Bigat

            Kasagsagan ng bagyong Pedring... Aburido ang Pilipinas. Abala ang buong bansa paano aakyat ng kanya kanyang bubong. Nagugulumihanan ang mga estudyante kung papasok o hindi sa kabila ng mala tornadong hangin sa labas(gahaman sa baon). Ang mga papasok sa trabaho hindi makapasok dahil walang masakyan at nilamon ng tubing ang mga kalsada (nakahanap ng excuse para umabsent). Busy ang mga tambay sa pagupload ng pictures ng baha sa FB habang sila mismo e nakalublob sa baha. Nageenjoy lumangoy ang mga bata sa baha kasama ng mga basura at mga bagay na di mo dapat kasama sa pagswimming(YUCK!!!!). Nakuha pang magpapicture na nasa bubong todo smile pa(so wat daw naka dSLR naman!)... May mga naka side B na ang underwear.May mga lumalakad sa baha na kala mo namamasyal lamang sa park(malakas ang paniniwala nilang immune sila sa leptospirosis). May mga ateng para maiwasang mabasa ang palda, nililis ang palda pataas di na namamalayang kita na kipay niya(mabasa na ang kiki wag lang ang palda.bright!)...May mga pumapasok na hinahabol ng plantsa dahil walang kuryente hindi nakapagplantsa. May mga magsyotang nag-away dahil atat makatanggap ng text e delayed nga ang dating ng messages. May mga nahuli ng asawa sa Sogo may kasamang kabit at nastranded dahil baha na din sa Sogo.

            Habang lahat ng yan ay nagaganap, Habang unti unting nabubura sa mapa ng Pilipinas ang Cabanatuan, prente lang ako sa bahay. Walang masakyang biyahe papuntang citey kaya absent. At dahil sa gubat kami nakatira maraming trees na sisipsip ng tubig kaya ang baha dito hanggang dibdib lang naman....ng ipis! So far maghapon ayos ang cable, hindi nawalan ng kuryente. Parang hindi kami kasali sa bagyo(tampo pa ko?!). Habang namamatay sa kunsume ang mga kasamahan namin sa unit sa duty dahil ang dami naming absent e relax lang si Ungaz sa piling ni mommy V... Habang naglilimas ng mga gamit at tubig ang mga kaibigan kong binaha, nililimas ko ang mga cabinet ng mga chibog. All in all masaya ako kahit delubyo na sa citey at sa ibang parte ng Nueva Ecija.... Kebs lang!!!!

           Pero ang saya ay napalitan ng matinding kalungkutan... Papatulog na kami ni mommy V nang....


Mommy V: AAY!!! D****...Yung mga isda o!
AKO: (Dali daling lumabas ng kwarto at nagulat sa aking nakita!) MOMMYYY hindi!!!hindi!!!mommy!!!!naman e!!!!bakit?!ano ginawa mo?! (o diba nakuha ko pang manisi ng inosente)
Mommy V: Aba wala! Pinakain ko pa nga...


           Ang aming 3 beloved parrot fishes ay nagfofloating na sa aquarium...Hindi dahil trip lang nila kundi dahil patay na sila. Siyet! Saklap...Napaupo nalang ako sa sahig at nakatitig ng matagal sa mga lumulutang na bangkay sa aquarium. Hindi parin makapaniwalang patay na ang mga alaga. Hindi din namin alam bakit. Biglaan ang mga pangyari. Bigla nalang tuloy akong napareminisce... Naaalala ko pa nang una namin silang iuwi sa tahanan. Nung araw na hirap kaming pangalanan sila (TANGA kasi mukang tanga MATA kasi medyo luwa mata niya yung isa NAMELESS nakatamaran nang pangalanan)... At higit sa lahat di ko makakalimutan ang mga panahong nagtiyaga silang pakinggan ako at samahan nang mga panahong nababaog na ko sa depression (oo kinakausap ko ang mga isda?!kabado lang minsan baka biglang sumagot).. At di ko malimot ang lahat ng mga pinagsamahan namin(OA?!maske!). Parte na sila ng pamilya.


          Bandang huli wala na kong nagawa kundi sungkitin sila at ilipat sa supot (natutulilig na ko at nagtatatarang na si mommy V at mabaho na daw)... Mabigat sa damdamin. Bukod sa mabigat na sila sa supot e ang creepy sa pakiramdam no!!! At iniwan ko nalang sila sa isang tabi. Hindi ko na alam kung san sila napunta kinabukasan. Tuwing nakakaamoy ako ng malansa naaalala ko parin sila.

          Kung nasan man kayong tatlo nawa masaya kayo....Mamimiss namin kayo. Please watch over us...We love you!!!mwah!!!:)



"DAPAT PINAANOD NYO NA LANG SA BAHA UNG MGA FISHY KESA NADEDS!!!!!!!! :((((((((..." -GRETA