw...Kahapon pa ko umaatend ng birthday party ng anak ng mga kabarkada ko since highschool. Akalain mong hindi na basta birthday ng bawat isa sa barkada ang agenda kundi mga anak anak na nila.Pakirmadam ko tuloy ke tanda ko nang tunay.hahahaha!

Sa ngayon paramihan na sila ng anak. Pinakamarami na ang 2..Minsan hindi na ko makrelate sa usapan at pang magulang na topic "saan mo pinasok na school?" "anong gatas pinainom mo?" "dapat pinachek up mo kya dr. (insert best pedia for you here)"...Para lang akong timang na nakikinig sa kanila. PTA meeting ata naatendan ko!

Pag natahimik na ang mga magulang at wala na mapagdiskitahan, ibabaling nila ang buong atensyon nila syempre sa akin...woohoo!!Ako nanaman ang bida.Ang star of the night!Ang main attraction sa zoo.Dahil walang murirat nilang uusisain ang non existing kong love life....Kung akong me katawan hindi nagiintindi sila naman kala mo requirement sa buhay yon na pag wala kang bf hindi ka tatanggapin sa langit!Ang lovelife ko ang paboritong topic nila pag naubusan na talaga ng libangan.Para lang akong mani sa lamay na di nila tatantan....Bilang pangaasar pa at huli na ko sa palahian kukulitin pa ko kelan mgaanak..Anak ng tinapa!Wala na nga syota mag aanak pa.gagawa ako magisa?magic?!ay lokohan...Utang na loob.Sarili ko nga di ko mabuhay magdadagdag pa ko ng bubuhayin ni ermatz?hahahaha!no thanks....Malamang nagpapagraduate na ng college ang mga kaibigan ko, ako naman ngpapapasok palang ng nursery o nagbubuntis palang.whahahahaha!

Mahalaga sakin ang pera kesa lovelife...Oo diba sabi sa inyo mukha kong pera.Ipagpapalit ko si utol sa pera.whahahahaha!!!!!Sasabihin ng marami money can't buy happiness ako naman love can't buy me groceries...whahahahaha.....Marami kasing mahalagang bagay kesa sa lalaki.Mas uunahin ko na ang trabaho. Tutal hindi naman ako kayang busugin ng lambing at hindi ko pwede ipambili ng ang pagmamahal...hahahaha!Saka ko na poproblemahin mga yan.Uubra pa naman siguro matres ko kaya walang dapat ipagmadali.kaya steady lang kayo diyan.Hold your application forms...Update every now and then, at hintayin nalang ang tawag ko for interview.whahahahaha!

REMINDER: HINDI NAKAKAMATAY ANG PAGIGING SINGLE...MAS NAKAMAMATAY ANG WALANG PERA...LOL!!!!

Pamintas

Musmos palang ang inyong lingkod(malalim?) pinangangaralan na ko ng matindi ni mother dear..MOMMY:anak wag ka namimintas ng kapwa mo.masama yon ha?mabait yan diba? AKO: oooopppooooo(tono pataas tapos bababa then fade)...Pero dahil matigas ang ulo ko at dakilang ungas talaga hindi ko siya pinakinggan.


Ewan ko ba.Dakilang pintasera talaga ko.Kung bakit kasi hindi ko mapigil sarili ko..Nakalakhan ko na at hindi ko maalis.Lahat nalang may pintas.Hahahaha!Walang patawad.Kahit si pogi walang ligtas.Dahil bigatin si utol non lagi kong binabalahura timbang niya.Pahiya ako kasi ngayon sexy na ampota gumanda pang hamak sakin.Peste talaga mga kapatid.O anyway,ayon pintasera nga ako...Pero promise pinipigil ko.Aminado naman akong hindi magandang ugali yon...E kaso ano nga gagawin ko!Itatawa ko nalang kesa iutot ko yung thoughts ko...hahahahaha!Parang pringles.Once you pop you can't stop.Lumiligaya ako sa pamimintas....Damoho!Palibhasa nasa lahi narin diba mommy?hahaha!Hindi ako kagandahan pero wag ka nga!namimintas ka din..wag kayo magmalinis..kaya wag nyo ko husgahan.hahaha! Sa kasamaang palad nahawa na din ata mga kaibigan ko sakin...tsk tsk.Dahil sa impluwensiya ko nakagawian namin nung college na pag walang pera e tumabay sa mol para mambiktima....Uupo kami sa may food court kung saan madami dumadaang tao.Hihilera kami na animo judge sa contest at walang awang yuyurakan ang pagkatao ng inosenteng bata, matanda, babae, lalaki, beki, borboli, magsyota,pamilya,mag-ama, mag-ina at samut saring tao!Maghapon ganon lang.Pag nabitin kami sa huli kami kami na ang mgpipintasan...hahaha! Masaya na ko ganon lang..babaw talaga....

Tao nga naman.Kala mo perpekto.Lahat nalang may pintas at puna....Lahat may mali. Di maiwasan...tsk tsk!Bakit nga ba? Pero alamin din ang limitasyon.Mamimintas ka man sarilinin mo nalang tulad ko ng di ka nakakasakit ng damdamin....Walang bastusan.Kaw man pintasan ng harapan tignan ko lang kung di ka makamassacre ng di oras.hahahaha! Pero tama si ermats.Masama ang mamintas ng kapwa mo.Wala namang perperkto kundi si perpekto yasay!corny i know...but i know you know what i mean...Hindi lahat naaayon sa panlasa mo. Pero kung di mo talaga mapigil, try hard na wag nang ikalat pa ang hindi magandang naiisip. Kung wala kang magandang sasabihin then just zip it!

Sa mga taong napintasan, napipintasan, pipintasan, at patuloy na yuyurakan ko, (sa isip lamang) patawad...at maraming salamat dahil napapaligaya nyo ko at naiibsan ang mga problema ko.O di ba nakakatulong? Hanggang sa uultin kong pambabalahura...hahahahahaha!

Langgam


Bukod sa mga buset na clown isa sa mga kinaiiritahan ko talaga ang mga dakilang langgam....Ano ba importansya nila sa mundo?Tuwing makakasalamuha ko ang mga langgam hindi naman tuwa ang dinudulot nila sa damdamin ko...Parang bata na cute pag nakita mong may sinira hindi na cute sa paningin mo.Giyera na to!


Sino man ang nagsabi ng "masipag ang mga langgam" na proud na proud pa kala mong anak na nakakuha ng medal e dapat nang mamatay! Hindi masipag ang langgam..Well for me not in a good way. Masipag mamerwisyo oo.....Masipag?Sino ba nagpakahirap na bumili ng pagkain na unti unti nilang tinatangay?sweldo ba nila pinambili non?hindi ata.Yung damit na kinagat nila at unti unting ginawang see through kanila ba galing oambili?hindi din...In short asa lang din sa tao ang mga yan.Parasitiko!Tamad..tulad ko!hahahaha!!!!Magnanakaw yang mga langgam na yan.Hindi mapagkakatiwalaan...Titirahin ka patalikod. Malingat ka lang inunahan ka na sa pagkain mo at iiwan kang kumakalam ang sikmura.Dinaig ka pa ng mga hinayupak.Alagad ng dilim yan mga langgam na yan...Wala pang mga utang na loob.Nanakawan ka na sila pa galit at walang awa kang kakagatin.May attitude problem!tsk tsk...Kaya minsan pinapanalangin kong mamatay nalang silang lahat at tutal wala silang silbi sa buhay ko. Minsang nainis kami ni pogi tiniris naming parang kuto isa isa ang mga langgam..Ant massacre...woohoo!Nilalaglag pa namin sa mainit na tubig. Malamang pagnakita kami ni kuya kim atienza madidismaya siya samin. Pwe! Hindi ko naman pwede singilin mga langgam sa mga sinira nila diba? Mababalik pa ba pagkaing ninakaw nila na pinagkahirapan kong lutuin at pinagpaguran ng butihin kong ina?tsk tsk tsk...Kaya gantihan kami. Unahan kami magpatayan....Huwag itolerate ang attitude ng mga langgam. Parang sa tao lang na habang pinagbibigyan umaabuso at hindi natututo.O may moral lesson pa...

Ge maya na ulit...At may impaktong rally nanaman sa harap ko mga langgam!ggrrrr

petot!!!

Wala akong maisulat....Ilang araw na kong pumapasok sa hospital bilang isang volunteer.Wala pa mang nangyayari nahahapo na ko...amp! Puro orientation at observation lang muna. Napapagod ako sa wala.Para lang din akong nasa bahay na nakatunganga lang...hahahaha!


I need more energy para happy....Limang buwang kong bubunuin ang pagvovolunteer. Muli nanaman akong magpapakapagod at magpapaalipin ng walang bayad.Mayaman kasi ko e.Ako pa nagbabayad para magsilbi sa kapwa...Parte ng buhay ng isang nurse.hahahaha! Magpapakitang gilas ako ngayon. Kung kailangang bumuga ko ng apoy o tumae ng diyamante pipilitin ko mapasok lang ako.desperada?hahaha!Pag hindi pa naman ako mapasok nito tiyak TITIBAGIN ko ang ospital nila...hahahaha!Sama talaga ng ugali ko...

Dahil ako'y pagod and uninspired, yan lang masasabi ko....Diyan ka lang! Gagawa ako ng mahilab hilab na entry pag nakarecover na ko.Steady lang kayo...For the mean time ibaling niyo ang atensyon nyo sa blog ni best yow, bambitch at mukay (FREE ADVERTISEMENT PA KAYONG 3)....Hanggang sa muli.paalam...

TODA...psst psst.sakay kayo?


TRIVIA QUESTION: Mula ka sa ibayong lugar papuntang CABANATUAN,Papaano mo malalaman na nakarating ka na sa destinasyon mo?

ANSWER:Pag hindi na maalis sa mata mong parang muta ang dami ng TRICYCLE sa paligid mo....

WELCOME TO THE TRICYCLE CAPITAL OF THE PHILIPPINES!!!CABANATUAN CITY...!!!!Kung saan makikita nyo ang sandamakmak na tricycle... Ito ang basic means of transportation sa Cabanatuan. Wherever you wanna go, just ride a tricycol....pinag rhyme ko pa talaga.hahahaha!B awat kanto dito meron tricycle.. Nagkalat na parang kiti kiti sa kanal. Pero hindi ito pinagmamalaki ng mga taga Cabanatuan. Sa sobrang dami, sila na ngcocause ng trapiko. Barubal pa asta ng mga drayber.... Parang taxi ang mga tricycle dito. Walang metro pero mahal ang pasahe. Nakokontrata pa....O diba pareho!
Malakas kumita ang mga drayber ng trike. Kanya kanya pang frat yan(Toda)... Pag member ng toda at nakapila, special yan...as in special price sa mahal. Eto yung club na naghuhuntahan lang naman maghapon at sosyal dahil may sariling TV sa spot nila kung saan maghapon nanonood ng basketbol o bakbakang movie. Ganito pa eksena pag naisakay ka ng trike na from toda at hindi naaayon sa toda regulations ang bayad mo..."KASI PO NAKAPILA KAMI"...ako naman, "SINABI KO BA KASING PUMILA KA?AKO SISINGILIN MO NG MAHAL!" sabay walkout... Iiwan ko si kuyang drayber na naglilitanya ng siphayo sa pagtaas ng presyo ng gasolina at balak pa ata isisi sakin ang paghihirap ng pamilya niya...Susme! Magtrike drayber na din kaya ako..hhhmmmm!!!!Dito mo lang sa Cabanatuan mararanasan pag agawan ng mga trike drayber. Feeling mo artista ka,dudumugin ka, lahat sila gusto ka isakay. Just name your price right kundi wala sa kanila ang magdadala sayo sa destinasyon mo.hahaha!Akalain mong choosy sila...Bitchy pa!Tuloy tuloy ang mga trike drayber magsalita.Parang abogado na hindi ka man lang bbigyan ng pagkakataon na sumagot.Lilitisin ka muna niya bago magdesisyon sa hukuman kung isasakay ka. Minsan gusto ko nang hingan nalang ng questionnare para mabilis sagutan....parang exam kung magtanong!"mis mis san ka?kapitan pepe?magkano bayad nyo?ilan kayo?san ba don?pwede ba gawin niyo nang 40?"....Di pa kaya tanungin din ni kuya bday ko, zodiac sign at favorite color.tzk tzk!Magnining ning pa mga mata nila kuya pag nakitang marami kayong sasakay. Naiisip na niyang tiba tiba siya.Kaya pilit niya kayong pagsisiksikin sa kanyang wheels na mukha kayong sardinas! Pero bilib ako sa mga trike drayber. Sangalan ng pera gagawin nila ang lahat...yun lang!hindi kami ganong close para purihin ko sila kasi mas madalas inaaway nila ko dahil kulang ang bayad ko...bwhahaahahahaahaha!!!!

psst psst sakay kayo?ilan kayo?30 lng kayong dalawa o..sakay na kayo!!!




Oh no you didn't


MAINIT ANG ULO KO!Banas na banas ako ngayong araw na to...Ngayon ako mgpapagawa ng medical certificate na hinhingi ng ospital sakin para sa taining. Bago ko umalis ng bahay lumaklak na ko ng isang drum n tubig para pagdating don madali nalang umihi.Maaga ko umalis para hindi ako abutan ng lunchbreak at mabulok don.Pagdating don nagpakuha kagad ako ng dugo at sakto naiihi na ko nagbigay ako ng sample ng mainit init at fresh kong ihi sa laboratory.Last na!Xray nalang...After 1 hour makakauwi na kako ko.Pagtapos ng xray sabi sakin ng technician maghintay daw ako.Hindi niya sinabi kung ilang oras..."mga 1hr po?" sabi ko.Ngumiti lang siya at hindi kinonfirm. Litang kaya siya?lumabas nalang ako at naghintay sa lobby.After 1 hour binalikan ko yung labs ko.Ayos naman...Normal lahat.Binalikan ko yung xray ko.Wala pa...Wala pa daw kasi yung mgbabasa.Hintay nanaman ako!Inabutan na ko ng lunchbreak.Malamang matagal pa ipaghihintay ko!Natapos na lunchbreak pati ata dinner break wala pa rin!ANAK NG TINAPA!Nakaisang gabi na ko sa lobby.Nagpaconfine na sana ko para nasulit araw ko!Hindi na muna ko naglunch at nagtitipid ako.Sa bahay nalang kako ko kakain!Makalipas isang dekada wala pa din!DAMOHO!Sa bwisit ko umalis na ko.babalikan ko nalang mamaya.Mamamatay na mga alaga ko sa tiyan.

Bumaba ako ng jollibee at hayok na talaga ko.Parang talagang nangaasar si Bro..Kinuha ng babae order ko.Pinili ko na pinakamura.Eto ang nakakainis...

girl: ma'am ano po drinks nila?
ako: sprite na lang na regular
girl: ma'am sorry po coke lang po available
ako: (tahimik lang...w8*&%&%*%*%$*$%(^*$#^(^)

Hinagilap ko lahat ng pasensya sa buong mundo para lang mapigil sarili ko na sakalin ang kawawang babae sa harap ko!WALA PALANG IBANG DRINKS TINANONG PA KO KUNG ANO GUSTO KO!!!!PAPATAYIN KITA TALAGA!!!!

Tinake out ko na at napagdesisyunang sa bahay ko na titirahin order ko.Iwas na din na makapatay ng kapwa...Nahimasmasan lang ako paguwi ng matikman na ang langhap sarap kong jollibee.Pumayapa na din ang nagrerebulusyon kong tiyan.

Eto ang mensahe ko doktor na babasa (hindi pa nya nababasa tinitira ko na siya patalikod) ng xray ko...Para kayong multo na lilitaw lang kung kelan niyo gusto at anong oras niyo gusto.Inaaksaya niyo lang ang panahon ng mga tao. Sayang lang ang binabayd sa inyo!Dahil sa sama ng loob ko naisip ko na you are so incompetent and unreliable that you shouldn't be a doctor!(Nose bleed)...Gawin na nating internal bleeding to!Hindi ko kaya.ako din mahihirapan.hahahaha!Kung ayaw niyo gawin trabaho niyo,magresign nalang kayo!Kahihiyan kayo sa lipunan...Nakakahiya kayo na pinaghihintay niyo pasyente nyo. Makakarma din kayo!BWAHAHAHAHAHAHAHA.....DAPAT SA YO IKABAONG!HAHAHAHA

goodbye tambay?

Kahapon habang abala kami nagkakaladyaan at nagbubuwisitan ni pogi at bambitch nakatanggap ako ng magandang balita....For interview daw ako kinabukasan.Siyet!Kung kelang relax na ako at tanggap ko nang hindi talaga ko papalarin dito biglang ganon.watcha!!!!Syempere kinabahan ako...Inisip ko kabod interview.Madalas don ako sablay...hahaha!Taena kasi mga tanong, pangdoktor!

Kagabi hinanda ko na things ko(parang bata) para kinabukasan.Halong excitement at kaba nadarama ko (emotional baby)....Today nakauniform ako.Yon daw kasi isuot!I feel brand new.hahahaha!Parang feeling ko pers taym ko maging nars.Maaga ko dumating para naman good shot sabihin punctual.Pag dating ko don hinayupak pala kami sa dami at sa lobby ka maghihintay. Sa tagal ng pagtambay nakita ko pang nagmamadali si best YOW(special mention)pumasok.DI niya nga ko napansin sa kanyang pagmamadali.Di ko na din binati baka madapa pa.hahaha!Halos 9 na nagstart na iorient kami ng bahagya...Buzet! Pagdating sa room na sing kipot ng mani ni mahal(eeewwww) kanya kanyang upo kami.Mabilis ako at limited ang seats ayoko tumayo. Inabutan kami ng papers. Yung unang page puro essay.Nakanang!Writer ba inaapplyan ko?Yung mga sumunod personal info at training working info.Natawa nalang ko pagkatapos.Mukang brand new lang yung page tungkol sa working experience..hahahaha!baka isipin ni mam bastos ako.Wala talaga malalagay don kahit ipagpilitan niya...Kala ko tapos na yung nobela namin.Gigisahin pa pala isa isa...Nagtumambay muna kami sa lobby ng mga kapwa ko applicant at hinintay matawag.After 1 1/2 hours.."si PINEDA daw po..."BINGO!!!it's my time to shine.Pagpasok ko don anik anik tinanong ni chip nars.I'm bored!ang ending pinababalik niya ko para daw "makaharap si dr. capinpin".Sa pagkakasabi niya parang magtutuos kami nung doktor."Shall i bring a gun on Thursday?" naisip ko itanong.hahahaha!Umuwi ako na half contented and happy with sadness.hahaha!baliw...Hindi man maliwanag kung pasok ako sa kanila o hindi(hindi naman kasi niliwanag, ganon na din siguro yon) malamang pasok.Yes di na ko tambay.hindi nga ba?ewan! Pero nalungkot ako!Hindi na ko tambay?that's horrible.Hindi pa handa kalooban ko...Hindi ko kayang iwan ang comfortable life ko ng pagtunganga...Bitter ako!hahahaha...Nagwoworry ako na baka mapabayaan ko ang blogging at ang FB account ko.whahahaha!babaw...

O siya...Nanamnamin ko muna mga huling araw ko sa pagtambay...By the way, hindi pa ko susweldo at trainee lang ako.Kaya di ko pa to sineseryoso..whahahaha!

Teacher ano ba talaga?

Namimiss ko maging college student...Namimiss ko maging student.period!Wala na

allowance e.hahaha! Hindi naman ako model student....Di mo ko maririnig magsabing "nagsusunog
ako ng kilay" mana pa "nagsusunog ng baga" (actually hindi din)...Di ako kasipagan talaga. Papasok
lang ako sa paaralan non dahil obligado hindi dahil gusto ko.NOTE: malamang pag nabasa ni ina to
madidismaya yon "inaaksaya mo lang pera!"hahahahahaha!....Malakas lang ako mantrip non.
kaklase, kaeskwela (magkaiba yon uy!), pati teacher...Kaya bigla ko naalala si ma'am tootooot!!
Tawagin natin siya sa pangalang mrs. F...ala lang.kasi siguro ung P niya F...tsk tsk.guro pa naman.hahaha!sorry po...Maganda si mrs. F at mabait...Kumplikado ang subject na tinuturo niya.
Isa siya sa mga dahilan ng pagdududa ko sa sarili kung "nababaliw na ba ko"..Isang araw busy siya ngdidiskusyon at as usual nililito mga delicate and fragile naming pagiisip (mahinang utak)...Hindi
ako nakikinig gaano.Ewan ko parang bangag ako nung araw na yon...Sabagay talent ko na din magshut down parang computer pag di ko na naiintindihan sinasabi ni mrs. F....Nagsnap out (sosayal)lang ako sa pagmumuni muni nung marinig ko siya na sabi "so class hindi totoo ang pasma, tignan nyo ang mga athletes after a game or fractice (practice) naliligo kagad.." tapos tuloy tuloy lang siya sa pagdiscuss na di tunay ang "pasma"...nagbibigay pa example mga kaklase ko na kala mo batang pag nakasagot my kendi...che! out of the blue bumanat ako, testing lang "ma'am e yung maliligo after mamalantsa di nakakapasma?"in ur peyz..answer that! natahimik mga epal kong kaklase.Eto sagot ni mrs. F "ay wag naman after mamalantsa.mapapasma ka.."...Siyet! Nagisip din mga classmate kong epal. nagduda din ata..Napaisip nalang ako na ginagago ako ni mrs. F...kasasabi lang niya na hindi totoo ang pasma. Joke ba yon?! Pinagkatiwala ko sa kanya ang edukasyon ko tapos niloloko lang nya ko?hahahaha! Di nalang sana niya sinabi kasi na di totoo pasma...Napagtripan ako ni ma'am napagtripan ko din siyang ilagay sa hot seat ng di oras.hahahaha!pasensya na....ano ba talaga kasi? tsk tsk...

Kaya wag kayong maliligo pagtapos niyong mamalantsa...eto seryozo, dahil mainit magddilate (lalaki o luluwang) mga veins nyo mabilis daloy ng dugo..pag naligo ka kabod,malamig tubig biglang magcoconstrict (kikipot) veins mo.mabibigla....ung mabilis na dugo biglang dadaan sa makipot na daan. mgcacause ng panginginig ng kamay mo na tinatawag nating pasma! malabo ba?basta ganon...p di ba educational pa?itama nyo nalang ako kung mali ako.hahahaha!

Havaianas o Beachwalk?


Hay naku!Usong uso na ang "flip-flops"

as daily footwear ng mga pinoy. Comfy daw kasi
tsaka fashionable....Ayaw pang umamin na hindi
talaga sanay magsapatos at tsinelas lang ang
kayang bilhin.hahaha!Pagtripan natin ngayon
ang mga "flip-flops" sabi nga ng mga sosyal...
Nung nauso ang mga mamahaling tsinelas tulad
ng HAVAIANAS,IPANEMA,HOT FLOPS ang
tsinelas naging flip flops na.Pak! O siya,umpisahan na natin...
NOON...Dati pa naman uso na ang flip-flops pero hindi bilang panlakad
(panggmik,pang-alis..ya know wt i min) kundi pambahay lang. Napakasosyal
mo naman kung magsasapatos ka pa sa loob lng ng bahay.Para kang laging
may gimik pa ganon. Tawag pa non sa flip flops e stepin (step-in),tsinelas,
slip-ons etc...Mga tatak lang na kilala natin noon Beachwalk, ramboo, at islander.
Mga mura at matitibay na tsinelas. Astig na to non ang dami pang kulay na
pagpipilian(red,yellow,green,blue.ganon kadami).Para matesting ang tibay,
tinetesting ng mga magulang na tungak sa pwet ng mga anak nila.pag namula
ng bongga pwet at umiyak na parang ambulansiya masasabi nang great quality
ang nabiling tsinelas. Hindi ginagawang koleksyon non ang mga tsinelas...Kasi
ang tsinelas non e parte ng loungewear (pambahay) at best weapon mo sa
larong tumbang preso. Hindi ka pwedeng lumarga ng nakatsinelas lang...
malamang sa pagtawanan ka lang. iisipin ng mga tao non"wala sigurong
pambili ng shoes...hahaha" o basta ganon....

Ngayon...Hay naku ngayon naman flip-flops na usong tawag sa favorite
footwear ng pinoy. Usong uso pag summer, dahil sa init ng panahon pinasisingaw
ang mga paa...Ngayon payabangan na ng flip flops...Kung hindi ka nkahavaianas,
ipanema o ano pa mang mamahalin na flip flops e "jologs" ka na...Anak ng hitad
naman talaga! Pinakamababa na ang halagang 700 para lang sa isang pares ng
flip flops nila. Maraming design na pagpipilian.Talo dito ang beach walk at
ramboo.siyet!Sa dami ng design nakakaoverwhelm hindi mo alam alin pipiliin
mo!Muka kang tanga na ngeenie-minnie para lang sa tsinelas.ooops!flip flops...
Eto ngayon ang bagong trip (trend sabi nga ng mga sosyal) na gawing koleksiyon
ng mga babae o lalaki kahit bata.balak atang gawing moseo ng tsinelas ang bahay.
Eto ang new accessory...Payabangan!padamihan ng pares,pamahalan,
pagandahan.pwe!Di bale nang hindi kumain basta makabili lang ng flipflops....
watdapak!if you don't have even a single pair of the trendiest flip flops you're out...
ouch!de sige..maski..!!!!
So what!Sa karamihan ng mga kakilala ko ako nalang ata ang walang
havaianas o ipanema. Aminado akong nakahiligan ko rin ang pagsusuot nito
dahil comfy nga at no brainer pag nagiisip ng get up...Pero hindi mahalaga kung
mahal o uso flip flops ko. Ako kasi comfort over fashion.Masaya na ko sa banana
peel ko(oy!may 300 naman yon) basta nakakarating ako sa patutunguhan ko ng
matiwasay. Kahit hindi mamahalin flops ko hindi naman gaanong nakakahiya ipakita
paa ko dahil malinis naman pati kuko. Ito naman nakakalimutan at hindi
binibigyang pansin ng mga pasyonizta (pasyonizta-feeling sosyal TH). Hindi ko
naman hinuhusgahan ang mga nagsusuot ng mamahaling flip flops. It's your choice
and it is your right. right?right! Kaya lang hindi naman siguro masama na maglinis ng
kuko paminsan minsan at alagaan ang paa para magandang tignan.Nakahavaianas ka
nga para namang farmville lang paa mo! El nino sa tibak taniman pa ng palay yung
kuko at sing haba ng san juanico bridge(gusto ko lang magexagg)!eeewww....
Hygiene parin mga tol at sis. Show your passion for fashion with trendy flops pero
insert some hygiene. Para magandang tignan. A friendly reminder mula
sa nurse na tambay...yan ang NURSING CARE!

Insert NCP (nursing care plan) here for foot care/hygiene care....

Happy "F" Day









Bukas father's day na...Ngayopn palang babatiin ko na ang lahat ng ama sa buong
mundo....Effort to!Hindi ko naman to sincelebrate at si erpat parang action star
na MIA.hahahaha!Kaya tong entry na to hindi ko alam pano gagawin sa totoo lang.
Di ko na kukwento detalye at nirereserba ko yon para sa MMK pag wala na talaga
ko mapagkunan ng pera.hahahaha!

Ang tatay ang tinaguriang haligi ng tahanan..Tagapagtaguyog ng pamilya.
Hindi kumpleto pag wala sila.Hindi ka rin lilitaw sa mundo kundi dahil sa kanila.
Kasi....Ayoko ng sex education, wholesome ako dito.Bahala ka na magisip!
hahahaha....Ang mga ama bukod sa nanay ang takbuhan natin pag tinutukso ka ng
mga kalaro mo. Kasi gusto mong ipabuntal sa tatay mo!Si tatay din ang kakampi
mo pag may gagawin kang kautuan na malamang pag nalaman ng mahigpit mong
nanay patay kayong dalawa.At least may karamay ka!hahahaha...Si tatay ang walang
mintis na ipapahiya ka sa manlilgaw mo para lang makilatis maigi ang mamanyak sa
gratest creation niya.Si tatay ang tagapagturo ng tricks sayo pagdating sa panguuto
ng babae...Si tatay magulang, kapatid,bespren, kaaway,kalaro mo...etc!

Kaya naman sa lahat ng ama, nagpapaka ama, ama amahan, ama namin,
AMA computer college, ama-teur etc! Kahit ano pa tawag natin Dad, Daddy,Tatay,
Erpat,Dude,Papa,Fafa,Pudra, sa inyo HAPPY FATHER'S DAY AT SALAMAT PO.

Gusto ko lang icongratulate ang sarili ko na naisulat ko to ng matiwasay...
Hahahaha! Para naman sa tatay ko, dadddy kung buhay ka pa sana masaya ka
kung nasaang kandungan ka man Happy Father's day. Kung dedbol ka naman na RIP
happy father's day parin...hahahaha!no hard feelings tol.

Para naman sa MOMMY ko!HAPPY FATHER'S DAY...ikaw ang nanay at tatay ko.
Huwag kang matouch o maluha sa mensahe ko.kadiri...hahahaha!Saludo ko
sayo.Salamat ng marami. "I lalalalalovvvvveeee you...mwah!"

NURSING....A mistake?


Ikukwento ko sa inyo ang siphayo ko sa buhay....Hahahaha!Bakit nga ba Nursing kinuha kong course?Eto ang napatripan ko ngayon...Kasi naman talamak parang shabu.Mahaba to pero tapusin mo!!!!Nang magkaintindihan tayo...BABALA: ilan sa mga bahagi ng kwento maaaring totoo at maaaring kathang isip at gawa gawa ko lang.hahahaha!


Sa dinami dami ng course sa mundo bakit nursing kinuha mo?Let me answer that for you...Kasi uto uto ka!hahahaha.Gaya ko!Kasalanan to ni ermats...Pagraduate na ko ng highschool, wala parin ako maisip na kuning course.Ugaling tambay talaga.Nafeel ko na kaya na ganon kahihinatnan ko?hahahaha! Habang ang mga kaklase ko payabangan na ng kukuning course at saang school, ginugugol ko ang precious time and brains ko sa pagsubaybay sa anik anik na anime sa GMA. Bakasyon nagapanic na si ermats. "Anak, ano ba talaga gusto mo kunin?"...Syempre sumagot ako "gee i don't know" parang lasing lang.proud pa ko! Ayon nagsimula na siya magseminar talk na kala mo nagtitinda ng insurance kung bakit dapat magnursing nalang ako. Eto ang mga reasons:

1. Nasa lahi ang kumukuha ng science course...
2. Ang ganda ng uniform o. White! (mukang kagalang galang kahit hindi)
3. Uso kasi
4. Walang math (woohoo!!!tamang tanga ko don...alien talk sakin yon)
5. Eto da best at siguradong kinagat mo din "MADALI MAKAPUNTA NG AMERICA AT MALAKI ANG SWELDO!"

DING!DING!DING! $$$$$!!!Oo.Mukha kong pera e tapos tulad ng sinabi ko uto uto ako...So i said "why not poknat"..Wala na tumakbo sa utak ko non kundi kikitain ko balang araw.
Nag-enrol na ko sa isang nursing school. Di ko na babanggitin pangalan at baka sabihin niyo "Never heard" so never mind...Nung unang 2yrs papetiks petiks lang...Chicken lang naman subjects.Di ako mayabang!hindi naman ako kabobohan kumpara sa mga kabatch ko.ay teka parang mayabang nga.ok mayabang ako!hahahahaha...Nagsimula na kalbaryo ko nung 3rd year.Dami na gawain.Nagduduty na din kami sa hospital part ng curiculum syempre.practice ika nga...Ok sige.Madami naman ako natutunan.Nakakaenjoy paminsan minsan pwera nalang matapat ka sa pasynte na parang foreign ang salitang LIGO o kaya hinahatak na ni kamatayan ayaw pa sumama.KJ!Tuwing nagrerender ako ng care, (naks!weh?) masaya naman ako...Di ko na iniinda mga eeewwwyyy stuff like pagkuha ng turkak,hugas ng pwet,humarap sa dugo na di mo na lam saang butas galing, pagsipat maigi sa tae!etc!!!(pasintabi sa mga kumakain)....nasa isip ko nalang DOLLARS!

Nakagraduate na ko at lahat sa di ko alam na dahilan minsan paanong nangyari at akalain mo nakaya ko!hahahaha...Another challenge ay pagpasa ng board exam. Nak ng teteng! Kadami humps bago mo marating ang main goal mo...AMERICA! Awa ng Diyos nakapasa naman ako. Salamat sa tulong ng lahat ng santong kinol a prend ko. Sumabit ako saktong 75% walang labis walang kulang.so close!whew!America na ba kasunod?

Mali...!!!!America ur peyz!Nalaman ko bago ka pumunta america madmi ka pa exam na kukunin.eto ang part na hindi naipaliwanag sakin ng kahit sino...di ko alam to.sumabay pa ang pgabagsak ng ekonomiya ng amerika.siyet!wala na...Nagvolunteer muna ko kung saan saan at umattend anik anik na seminar pampabulaklak sa resume. Anik anik na training para dagdag credentials...Inapplyan ko din ata lahat ng hospital pati schools para mgCI...whew!nakakapagod

Resulta?3years na kong tambay...Nananatiling empleyado ni ermats bilang anak since birth...amp! 1 year na since last training ko.Naisip ko na tuloy magtayo ng sariling hospital at gaganti ko sa mga tumanggi sakin (nangunguna ka chip nars at pader!u know hu u r)...

Sa dami ng pumapasang nurse taon taon dumadami lang kakumpitensya...dumdami walang trabaho.Wala na kasi mapaglagyan.Palakasan pa palakaran ngayon!Ngayon ako nagsisisi at ngnursing ako.gggrrrr!!!di ko lam na ganon pala kahirap humanap ng trabaho!dapat i-ban na nursing e.BITTER!Pati saudi (ANG AKING BAYANG SINILANGAN) naginarte pa, paimportante.Bigla nalang nghanap ng working experience dito sa Pinas.toinks!

Moral lesson...Huwag ka pipili ng course dahil uso o naimpluwensyahan ka lang o dahil nauto ka sa AMERICA at laki ng sweldo. Piliin mo yung talagang gusto mo at pagbutihan mo(naiiyak ako teka)...Seryosohin mo bawat desisyong gagawin mo dahil don nakasalalay ang pyuchur mo...Payo naman sa mga kasalukuyang nursing students, MAGSHIFT NA KAYO!!!!at para sa mga bagong pasa n nurse.naks!welcome sa mundo ng mga tambay...pwe!

BIEBER FEVER!!

Wazzup boys and gels?Dahil wala akong magawa as usual, pagdiskitahan natin si justin bieber...aha! Pasensya na.Yan hirap sa tambay...Masyado busy kaya kung ano ano naiisip...


Wala akong pakialam sa career ni justin bierber...wait lang, let me emphasize that WALA AKONG PAKIALAM SA CAREER NI PAKING BIEBER!!!yon lang...caps lock lang para maemphasize.hahahaha! Dati oks lang naman sakin si justin bieber...Nakakita ng protégé tong si pareng asser este USHER...Puti na magilas sa RNB.Sabi ko pa non "ayos a!cute na bata"... Alangya nang sumikat na sa sandamakmak na batang kire si bieber grabe!Bieber Fever...Bagong epidmeya.Susuko DOH,red cross, WHO,UNICEF,UN at kung ano ano pang organisasyon dito.hindi nyo mapipigil ang paglaganap.SCARED AKO!Walang gamot dito.hahaha...o well hindi naman ako nahawahan ng fever na yan.Typhoid fever lang ang inaaccept ng katawan ko..tanong mo pa kay pogi...sumegway pa talaga.Tuloy tuloy na pagsikat ni BB.It's baby bieber not blackberry...hahaha!Ibang klase karisma ni totoy sa mga chix....Nakapanood pa ko minsan sa yutyub,inangit na batang babae ngumangakngak ng todo para lang kay BB.Kala mo mas matindi ang bieber fever niya kesa sa 2012 na movie.....Nakakaloka ka pate!

SO ANO ANG NAKAKAIRITA?Kahit san ka magpunta tugtog sa background kanta ni BB...Sa simbahan nalang ata di pinatutugtog to!hahaha....Dahil hindi ako nagsisimba,hindi din ako sure.hahaha!Kakairita na men.O to the M to the G....Nakakapagpaseizure.Sabi nga ni charice, "i can't bilibit".....Kulang nalang gawing national anthem. Hanggang sa pagtulog madadala mo. "i was like baby baby baby oooohhhhh"wwwaaaahhhhh....Eto pa, "you plus me!you plus me".wtf!dumudugo na tenga ko.mas naenjoy ka pa version nitong si jeremiah yung contesant sa PGT.remember him?hahahaha!Nakakairita yung kanta pero da best performance nya..funny!di ko malaman kung may tama yon...

Dahil tamad ako natatamad na ko magtype...check mo temperature mo baka my bieber FEVER ka na din.eeewwwwwww!!!!bye peepz

Karate Kid

Hindi to yung fastfood na ineendorse ni sam chuva..(nalimutan ko apelido ni kumag)...O anyway ganito pangyayari ng araw ko.. Eto umpisa....Kagabi pinlano na namin nila *pogi at *katakuta (mga hndi tunay na pangalan) na manood ng the karate kid ngayon. Kasi sa mga kakilala namin kami nalang ata di nakakapanood...that ain't cool!

Dumating na ang takdang araw.....May nilakad muna ko nung umaga. Nagfollow up ako sa inaapplyan kong "thingy"...Wag na natin idetalye baka majinx! Pero pagdating ko don sabi maghintay nalang ng tawag...Nakanang!Matagal pa ginayak ko sa pagtagal don...ipapakyu ko sana yong babae e.kaso mababadshot ako di pa man...

O so hapon nalang kami nagbalak manood ng mga peepz ko...peepz pa talaga a!trying hard to be cool..pwe! 5:20pm pa next showing ng the karate kid. Maaga akong napadpad don.Bugok kasi si *pogi.tnrick ako!andon na daw silang lahat...pagdating ko tinext ko kung san sila...petot ako!ako pala first placer...siyet!

Mga isang oras dumating si *pogi kasama friend nya si *juliet...Si *katakuta tamang drawing nagback out.O de hinintay nalang namin si *uod na 5mins ago on the way na...after 1hr tsaka dumating si kumag galing pa ata ng planetang nemic sa tagal!at ang catch may kasamang "friend si uod"...to cut the story short 4 kami nanood....hahaha!katamad mgtype

Sa bandang gitna kami pumwesto sa taas ng 5 "big boys"...oo big boys, at lima silang malulusog na lalaki.mga tipong mahilig magkaayaan sa tomaan....Di pa start show tahimik pa lahat.mukang behave ung big boys...ako naman nagiinit na dahil sa bieber fever!hahahaha...yak!e linsyak puro yon tugtog...Di ko na natiis nilabas ko ang lifesaver kong headset at phone at ngsounds...yeah!

So nagstart na movie...Rebista palang ng mga coming soon movie umaarya na ng commnets 3 sa big boys na malapit sakin.Mejo too loud para marinig ng karamihan...cool lang ako kasi funny naman comments nila.Kala ko yon na huling birit ng piglets!you got it wrong talong...Evrytime may funny scene sa movie nakanang tuch bumirada ng comment sila kuya.da best!!!meron kasi eksena don parang iveventosa ni jacky chan si bulilit.sinindihan ung bulak..."pare ayan na yung squid ball o!"....alam ko di funny!pero pota pagnadinig mo personal tatambling ka.sabi ko ventosa mejo malakas nadinig nung isa inulit..tong si uod parang HIGH sabi tawak.narinig ni happy piglet..ayon tumawa na akala mo last day on earth na niya...hahahahah!nakakahawa magsitawa mga pota...swear!sa kanila nalang kami natawa hindi sa movie...two in 1 ang hayop na movie!oks lang...pasalamat sila piglet patok sakin trip nila...kundi papakabitch ako't lilitsunin ko sila...Natapos yung film na ganon lang bitin....Mas tumatak pa sakin yung piglets kesa sa movie.hahaha!ENJOY naman pwede na

After movie nagkayayaang umuwi na...don sana kami mgdidinner at late na din.kaso la na kami pera.saklap!inuwi nalang namin gutom namin.paguwi nagsaing si pogi...sakto may dala chicharon si lola....yes!eat ol u can!woohoo....
So tapusin natin tong entry na to sa gasgas at laspag nang kasabihan...LAUGHTER IS THE BEST EFFIN MEDICINE!!!!wala lang...bwhahahaha

Balik Eskwela

Tares!Napakacorny ng title...Hindi man lang pinagisipan. Parang taeng lusaw lang na kusa hindi mahirap ilabas...yak!


O eto na...Naisip ko lang pasukan na kaya gawan ng post. Trip ko e! Isa pa isa to sa mga bagay na hindi ko na naeenjoy dahil graduate na ko.. From an effin student to a professional tambay! OHA!!!!successful... Kaya magrereminisce nalang ako. parang matanda lang..

Pasukan na! woohoo! Syempre excited na mga bata ko.... Bago nanaman kasi mga gamit. orayt! yon ang mahalaga kasi sa sudyante... Kala nyo ba may paki sila kung matututunan sila o wala? na uh!ya got it all wrong...hahahaha! Ang first day of school ang pinakamahalagang araw sa buhay ng mgaaral... Reunion to ng barkada.Tamang kamustahan kala mo isang dekada di nagkita kahit arw arw mgkatxt ngcchat pa sa FB (tamaan ka!alam mong tama ako..hahaha) pero pagnagkita alangya kala mo pinaglayo ng tadhana.

First day of school mayari ang kamustahan eto na... Pa angasan na ng goods (new stuff). Pagandahan notebook!
student 1: ganda ng notebook ko o...kumpleto sila gu jun pio! (nakaismid pa yan a)
student 2: eeewww...yuck!so baduy. mas cool notebook ko...manila ko pa binili.ha! (sabay
pakita notbook,cover nya kumpleto F4 kasama JAN DI..FUCK!)

Kasama na diyan magpapagandahan ng shoes, bags, cellphone, damit at anek anek pa! Kala mo fashion show ang pinuntahan at hindi school. Pamahalan pa yan! Alin ba mas astig ang brand... Tuwa pa kayo! Di nyo na inisip pakahirap magulang nyo para diyan...wwwwoooaaaahhh!!!!nagmamalinis ako.hahahaha!

Syempre this is the very essence school.....Pinakaimportante sa lahat! inaabang-abangan parang NFA rice....everybody say it with me. with feelings please..ALLOWANCE!!!!!!!!!!!!!!wwwwwwwwooooooohhhhhhhoooooooooo......Ala nang mas hihigit pa diyan. Plastik magsabing hindi...mamamatay ka pag wala nyan! Tulad ko na wala na niyan...Laging nasa bingit ng kamatayan.hahahaha!

hay!nakakamiss talagang maging studyante...pero seriously ang nakakamis lahat ng sinabi ko sa taas. Higit sa lahat nakakamiss madami ka natututunan kahit akala mo wala..Kahit ang pansin mo nakatuon sa hiwa ng pwet ng kaklase mo na natatanaw sa pantalon, meron at meron kang matututunan. Kaya habang kayo mga nag-aaral sulitin nyo at pagbutihan nyo.. Kahit pagkatapos niyo hindi din kayo makakahanap ng trabaho (blue jeans)..hahahaha!

welcome back to school class 2010.....!

ungaz ako..ako si ungaz...

Sa wakas mula sa napakabusy kong buhay bilang tambay, naisingit ko din sa wakas gumawa ng blog!orayt!!!Noon ko pa gusto gumawa pero kagabi lang ako di makatulog sa dami ng nais isiwalat...at hindi magaganda!hahaha!malmang sa akalain mo nababaliw na ko...There's a possibilityyyy....


Anyway magpapakilala muna ko... Ako nga pala si UNGAZ! ganon lang...walang kaespesyal espesyal. Di ko na muna sasabihin tunay kong pngalan para masaya (as if you care)..hahaha! Desribe ko ng bahagya sarili ko. Barubal.Pintasera.Tambay....Ala na yon lang naisip ko.

Ano ba mababasa dito? Kung ano lang tumakbo sa isip ko at mapansin ko....Kahit ano!basta mapag-initan ko.Walang ligtas dito kahit sino!walang kaibikaibigan o kama-kamag-anak!Laglagan na...hahahaha!kaya LET'S GET IT OOOOOOOOONNNNNNNNNNNN.......