Ang Pasko ni Ungaz

          Araw ng kapaskuhan…Maagang nagsipagbangon ang mga single ladies at gumayak. Magtatago kaming lahat!Hahahaha….Bukod sa pagtatago sa mga matitiyagang namamasko (wala bang pamilya mga yon at nakikipasko?joke) icecelebrate namin ang b-day ng pinakabatang pinsan namin. Tradisyon na din ang pagdayo sa mansyon ng pinsang si boy balbon sa citey of Cabanatuan tuwing kapaskuhan….

         Taon taon, napagtripan at nakasanayan na namin ang baduy na pagthetheme ng suot pag pasko. At ngayong taon na to ang tema ay….FLORAL! Oha! Inspirasyon namin si Lito Atienza. Feeling Panagbenga(tama ba spelling?maski!)  kami…. Kaya naman ang Ungaz at Greta buong kirempang na gumayak ng floral…pffftt!!

          Pagdating sa mansyon ng pinsang si boy balbon, agad kong inispeksyon ang dining table na parang xmas tree. Namumutiktik sa puta pota putahe!Wooohhhooo…Super excited na ko lumapa. Iniisa isa ko na kung alin ang titirahin ko..Pyesta to!!Saka ako napatingin sa sarili ko at napa “Tanga!Ba’t ba nakafitted ako!” .Pero kiber na…Pumutok na puputok. Bumukol na bubukol.Kakain ako! Once a year lang kaya yon…Hindi ako naghapunan at almusal para sa handaang yon. PG much?

          Buong araw, busy akong kumakain. Maya’t maya ngima ng ngima…Sabik masyado. Let me summarize. Picture taking. Kain. Kwentuhan. Kain. Hanap gift. Kain. Bukas regalo. Kain. CR. Kain…Sino matakaw? Kaya ang pasko ko ay isang munting paglalakbay mula sa 52kgs papunta sa 55kgs. HAYOP!!!!!

Matapos ang walang humpay na pagkain (marunong din ako huminto) at buong araw na picture taking (kahit anong pose ganon parin itsura) oras na para sa MAIN EVENT! Ang paboritong game ng buong pamilya…Ang BINGO!!! Oo na mababaw angkan namin. Last 2 years ago nang unang mapagtripan ang pagpapalaro ng bingo ng aming rich tita. At dahil mga sugapa sa salapi, ginawa nang tradisyon. Sinong aayaw sa bingo na walang puhunan at 100 kada panalo?HA! Babaw talaga…Well anyway, pag naglalaro na ng BINGO ang pamilya namin, gumugulo ang bahay. Parang may giyera! Bawat bola, bawat bunot atat ang mga players. Kanya kanya ng sigaw na kala mo mentras malakas sumigaw lalabas ang numerong gusto nilang palabasin. Maipilit! Sabay sabay nagsasalita parang tawaran sa palengke. Napakasaya…Iba’t ibang pattern ang binubuo. Merong square, horizontal, diagonal, Letter L, U,V, Y, Z!Lahat na ng letra!

Pero ang talagang hinihintay ng lahat ay ang blackout. Hindi yung mawala kuryente….Ubusan ng numbers sa card. At ang manalo ay maguuwi ng tumataginting na 500 pesos. Kanina ko pa sinabing mababaw lang kami.hahahaha!!At pag ganong black out na naguumpisa na ang gulo. May nagpapalpitate, may napapatayo pag pumupuro na(lalo na pag hindi marinig ng mga senior), may panay ang subo ng pagkain pang-alis stress (hindi ako yon promise), merong napapaluwa na tinggil sa pagtili, may nagsisigawan at nagkokontrahan, at may nacoconstipate. Riot talaga! At sa mga oras na yon, malakas ang pakiramdam kong hindi malayong magsaksakan na kami any time…Sukdulang magkapatayan!

Pero, sa bawat laro may nananalo (oo na tito Lito!Hakot award ka!!!!) at may natatalo. Syempre uuwing maligaya ang nanalo. At ang talunan ay uuwing may sama ng loob sa nanalo(tita Tessie move on!!!). Kasi naman hindi nakikinig mabuti nalalagpasan tuloy ang panalo. Kaya naman nagaamok ang mga talunan. Oo tama…BINGO pa ata ang magiging dahilan ng pagwawatak ng aming pamilya.

          Ang ending? Hanggang kinabukasan hindi makamove on ang aming tita Tessie at may sama ng loob sa mga kumontra sa kanyang panalo. (Makikinig ka kas maigii!!)Gaano man kagulo, kahit muntik nang mawatak ang pamilya namin, kahit muntik na kaming magpatayan para sa 500, naging masaya naman ang pasko namin….Kebs na ang pagtaba (next year na ko magdadiet!) basta masaya at kami ay sama sama at mga walang sakit.

          Kayo, how was your xmas?

So far yan lang ang matinong larawan...Kagugulo e!!LOL


Etong Sa Inyo

Dear Readers,

                 Pagbati(greetings)...Mula sa kaibuturan ng aking pu.....so(may puso ako?weh!)....MERRY MERRY CHRISTMAS AND A HAPPY NEW YEAR sa inyong lahat....Nawa makatanggap kayo ng maraming regalo (blessings,and good health)  mula kay Santa (God). At wag kalilimutang magpasalamat sa mga biyayang natamo ngayong taon na to...


            Ipagdasal natin ang buong mundo at ipagdasal niyo narin ang pagbabago ko.hahahaha!!!Labya.






                                                                                Nagmamahal,

UNGAZ


                                                                

I'm Back!!!So What?!

                Oh well I’m back….May net na kami sa wakas pero wala parin ako sa mood magblog ng maganda(as if maganda kung magblog.feeling!). Kaya ikukwento ko nalang ang mga latest happenings habang humahiatus ako kuno…

               Last December 15, 2010. Last day of duty ko sa HDU (hemodialysis unit para sa mga inosente.hehehe!)… Bakasyon lang naman. Babalik din ako next month. Nagexplain? Since last day na namin ng mga kasabayan ko, isinabay na namin ang despidida partey namin sa xmas partey ng unit namin. Tunay na diwa ng mga kuripot! Bring your own lapang ang eksena. Pati mga pasyente namin join sa partey. Impernez ang  daming chibog. Ang planado lang namin na pakainin e nasa 10-15 PG’s only. Kasama na kami dong mga nurses and patients plus mga boss..E anak ng tipaklong! Maya maya isa isang nagsusuguran ang mga taong hindi naman namin kakilala mula sa iba’t ibang departamento! WTF!Anlakas ng pangamoy… May mga boss na non lang kami kinausap sa 5ng buwang pamamalagi ko don. Pag may lapang pala bumabait. May babaeng puro irap lang ang ibinigay sakin at pandedeadma pag pinagtatrabaho ko siya tapos kumakana ng ROUND 2 sa handa naming wala siyang share ni isang kusing. Oo na!Ako na madamot at masungit!!! Ang ending ng araw namin, napakain namin ang buong ospital. Mayaman? Kebs na nga. Pasko naman...Masama magdamot sa mga mas nangangailangan.whahahaha!!!  Sa mga departments na hindi nakachibog….Tutulog tulog kayo e. Kahina….Ang unit xmas partey e kumana hanggang gabi.  Lumipat pa ng venue para lang kumain(para wala nang kaagaw).  Di ko na sasabihing nagbubukas na ko ng pantaloon sa mga oras na yon sa sobrang busog…burp! At ang nakuha kong gift ay....isang PINK!HANNAH MONTANNA! NOTEBOOK! Dito na ko nag-ala Mauro Vizconde nang malamang acquitted ang Hubert Webb. Di ko na napigil ihampas sa ulo ng nagbigay ang notebook...Pero prank lang pala...May isa pang gift.whoopee!!!hahahaha.. 

              Isang araw lang ang pagitan….Lapangan nanaman!Hindi pa natutunaw ng digestive system ko ang mga handa nung 15, umariba nanaman ako ng kain nung 17. Partey naman ng buong hospital…At may theme pang nalalaman. HAWAIIAN! Hindi ako mahilig sa floral shits (so tacky!Lito Atienza?)Kaya naman nakapajamang sumugod ang Ungaz sa Hospital. Anong malay nilang pajama yon….Basta mukang Hawaiian kebs na! Pagkain lang naman dinayo ko. At dahil ang unit namin e mabilis sa kainan, mga nangunguna sa lamesa ang mga taga HDU….Ever the PGs, inubos ang balat ng lechon. Mga naghigante sa panunugod sa aming partey sa unit…hahahaha! At ang maganda non, kumakain na kami kahit wala pang GO signal. O diba? Kumakain habang may speech at awarding na nagaganap sa harapan. 

            Kaya naman ang xmas vacation ko ay iginugugol ko sa araw araw na pagsasabi sa sariling…”ANG TABA TABA MO UNGAZ!PURO KA KAIN!LECHE KA!” O diba sira ulo lang? Puro partey e. Tapos, ano magagawa ko kung may nanay kaming hobby pakainin ang mga anak maya’t maya….LORD!!!! Paano na sa mismong pasko pa. Muka na kong buntis na bakla!Ano ba?! Miz ya’ll..Labya

*Walang kinalaman ang title sa mga sinabi ko...Wa enta pa post. hahahaha!

Ipikit Mo Nalang Mata MO

            Ang bra…Necessity sa buhay ng isang babae.Ang sumusuporta sa kanilang mga dibdib ano pa man ang size. Ang nagtatakip sa hindi dapat makita ng publiko. Hindi mahalaga kung mamahalin o mumurahin. Di bale kung may design o wala. Skintone o colored. Plain o printed … Basta mahalaga ang bra sa babae! E ano ngayon? Ala!Hahahaha!!!
  
   So far kasi sa araw araw na pagcocommute ko mula sa citey papunta sa barrio shittey napapansin ko ang usong fashion trend (uso na trend pa..redundant!) dito. Bukod sa mga nakakasawang view, ibang klaseng view ang napagmamasdan ko…Braless women! Tama. At hindi sa kaakit akit  na pamamaraan. Naiintindihan ko na paminsan minsan masarap sa pakiramdam ang walang suot na bra. Lalo na kung nasa bahay ka lang naman at walang lakad. Mas comfy, kasi walang masikip na sagabal sa paghinga. Basta mas kumportable. Kumbaga sa lalaki parang boxers. Just let it hang loose!Hahahaha…Pero ang tumengga sa harap ng bahay ng walang bra na nakaspaghetti strap pa for the world to see,  e NAKAKASUYA! Imba…Masakit sa mata. Buti sana kung ang susong bakat na nakikita mo e sing ganda ng tubo ng bundok sa pagkakafirm e kaso sumsayad na hanggang bewang na parang gusto mong kumanta ng “do your boobs hang low…” Mga halatang pinaglambitinan na ng isang dosenang anak. Minsan pa may hindi pantay (malaki kanan, maliit yung kaliwa) pero kebs lang. Rampa parin…Proud sa lawlaw na dibdib? Proud sa bakat na utong na sing laki halos ng piso?Kaloka! Buti rin sana kung maganda ang may ari ng braless boobs...hindi e! Damoho!

     Ganon kaya talaga pag tumatanda na? Nawawalan na ng hiya…Walang bra kung walang bra. Bahala na sino makakita. Nakukuha pang mangapitbahay at makipagchismisan ng ganon nalang. Susme! Ala nang pakialam sila manang kahit ang kahuntahan e kalalakihan kahit pa asawa ng kumare ang kaharap (inaakit si kumpare?!). Kahit madampi na sa kaharap ang malayang suso wa pakels...Impernez naman sa mga lalaking kausap hindi naaasiwa. Sabagay, pagnanasaan mo pa ba ang kulubot at malapit na sumayad sa lupang suso? Malamang hindi… Sanay nalang din siguro. Kinasasanayan ang ganon? Hindi ko kaya…Naaalibadbaran ako e…Ano magagawa ko e walanghiya talaga ko.
              
     Hari nawa sa pagtanda ko hindi ko makalimutang magbra kahit wala akong babrahan..

    At dahil hindi maiiwasan sa biyahe ang view ng mga braless women, paminsan minsan  wala nalang akong magawa kundi ipikit ang mga mata habang nasa byahe….pfft!!

Hindi ko Kaya

                         Hindi ko kaya…Hindi ko talaga kaya…!!!.Hindi ko matiis na hindi mangalikot sa net. Potek! Kating kati…hahahaha! Ilang araw palang kami dito sa jungle ni Lion King… So far buhay pa ko at hindi pa nagpapakamatay! Wala parin kaming wireless broadband shit, salamat sa paimportanteng Globe….hmp! Kaya naman si Ungaz dinaig pa tigang sa torjak ang init ng ulo…Masyadong feeling primitive si gaga.Kaartehan! Dahil di makatiis nagtiyagang makipeysbook at twitter (yon lang ang pwedeng gawin!) sa celfone ni Greta si Ungaz(Ako na ang may pathetic lo-tek fone)…

                        At eto ang adventures na hinihintay nyo! Wala! Since wala ngang internet naghanap ako ng ibang libangan…Lilibangin ko sana ang sarili sa panonood ng TV(may cable sa beryo!ha!) kaso hahaplusin ko palang ang remote “WAG MO ILILIPAT AT MARA CLARA NA!”…Ala na! Hinarang ng mga ikik ang kaligayahan ko…Padabog nalang akong bumalik sa kwarto para magburo!!!Nagcable pa ABS-CBN lang naman ang tanging pinapanood!Papuputol ko yon e!!!Whatta life! Isa pang libangan ko dito ay ang pag-aalaga at pakikipag-utuan sa napakakulit na pamangkin/inaanak na walang mintis sumigaw ng “NINANG! SIWA UWO!! SIWA UWO!!!”. O diba?Kasarap lunurin sa ilog….Sino naman kaya di masisira ulo ditey?!

                       At dahil parang mamamatay na ko pag hindi nakapaginternet….OPERA MINI time! Sukdulang inubos ko ang load ko makapagnet lang.Ganon ako kasabik! At dahil limitado ang oras walang kasing bilis ang kamay ko sa pagpindot na halos mabaklas ang keypad ng celfone ko! Ilang araw ko nang ginagawa yon..Kaya naman dukha at purita sa load si Ungaz ngayon.Nagcelfone pa ko!!!! Buti nalang umuwi from the citey itong isa kong pinsan…May Globe tattoo si pinsan. Sa halip na kamustahin ko siya ang una kong sinabi ay “ATE PAHIRAM NG TATTOO MO NOW NA!PARANG AWA MO NA!!!!”…Tong si pinsan naawa naman ata at iniwan saglit ang kanyang TATTOO na agad kong pinaloadan ng 50 para makapagsupersurf(hindi halatang sabik)…At BOOM!!!!Unlimited internet!Yey…Unahan ang Greta, at ako sa pagnenet. Sumsasabay pa si mommy V sa agawan at mag pepeysbook daw siya.Papalitan daw niya ng MICKEY MOUSE ang prof. pic niya na agad binara ng Greta “YUNG BLACK AND WHITE NA MICKEY MOUSE A.YON USO NUNG PANAHON MO!”….
Ngayon maligaya akong kumakalkal ng net…Kahit ang connection e parang si mommy V…choppy! Kahit ano mapagbigyan lang ang kati ko….Peysbook, twitter, blog hop,etc etc!!!WWWWOOOOHHHOOO!!!I;m a happy pechay!

                      Nakapagblog din ulit sa wakas(kahit puro reklamo nanaman)O diba parang hindi din ako nawala….Sabi sa inyo di nyo mafifeel e.At alam kong wa kayo pakels..Namiss ko kayo impernez…bwhahahahahahaha!!!Oh well paalam na ulit.Lintek!GLOBE BILISAN NYO NGA!!!Labya