Tooooottttt!!!!


       Weeks ago ata, nagpakalat ng memo sa buong ospital tungkol sa tema para sa nalalapit na Christmas party. Last year “Hawaiian” (puro PEARLY SHELL TUGTOG!!!!!)….At ngayong taon naman ang naisip nila ay…… FASHIONISTA!!!!!!!!!! Dapak… Yon na. Naloko na… Kung last year dumampot lang ako ng pajama na mukang Hawaiian umubra na, ngayon hirap ang Ungaz. Hindi ako fashionable! Bahala na…

        Sa kabila ng temang parang hindi pinag-isipan, nakapagprepare na ko ng outfit a week before the event (spell excited!). Hindi high fashion na tipong lelebel kay Tyra Banks pero tamang disente naman …. Ang theme ko, may-hang-over-ako look (kahit di ako manginginom). Oha!May sariling theme… Wa pakelz!!!

        Anyway, dahil ako prepared na outfit sinamahan ko kahapon sa mall ang aking preynd na bumili ng outfit para sa party bukas. Impernez madami kaming nakitang taga Hospital na mukang bumibili din ng damit para bukas. Talagang kung kelang malapit na tsaka nagkukumahog… At kailangan talaga bago. Hehehe!!!

        Lahat ng stalls pinasukan namin. Matagpuan lamang ang damit na papasok sa banga ni preynd. Parang naghahanap lang ng soulmate! At dahil lahat nga halos pinasok namin, syempre pinasok din namin Penshoppe…. The usual routine…. Halukay ng damit parang nasa ukay ukay lang, tingin dito tingin don. Hanggang sa…. Wala din kaming nabili. E di lumabas na kami.

        Paglabas ng stall nakita naming ang aming little dear Head Nurse na tulala at walang muwang na nasa harap na niya kami. Syempre binulabog naming siya. Surprise!!! Super hug na kala mo di nagkikita e non lang naman siya off.hahahahaha!!!

        May limang minuto na siguro kaming naggagaguhan sa TAPAT ng Penshoppe ng biglang…….. toot toot toot toot toot! (iperfect mo yung sound at timing para makatotohanan). Hindi ako nagmumura, tumutunog lang ang sensor ng shop.

        Sumigaw si head nurse ng “ETO PO O!SIYA YON” sabay turo sakin ng hinayupak….Tawanan lang kami at ganon lang talaga lambingan namin. Anong malay kong ikapapahamak ko pala yon.

        Maya maya….
Penshoppe Salesman: Ma’am excuse po (sabay turo sa punyetang sensor nila)
Ako: Ay! Seryoso?! Ako talaga…Hahahahahahaha!!! (deep inside, ” sapakin ko kaya to”)

Dami pa naman tao. Soooo diyahe! Ako naman si uto uto, nagfashion show sa sensor nila… Waley tumunog! In your peyz kuyang!!!! Impernez hindi nagsorry si putaragya. Manners! Kebs na… Basta wala ko ninenok…chepangga ba!

        Jusme, nakatambay nalang ako sa tapat ako pa pinagbintangan… Kagalang galang naman sana itsura ko at nakauniform pa ko ng pang Nars. Kuya, sumusweldo ko!!! Imba si kuya…Medyo judgmental kahit mas muka pa siyang mandurukot sakin. Buti nalang nasa mood ako kundi, may paglalamayan kila kuya sa pasko….  Dahil medyo parang pinahiya ako ni kumag, umeksena ako sa harap ng “HINDI NA KO BIBILI SA PENSHOPPE LINTEK!” Sabay turo kay kuya… Nahiya naman ata nagtago nalang. Hahahahaha! Gagung yun… Di tinuruan ng nanay niyang magsorry!

        Pero napag-isip isip ko kasalanan din ni head nurse yon… Mapanirang puri lang din e (Walanghiya po kayo mam Sheyna!Hahahahahaha!!!!). 

        Nawa hindi na to maulit…. Dahil next time di ko na palalagpasin. Hmft che!

        Advance Merry Christmas everyone…!!!!

       p.s. 
            Namiss ko magblog... Kinakalawang na ko. hahahahaha!!! Pasensya naman...Labya!:)

        

electroCUTEd

             Likas sa bawat bata ang pagiging makulit at mapaglaro.... Lahat ng bata dumaan sa pagiging hyper na parang sobra ang energy walang paglagyan..At dahil bata, inosente, hindi alam ang tama sa mali. Wa pakelz sa mundo. At hindi nilagpasan yan ng batang UNGAZ!!!!


             Si Ungaz ay made in IRAQ....Joke! I am born and raised somewhere out there. At dahil nagiisang anak pa ko ng mga panahon yon, sanay akong nakukuha lahat ng gusto ko. Gusto ko ako lagi bida.... At saka bata palang ibang klase na ko magpakita ng affection. Masakit ako magmahal.... Nananakit.hahahaha!!!


             Nang unang mapadpad ang cute na Ungaz sa Pinas para magbakasyon, ako ang bida dahil bagong salta. Siga kahit wala sa teritoryo ko. Ang nakakalaro ko lang non ay ang apat na nakatatandang pinsan.... Si Quin, ang punong diablo..Lider ng bataan. Kung nasaan ang tae andon ang mga langaw...Pag sinabi niyang tumalon ka sa ilog, gawin mo! Si General, the quiet geek na nasa loob kulo, si Nanasur ang all out sa kabugukan bata palang alam mo nang problema to one day (di pa kagad nasense ng mga tita ko)...at si Princess. Ang sweet girl na parang laging gulat sa laki ng eyes at maraming pets na kuto. Yan talaga mga nickname nila... Walang kinalaman sa pagkatao nila....hmp!


             At dahil ako pinakabata, lagi akong OP. Close na sila tapos ako bagong salta lang tapos buret pa....Deadma ko lagi. Laging saling ketket.BOO! Para mapansin nila ko pinakita at pinaramdam ko ang sweetness ko sa kanila. Panay lapit at sunod ko sa kanila. Tapos....Kabog sa likod!Tadyak sa gilid!Batok at dagok!Tuktok ng bakya sa ulot!At kung ano ano pang pangkakaladya. Lahat yon laro lang para sa akin...Nothing personal. bwhahahaha!malay ko bang magagalit sila at naghahanap ng magandang pagkakataon para makaganti..


          Isang gabing malagim, kinaladkad ako ng mga "ate" at "kuya" ko sa bahay ng isang pinsan....Oo,close na kami,Gabi na nasa galaan pa ang musmos na Ungaz. At dahil mga nakatatandang pinsan ang mga kasama ko, kampante ako na uuwi akong buhay....huwat a lie!!!!!


              Sa una laro laro lang ata muna kami (hindi sure??!!!)... Basta natatandaan ko nalang bigla akong inabutan ng punong diablo ng isang metal na ordinaryong susi (may plastic bang susi?!). Ako naman si tanga nagtataka...Para saan kaya ang hinayupak na susi?May treasure?! True enough nag-iba ang ihip ng hangin. Biglang naging parang game show ang eksena. Humilera sa di kalayuan ang tatlong kumag na sidekick ni punong diablo habang kaming dalawa e parang host at contestant. Siyempre ako contestant... May ineexplain ang host (si punong diablo). Ipasok ko lang daw ang susi sa "susian" at bubukas ang mahiwagang pinto sa tapat at lalabas ang maraming KENDI!!!!! i was like...HHHHUUUUUWWWWAAAAWWW!!!!CANDIES!!!Ako na patay gutom... O anyway sinong bata ba naman ang hindi nahumaling sa candy? Naisip ko, gow na. Pag nagbumaha ng candy isheshare ko sa mga pinsan ko.. Pampalubag loob sa pambubugbog ko sa kanila sa araw araw.... Pero bakit kaya i have this feeling na wag susian ang "keyhole"??!!!!

             Suspense ang susian portion.... Parang laban o bawi. Ipapasok ko ba  o hindi?(ampanget!)... Habang patumpik tumpik ako, nagchcheer lang ang tatlong kumag na sidekick. Something tells me mali talaga to e. May halos isang oras ata kaming naguutuan ni punong diablo para lang susian ko na. Nang mapalingon ako sa tatlong kumag na sidekick...Bakit kaya nagtatalukbong ng kumot yung isa???!!! Hanggang sa...Sige na nga. Nang matapos na. Isaksak na ang susi sa keyhole!!!1...2...3....tsuuuk!!!


            ----------------------------!!!!!BIGLANG BLACKOUT! Nawalan ng kuryente? Hindi, NAKURYENTE AKO!!!! Nagdilim lang pala paningin ko...Ang putres kong mga pinsan na pinagkakatiwalaan ko ng buhay ko, nilinlang ako.  Ang sinasabing "keyhole" e electric outlet! iba lang itsura!!!! At ang inaakalang munting pintong lalabasan ng candy ay crack sa dingding na hugis pinto daga (yung sa cartoons)!!!! Kinuryente nila ko....SIIIYYYEEETTT!!! Para kong nasilya elektrika... May nginig na dulot sa pakiramdam!!!


            Habang ako e in shock, (literal) dumadaloy sa pisngi ko ang mga luha habang nakaharap sa punong diablo at mga sidekick niya na nagtatawanan na kita mo na anus nila from the top kung makatawa!!!!Parang hindi nila ko muntik nang mapatay earlier(May tendency talaga maging kriminal yung mga yon). WWWHHHYYY???Ako na kawawa... Mukang wala sa itsura nilang ihahatid ako pauwi kaya naman i grabbed my super luwang na pajama (bat kasi yon pa naisuot) at sabay takbo pauwi umiiyak kahit deep inside takot na takot akong biglang may magpop out na halimaw sa dadaanan ko!!!Ako na batang mapride.... 


             Pag uwi ko di ko na alam nangyari. Panay lang iyak ko. I felt so betrayed sa murang edad ko kung alam ko nga yung feeling na nabetray.hahahahahaha!!!! Di ako makapaniwalang ang sariling mga kadugo ko pa at mga tinitingala at minahal ang gagawa sakin non...Oo may poot talaga ko. Makaganti lang o. Bata lang ako e...bata..Batang bayolente!pasensya naman... 


             Paano nga kaya kung di ko nabitawan kagad yung susi? Pano kung natuluyan akong makuryente at natuluyang mategi boom boom?! KARMA'S A BITCH....really.


             At dahil diyan, binabalaan ko ang aking mga pinsan...INGATAN NIYO ANG INYONG MGA SUPLING....Lintek lang ang  walang ganti.BBBWWWWAAAAHHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!
            



Ang mga frustrated murderers ko kasama ang aming dear lowla...KALA MO KABABAIT NG ITSURA!!!!CCCHHHEEE!!!!MURDERERS!!!!hahahahaha...



Bigat

            Kasagsagan ng bagyong Pedring... Aburido ang Pilipinas. Abala ang buong bansa paano aakyat ng kanya kanyang bubong. Nagugulumihanan ang mga estudyante kung papasok o hindi sa kabila ng mala tornadong hangin sa labas(gahaman sa baon). Ang mga papasok sa trabaho hindi makapasok dahil walang masakyan at nilamon ng tubing ang mga kalsada (nakahanap ng excuse para umabsent). Busy ang mga tambay sa pagupload ng pictures ng baha sa FB habang sila mismo e nakalublob sa baha. Nageenjoy lumangoy ang mga bata sa baha kasama ng mga basura at mga bagay na di mo dapat kasama sa pagswimming(YUCK!!!!). Nakuha pang magpapicture na nasa bubong todo smile pa(so wat daw naka dSLR naman!)... May mga naka side B na ang underwear.May mga lumalakad sa baha na kala mo namamasyal lamang sa park(malakas ang paniniwala nilang immune sila sa leptospirosis). May mga ateng para maiwasang mabasa ang palda, nililis ang palda pataas di na namamalayang kita na kipay niya(mabasa na ang kiki wag lang ang palda.bright!)...May mga pumapasok na hinahabol ng plantsa dahil walang kuryente hindi nakapagplantsa. May mga magsyotang nag-away dahil atat makatanggap ng text e delayed nga ang dating ng messages. May mga nahuli ng asawa sa Sogo may kasamang kabit at nastranded dahil baha na din sa Sogo.

            Habang lahat ng yan ay nagaganap, Habang unti unting nabubura sa mapa ng Pilipinas ang Cabanatuan, prente lang ako sa bahay. Walang masakyang biyahe papuntang citey kaya absent. At dahil sa gubat kami nakatira maraming trees na sisipsip ng tubig kaya ang baha dito hanggang dibdib lang naman....ng ipis! So far maghapon ayos ang cable, hindi nawalan ng kuryente. Parang hindi kami kasali sa bagyo(tampo pa ko?!). Habang namamatay sa kunsume ang mga kasamahan namin sa unit sa duty dahil ang dami naming absent e relax lang si Ungaz sa piling ni mommy V... Habang naglilimas ng mga gamit at tubig ang mga kaibigan kong binaha, nililimas ko ang mga cabinet ng mga chibog. All in all masaya ako kahit delubyo na sa citey at sa ibang parte ng Nueva Ecija.... Kebs lang!!!!

           Pero ang saya ay napalitan ng matinding kalungkutan... Papatulog na kami ni mommy V nang....


Mommy V: AAY!!! D****...Yung mga isda o!
AKO: (Dali daling lumabas ng kwarto at nagulat sa aking nakita!) MOMMYYY hindi!!!hindi!!!mommy!!!!naman e!!!!bakit?!ano ginawa mo?! (o diba nakuha ko pang manisi ng inosente)
Mommy V: Aba wala! Pinakain ko pa nga...


           Ang aming 3 beloved parrot fishes ay nagfofloating na sa aquarium...Hindi dahil trip lang nila kundi dahil patay na sila. Siyet! Saklap...Napaupo nalang ako sa sahig at nakatitig ng matagal sa mga lumulutang na bangkay sa aquarium. Hindi parin makapaniwalang patay na ang mga alaga. Hindi din namin alam bakit. Biglaan ang mga pangyari. Bigla nalang tuloy akong napareminisce... Naaalala ko pa nang una namin silang iuwi sa tahanan. Nung araw na hirap kaming pangalanan sila (TANGA kasi mukang tanga MATA kasi medyo luwa mata niya yung isa NAMELESS nakatamaran nang pangalanan)... At higit sa lahat di ko makakalimutan ang mga panahong nagtiyaga silang pakinggan ako at samahan nang mga panahong nababaog na ko sa depression (oo kinakausap ko ang mga isda?!kabado lang minsan baka biglang sumagot).. At di ko malimot ang lahat ng mga pinagsamahan namin(OA?!maske!). Parte na sila ng pamilya.


          Bandang huli wala na kong nagawa kundi sungkitin sila at ilipat sa supot (natutulilig na ko at nagtatatarang na si mommy V at mabaho na daw)... Mabigat sa damdamin. Bukod sa mabigat na sila sa supot e ang creepy sa pakiramdam no!!! At iniwan ko nalang sila sa isang tabi. Hindi ko na alam kung san sila napunta kinabukasan. Tuwing nakakaamoy ako ng malansa naaalala ko parin sila.

          Kung nasan man kayong tatlo nawa masaya kayo....Mamimiss namin kayo. Please watch over us...We love you!!!mwah!!!:)



"DAPAT PINAANOD NYO NA LANG SA BAHA UNG MGA FISHY KESA NADEDS!!!!!!!! :((((((((..." -GRETA

Sige Hubad Ka Na

                 Sa pagpasok natin o pag-aapply sa isang trabaho may mga requirements tayong dapat punan (punan?!)...Mapalocal man o mapa abroad. Obligado nating kumpletuhin ang mga ito para makapagtrabaho. At isa na don ang pagsailalim sa medical examination...

                         Medical check up..Yes. Sino ba naman ang di dumaan dito... I'm sure memorable ito sa bawat tao lalo na sa mga umaabroad. Kahit ako hindi nakaligtas diyan...bitter sweet memory!!!Mas lamang ang bitter kesa sweet.siyet!

                Minsan kasi sa buhay ko e muntik na ko lumayas ng bansa kundi lang minalas at umarangkada ang pagkaUNGAZ! Anyway dahil nga paabroad ang drama ni ate e sabi sakin ng kumpanya dadaan daw ako sa isang medical check up. First time kong magpapamedical check up. Wala akong idea kung ano gagawin don. Basta alam ko lang papatingin sa doctor para tignan kung healthy ba mga body parts ko at pwedeng kumana ng trabaho sa ibang bansa.

                The day before at sa mismong araw ng check up wala akong preparasyong ginawa. Tanging dasal lang ang ginawa ko na sana lumabas na normal lahat ng results ko at maging maganda ang experience kong ito.

                Sinong magaakalang mawawalan ako ng dangal sa pagpapamedical!!!!!!!!!

                Dali dali akong pumunta sa clinic na referred ng company with a smile. Ang aga ko sa clinic pero ang dami ng tao. 1st step urinalysis at fecalysis. Nawala ang ngiti ko!Putragiz!!! Ihi madaling ibigay kahit maya't maya mo ko hingan pero tae dumi ko?!!excuse me! Hindi prepared ang pwet ko for this!!! Lalo akong naconstipate sa kaiisip. Buti nalang madaling kausap ang medtech at pumayag na bumalik nalang kinabukasan with my fresh hot poops!yuck!!! Natuwa naman ako. Saka ko naisip pakshet na effort dalin tae ko sa byahe. bahala na... Tapos kinuhanan na ko ng dugo at pinapunta sa susunod na station.

                Next stop....Xray! A eto mabilis lang ang pangyayari. pinagsuot lang ako ng gown at pinaghubad ng bra (sa kapal ng padding baka di makita baga ko) at tshirt tapos...click!tapos na...

                        Sunod naman ang dental check up... Sa pagkakaalam ko e maganda naman ang kalagayan ng mga ngipin ko. Pag upo ko sa cozy chair, sinira ng dentista ang tingin ko sa mga ngipin ko. 6 ngipin ko daw ang nangangailangan ng bagong pasta. I was like pota ka ate! Di mo pa pastahan lahat. Napakadami. Ano ko di nagtotooth brush?! Wala na ko nagawa. Pinastahan niya lahat dahil obligado at lumabas akong luhaan. 300 isang ngipin sinong di ngangakngak!leche!!!

               Pagod na ko pero may isa pang test. Una pinaupo ako ng mga nurse at saka ininterview. 

               Nurse: Kelan huling mens?
               Ako: di ko pi matandaan irreg po kasi ko
               Nurse: Tuwing kelan ka dinadatnan
               Ako: irreg nga po kaya di ko matantya (nurse ka ba talaga?!)
               Nurse: Kelan huling nakipagtalik
               Ako: HINDI PA PO KAHIT KELAN!!!! (nandidilat kong sagot! masyadong defensive?!LOL)

               Nakakapanginig ng laman si ate...FYI pwede pa kong ialay pag gumunaw na mundo para iligtas ang pathetic life ni ate. Lecheng yon! Hay.Kala ko don na matatapos ang  kahihiyan ko...But wait!There's more...


               Nurse: Ma'am dito na po tayo para sa pregnancy test...


               Sunod naman ako... I'm so compedenz kasi kahit araw araw ako magpregnancy test e negative yon!bwhahahahaha..easy. Pero hindi. Pagpunta ko sa mini CR nila hinihila ko ang kurtina para magkaroon naman ako ng privacy. Potang curtain ayaw mahila! Ay teka nakafix...Panic ako, tinawag ko ang nurse na nakaupo sa harap ng CR para humingi ng tulong. At ang sabi lang niya ay....


               Nurse: ma'am talagang iniiwang bukas yan. kailangan po kasing bantayan yung patient baka dayain ang result.


               Pakshet!For real?!!iihi ako sa harap ni ate!o come on!!! This can't be real!!! Nang makita kong seryoso si ate wala na ko nagawa. So degrading kahit di binabantayan lang niya ko sa peripheral vision niya. Habang umiihi naisip ko nalang na "Lord para sa pera to!!!"...Awa ng Diyos nakaihi ako ng matiwasay at tulalang lumabas ng lobby. 

               Medyo in shock pa ako at di makapaniwalang nagawa ko yon... Nang medyo nakmove on na ko lumipat na ko sa last stop. Ang physical exam!!! Go na ko ng matapos na at nang makaiyak na paguwi...


              Pagdating sa room sinalubong ako ng isang friendly doktora. Nangingiti ngiti na ko kahit di ko pa alam ang sasapitin ko sa mga kamay niya. Pinapasok niya ko sa isang private cubicle at....


             Doktora: Sige hubarin mo na yung damit mo.
             Ako: (come again?) Ano po?! 
             Doktora: Tanggalin mo na damit and underwear mo para macheck na kita.
             Ako: (seryoso ba tong babaeng to?) Pati underwear po?!


             Oo parang tanga lang paulit ulit kong tanong dahil hindi ko maarok ang mga sinasabi ni doktora! Parang gusto ko sumigaw ng HELP!!! Hindi po ko nagaapply na pokpok!!!wwwwwwwwwaaaaaaahhhhh...ayoko maghubad. Hindi na ko sinagot ng doktora mukang nairita na sa akin. At dahil conservative ako (conservative pero nakaihi sa harap ng ibang tao!pathetic) hirap ang kalooban kong sundin si doktora. Pero naisip ko nalang walang malisya to at doktor siya. SA NGALAN NG SALAPI!!!!Unti unti na kong nagtanggal ng dapat tanggalin (parang xerex naman.yak!) tapos kapa dito kapa don... Impernez wala siyang nakapa!bwhahahahaha... Tapos sunod pati panty daw. HUWAT?!!!! Ibig ibig ko na bumack out! Leche... No choice, sumunod nanaman ako. Kapa hir and der, chek hir and der and then pinatuwad para tignan kung may almoranas ako!  WALA NA TALAGA KONG DANGAL!!!! Mabilis ang mga pangyayari hindi ko na nasundan. Namalayan ko nalang mabilis akong nagbibihis at tumakbo palabas.i feel so dirtey!!!hahahahahahaha!!!Tapos nadinig ko naguusap mga nauna sakin ganon din pala ginawa sa kanila. Lahat naman pala dumaan don maarte lang ako...OA!!!


               Wala akong idea kung ano ginagawa sa physical check up ng lalaki. Wala naman silang susong puwedeng tubuan ng bukol so ano ang kakapain sa kanila. Hanggang sa makausap ko si Lando*(hindi tunay na pangalan)isang kasamahan sa trabaho... Ganon din nung nag-aapply siya sa abroad. Same procedure. Pinaghuhubad tapos pinatututuwad. Sa kanya, dinakma, ay teka hinawakan? ginrab? di ko malaman pano basta ginanon betlogz niya at siya'y nasaktan at saka daw siya pinaubo. Sinipat sipat din ata ang batuta ni kuyang. Impernez tulad ko hindi din niya type ireminisce ang physical check up niya...Naisip ko, may nangyari pa kayang iba bukod sa hawak betlog nya na di nya sinasabi?!hahahahaha...

              So anyway, matapos ang ilang linggong paghihintay, awa ng Diyos lumabas na normal lahat ng tests ko... At awa ng Diyos hindi rin ako nakaalis ng bansa. All that for nothing!!!wapak!


              So ayan... Lahat gagawin at titiisin kapalit ng salapi... Mawala na dangal at lahat. Patapangan nalang ng hiya.hahahaha!! 


P.S.


              Kinikilabutan parin ako tuwing maaalala ko ang physical exam ko...hahahaha!!!Labya


             
                   

Epic Fail to the Nth Power

                Kamakailan lang, sa kalagitnaan ng paghihintay ko sa mabagal na usad ng internet sa pagsstream ng favorite kong master chef sa youtube, bigla akong tinawag ng Greta para ipakita sakin ang isang youtube video na bubulabog sa blood pressure ko!


                Isang video post na gawa ni rayjendiane03. Isang simple't ordinaryong dalagita na walang magawa. Pambihirang babae to..Ito ang pinoy version ni Rebecca Black na mas pinalala.... Kung si Rebecca Black pretty pero nakakbuwisit ang boses, sa kanya ang nakakairita lang naman ay...ANG BUONG SIYA! Siya mismo! Lahat sa kanya. Suya na nga na corny pinoy banats na sinasabi niya na talagang wish mo na siyang banatan sinamahan pa niya ng mas nakakahigh blood na make faces. Kala ata nasa showtime at pumepeyz dance... Kumulo lang ang diabetic blood ko sa panonood. 


                 Kasi naman ginagaya niya pala tong si kim chuchu eklavu basta yon! Isang lalaking tumirada naman ng "Hi Ms. Pinoy Banats"(kayo na magsearch)... E susme, cute si kuya at effortless ang pagiging cute? Hindi siya nakakinis bumanat...ahihihihi!!! E si ate, epic fail sa lahat ng aspeto! Hahahahaha...


               Hindi ko masyadong inurirat ang comments sa video niya. Para kasi siyang bangungot na gusto ko nalang talagang kalimutan. Eto palang Greta talagang effort na binasa mga comments. Jozmeyo! Nakakaawa si ateng.. Inulan ng panyuyurak ang video niya... Super harsh na kahit akong nagbabasa lang e nahiya (feeling ko ako yon?!) para sa kanya. ex. kabayo ka ba? ay kabayo ka na pala...Di ko na pinatuunan gaano ng pansin.


               Kumbakit naman kasi naiintriga much ako sa putres na itey. Hinanap kong muli ang video niya sa youtube pero bigo ako...Burado na siya. Hala sige kalkal parin ako. Parang di makapaniwalang it's really gone. Mega search pa ko sa google!Effort. Haggang sa matagpuan ko rin ang nawawala niyang bangkay page/ youtube account niya. Ay burado nga talaga ang video niya. In fact, laaaaahhhhaaaaatttt ng video na nagawa niya ever! hahahahaha... Binasa ko comments sa kanya ulit. Watdapak!!!!!!!!! Ako man yon buburahin ko video ko. Better yet yung buong account ko o kaya binura ko na pati sarili ko sa mundo. Maygad na mga tao yon! Hahahahaha..Kung makapanlait sila na ang perfect at anak ng Diyos. Imba makapanyurak ng pagkatao... Yung iba parang halos death threat na dating.wwwwaaaaaahhh!! Siya na may award ng most haters! Bandang huli nakakaawa din siya...Siya kasi e! 


              Eto account niya...Read the comments! Nakakapanliit...wapak! http://www.youtube.com/user/rayjendiane03


              So ayon, sa sobrang kahihyan nalang din siguro e binura na nga niya video niya... Pero buti nalang at may isang nakapagsalba pa. Kaya isheshare ko siya sa inyo. ENJOYYYYYYYYY!!!!!!!!!
             http://www.youtube.com/watch?v=jChEsi7qo


                Hahahahahahaha! Ok lang yan ate kahit isang epic fail ang pagsikat mo sumikat ka parin..... kebs na sa haters mo (kasama na kami don!). Bilib ako sa'yo na hindi ka pa napapatiwakal sa kabila ng mga batikos na tinanggap mo. Dinaig mo pa si PNoy sa batikos! Good Job! Till next time...Labya!

chef wannabe!

                                Pagkain....My 2nd favorite thing in the world kasunod ng pagtulog. Buhay na naman ng tamad!!!! Lahat ng tao hilig ang pagkain. Sino ba namang hindi? Pero ang pagluluto na ng pagkain? BOO!!!I hate cooking!!!

                     Oo. Hilig ko kumain pero ayoko sa lahat ng gawaing bahay (lahat ng gawaing bahay ayoko actually.LOL!) ay ang pagluluto.. Maeffort, mainit, hiwa here hiwa there (pati daliri mo mahihiwa).... Sablay pa ko tatantiya ng dami ng sangkap (maalat?napadami ata asin.hahahaha!). Minsan pa kundi hilaw overcooked (payn!sunog!)....Kaya naman mas hiyang ako sa buhay instant...Instat noodles, delata etc...so easy!!!

                    Kaya naman idinadaan ko nalang ang frustrations ko sa pagluluto sa panonood ng mga cooking shows!!!FUN! Tulad ng:


MASTERCHEF- Naaliw at natutuwa lang ako kung gaano kagaling magluto ang mga ordinaryong peepz ng mga kakaiba at masasarap na dishes. Para kong naiinspire. Kung kaya nila kaya ko rin?!(duda?LOL)...Pero mas trip ko panoorin yung version ng Australia. Mababait kasi yung mga aussy, kahit di ko naiintindihan mga sinasabi nila (parang laging patanong?!)...

                   contestant: i jest hev te puwt my igs in the pan...?(bat kami tinatanong mo!)
                   ako: igs?anong sangkap yown?unique..sowzi (tapoz makikita ko siya magbabati ng ITLOG!!!EGGS!!!hayup na iggs yan!)

                   Di tulad sa masterchef america na garapalan. pag ayaw niluto mo lilipad sa basurahan ang fruit of labor mo at harap harapang iluluwa pag di type, masisigawan ka pa. O diba?!Bastusan itey?!Lamunin ka nalang sana ng lupa sa kahihiyan... 

JUNIOR MASTERCHEF- Ito naman yung version ng mga bata.Junior nga o!!! Eto ang imba...Pambihirang mga bata yon.Ke liliit ke babata kung magluto dinaig pa matanda. Imba! Nang ganong mga edad mga dahon lang ang kaya kong lutuin sa bahay bahayan. Kainin mo at malalason ka! Pero sila kalabel ang mga professional chef.  Hindi talaga ko makamove on sa mga yon...Nakakahiya naman ikumpara skills ko sa kanila.hahahaha!!!


HELL'S KITCHEN- ere literal na impyerno...Saan ka naman kasi nakakita ng kusinang ang mga chef e hobby lang ang pagmura sa kapwa at pagsigaw sigaw. Kala mo laging may delubyo. Sa dalas magmura ng mga tao feeling ko nasa tabi ko ng isang cardiac monitor (igoogle!!!) sa dalas ng ttttoooooooottt!!!Parang anytime e magsasaksakan nalang yung mga yon. Di mo gaano masusubaybayan paapaano mabubuo ang isang dish di tulad sa masterchef. Mas tinitutukan kasi dito kung gaano kagaling ang isang chef sa time management at pagwowork under pressure. Pero kung kasali ko don malamang sa atakihin nalang ako sa puso o magseizure sa isang tabi sa stress!!!!!!!Kung mahina kang tulad ko, di ka uubra don.Pustahan tayo iiyak ka sa sobrang kahihiyan.Nakakapanliit talaga.Bwahahahahaha!!!


                   Mahirap talaga magluto...Nakakainggit ang mga taong magaling sa pagluluto. Kaya naman nainspire ako kakapanood ng mga yan. Nainspire kumain at mangarap lang...yon!!!Sa instant parin ako.wala na ko magagawa...bwhahahahahaah!!!!Balang araw magiging magaling din akong cook.Malay niyo.Cook sa karinderya.maske!kumontra lalasunin ko.LOL...Labya!:)
                   

Sweet Mommy

                           Sa aming pamilya, hindi uso ang sweetness....Nakakilabot sa tumbong kung itatry namin. Hindi pwede ipagpilitan... Hindi uso ang pagiging affectionate.hahahaha!!Hugs?Mabilisan lang.Maninigas lang ako pag nagtagal...Kiss?Torture!beso lang ang kaya minsan suya pa. etc. etc...Ang lambingan sa amin ay, usapang barahan at pagilasang mamintas, pitikan at hampasan ng walang dahilan (mostly kami lang yon ni Greta), at magtawagan ng mga pangalang makayurak dangal. Carino brutal ika nga... Normal na yon...Pag medyo parang umiba don malamang nagmemerida na ang isa samin...Pero nagmamahalan naman kami pramiz. Hindi nga lang halata.hahahahahaha!!!

                         Kailan lang ay nadiscover kong may sticy notes ekek pala kami dito sa comfyuter(ako na huli sa uso!) na to....At dahil bago sa akin ang hinayupak e di tinry ko....Nagpost ako ng isang walang kakwenta kwentang mensahe na sure akong mababasa ng kahit sinong chismosa..."ANG BUMASA NITO PANGET..LOL"...Sabi sa inyo e,walang kakwenta kwenta pero epektib. Anyway, pansamantala muna naming iniwan ni Greta ang barrio at lumibot libot sa kabayanan (yek!sooo promdi.LOL).


                 Pag uwi namin, amputres na stick note e andon parin nakapaskil sa desktop. But wait!!!! Parang may nabago...Look a little closer...AYUN...!!!!

                              
                  May nadagdag impernez!!!! Edited version na ang tumabad sa aking harapan...At hulaan niyo sino rumetoke niyan....si MOMMY V!!!!sino pa nga ba! Siya na sweet na ina. Siya na walang sing sweet bumara!!!Natouch ako ng bonggang bongga hanggang kasingit singitan ng aking singit.hahahahaha!!!Sabi sa inyo sweet kami e...Now you know saan kami nagmana ng pagkabarubal...
 
                 Hanggang sa muli...Labya!!!:)

P.S. Title sana ng post na to "ANG BUMASA NITO PANGET!"...Malamang sa di niyo basahin kya binago ko nalang.hahahahahaha!!!!Ang cucute niyo kaya....barf!LOL

oi..kailangan ko kayo!

                               Pansamantala kong pinuputol ang paghahiatus ko para sa isang bigating blog post!!!!!!!


                   jjjjjjjjjooooooookkkkkkkeeee!!!!kelan naman ako gumawa ng post na may sense?Hahahahaha!!! Sa tagal kong nawala dito, naninibago ko sa sarili kong blog.hahahaha!!!


                  O anyway eto talaga pakay ko...May matindi akong pabor na hihingin sa inyo. Hindi to pera, at hindi ko kayo aayain sumali sa networking... yakness!!! Nalalapit na kasi ang paghuhukom sa kapatid kong si Greta at Yow...Sa darating na Sabado at Linggo (july 2 & 3, 2011), silang magkakaberx e susubukang makipagsapalaran at makipagbunong braso sa kasumpa sumpang.....BOARD EXAM para maging mga ganap na nars. Kaya naman hinihiling ko sa inyong lahat na ipagdasal nating lahat ang kanilang mga kaluluwa na hindi makatulog o magpanic (echos lang)sa araw ng exam. Para naman pumasa at maging tambay at dakilang volunteer nurse na tulad ko...!!!hahahahahaha...joke lang. Para dumami pa ang mga dakilang nurse.hmp!


                 At para kay Greta at Yow at sa inyong mga bests, wag kayong kabahan...Hindi kinatatakutan yan at papel lang yan....Relax, focus at samahan ng dasal. Ano man kahinatnan (pasado yan!sure ako.top notchers yan!wlang pressure pramiz!) proud ako sa inyo...hahahaha!!!GOOD LUCK kids.... At good luck sa lahat ng magtetake ng board exam.mwah!!:)




Gusto ko lang maglagay ng pigsyur.....hahahahaha!!!!Hiatus na ulit.bye!:)





It's complicated

                May mga bagay na sa unang tingin akala mo simple lang…. 1+1=2. Tapos! But wait….there’s moooorrreeee!!! Kumplikado pala. Tulad ng pechay!

              Pechay?! Yes pechay! Pukengkay, kipay, kiki (hindi po si kikilabotz.LOL), pukz, kefi, buday (juday?!),pepet, flower, hiyas, tahong etc. etc!!! Ano pa man gusto niyo itawag don yon na din yon.
            
              Ang mga beki (pechay tapos biglang beki.nobayan!), pangarap syempre bukod sa makahanap ng lalaking magmamahal sa kanila ng habambuhay e ang maging real boy girl…. Siyempre ang real girl may girl parts na imposibleng makamtan ng mga sisteret natin. Pero salamat sa teknolohiya, abot kamay na ng mga beki ang panlilinlang kaligayahang inaasam. Boobs? May implants, kung di kaya ng budget may pills (matagal nga lang bago makita resulta.LOL).. Pechay?! Kung pagod ka na kakatali at kakaipit para di bumukol ang di ukol, Ipatabas na yan through…..VAGINOPLASTY!!!


           VAGINOPLASTY…Lecheng yan! Akala ko simple lang. Putol etits, lagay hiwa tapos na at may kiki na ang bakla. Aba hindi pala!!!! Maraming sakit palang pagdadaanan ang mga beki. Madami palang cheche bureche at paikot ikot, balat dito balat don parang saging na tinalupan. Tapyas here and there, so on and so help me God! Hindi ko kinaya matapos mapanood ang video na kumakalat ngayon sa FB at youtube (wag mo na ipatapyas te)…. Habang pinapanood ko buset na video na yon halong mangha at suya ang naramdaman ko. You want a clit? Charan! Inassemble, ipinagtahi at ipinakat. PAK! Want some labia? Charan! Iextend ang natitirang balat ng betlog mo et voila at puke ka na! SUYA!!!!! Parang umaasemble ng car parts este manika...

           Matapos ang unti unting pagpipiraso ng etits at betlog ni ate may kipay na siya… Charaaaannnn!!! Isa na siyang real girl (minus the matres.wala nang paraan don).....Whew! O para naman alam niyo din pinagsasasabi ko...watch this!!! (watdapak ang facial expressions ko habang pinapanood to!LOL). enjoy!


Very educational diba.....
      

           Kaya bilang paalala sa mga kalalakihan. Mag-ingat... HINDI LAHAT NG MAY HIWA AY ISANG TUNAY NA MUTYA....

Whatta Ride

                   Mabait akong tao...Gandang panimula! Kahit tong keyboard umaalma, patalon talon letra sinabi ko lang na MABAIT AKO!!!! Bukod sa mabait ako, matiyaga akong kausap. Di ako mag-angat ng sariling bangko dito...Bago pa kayo masuya....LET ME EXPLAIN.hahahaha!!!


              Di ako supladang tao. KIDLAT!KULOG!LINDOL!!! Oo na..Pero pag kinausap naman ako ng stranger at maayos ang approach e sasagutin ko naman siya ng maayos. Depende din sa mood ko... Matiyaga akong makinig sa kwento ng nangangailan ng kausap. Lalo na kung ikagagaan nila ng loob yon. Ke paulit ulit na problema sa lablayp ("nag-away kami ng syota ko...for the nth time"), o wala lang...("imbey talaga yon, may bago nanamang ginawang kabubuset"). Ako na mahilig maging human diary!


              Kanina, matapos ang duty ko for the day (lagi nalang matapos ang duty pangyayari...hahahaha!Ako na walang buhay.), just like everyday, diretso kagad si Ungaz sa terminal at sumakay sa mga nakaparadang jeep na babiyahe patungo sa piling ni mommy V...Pagsampa ko sa jeep wala pang gaanong sakay. Iisang ale lang na walang bitbit (supot hir supot der bag ober da sayd bag pa on da lap...see!walang bitbit)...Pag-upo ko kinalabit ako ng isang paslit. "ate ate pengeng piso..." tinitigan ko lang ang paslit ng matagal. Lumayas din. Kala ata adik ako...hahahahaha!!! Iniisip ko kasi kamuka ni Greta yung bata. hahahaha! Sabay birada ni ateng kasakay ko "di mo dapat bigyan kasi bigyan mo isa madami na lalapit.." i know right...kuyog. E muka naman mabait ang ate e di nginitian ko na sabay "oo nga po". Kala ko yon na katapusan ng interaction namin. Hindi pala.....


             After ng friendly advice ni ate, sumigada pa...itinuloy pa ang litanya. Deep inside "ate! you're a stranger!Don't talk to me!"joke...Nasabi ko nalang sa sarili ko "uy!close!sige tell me more" Nagpakanurse nanaman ako. At dahil hindi naman ako bastos pinakinggan ko lang siya. Hanggang sa tuluyan na ngang umalis ang biyahe. Akala ko pag bumiyahe na kami titikom na kipay bibig ni inang. Ayun nanaman ako sa akala ko! Sige parin si ate...Ginawa nang seminar ang pagsasalita. Para kong nasa convention na sapilitang inattendan!


             Eto ang ILAN sa mga naisiwalat ni ateng sakin :

  • Ang mga anak niya (isang nurse at isang doktor..asteeg) 
  • Nakapaglibot na sila sa asia (weh no ngayon?san san naman?!)
  • Sa sipag at tiyaga (Manny Villar?Kaw ba yan?)nairaos nila ang pagaaral ng mga anak 
  • Isa palang butihing guro si ate...(hindi niyo po ko studyante wag niyo na po ko lecturan)
  • Si Mayor tralala, e kamag-anak ni mang huever dat is at si manang na castillo e patay na (a ok po...sino po yon at how can you make the world a better place?)
                                    and MANY MANY MORE!!!!

             Nang sa palagay ko naikwento na niya buong talambuhay niya, sa tagal malamang malapit na ko sa bahay...Yes! Pagtingin ko sa labas...Potakels! Malayo pa ko sa katotohanan!Joke ba to? Tinignan ko relo ko...10 mins palang nakakaraan!Maygad!45 mins biyahe ko pauwi...I can't take it anymore!!!SUKO NA KO!!!Sumasakit na ulo ko. Sinasabayan pa ng isang ateng nagsisiwalat din ng buhay sa katabi na kung makabida parang bibitayin na . Mala rifle ang bibig. At ilokano ang salita. Dumagdag pa lecheng drayber na nagpatugtog ng utod ng lakas sa saliw ng " here iiii ammm...playing with those memriz agen".Nakakaiyak na biyahe. Parang pakikinig ng "Friday" Rebecca Black ng paulit ulit. I know you know how that feels....

            Para naman magkaclue na si ate na medyo i can't take anymore of her kwentos di na ko nagrereact sa mga sunod na pasikat niya (nakapaglibot na kami sa new zealand..maganda don.pwe!). Pero sige si ate.  MAY NAKASULAT BA SA NOO KONG "AKO SI ATE CHARO! IKWENTO MO ANG BUHAY MO!" ?????!!! Kulang nalang pati sexlife niya ikwento na niya sakin. Naisip ko na ding magheadset nalang kaso naisip ko sssoooo rrruuddeee....Hay tiis tiis.

            Maya maya magbabayad na si ate ng pamasahe. Inask niya ko wer ang baba ni Ungaz. Bumubunot na si ate ng pera at mukang damay ako kaya sinabi ko naman wer i live in hopes na bayaran niya ang talent fee ko sa pakikinig sa kanya sa buong 1hr na biyahe (mabagal biyahe). Nang aabot na niya bayad sabi ko "naku wag na po...thank you!" Pakipot naman kunyari. E walastik si ate hindi man lang nagpumilit. Hindi nga ako ibinayad ng pamasahe!Che!May pambayad ako....Paasa ka ate! O baka assuming lang din ako.hahahaha!Gusto lang pala malaman lang talaga wer i live. I live at....hmp!

            Nakauwi naman ako ng matiwasay, at nagmamadaling bumaba ng jeep at baka humabol pa ng kwento si ateng. At non lang ako nasabik umuwi ng bahay sa inaraw araw na biyahe ko..wwwaaaaaahhhhh!!!!! 


            In fairness kay ate nice naman siya at friendly siya sa strangers...Magilas ding guro at magulang at tao si ate. At pwede mo idolohin...hahahaha!Pramis. After non...Close na kami....Feeling ko next ime ililibre na talaga niya ko pamasahe.Hahahahaha!!!!

            O ayan nakapagreklamo nanaman ako..Masaya na ko. Gumaan na ang dibdib ko (na matagal nang magaan.alam na!...Labya

Kamusta na ko?!

                           Eow pfoeh....(eeeewwww). Pers taym ko po mablog.hahahaha! Sa tagal kong nawala dito feeling ko perztaym ulit.prang kipay na matagal di nagamit sumisikip ulit. masikip ulit tuloy utak ko.....ahihihihihi


                  Anyway highway....Eto mga namiss niyong pangyayari sa buhay ko na sure akong wala din naman kayong pakialam. 


                  March 17....Nagdiwang ako ng aking ika tootooot birthday. hahaha!payn! 24th effin bday. Di ko na pinangalandakan pa at wala namang espesyal na kaganapan. Hindi narin ako nagpumilit at nagmakaawang manghingi ng pic greet mula sa inyo dahil masasaktan lang ako at malamang walang magsend.whahahaha!pota!ako na madrama. 


                  Nung araw ding yon e pinning (isearch kung di alam) ni Gretang impakta. O diba?Birthday ko pero siya ang may special happening. Deadma na ko...hahaha!bitter?! At dahil ako si ever supporting loving ate (ayon sakin) punta ko sa okasyon ni kapatid. Ala.Bukod sa panonood kong tusukin este tusukan siya ng gagakulangot na pin, ako din ang naatasang maging julipher (julalay na photographer) ng impaktang utol.... It was fun though. Maluhaluha ako sa pagkaproud. Nanay?! Di ko daigin si mommy V.hahahaha!


                  After the pinning nagpakain naman si ina sa isang restow...ooohhh!!!sosyal. Double celebration. Di pala ko nakalimutan.hahahaha!


                  O eto highlight ng shitty life ko....Kahapon March 19 ako ay naatasang maging abay sa kasal ng isang kabarkada. wwwoooaaaahhh!!!! Bilang babaeng walang finesse at super baragan, challenge sakin yon. hahahaha! 


                  Salamat sa effort ni Greta at ng aking pinsan, napagmuka nilang babae ang Ungaz....Hahahahaha!Matronang bakla ang itsura. Ako na nakatube fuchsia pink dress na bahagyang nalalaglag.Kaw na ba naman biyayaan ng maliit na dibdib!che! Ayos naman ang wedding...Sa tinagal tagal ng pagaayos sakin nila Greta at pagpipilit na pagmukain akong girl, ang role ko pala sa kasal ay......TAGATANGGAL LANG NG BELO!!!!!O diba napakasignificant!hahahahahaha.... Masisira ang kasal kung wala ako.hay!




                  Matapos ang kasal syempre diretso na sa reception....Uhaw na uhaw na si Ungaz. Gusto ko nang uminom ng tubig mula don sa swimming pool...Pambihira!!!!TTTUUUUBBBBIIIGGGG...Pumrente na ko ng upo kala ko lapangan na. Aba hindi. Tinawag pa kami ng tikbalang na emcee para isa isang rumampa...Nakng! Kailangan maraming moment?!Fine!!!


                  Nakapwesto na kami sa table namin ng sa wakas magserve na ng inumin ang mga waiter...Excited na ko, madadampian na ng tubig ang uhaw kong pagkatao.wooohhhooo!!!pagbuhos ni kuya sa baso ko....Nawala ngiti ko!COKE! Tubig ang kailangan ko...wwwaaaahhhh!!! 


                  Bawat kasal syempre hindi mawawala ang tradisyon na mapagtripan ang mga abay....E di syempre kasali ko don.Nakanang! Paagaw ng ng bouquet paksyet!!!No choice ako. Sumali ang Ungaz sa kabila ng masamang kutob...At potakels!!!Ako ang mapalad na natira.huhuhuhu!!!LLLOOORRRRDDD... Nawala na ngiti sa aking fez! Wala na kong nagawa. Pagtingin ko kay mommy V para huminging saklolo, nakasmile ang nanay ko at mukang masaya sa kahihiyan ng anak niya.susme! Buti nalang at bata lang ang malas na lalaking abay na naabutan ng garter. Buti nalang nagshave ako ng binti kundi nakakahiya naman ke kuya. Baka akala binti ng lalaki nilalagyan niya ng garter...bwhahahahaha!!! Habang itinataas ni kuya ang garter nanlalamig siya habang ako masama lang ang tingin sa kanya at nagbabanta!Sabay bulong "umayos ka kuya..."LOL...Sa takot niya gang tuhod lang niya nailagay ang garter...nye nye...syempre tuwang tuwa ang mga so called friends ko sa pantitrip sakin ng tikbalang na emcee. kulang nalang pahalikan ako ng impaktang baklita sa kilikili.kissing booth ba to?! I'm gonna kill you!!!!(sa isip ko lang)...


                 Natapos din naman ang kalbaryo ko...Maayos na nairaos ang kasal ng mga mahal kong friendship. Kahit mawalan na ko ng dignidad at dangal, at paltusin sa paa ng ilang daang beses okay lang...Naikasal na din sa wakas ang mga mahal ko sa buhay. I'm so happy for them....true!!!


                 At bilang pagtatapos....Dahil sabi nila ako na susunod na ikakasal dahil sa mga pangyayari, ang tanging sagot ko lang....ASA KAYO!!!!evil laugh 100x gang maubusan ng hangin...then fade....

Pangarap na di Maabot

              Hindi ako reklamador na trainee...Kahit anong schedule mo ko isalpak okay lang. Kahit halos araw arawin ni egg nurse ang midshit (oo midSHIT talaga) duty ko, kebs lang....Ako na utod ng bait. At dahil sa utod ko ng bait, sa lahat ng kasamahan ko, ako nalang ang di pa nakakaranas ng mahaba habang pahinga.3 days off diretso...


              3 days off na diretso ang pangarap ng bawat isa samin. Kami na mababaw! Sa araw araw na magduduty ka ng halos hilahin ka na ni kamatayan sa pagod e papangarapin mo talaga yung sunod sunod na off...Konting sakripisyo nga lang. Straight 5 days kang duty. Susulitin muna katawan mo sa pagod bago ka palasapin ng saraaaaapppp...


              Anyway sabi ko nga ako nalang ang sa aming lahat ang di pa nakakatikim non (yung off hindi yung ano!). Sa tagal tagal ko sa charity work ko hindi pa ko napagbigyan ng 3 days off na dirediretso...Ngayong February sa wakas napagbigyan...Excited na kong tumengga at bakasyon mula sa shitty duty ko...3 days din yon. Pumlano pa ko ng bonding namin ni Mommy V after my laundry duty.Nang.....potanginang volunteer's meeting sumakto sa ika-3rd day ng off!nyeta.late ko na nalaman. Sa impaktong ospital pa naman na yon BIG DEAL masayado ang pag-attend ng meeting na yon. Kahit yon at yon lang din ang paguusapan.pfft!! No choice na.Di pwedeng di dumalo sa linsyak na pagtitipon. Inilipat ko ang off ko at jumuty nalang nung araw na yon. Sayang pamasahe ko kung pupunta ko ng citey para lang sa meeting na yon.hmp!


             Today is the said date. Masama ang loob kung pumasok at nakaset ng nga sa pechay ko na off ko ngayon...Nagumpisa ang meeting. Humarap na kaming lahat kay "Tiyang" (yan ang tawag namin sa aming chief nurse.sssshhhh!!!)...At inumpisahan niya ang meeting sa pamamagitan ng isang matinding.........BIBLE STUDY!!!Nakang! Di nya ko sunugin sa kinauupuan ko. Matapos niya kaming subukang hikayating magbalik loob sa Diyos at mukang alam niyang bigo siya tumungo na kami sa main event of the meeting. Madaming pang intro si tiyang. Ang iginising ko pala ng utod ng aga, ang ipinagpalit kong off, at ang pinakamahalagang bagay pala na dapat imeeting ay.......ang nyetang PROPER HANDWASHING! Langya!Peste!Potakels!Shetness to the nth power!!!Hayup to the highest level!Yon lang!!!! Yon lang!!! Kabisadong kabisado na namin yon na minsan ikinakabangungot na ng bawat nurse! Alam na ng lahat yon e..maryosep!!E kahit safeguard kinocommercial na yon. Nanood nalang sana ko ng TV. Parang nanadya pa talaga si tiyang sabay sabay niya kaming pinaghugas kunyari ng kamay habang nagbebelt out ng HAPPY BIRTHDAY! Omaygad!!Kill me now! Masakit sa tenga marinig ang at least 20 kataong kumakanta ng Happy Birthday na kala mo nasa lamay at wala pa sa tono. Billionaire nalang sana kinanta o kaya Just the way you are o dirty bit .kahit ano maiba lang!!!! Pathetic!!!!


               Yon lang ang ipinagaksya ko ng off...handwashing! At dumagdag pa sa siphayo ko sa pamiryenda sa meeting. 1 SMALL PIECE OF PANDECOCO BREAD...Di ka man lang matitinga, hindi pa pinamigay ang kape. ANO BAAAAA!!!!! Pano kung nabilaukan kami sa gagakulangot na tinapay na yon?che!!!


               Once again...Bigo matupad ang pangarap ko. Sayang ang sakripisyo at effort. Next month susubukan ko ulit makamit ang straight 3 days off. At kahit sampung meeting pa maganap para humadlang sa pangarap ko, HINDI NA KO AATTEND!!!

When it Rains...it Pours....

                 This is not a funny story...It's a shitty, worthless, boring story!


                 Kagabi....I had a shitty dream na muntik ko nang hindi ikagising kaninang umaga. May multo daw sa kwarto at muka namang harmless. Kaso multo parin siya kaya lintek scary. Sa takot ko, akalain mong marunong pa pala ko magdasal kahit sa panaginip para mapaalis ang nilalang na di ko makita pero alam mong andon.amazeballs! Wa epek ang prayers at mas umepekto ang pagtakbo at pagtatago sa ilalim ng daster ni mommy V!Yon ang bangungot talaga.next!


                 Kaninag umaga....Maaga kong nagising mula sa impaktong bangungot. Kaya naman maaga kong gumayak para sa duty. Sakto alis ko ng bahay. Tantyado kong maigi oras at sure ball na hindi ako malelate...no way....Kaso pag labas ng bahay....may strike ba mga jeep ngayon?Wala halos dumadaan. Potaness! Lakad naman ako ng mga 10 years lang tapos nasakay din sa wakas. Pero pag sinuswerte ka talaga...may kabuwisitan si manong driver! 15minutos ng buhay ko ang inaksaya niya kahihinto para makahanap ng sakay. Leche! Di naman ako nagreklamo at baka masama lang masabi ko ibaba ako ni kumag. Panay palatak at parinig ko kay manong. Deadma!Gang sa matanggap ko nang malelate talaga ko. Tangena mo kuya! Malapit na ko bumaba pero lalong bumagal takbo ni kuya. Ampota nagtetext."eow foeh!!lafet na meehh" potangna ka kuya anong petsa na! Papatayin na kita!!!Bumaba na ko at sumakay ng trike. Pinagmadali ko si kuya at mainit na panahon lalo na ulo ko. Pagdating ng hospital balak pa ni kuya magaklas sa bayad ko. Natakot lang sa muka kong muka ng papatay any moment....I THEREFORE CONCLUDE SI UNGAZ AT ANG MGA TRIKE AT JEEPNEY DRIVERS AY NEVER MAGKAKASUNDO!


                 Pagsalpak ko sa unit....Madilim ang muka ko. SADAKO look alike. Dagdag mo pa panlalagkit ko sa mainit at stressful na biyahe.watdapak talaga!!!! Maya maya nabembang ako ni egg nurse.  Yey!.Pambihira hindi muna ko pagpahingahin   At hindi dahil sa late ako.  Dahil sa isang pagkakamaling nagawa ko na muntik nang ikabawas ng sweldo niya...oopppsss!!!sorry naman. Hindi naman ako nahurt masyado sa sermon nya kasi ibang klase magsermon si sir. Pajoke at malambing ang tono.Nakasmile pa. Di mo mafefeel na sinasabon ka na kinoclorox ka pa.Di ko malaman kung nangungunsensya. At dahil paksyet ang araw na to damay damay na lahat sa isang maliit pagkakamali. Ang ending napaiyak ni sir ang tatlong dilag. Oo kabilang na ko don...Nakakasama talaga ng loob. Isang maliit na bagay pinalalaki at pinalalala pa ng mga taong walang utang na loob. Oo kayo yon mga taga Phil Health! Nagiinarte!CHE! Nakakita ka na ba ng mga nurse na nagduduty mugto mata mukang mga nakahigh?alabet!so great!!!


                   Hapon....Tapos na drama MMK style. Balik sa dati parang walang nangyari. Gaguhan mode ulit. Bati bati na mga hitad....


                  Kaya naman bago umuwi kabado ako...Ano nanamang kamalasan ang naghihintay sakin paguwi?! Malamang kako mamamatay na ko...Awa ng Diyos nakauwi ako ng buhay ata walang aberya. HIMALA!!!!!


                  Napakashitty na araw naman talaga nito para sakin....Bat nga di ako maiiyak! Binangungot na, nalate pa, nabembang pa...Why o why Lord?!!!!Pinaparusahan mo na talaga ko...Lahat ng kamalasang yan ay....INUMPISAHAN NG PAGPAPAKAMATAY NI ANGELO REYES!Maisingit lang. May masisi man lang.


                 Go! Start na kayong magcomment na puro shitty lang ang binoblog ko.....LOL!Sensya naman.

Masakit kuya?

              Hay...Pagod ang lintik na Ungaz.Pang-ilang duty ko na 11am-7pm...Reklamador!

              Hindi pabor sakin ang paguwi ng past 7pm...Alam niyo namang sa kagubatan pa ang uwi ko kaya ang biyahe patungo sa kuta ng mga mangkukulam e madalang na pag ganong oras (marunong din matakot ang mga drayber sa aswang!)...Kaya nitong mga nakaraang araw pahirapan ang paguwi ko. May galit ata sakin si egg nurse puro ganon duty ko.hmp! 

              Bawat biyahe patungo sa amin e precious! Wag mong palalagpasin ang isang jeep at tiyak na maglalakad ka pauwi. Kaya naman nang pauwi na ko hindi na ko naginarte pa at sumakay na sa unang jeep na nakita ko!!!!Grab! 

              Pag-upo ko sa jeep salpak kagad sa tenga ang earphones at relax relax muna sa makabasag tenga kong sounds. Kebs na sa mga pangyayari sa paligid...Maya maya, pansin ko parang ang tagal naming nakahinto. At ang mga pasahero panay ang tingin sa labas....May delubyo ba?! So ako naman tinanggal ang nakasalpak sa tenga and nag look to the left...CHARAN!!!!Ang potek na kundoktor ng jeep namin e kumakana ng boxing! Nakipagbasagan ng matagal nang basag na muka sa mga trike drivers. Di ko alam kung anong pinagsimulan ng away...Dahil ako si miss sungit, ako pa nairita. Naantala ang biyahe e trip na trip ko na humimlay...Naisip kong lumipat nalang kaya ng jeep. Sakto naman at yung kasunod na jeep e dadaan din sa aming lungga. Bababa na sana ko ng.....Potakels!!Walang drayber yung kasunod. Nainggit ata si kumag jumoin pala sa rambol.Pambihira!!!! Hintayin ko na nga lang sila mapagod magpatayan! Hayop kayo kuya!

                Maya maya naawat din ang mga impakto. Tuloy ang biyahe. Sumabit na si kuyang kundoktor na watdapak ang itsura! Duguan at mukang bangkay na nakatayo. Pinaupo na si kuya sa loob. Impernez magkatapat kami. Si kuya duguan...At dahil nakauniform pa ko ng puti, tinitignan ako ng mga pasahero parang inuubliga kong gamutin si kuya. Kaya ayoko ng may gulo pag nakauniform e.Nak ng!Deadma...Sound trip lang ulit sabay yuko. Maya maya inaabutan ng ateng sales lady si kuya ng isang boteng alcohol at sandamakmak na bulak. WOW!!!Gel scout.ready..dinaig pa ko. Kahiya naman ako pa man ang naturingang nurse at nakauniform pa.Nakonsenya ko ng bahagya kinalkal ko ang bag kong putok na putok baka sakali may something na pwede ipangtulong. At ang tanging nahagilap ko ay.....ISANG SMALL YELLOW CHECKERED BAND-AID!Pag tingin ko sa sugat ni kuya, wala pang kalahati matatakpan ng band-aid ko. AKO NA WALANG SILBING NURSE!! Ang laki ng bag walang kwenta laman!Amp! E tutal la na ko talaga maitutulong pinanindigan ko nang matulog sa biyahe. Paggising ko, nasa tapat na kami ng single ladies house...PARA PO!!!At bago ako bumababa, masama ang tingin ni kuya....

                 E sorry naman kuya! Di ako handa...Kaw naman kasi.whahahahahaha!!!!Bawi ako next time. Ipagdarasal ko nalang na gumaling na kagad mga sugat mo...Wag ka na ulit makikipag-away a...Ingat!!!!

                 Fact: Pag nakauniform ako ng puti, nagdarasal ako na wala sanang sakuna, gulo, o delubyo ang mangyari. Alam nyo na bakit...LOL

Inosente Siya

                          "Masikip yung butas na papasukan...."


                 "Kailangang gapangin mo talaga...Hindi ka makakapasok ng nakatayo..." (Sabay mostra paano ginawa niya)


                 "Masikip sa una pero pag nasa loob ka na maluwag na."


                 "Madulas nga e..."


                 "Basa, matubig sa dulo..ganon pala yon!"


                 "Pagod na pagod kami tsaka basang basa"


                 "First time namin yon...Ang saya nga e. Dapat try niyo din!"


                 "Dapat sasagarin mo takip sa butas para di tumulo..."


                 Alam kong green minded ka din tulad ko...Oo yon din iisipin ko. Pero hindi. Yan ang kwento ng aming dakilang 24 year old virgin head nurse (Hari nawa di nya mabasa to..Labya chir!:))sa kanyang adventure sa BIAK NA BATO with his "HON"...pambihira pati lugar!BIYAK na BIYAK!!!!


                At dahil inosente...Literal! Nakangiti lang at halatang masaya si sir habang nagkukwento....Walang halong lokohan. Walang malisya...para sa kanya. Pero walang kamalay malay si sir kung bakit habang tuloy tuloy ang kwento niya tuloy tuloy din ang haglapak ng tawa ng mga nasa paligid niya. Kabilang na mga pasyente naming bahagyang tumaas ang BP sa pagkukuwento niya. Kala mo batang nasa gitna ng grupo ng matatanda at nagkukwento paano niya natutunan bumili pers taym sa tindahan. IMBAAAAAAAAAA!!!!!!!!Walang halong malisya itsura ni kumag.Pambihira...Flat affect. Walang muwang! Samantalang para sa amin may double meaning lahat ng sinasabi niya. Super SPO na ata talaga kami...Sexually preoccupied. 


              Tong si egg nurse(male head nurse) larawan ng isang huwarang anak...Elementary, valedictorian! High school, first commendable ekek..College, Cum Laude!!!Walang bisyo, at trip lang ay school, bahay, minsan gala....Siya na pangarap na anak ng bawat magulang.Utod ng tino...Di ko lam pano nyang nalagpasan ang 4 na taon sa nursing ng hindi lumalaswa ang utak.whahahahahaha!!!!At di ko alam kung dahil sa sobrang talino at inosente minsan ang green jokes namin bumabyahe pa ng ilang araw bago nya magets.....with matching explanation namin ng pathophysiology ekek. Pambihirang tao yan. Sinusukuan din namin talaga minsan. Sa tulong namin at konting tiyaga, medyo nakocorrupt na namin ang utak niya...whahahahaha!!!


               Sa bagay di ko narin maintindihan kung bakit lahat nalang ng bagay laging iniisipan ng kuneksyon sa kalibugan...hahahahaha!!!Kaw na sir ang banayad at tunay na dalisay ang kalooban at isipan. Pero yung totoo.....KAMI BA PINAGTITRIPAN MO?!!!!Kaloka ka. Look how innocent ang itsura nya...Yow at Pipay walang sumbungan. hahahaha!!!






               Anyway bilang trivia....WALANG NURSE NA WHOLESOME!!!!

I Resign

                     Napapagod na ko...Napapagod na ko.....Napapagod na ko.... Ni hindi ko alam saan uumpisahan at paano tatapusin.


               Napapagod na kong umintindi 
               Nagsasawa na kong magmakaawa at umasa sa pagmamahal mo
               Ayoko na umasang magbabago pa ang tingin mo sakin
               Napapagod na kong umasang rerespetuhin mo ko
               Napapagod na kong masanay na hiyain mo sa mundo
               Ayoko na umasang magbabago ka
               Nakakapagod hintaying bibigyan mo ko ng kaukulang pansin
               Napapagod at nagsasawa na kong kaawan sarili ko
               Napapagod at nahihirapan na kong huminga sa mundo mo
               Napapagod na kong makipagtalo
               Napapagod na ko kahihintay sa simpleng "thank you" mo
               Hindi na ko aasang hihingi ka ng paumanhin at hindi mo kaya yon
               Napapagod na kong magbigay at magpaubaya lagi...
               Sawa na ko sa pananakit at pagpapaasa mo...
               Masakit na mata ko kakaiyak....
               Nananawa na kong palagpasin nalang lahat....


               Ginawa ko na lahat...Mahaba na ang panahong inalay ko sayo. Matagal tagal na kong nagtiis. Napalitan na ng poot ang pagmamahal ko para sayo. Mabigat na kalooban ko tuwing nakikita ka na ipinipikit ko nalang mata ko...Nilalakas ko na sounds ko wag lang marinig ang boses mo...Todo dasal na ko wag lang kita mapatay.....


               Kelan ka pa magbabago? Kelan ka mapapagod sa mga ginagawa mo sa akin? Kelan ka titigil bigyan ako ng dahilan para wakasan na buhay ko? Hindi ka ba titigil hangga't di mo ko nakikitang nakasubsob sa lupa? Panalo ka na!!!Suko na ko....Di na ko lalaban. Tanggap ko nang kahit kelan hindi ako mananalo sayo....Marunong din akong mapagod. Pero ngayon gising na ko...At hindi na kita hahayaang saktan ako...Kaya kung ano man ang posisyon ko sa mundo mo malugod kong iniaabot ang resignation letter ko...I RESIGN LECHE KA!!!Tinatapos ko na ang kontratang hinain ng tadhana para sakin....At hinding hindi na ko magaapply ulit sa posisyong iiwan ko kahit magkamatayan pa....Taena mo ka!!!!Paalam.....xoxo!!!mwah!




*Pawang walang kinalaman o koneksyon sa buhay ko ang mga kagaguhang pinagsasasabi ko sa taas(oo yung isa dyan naistatus ko sa FB pero wa koneksyon!). Sinubukan ko lang umarte at kumana ng ganyan...Trip trip lang ng adik.Bandang huli, ako din ang nasuya...Pakshet na yan di ko na uulitin!!!!hahahahaha!!!Labya