OK na sakin to

                   Naglog-in ako sa Facebook....May 1 new message ako. Mula sa isang kafriend sa FB pero hindi ko personally kilala (which reminds me,buburahin ko na siya.hahaha!). Isang video ang kanyang pinadala. Dahil sabi sa inyo likas lang talaga akong usisera, e pinanood ko....Ang nkalagay pa sa baba ng video "para sa mga babaing hindi nabiyayaan.." Sa loob loob ko, Aba !Gago to a....Lakas makainsulto e hindi naman kami close. Pero baka hindi naman usapang dibdib (masyadong defensive?) ang sinasabi niya kaya pinanood ko parin baka kasi hindi biniyayaan ng ganda.Teka!!!INSULTO TALAGA!


               Ang storya ganire.....Isang babaeng sawi sa career bilang isang artista. Ang latest role daw niya e magpanggap na gising. Wow!Pang Oscars. Grabe effort niya don a. Anyway, so naisip ni hitad na magstripper nalang. O diba, sa dami ng career na pwede piliin e stripper pa...Bright child.Di kaya nalaglag yon sa sahig nung bata? Pero may konting aberya sa pangarap niya. Flat tire si ateng(dibdib nga ang usapan.buburahin ko na talaga yung hinayupak na nagsend)...Walang babaeng stripper ang parang lalaki dibdib.Flat! Naggoogle si ateng sa laptop niya ng swak sa bulsang boob job. Nang makatagpo ng doki, oras na para isakatuparan ang kanyang kapitapitagang pangarap. 


               Nakatagpo si babae ng doktor na bumbay na itsura palang hindi na katiwatiwala.... Pinagusapan na nila kung ano gusto mangyari ni babae. Ganito usapan nila...


               Dok and Girl chika scene...transalated in tagalog ni Ungaz 


               Dok: Gano ba kalaki gusto mo? (with a smile)
               Girl: Gusto ko ng Jogang pampokpok!Gusto ko ng melon! Malalaki! BOOM na BOOM!Yung hindi ko na makikita paa ko
               Dok: Yon lang pala..Your wish is my command. Sisiguraduhin kong Ikaw na ang may pinakamalaking "tatas" sa buong southern Africa California.


               Ganyan nga...Di ko sure kung tama.basta ganyan.hahaha!Turns out the doc's a quack. 


               After 2 weeks, flight na ni ateng papuntang Vegas para mapagkakitaan na ang kanyang new and improved joga...Agaw pansin ang double D's ni babae. Nanlalaki mga mata ng mga kasakay niya (lalo na mga lalaki syempre) lalo pa't komo lumaki alaga e hindi na nagbabra kaya bakat ang mga jolens niya. Take off na ng plane...Nafefeel na ni ateng na magbabago na buhay niya dahil sa mga boobies niya. But wait! She feels something else....Kumukulo ang suso ng putragis(ooohhh!!boiling boobies)! At habang tumatagal ay unti unting nagiinflate ang kanyang stripper boobs hanggang sa parang ganon na sa nakita ko sa tiktik!GIGANTIC! 


              Parang puputok na ang boobies ni babae at nagpapanic na siya. Pati mga kasakay niya nagpapanic na din. May isang judgmental na pasahero at napagkamalan pa siyang may bomba sa joga (sasabog na talaga ang itsura).At naghuhumiyaw ng "that stripper's got a bomb in her chest!We're gonna die!!!"... It grew bigger and bigger, hanggang sa...POK! Pumutok ang suso ni pokpok.


              Kasi naman pala tong si doctor quack quack substandard implants ang ginamit sa kanya. Lumamang lang ng isang paligo sa ordinaryong lobo....Naaapektuhan pala yon sa pagbabago ng altitude and some other shits!(dami sinabi di ko na maalala). Kaya goodbye stripper dreams....Namatay si babae sa pagsabog ng kanyang dibdib.tsk tsk! Kaya naman lalong tumindi ang paninindigan kong hindi na magpadagdag kahit sabihin pa nyong pantay harap at likod ko! Tulad ng sinabi ko kontento na ko sa mala otap kong figure. Ok na sakin to at hindi na maghahangad pa...Kaya kahit apihin nyo ko i don't care (mamamatay din kayo!) hahahaha!


              Eto yung sinasabi kong video. Natural isheshare ko sa inyo kahit nakwento ko na...Trip ko lang pagurin ang sarili kong magtype at magkwento.Kung duda kayo sa kwento ko at mas gusto nyo makakita ng suso (malamang!) e Pindutin mo to!...Ngayon may bago na kong susubaybayan...1000 WAYS TO DIE(dapat pinapalabas to dito sa Pinas e.FUN!!!)....


              

Tiktik

                               Hindi ako mahilig sa balita....mapaTV man yan o dyaryo(unless icheck ko kung panalo ako sa lotto). Ayoko ng mga panget at paulit ulit na balita (at nakakasawa na si Mariel at Robin)..


                    Minsan, may nagdala ng isang tabloid sa unit....TIKTIK.Dahil sexy ang picture ni Valerie Concepcion don na-inganyo na-engganyo nacurious magbasa ang aming birheng head nurse (Buti hindi nagbabasa si sir ng blog ko.LOL)...Ngumingisi sa isang sulok si kuyang. Dahil may pagkausisera ang Ungaz, nacurious...


                    Ako: Sir, ano ba ngini-ngisi ngisi mo dyan? 
                    Sir: Ala naman (ang ngiti umabot na sa mata!)
                    Ako: Pwede ba yon?Muka namang tanga ngumisi sa wala!ttssss(ganyan ako kagalang sa head nurse namin..hahaha)


                    Hindi na ko nakatiis kaya inagaw ko na ang lintik na tabloid sa kamay ng aking painosenteng head nurse...Hanep ang laman. Puro laman! Impernez malaswa siya a...Eto ang ilan sa mga natuklasan ko (bukod sa walang kamatayang Robin at Mariel.Kahit saan nalang!!!!)



  1. Staff ng Petrang kabayo movie nakita ang NOTA ni Luis Manzano- Nota ay ang gay term sa penis. Ang eksena daw naliligo si Lucky (naked!lavet!!haha) nang aksidenteng kumaway ang kanyang alagang birdie. Syempre tuwa ang mga beki pwera si vice ganda na namiss ang opurtunidad. At take note malaki daw ang alaga...Nyetang article yan! Walang kakwenta kwenta.Nakakainit ng ulo..Wala man lang picture!Ay kamaniac ko.amp!
  2. Miss Boobsie...Salat ako sa yaman ng dibdib.Harap at likod pantay(ako na kukutya sa sarili ko para sa inyo). Minsan sumasagi sa isip ko na pagyaman e magpadagdag.hahaha! Pero hutana tong Brazilian girl na nasa tabloid. Hindi makuntento sa mala melon nyang suso at pinagawang gagapakwan!Putragis na yon!Ang orig cup size niya na biyaya ni Bro sa kanya ay nasa C na. Pinadagdagan pa niya.Di nakuntento,pinalobo pa lalo.Mula sa 36 GG (ewn ko ba kung dota yon) na cup size e naging 30 something KKK...Ginto ba at K?Karat ba?Oo,triple K ang cup size. Ni hindi ko alam na me ganon. May picture si ateng sa tabloid at talaga namang napa WTF ako. Ako nahihirapan sa itsura niya.Ako ang bigat na bigat sa dala niya. Di ko alam kung kambal ang anak niya at kasalukuyang ipinagbubuntis sa magkabilang suso sa laki. Ganon kalaki.IMBA!!!!!!O well pustahan tayo pag may sunog o lindol mauuna pa ko sa kanya sa exit sa bigat ng bagahe niya.bwhahahahahaha!
  3. Mariang Palad...Sa title palang akala ko xerex na tungkol sa pagsasarili.Mariang palad e. Yon pala isa siyang manghuhula na huhula sa kapalaran mo sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga guhit sa palad mo. Isang letter sender ang nagpadala ng xerox ng palad niya at sinagot naman ni "Maria" ang mga tanong niya. Nagbigay pa ng tips si Maria pano manghula gamit ang mga guhit sa palad. At ang resulta ng mga guhit sa palad ko ay: Makakatuluyan ko ang susunod na lalaking mabibiktima (mag-ingat na kayo), makakapag-abroad ako at madami mapupuntahan (you see mommy!), at.....HINDI AKO MAKAKAPAGPUNDAR NG BAHAY AT KOTSE KO!Kinulang pa kasi ng isang guhit!Pakshet!!!
  4. Dear Vanessa...Isang column to sa tiktik na kung saan sasagutin ni "Vanessa" ang mga problema mong malaswa! At ng araw na yon ang topic ay....DEAR VANESSA: AYAW TIGASAN!Astig na title yan. Talaga namang napagulong ako kakatawa. Di ko mabasa basa nilalaman kakatawa.Shet!O well curious ako sa problema ni kuyang kaya binasa ko. Ilang beses na daw binibigo ng kanyang manoy si kuya. Kabado siya at medyo ayaw magflag raising ng boyscout niya. Ano daw ba dapat gawin at ano tawag don.Maaayos pa daw ba yon. Tong si Vanessa umepal magpakadoktor kung makapagpayo. Paraphilia daw yon. At dahil epal na nurse si Ungaz, kumontra ako at nagmarunong. Impotence ang tawag sa hirap na pagtigas o pagtayo ng Penis at hindi paraphilia. Ang paraphilia e sexual arousal to objects,pangyayari,o tao.In short masyadong malibog.Eepal nalang kasi di pa muna nagresearch.tsk tsk...bagsak.   
                  At ang huli....Dahil kunyari inosente at conservative si head nurse, ako ang pinabasa niya ng isang article. Pagkatapos daw ikwento ko sa kanya (ano yon!bedtime story?!).At dahil uto uto si Ungaz e binasa pa rin..Eto yon....
   5. Ang alaga kong kalabaw....Shet!Tunay na diwa ng xerex...Bulgar ang pagkakasalaysay ng mga pangyayari. Nadungisan masyado ang mura kong isipan!!! Ganito kasi...Si Totoy na isang magsasaka na may alagang kalabaw pinasok ni Melanie (ang manilenyang virgin kuno) sa kubo at saka sila gumawa ng milagro.The end! Aba gusto niyo ba idetalye ko pa?Di na uy! Ang koneksyon lang pala ng kalabaw ay, kundi isinuga ni totoy nung araw na yon ang alagang kalabaw na si Elvis e hindi sila magkakatikiman ni Melanie. Lang kwenta!Kala ko pa naman e naloss ang virginity niya don sa alagang kalabaw..hahahahaha!!!! 
       Nang matapos ako sa pagbabasa, pinapakwento ni sir ang nabasa ko.At ang nasabi ko nalang..."Hindi yung kalabaw ang nakasex niya.."Tapos! Dismayado siya sa kwento ko. Hindi kaya ng sikmura kong idetalye sa kanya ang mga naimagine este nabasa ko....Hudas na yon!!! Bakit ba kasi ganon laman ng mga tabloid? Hindi ba pwedeng puro balita lang na walang kinalaman sa kamunduhan?hahahaha! Hindi na talaga ko hahawak ng tabloid...Ever ever ever!!!Babawasan ko na din ang pagkausisera ko at napapahamak lang ako.Nagkakasala lang ako.hahahaha! 

       Kaya naman ang masasabi ko lang....Awat na sa storyang Mariel at Robin. NARIRINDI NA KO!!!!!!!!!!

                                                             ??????

BERboy

                       Umpisa na ng Ber months......Sa wakas makakatikim na ulit tayo ng medyo malamig lamig na klima(dadami nanaman magbubuntisan). Sa mga ganitong panahon sabik na ang mga tao sa nalalapit na kapaskuhan. Malamang yung ilan nagtayo na ng mga christmas tree sa bahay at nagkabit na ng mga dekorasyon. Feel na feel na christmas spirit(Hoy!May undas pa)...Excited masyado. Yung iba sa inyo nagsstart na siguro mamili ng mga regalo at nagiisip ng paraan paano tataguan ang sandamukal na inaanak na umiilaw ang peso sign sa mata pag pasko!!!!!Mga tiyanak!!!!hahahaha...


                Pero ang talagang kaabang abang para sakin pag kapaskuhan ay ang CHIBOG!!!!woohhhooo!!!!Pag ganyan tiba tiba sa mga handaan.Kabi-kabila ang kainan....Ke sasarap!Pag kasi holiday season lang naghahanda ang mga tao ng masasarap na puds(kaya nga special occassion ang twag e).Para tuloy tayong nasasabik. Nakakaoverwhelm pa sa dami at pag makulay lalo nang kaabang abang!YES!!!!!! Wala nang diet diet! Bahala nang mahighblood o madiabetes! Once a year lang ang ganon. Kunyari titikim lang pero maya't maya ang balik sa mesa. Hanggang sa ang tikim ay maging lamon...At dahil hindi naman nauubos kabod ang mga handa, araw araw tinitibag mo mga left overs. Sarap! Hindi pa man nagigiling ng bituka mo yung kinain mo ng pasko may handaan nanaman sa bagong taon....Lapang nanaman (sama mo na tomaan)hangga't di ka nakocoma sa sobrang dami ng cholesterol at matatamis na inimbak mo sa katawan mo. 




               Hindi naman ako figure sonscious, tutal tanggap ko na at masaya na ko sa mala otap kong figure. Pero gaya niyo problema ko din yon. Pagtapos ng mga celebration at balik na sa normal ang lahat (yung mga mabait ng pasko,diablo nanaman ulit).Matapos ang pagpipyesta mo sa pagkain saka mo marerealize.....ANG TABA KO NA!!!!!(Pasintabi sa mga normal nang hebigat...)Yon na...Damoho!Charan!Isa kanang BERboy(baboy?hahaha..mailusot lang yung salita) .At ang #1 "new year's resolution" na ng lahat ay.....DIET!!!!Problema ng sambayanan matapos ang kapaskuhan at bagong taon ay ang pagbigat....Paano nga ba ibabalik sa normal ang katawan?nyak!Talaga namang sasama ang loob mo pagtumungtong ka na ng timbangan. At kahit anong pigil mo ng hinga, kahit tapos na ang putukan e damit naman ang pumuputok sa sikip at hindi na talaga maisara ang mga butones at zipper(kulay blue ka na sa pagpigil ng hinga).Pag-upo mo may nakalaylay na salbabida at hindi maiiwasang magbukas ng butones para maibsan ang hirap sa paghinga. Bale wala na lahat ng dinyeta mo ng isang buong taon para lang sa ilang araw ng paghataw sa pagkain....Langya!Sasabay pa ang malamig(nakakatamad kumilos at hindi ka papawisan gano) na panahon lalo nang hirap pumayat.


               At dahil sa dami ng macholesterol at nakakadiabets na pagkain na tinibag mo, sabay sabay nang nagtataasan ang BP at blood sugar level....Kaya sa ganitong mga panahon din kumikita ang mga ospital at punerarya sa dami ng mga inaatake sa puso sa katakawan....tsk tsk!


               Kaya naman sa darating na kapaskuhan at bagong taon, hinay hinay lang sa pagkain...Pakonti konti lang (may bukas pa uy!). Para naman yon sa ikabubuti ng ating kalusugan. Samahan mo na din ng ehersisyo para naman hindi ka maging suki sa ospital at maaga maka eyeball si san Pedro...


              Pero on second thought....Wala akong pakialam!Ang sarap kaya kumain...Kung oras mo, oras mo na.whahahahaha!!!Patabaan na...

Nakakamatay ang Stress!

               Nagpost na si sir Jepoy ng tungkol sa stress na yan tsaka kung bakit nakamamatay...Di ko na uulitin.Ano ko gaya gaya? Di masyado...Pero potaness nasestress ako!!!!


               Anong mga sensyales? Hindi, o hirap makatulog dinaig ko pa ang inlove at broken hearted....Naconstipate.Ay hindi din  pala....hahaha! Hindi makakain. Ay mali...Kain ng kain. Ilang kilo na ang na gain ko.Madalas sumakit ang ulo.Kakaintindi. At kaninang umaga nga hinimatay pa ko ng ilang beses(literal na nagblack out) na nagresulta sa sugat sa aking luscious labi at gasgas sa talukap ng mata sa sobrang hilo...Pag mulat ng mata mula sa kitchen floor(diko lam pano ko napunta don mula banyo), panic ang Ungaz at agad pinauwi ang kasalukuyang bumabasketbol (yung laro yon kumag!) na Greta....I'm alone in the effin apartment at panay ang tembwang ko. Kailangan ko lang ng witness sa aking pagkamatay (if ever). Madami tuloy naudlot na lakad at gawain. Pero maya maya ayos na ulit ako at naipost pa to....


             Ano ba kasi ang ikinakastress ko? Tulad lang din ng sa inyo...Ang mga putragis na PICTURE GREETING na yan...(hindi kaya ng isang drum na stresstabs to)Imbyerna....Sa sobrang pagmamahal ko sa inyo(wweeeehhhh) natutuyot na ko kakaisip ng konsepto (siyempre dapat iba iba para mukang nag-eport!) ng larawang gigimbal sa inyo. Kumbakit kasi nagsunod sunod pa tong sina sir Jepoy, Greta, at Kikilabotz...Trend ba to? Nakakahiya naman kasi kung magpapass ako ng mala ID picture na may nakalagay lang na Happy Birthday at Happy Annivarsary! Cheap?hahaha!!! Eepal na nga lang ako e di ibigay todo ko na.....Maghahanap pa ko ng costumes and props. Kaya kung sakaling pumanaw ako ng di oras malamang dahil yon sa stress at yon ay dahil sa inyong tatlo (nangonsensya?hahaha)...Damoho!


            Kaya naman sa March 17 (napakalayo pa...makakapagprepare ng husto) hihingi din ako ng favor. Dahil birthday ko non, hihingi nalang ako ng.....PERA!bwhahahahahaha...Mas madali diba?Hindi na kailangang pag-isipan pa.Wag magdadamot at kayo'y mababaog.labet!!!Mag-ipon na....

Ina Ka!

                        Minsan lang ako manood ng balita kasi kadalasan nabubuwisit lang ako sa mga balita....Puro may napatay, nakipagpatayan, buking na mga corrupt sa gobyerno at ang walang kamatayang "ROBIN AT MARIEL KASAL NA NGA BA?"...Minsang manood ako ulit (syempre andon parin ang Robin at Mariel), isang balita ang kumurot sa aking puso (ayee!!!drama...soft ako?). Isang sanggol daw ang natagpuang inabandona sa isang eroplano. Putragis na nanay yon! Kadaming babae at mag-asawa ang naghahangad magkaanak hindi magkaanak anak(kahit araw arawin pa pagtorjak) tapos siya naman tinatapon lang anak. tsk tsk!!!  Kinabukasan meron nanaman ulit ganon...Fetus naman tinapon sa basurahan. Nakonsensya ng bahagya yung ina pinabaunan ng rosaryo at limang piso sa kamay(cheap naman non!)...Anak nang!Pagtapos pagkasarapang gawin ididispatcha pag di gusto resulta ng libog niya! Batang ina siguro. Hay! Kawawang mga bata....Bakit ba napupunta pa sa mga hindi karapat dapat maging ina.


               Ano man pinagdadaanan nila wala akong pakialam..... Hindi parin tama yon. Buhay yon. Tao yon hindi naman hayop. Tsaka sariling laman mo yon.Ang anak ay biyaya sa isang ina o mag-asawa....Mapalad ka at ipinagkatiwala sayo ng Diyos ang isang buhay. Mali pala siya...Diyos nga ba mali o ikaw talaga? Kung di ka pala handa sa pagbubuntis hitad ka! e marami namang paraan para pigilan ang hindi inaasahang pagbubuntis. Kesa naman manira o kumitil ka ng inosenteng buhay....Malaking kasalanan yon...

               Tulad ng sinabi ko non hindi ako humuhusga ng mga taong tumotorjak out of wedlock (masarap daw e,hayok!mapipigil mo ba?hindi)...Pero be responsible....Kaya naman gawin nating educational ng bahagya ito...Eto ilang mga payo para naman hindi madisgrasya pag di ka pa handa maging magulang. At kahit alam kong susunugin ako ng mga kaparian sa buong pinas sa sasabihin ko e ituturo ko parin sa inyo....Eto na!Pay attention girls...Boys, dapat alam din niyo to...
                         

  • wag na magtipid!Gumamit ng condom..Mas mura yon kesa diaper at gatas (tigas ng ulo nyo...paulit ulit na payo ng lahat!)Iwas sakit na iwas disgrasya pa.
  • Kung masyado hassle ang condom (abala pa paglalagay) aba may pills naman(o depo)....
  • Kung matiyaga ka magpaka old school pag-aralan ang calendar method..(warning!hindi advisable sa irregular ang mens, tantiyahan ang matres non.delikado)
  • Eto mahihirapan kayo pustahan tayo.....Absence Abstinence.PIGILAN ANG KATI!!!Iwasang tugunan ang tawag ng laman...impossible no?subukan parin.
  • "di ako mabubuntis nursing naman ako" sa mga nursing student at may jowang nursing student,hindi anting anting ang kursong nursing na mapipigil ang pagbubuntis....tanga ka lang talaga!hahahahaha
  • Sa mga lalaki, malamang ayaw niyo makabuntis at gusto niyo lang talaga magjoyride pabiyaheng langit, kaya tandaan lang na...pag bagong taon sa labas lang talaga ng bahaybata bahay ang putukan. intiendes?wag masyado excited. Delikado ang paputok sa loob ng bahay...
  • Sa mga lalaki, magpavasectomy...Parang ligate.(isearch kung KUNYARI wala kang idea ano yon). Lalaki ka parin naman e....Di ka na nga lang makakabuo. Yon ang ticket mo sa eat all you can buffet na walang kasamang kaba....
  • Tibayan ang loob...Pag hinamon ka wag ka naman kagad kakagat. Pakipot ka naman ng konti
  • Mga ateng para masaya bakit hindi nalang ipatanggal ang buong matres. Hindi ka na rereglahin (go anytime!), di ka pa magaaalalang mabubuntis. Jerjer all you want na gang mawasak kipay mo!
  • umiwas makipagdate sa mga special occassions (valentines day, mothsary, anniversary, pasko, new year!lahat ng holiday!!!!) at asahan mo laging may romansa sa dulo
  • pag parang bibigay ka na at di mapigil ang kati, divert attention.mag-isip ng nakakadiring bagay,panget na itsura kahit ano!pangontra libog..hahahaha!
  • Don't blame it on the weather...Pag malamig ang panahon wag mo kasi sabayan! wag mong painitin....linsyak ka!
  • At pag lahat yan walang talab....IPASARA MO NA BUTAS NG KIPAY MO!SUSME KA!!!!nakakainit ka ng ulo a...
                  Ayan napasex education na ko ng di oras...Natatamad na ko mag-isip pa ng iba. suko na ko!Matanda na kayo...Dapat alam na niyo tama sa mali. Pahalagahan ang buhay....Gamitin ang isip at wag puro kibot ng reproductive organs pinakikinggan. May tamang oras para sa lahat....

Malapit na eh!!!!

                             Kung green minded ka talaga(at malamang ganon ka nga) iba na iisipin mo sa title...tsk tsk!!!Mali...Hindi yon naudlot na pagbiyahe sa langit.Ang kwento ko ngayon ay suspense...Buwis buhay na pag-uwi sa tahanan...


                   Pagkatapos ng nakakapanlambot na duty bilang hawt nurse (weh!!!), dumiretso ako sa mansyon ng aking mga pinsan para sana sunduin ang nakikitambay din don na sina Greta and lola mommy (yan ang tawag namin sa lola naming ermats ni erpats)....Matapos ang ilang oras na pag-upo at pagpapasarap saka ko lang nalaman na ang lola mommy e don pala matutulog at makikipajama party sa aming TL (tita Lorna) at maglalaro sila ng tong-its. Kaya ako lang at ang harot na Greta ang umuwi. Since isang dipa lang naman ang layo ng aming motel apartment sa kanila nilakad nalang namin ni Greta...Kahit may kadiliman buong tapang naming sinuong ang daan. 
   
                    Sa kalagitnaan ng paglalakad, natanaw ko ang isang hindi kaiga igayang pangyayari dalwang bahay ang layo mula sa apartment. Nakita kong hinabol ng isang baribot na aso ang inosenteng mama na nagjojoyride lang..Napadaan na nga lang hinabol pa ng aso. Syempre nagpanic na ko at don din kami dadaan.No choice!Malamang sa habulin din kami ng damohong aso.Naman o!Malapit na makauwi e...Ayun na o!Natatanaw ko na gate namin. Sinabi ko kay Greta...Nagpanic din ang Greta. Umisip na kami ng strategy paano  makakauwi ng hindi mararabis!Pero hangga't maaari iwasang sumakay pa kami ng limotrike para iwas gastos (dalawang bahay nalang o!!!).Kanya kanya na kami ng labas ng payong para panangga. Andyang naisip din naming paunahing lumakad ang mga bebot na mga nakapekpek shorts na kasunod namin sa paglalakad. Baka sakali type sugpangin ng aso ang pata nila. At habang nilalapa sila, saka kami kakaripas pauwi...Pero shet!Lumiko ang mga pepekshort girls...Nang medyo mukang distracted ang putragis na aso sa basura sa labas ng bahay nila, dahan dahan kaming lumalakad na kala mo magnanakaw na nakatiptoe pa! Pero naamoy ata ng aso ang kinaing sisig ni Greta, napalingon ang hinayupak!!!!Nasa amin na ang buong atensyon niya at masama ang tingin niya.Lord!I think this is the end...Tumahol ng tumahol ang lecheng aso at lalo na kaming kinabahan. Nahinto na kami sa paglalakad. Pati paghinga nahinto narin ata...No choice na!Maghanap ng trike na sasagip sa aming buhay!!!!


                      Ilang hakbang nalang at kami na ang gagawing chew toy nung aso....Pag mamalasin ka talaga,walang trike na dumadaan(pag kailangan mo wala!Pag hindi,nagkalat!!!)...Sa wakas!Sunod sunod ang mga dumadaang sasakyan at medyo hindi makatawid ang hinayupak na aso papunta samin. Nang may dumaan nang trike pinara na namin at agad kaming sumakay...Pero nakakabuwisit talaga!Saktong pagsakay namin ng trike nakita kong bumukas ang gate ng bahay ng amo ng pesteng aso at saka pinapasok ang demonyong hayop na buwisit na ason na yon!!!!Ibig ibig ko na sanang sugurin yung among iresponsable sa pagpapakawala ng aso niya...Kaso baka ipalapa ako sa alaga niya.Banas!!!


                      Tulad ng sinabi ko, dalawang bahay lang ang pagitan kaya naman natawa pa yung driver ng kaaandar palang namin e huminto na din kabod....Alam naman ni kuya na binubully kami nung aso. Naawa ata,tsaka malapit lang din naman e siningil nalang niya kami ng tig limang piso. Wala na kong pakialam kahit 100 pa siningil niya. Ang mahalaga nakauwi kami ng ligtas ni Greta at buong buo ang mga pata!!!!HHHAaaaaayyyy!!!!


                      Kung kayo ay mga nagmamay-ari ng aso..Askal man yan o may breed, maging responsableng owner.....Parang bata lang yan!Wag niyong hinahayaang walang bantay at baka makapanakit (wala akong pakialam kahit sabihin mong harmless alaga mo!hahahaha).OO!!!Bantayan si bantay!!!Lapain ko kayo e!!!Badtrip!!!

Makeover

                             KAHIT NAKAKAHIYA IPOPOST KO TO!!!!!YAHOOO!!!!!!!
                          
                   Kapopost ko palang non ng bagong blog at kasalukuyang nagbubutingting nalang ng Facebook account nang gambalain ng gwapitong kapre(naks!) ang tahimik kong mundo...


                   YOW: Teddy! (don't ask!)
                   Ako: YOW!
                   YOW: Sikat ka na! Kaya palitan mo na itsura ng blog mo.
                   Ako: (sikat?weh!ano pa kaya siya?)


                   Mahaba pa usapan at diskusyunan....Sa huli dahil may pagkautuin paminsan minsan e pumayag na ko. At dahil hindi kami close, ang aligagang yow na ang masigasig na humanap ng magandang layout na ipamamalit sa luma ko. Yung babagay daw sa kin. Yung ungaz talaga ang dating! Tutal siya ang sexpert expert at matiyaga, naghintay nalang ako ng ilang minuto(ganon kabilis si yow pag pursigido)...Mahigpit kong bilin na wag pipili ng girly masyado at di ko type mga ganon at lalong walang PINK!!!! Makalipas nga ang ilang minuto nagdatingan na ang top choices ni Yow.Isa isa ko nang kinilatis...Putragis!Sa kabila ng banta na kakapunin ko siya pumili parin ng mga design na PINK at may mga flower thingy.Nang-aasar talaga! Click ng click hanggang sa marating ang isang medyo maganda at mukang akmang template na pasado din sa panlasa ni Yow...Sa wakas nakapili din ng pamalit. Oras na para baguhin ang lumang disenyo.


                   Sinong mag-aakala na buwis buhay pala ang linsyak na pagpapalit ng impaktong template.  Dahil slow ang ungaz, isa isang binibigay ni Yow ang instructions sa FB para masundan ko (o diba shunga to the highest level). Nasusundan ko naman ng bahagya hanggang sa magkaaberya ang hinayupak. Ayaw magsave ng bagong template! Mali daw ang inupload ko...Panic! Balik ulit sa FB para kulitin at kultahin ang utak ng pasimunong si Yow(Kasalanan mo!Naghirap ako!).Dahil mas nakatatanda ako kay Yow kahit nakakainit na ng ulo pangungulit kosa kanya, hindi siya umangal at matiyagang nagtuturo(sabi ko kasi di na siya makakatungtong sa aming motel tahanan)...Hingang malalim, at matapos hanapin ang aking happy place napagtanto ko din ang kamalian ko at sa wakas nagawan ng paraan. Napalitan din ang template!Yahoo!!!


                   Pero hindi pa pala tapos ang kalbaryo ko....Pag silip sa aking blog para makita ang "new look"....WAPAK!Laking gulat ng hindi ko makilala ang blog. Hindi dahil sa maganda ang kinalabasan, kundi dahil sa gulo ng itsura.Nakngpukz!Yung chatbox nasa ibabaw.Yung blog roll nasa kaliwa at kailangan pa ng x-ray vision para mabasa! Ang mga damohong post nasa dulo na kala mo yon pa ang paningit....OMG!!!Disaster ang itsura.At dahil online pa si Yow(Yey!Daming special mention?) muli kong binulabog...


                    Ako: Yow!Tignan mo na itsura.Naloko na!huhuhuhu
                    YOW: Ay oo nga! Edit mo sa layout
                    Ako: E pano nga?!Hindi ko magawa  wala naman
                    YOW: Hindi naba makita? Naloko na nga...hahaha!

                    Alangya si Yow! Bahagya akong nawalan ng pag-asa...Muntik na ko sumuko at nalungkot ng napa-isip na mukang magsasara ang pipitsugin kong blog dahil sa pahamak na template...At dahil sa matalino ko,nagawan ko din ng paraan. After 100 years naayos ko din ang aking mahal na blog... Hallelujah!Non ko lang naappreciate ang mga kursong IT(mailusot lang)hindi pala kadalian...hahaha!Kaya nga ako nagnursing ayoko kinukulta utak ko sa mga numero at papindot pindot ng kung ano ano....hahahaha!Dahil sa hirap ko matatagalan pa ang susunod na pagpapalit ng layout ko(like...never!).


                    Ngayon bago na ang itsura ng aking blog...New look, same old me...Ganon parin naman ang nilalaman. Puro kautuan at walang kapararakang bagay parin ang matatagpuan....Sa iilan kong mambabasa, patuloy lang sumubaybay. Matuwa, matawa, mabuwisit, mapikon, mabagot,kahit ano pa....Bahala ka na.


                    Para kay Yow, sabit ka nanaman dito as usual. May special participation ka nanaman. Maraming salamat sa iyong napakagandang idea! Pinagpawisan lang naman ako ng todo salamat saYOW! hahahaha....Kahit pinahirapan mo ko, pinagtyagaan mo naman pagkaslow ko.Beri gud ka!


                               How'd ya like me now?hahahahaha!

Sit!Stay!

                  Libangan ko na ang pagtambay tambay sa mall pag bagot na ko sa buhay ko o pag trip ko lang magpalamig ng kili kili...Kahit ako lang mag-isa nakakaraos akong magmall. Kahit maghapon lang akong palakad lakad at pag napagod e maniginain.Tapos manlalait ng mga tao sa mall(so lavett)! Ganon lang masaya na ko...


                  Dahil hindi naman ako gaano mahilig sa pagshoshopping (gawat kasi lagi...LOL) naging peyborit ko ang pagwiwindow shopping. Trip ko din ang pagpasok sa mga clothing stores at guguluhin ang mga display nila ng mga damit para naman may gawin ang mga sales lady na napapanis na laway sa pagtunganga. Kabuwisit kong customer no?Wala nang binili nanggulo pa..Pero hindi ko type pag nabaling na sakin ang pansin ng sales lady.OH NO!!!! Kahit saang store mapasosyal man yan o tiangge, automatic bigla kang lalapitan ng mga sales lady....Parang kang isang piraso ng karne na itinapon sa kulungan ng mga leon! "Ma'am ano po yon?" ...Panay ang alok !"Ma'am may bago po kaming stocks" o kaya "ma'am pwede pong magtry,may ibang kulay pa po"  "ma'am anong size po?"... Panay ang pang-uuto, "ma'am bagay po sa inyo yan", "ma'am nakasale ngayon yan tsaka uso"....susme mga ateng....Hanep makasales talk (sila ang bagay magbenta ng mga herbal shits!) ...Daig pa tuko kung makatutok. Bawat hakbang kasunod mo. Bawat kibot kumocomment(facebook ba?).Maiilang ka na talaga....Paano ka pa makakapamili ng matiwasay.Hindi ba pwedeng mamili in peace?!SIT!!!STAY!!Pwede namang tawagin nalang pag kinailangan mo na ang serbisyo nila.


                   Isang araw na medyo masama timpla ko...Nasa undies section ako at nagtititingin at hindi ko malaman kung bakit lalaki ang mag-aasiste sakin.Bumuntot buntot si kuya sa kabila ng bilis ko sa paglalakad, and as usual nagsales talk.Musta naman nasales talk ng undies si kuyang! Medyo nailang na ko pero deadma si kuyang.Para tantanan na niya ko(baka sakali mahiya), dumampot ako ng isang chipanggang panty. Panty na pag nakita mo, mapapa "nagpanty ka pa!".Saka ko itinanong sa kanya kung may ibang stock siya non. Pero petot ako!"meron mam.Anong size and color po gusto nyo?"NYAK!!!!Matibay si kuyang...Hindi man lang nagblush(pero dahil makutim siya baka hindi lang halata nagblush)at buong tapang niya akong inihanap ng panty na mukang sotanghon lang.Nakakaiyak!!!!!  
    
                   Nakakairita man, hindi ko sila masisi...Oo nga pala. Trabaho nila yon...Malamang kahit minsan nahihiya o naiilang din sila sa ginagawa nila,no choice sila dahil parte ng trabaho nila yon...Kaya hindi sila dapat pagsungitan. Kahirap nga naman kikita ng pera.Kaya naman,umiwas nalang sa tindahang kokonti o ikaw lang ang customer. At bilang ganti sa kanilang kasipagan, guluhin natin ang kanilang mga display....hahahahaha!


                             Thank you for coming..Balik po sila!!!!

Effin Dream!

                      Isang malamig na gabi...Oras na ng pahinga.Tahimik ang paligid...Maaliwalas ang gabi ko.hanggang sa.....


                      Nakachat ko si mommy...Umpisa kamustahan. Panay kwento niya na ang dami niyang pinuntahang mga handaan (may pinagmanahan ako ng pagka PG) kaliwa't kanan. Medyo napalakas daw ang kain niya (as if mapipigil niya sarili nya) kaya naisip kong medyo sindakin si mommy...."sige kumain ka ng marami.ganyan mga pasyente namin sa dialysis...dahil matigas ulo tulad mo." yehey!nasira ko trip niya.hahaha!Biglang kambyo si ermatz kesyo konti lang daw kinain niya. Anong malay ko kung totoo di ko naman nakikita....Maya maya may bago siyang kwento... 


                      Ina ko: Binangungot ako kagabi...kasi ikaw ang napanaginipan ko(sweet ni ermatz)
                      Ako: ang sama mo.pangbangungot pala ko.hmp!(bata?nagtatampo?)
                      Ina ko:  nakaakap ka daw sa likod ko kasi sumasakit puson at umiiyak kasi may STD ka ata  e naiyak ako sa sama ng loob ko kasi bakit nakipag sex ka sa may std hahaha
                      Ako:WTF!!!!Kala ko buntis!!!!


                       Hutanang panaginip yan. Talaga namang napatumbling ang gabi ko....shetness!Dugyot to the highest level!Taragis...Masasama na lang ako sa panaginip ni ermatz may STD pa. potaness talaga! Minsan narin akong nasama sa panaginip ng iba at talaga namang sinikmura ko ng todo ng marinig ko. Minsan nang nasabi ng isang kaibigan na napanaginipan daw niya ko. Inaakit ko daw siya at(taena kailangan ko pa ba ielaborate?!lam nyo na tuloy non)....Hindi na ko nakapagsalita(sabi ko na't may pagnanasa sakin yon e.hahaha)....Naman o!Masasama nalang sa panaginip hindi pa kagandahan. Impernez bangungot nga...wow!Di ba pwedeng wholesome ang role ko sa panaginip?kahit killer payag ako.wag lang may kinalaman sa jugjugan!


                       Hay! oh well walang dapat ikaba si ermatz at nasa katinuan pa ko. Pwedeng pwede pang virginal sacrifice(ako magliligtas sa mundo..yey!) kaya walang pag-asang maSTD ako.Hindi naman kasi ko ganong klaseng babae na madaling utuin na bubukaka lambingin mo lang(cheap a!choosy?hahaha)...At as of now ala akong biktima(at wala akong matisod..maalat sa jowa.hahaha!). Pero di naman ako nanghuhusga ng mga tumotorjak out of wedlock. Mas trip ko lang maging old school...Walang pakialamanan!hahahaha! Iwas STD,iwas disgrasya...


                      Kaya payo ko sa inyo....Magdasal bago matulog....Na sana hindi ako masama sa panaginip niyo para magising pa kayo...hahahaha!

                     

Banal na Gabi

                         Nakita mo lang yung "banal" pusta ko, nagdalawang isip ka nang basahin tong post na to....panalo!!!!


                Nung isang araw beeday beerday birthday ni mudra (same as mama narin yon.maiba lang.) Mary.Nasabi ko lang....Kinakaray ako ni Greta na manuod ng isang libreng consierto sa simbahan(simbahan?amp!not my fave place to go.hahaha). Medyo nagdadalawang isip ako kasi kulang pa ko sa tulog mula sa nagdaang gabi ng kalbaryo kaya medyo bangenge (i'll tell you about that some other time...)  Bandang huli pumyag na din ako(kaladkarin talaga). Isa kasi sa kaibigan ni utol kasali sa choir na kakanta. Kaya kesa magtampo si kaibigang Ef e gumora ang magkapatid na hitad....


                 6:30 daw ang naturang concert.Sakto naman sa oras dating namin pero may misa pa. Narinig ko palang yung boses ng pari ayoko na pumasok.hahaha!Kaya inaya ko muna lumisaw sa paligid si Greta(umiiwas talaga sa simbahan baka masunog?hahaha.)   Matapos ang misa pumasok na kami at humanap ng magandang pwesto (meaning kita mo ang lahat pero hindi pansinin pag sumibat ng wala sa oras). Nang makakita salpak kabod kami ni Greta. Sineset pa ng bahagya yung lugar, mga lights and sound system (creepy ang simbahan pag patay lahat ng ilaw at puro kandila lang ang nakasindi...!). Nang sa wakas mukang maayos na ang lahat pinresenta na ang CIC chorale. Sila ang pinakamagaling na chorale dito. Ilang beses ko na silang napanood magtanghal at talaga namang sulit ang oras mo (saka kasama si Greta dati don kaya obligado manood.gggrrrr). 


                 Pumorma na ang grupo saka sinimulan ang pag-awit ng mga naggagandahang awitin. Sa ganda ng pagkakakanta narerelax ako kahit wala akong naintindahan kahit isa sa lyrics nila. E latin ba naman! Minsan puro dasal pa kanta.damoho!Sa tuwing matatapos kakanta nagpapalakpakan ang mga tao.... Bravo! Hanggang sa natapos na ang unang set (parang gig lang sa bar a.hahaha!)


                 Bilang pang-aliw habang break may mga nag silent acting ekek na parang miming pero hindi ko masasabing mime at hindi puti ang muka nila. Funny naman ang presentation nila, kahit ang kwento ay tungkol lang sa chewing gum na pinagpasapasahan nang kung sino sino at kung saan saan dinidikit at kung saan saan nilalabas masok (ano iniisip mo?).Natuwa na ko sa ganon.kababaw ko no? Sumunod naman, may nagethnic dance. Alangyang ethnic dance na yon!Sabog! Hindi praktisado. May nauuna,may nahuhuli, merong habang nakalagay sa ulo yung palayok yung iba nakadikit sa bewang.Magkaiba siguro sila ng choreographer...Ako na nahiya para sa kanila. 


                  Sa wakas nayari din yung mahabang commercial....Balik na ulit sa harap yung choir...Kanta kanta kanta....Pag may solo ang mga babae na nagtataasan ang boses na kala mo naipit ang mani talagang hahanga ka. Ibang klaseng talento (sila na anak ng Diyos.amp!). Pero di gaanong benta sa publiko ang tirada nila ateng(kahit makaputol litid ang bira). Sakto lang ang lakas ng palakpak. Maya maya may sumolo ulit. Tumirada ng pagkataas na nota! Dinaig ang wangwang ng ambulansya at ang tili ni Regine V. Imba talaga si ateng. Talaga namang nagpalakpakan lahat kahit di pa tapos.Don ko napatunayang mahilig ang pinoy sa birit. Yung birit na buwis buhay....Yung birit na nagkukulay blue ka na sa pagtira dahil lahat ng hangin sa katawan mo nailabas mo na. Amazeballs! Nakakailang kanta na ang choir pero wala pang party song. Yung tipong mapapaindak ako sa kinauupuan ko. Pero naalala ko pang bday pala ni inang Maria yon at tsaka nasa simbahan kaya wholesome at medyo parang dasal yung mga kanta.KJ! Sabagay sagwa namang bibirada ng poker face sa simbahan. Matapos ang kanta humarap sa audience yung kunduktor (musical conductor.pinagtawanan ako ni greta sa sinabi kong kunduktor.parang pangbus daw).Nasambit nalang namin ni Greta, "SIR JEPOY IKAW BA YAN?!" (basta yon.no explanation.hehehe!).Di rin namin natapos ang concert at late na. Tsaka antok na din kami ni Greta (at utod na sakit ng pwet ko sa pagkakaupo.hindi comfy ang upuan sa simbahan)....


                   Paguwi plakda na sa kama....at ako'y...natulog na!All in all i had a wonderful night....Naapreciate ko naman ang talent ng pinoy at aking mga kababayan(promding promdi dating a).Worth it ang pagtiis ko ng antok at pagsakit ng tumbong ko sa ngawit. abunaz! 

Raket kuno

                                 Kahapong nanahimik ang mundo ko kinamusta ako ng isang kaibigan....Si pusa(sa kabila ng pagbabanta sinabit ko parin siya dito) may inaalok. Tinanong ako kung gusto ko daw ba ng raket(shabu kaya yon o marijuana?). Naging alerto bigla ang inaantok kong diwa.Game kako!bast legal kako.Aba!pera yon no! Sige lang dinetalye niya sakin ang nasabing raket kuno na ang tanging gagawin ko lang daw ay magrecruit ng tao at kikita na ko ng malaki...Aba teka kako!Parang malabo pa sa mata ko yung ganon. Dahil naramdaman niya atang mahina ang pangunawa ko pinapanood niya sakin sa youtube ang nasabing scam raket. 


                     Anak ng tinapa!Isa nanaman palang networking scam business ang raket kung saan anik anik na herbal medicine ang ibebenta.Taragis na yan...Umayaw na kabod ako.NO DEAL!!!!


                     Hindi yon ang unang pagkakataong nasubukan akong utuin para sumali sa ganoong negosyo (kuno)...Marami nang nauna. At pare pareho lang naman ang mga sinasabi.Pare parehong produkto lumamang lang ng bahagya yung isa (5in1 coffee,ung kabila 6in1 may dagdag pampalibog na rin)....Pareho ng strategy. Sa una tatanugin ka pa ng nagdedemo "Gusto mo bang yumaman?"...HELL YEAH!Sino ba namang ayaw. Uumpisahan ka na nilang imotivate. Sa umpisa makukumbinsi ka na. Makita mo palang ang posibleng kikitain mo (kung mauuto ka) mabubulagan ka nang talaga...Maguumpisa ka nang mag day dream ng mga posibleng kapuntahan ng pera mo.hahaha!Gahaman.


                    Speaker: Hindi mahirap maging milyonaryo..Think positive!
                    Ako: (AMEN!)
                    Speaker: Eto na ang kasagutan sa pangarap mo..Sa tulong ng (insert company name here or herbal thingy)...eto ang ating mga products..
                    Ako: (confused) huh!mga damo damo nanaman?!


                    Saka niya isa isang ieexplain ang bawat produkto at benepisyo pag bumili ka at nagtake ng gamot nila. Andyang may pampababa ng cholesterol, blood sugar at kung ano anong pinabababa. Andyang may isang pampaputi na doble benipisyo na mainam sa health (pananaw ko lumaklak ka man ng isang drum non kung makutim ka talaga bigo ka.LOL).May mga sabong pampaganda na lahat ng nirereklamo mo sa balat mo tanggal puputi ka pa(ayan may pampaputi nanaman).Andyan din ang mga tableta o kape na all in 1.Lahat ng hanap mong benepisyo para sa kalusugan nasa kape nila may dagdag pampalibog pa at pampatayo (pag lempyot na si manoy at can't stand alone).Mga produktong mula sa ugat ng kung ano anong inuugatan. Mula sa katas ng kung ano anong may katas na mukang nakakatulong sa kalusugan. Susme! Tapos saka ka bibiglain ng speaker sa presyo ng kanilang mga produkto na WTF! Utod ng mahal.Tubong lugaw ika nga...Kaya ka pala yayaman!Linsyak! Sa dulo ng buong presentation niya, saka niya ipepresenta sayo ang kit mo para sa negosyo mo. ilang botelya ng gamot at ilang sabon etc sa tumataginting na halaga na 15k!!!WTF! 


                    Actually, bumagsak na ang langit ko nang banggitin niya ang pagbebenta....Hindi uubra sakin ang ganoong negosyo. Hindi kasi ako mabokang tao. Wala akong skills sa sales....Wala akong tiyaga manguto ng tao para bumili ng gamot na utod ng mahal na walang kasiguraduhan ang epekto. Ang tanging kaya ko ay manguto ng pasyente sa ospital uminom ng gamot na talaga namang kailangan, na minsan may kasamang pagbabanta (ex. "mamamatay ka pag di mo ininom yan kaya tirahin mo na!").Hindi din ako makulit o mapilit.Kung ayaw mo!Wag mo!hahaha..Kaya hindi ako yayaman sa ganyang raket....Suntok sa buwan talaga ang ganyang mga negosyo. Sa dami ng kakumpetensya mahirap bumenta. Haaaayyy!!Kahirap kumita ng pera (kahit di ko pa naranasan..)


                   Mabuti pang makapagbenta nalang ng laman...Mabilis pa kong kikita....Garantisado! (don't worry hindi ako ang produkto....hahahaha!)

Lumang Bata

                                 Sa wakas nakagawa din ng post....medyo seryoso to.pang nagmemerida.hahaha!

                                 Ang tawag ko sa mga kapwa ko lumaki sa henerasyong medyo hindi pa uso ang cellphone at computer....Lumang bata!Ganda!


                      Minsang nagmumunimuni at walang magawa...Nakapagreminisce ako ng di oras ng mga bagay na namimiss ko mula sa aking kabataan. Talagang ganyan pag tumatanda...tsk tsk! 


                      Noong panahon (alamat ba to?) hindi pa uso ang mga play station o xbox o wii.Pero may family computer naman na. Libangan namin noon ang Nintendo family computer. Sikat ka na non pag meron kayo non. Kahit ang laro lang naman e puro pacman, popeye at syempre mario bros. na nakalagay pa sa balang sing laki ata ng bareta ng sabon. Medyo lumevel up ng konti nakatikim naman ng sega...Pusta tayo don mo din nakilala sila Chun-li, M. Bison, Ken at kung sino sino pang myembro ng Street Fighter. Don ko din unang ipinagpalit ang paliligo para sa maghapong paglalaro ng super sonic at jurassic park!whahahahaha....At ang sikat na gadget non kalabel ng PSP ay ang.....BRICK GAME!hahaha..so challenging.


                     Nakakamiss din ang kabataang dugyot...Naliligo sa ulan. Tatapat pa sa alulod para malakas ang tubig kahit di namin alam kung me ebak ng pusa don.yak! Naglalaro sa putikan...Gagawa ng palayok gamit e putik para kunyari lutuan. Andyang maghapong habulan. Palagkitan ng pawis pabahuan ng kili kili walang liguan... Walang aayaw hangga't hindi nahahataw ng sinturon. Nakakamiss ang magkasugat mula sa pagkakadapa sa laro...Nakakamiss ang mapa ng Pilipinas sa binti parang tattoo..paramihan!


                    Masyadong atheltic ang mga bata noon kesa sa ngayon.... Mga parang nakalaklak ng isang toneladang Enervon at talaga namang more energy mas happy all day everyday. Nakakamiss ang mga larong taguan, taguang chinelas (hanggang sa magkatamaran nang hanapin kawawa ang di makakita ng tsinepin),habulan taya,patintero(o harang taga),piko o chinese garter at ang paborito ko...LANGIT LUPA!Langit lupa impyerno.im im impyerno!saksak puso tulo ang dugo patay buhay umalis ka na sa pwesto mo!oha!kabisado pa talaga.Ito yung larong basta mataas ka lang ng bahagya sa lupa hindi ka pwede tayain kahit ang tinutuntungan mo lang e batong maliit pa sayo.Langit parin yon! Nakakamiss din ang pagbanggit ng taympers!Pag napagod na,naiihi o nagkainitan o nagkadayaan na.Taympers!!!Sinabi mo din yan minsan sa buhay mo!Mangiyak ngiyak ka pa.hahahaha!Nakakamiss ang lumaki sa lansangan, so close to nature....Nakapagpalobo ka na ba ng gumamela? Dahil uso non ang oplan patak against polio,naranasan mo bang gumawa ng sariling version ng patak center mo at gamit ang nectar ng santan?sarap diba?hahaha! 


                     Nakakamiss din ang hairdo na hairdo ng buong bayan! Hindi pa man pinapanganak ang negrang lakwatserang si Dora uso na ang hairdo niya.Lahat ng batang babae dumaan sa chin length haircut na may BANGS!Uso pa non puro bulaklaking bestida sa mga babae na kala mo laging sasagala at ang jumper sa mga lalaki. Naalala mo pa ba nung mga panahong nagsuot ka ng knee high socks?tapos ang shoes mo yung umiilaw pag itinatapak sa lupa?Lumang bata ka...hahaha!Sa sobrang tuwa ko sa sapatos na yon tinira ko ng tinira para umilaw hanggang sa mapundi.sheesh!no fun,pundi kabod!


                     Kilala mo ba si Nelo at Patras?mga tagalako ng gatas..hahaha!Si Sarah?Si Cedi?Mga characters yan sa mga lumang cartoons...Minsang din kaming nahumaling sa Julio at Julia ang kambal ng tadhana(ang kambal na intsik yung isa yung isa naman kana este kano yung isa!weird),peborit ko din ang doraemon,tsaka Mojacko(highschool na ata ko non a..hahahaha!)...Pinagkaadikan ko din ang orig na Mask Rider,Power Rangers,Voltes V at kung ano anong palabas na pambata na gawang hapon na ang storya laging nagiging halimaw ang maliliit na bagay tulag ng mga laruan.baduy!Lumang bata ka din pag sinusubaybayan mo ang Sine Skwela, Hirayamanawari, Atpb....etc!Dahil sosyal akong bata,sesame street ang kinalakhan ko talaga!whahahahaha...


                    Ano usong trip sa school non?Sa amin pag wala kang de rolyong bag hindi ka IN...Laos ka kung ang pencil case mo e walang pinipindot na mga buttons para lumbas ang eraser,bumukas ang takip o lumabas ang ruler o ano pa man ang pwede lumabas! Usong collection non ang mga naggagandahang stationery hindi tulad ngayon havaianas ang kinokolekta...Nakakamiss ang mapabilang sa listang ng mga "NOISY"...Kahit ilagay mo pa ko sa listahan ng 100ng beses hindi mo ko mababawal...hahaha!
    
                    Naranasan mo bang gumamit ng Betamax?Unang video player na pinagsawaan kong panooran ng mga nakakairitang recorded videos ng aking pagkababy...Kahihiyan!Hanggang sa magevolve sa VHS na lumaking betamax hanggang sa maging VCD at maging DVD na....


                    Ilan pang small stuffs and treats i miss..

  • lipps candy(ginagawang lipstick para kissable..weh)
  • pogs and texts (ung bilog yung pogs,yung text cards na maliliit na pinaglalabanan..basta yon!)
  • pritos rings (may lamang treats sa loob tulad ng singsing.hahaha)
  • bazooka bubble gum(laging may kalakip na joke)
  • jolens (marbles)
  • tatoos (chichiryang may lamang free tattoo na pagbinasa kakapit na sa balat...charan!joaquin burdado ka na)
  • rubber bands (paramihan,ginagamit din sa karera)
  • plastic ballon(palakihan pa kayo ng pabula...sarap na sarap ka pang dila dilaan.LOL)





                       Sa panandaliang pagtunganga yan ang ilan sa mga namiss ko....and many more! hay...Ang sarap maging bata...Masasabi ko lang ang childhood ng batang luma ay "KICK ASS" kesa sa Gen x o y o kahit z pa yan!


                       Ikaw anong namimiss mo mula sa kabataan mo?




               exhibit #1: ang cute na ungaz nung kanyang kabataan...ganda!LOL