A Life Lesson Learned



            Ishesheyr ko sa inyo ang isang memory na hanggang ngayon e ikinatatae ikinakikilabot parin ng pagkatao ko…ulk!!!

            Nakatira pa kami non sa Menela (oh ya dats rayt!Menela girl pa kami ni Greta non!)…  Isang summer nagbakasyon ang mga pinsan naming mula sa gubat (ngayon pare pareho kaming nasa gubat) sa Menela…At dahil nataon naman na nagbabaksyon din si Mommy V galling sa pagiging dancer sa Japan (maaaring hindi ito totoo), napagtripan nila kaming ilibot. At ang napiling destinasyon ay………….FORT SANTIAGO!  How…how…how…educational?

            Kebs na sa lugar. Bata palang naman kami non! Basta libot okay na.... Kahit sa kanto lang ang punta basta masakay lang ng kotse, bus, van, taxi, tricycle, kalesa, bisikleta o gulong masaya na.

            O e di naglibot nga kami sa Fort Santiago… Papicnic picnic. Walang kamatayang picturan. Takbo, lakad, takbo, lakad…E ala naman ibang magagawa don! Hanggang matambad ang mata ko sa isang bagay. TAE! (o diba bulgaran lang!)Yey! Alam mo yung tae na binebenta sa Blue Magic? Yon na nga…Yung pinatigas na papel na kinulayan ng mukang timang na yellow..o brown..o yellow brown.A basta yung mukang tae. O anyway may tindang ganon don sa Fort. At dahil likas na buset lang talaga ko non, gusto ko magpabili kay mommy V non. Naisip ko pag meron ako non ilalapag ko sa damuhan malapit sa mga TURISTANG PORENJER! E tignan ko lang kung di pa non nauso ang “IT’S MORE TAE SHITTY FUN IN THE PHILIPPINES”… Panay ang kulit ko ke mommy V. Buong araw ata akong nagpawis, nagpaasim at naglupasay at nagmuryot para bilan ng pekeng tae. Ala! Bigo ako as usual….

            Dumaan ang buong araw na masama ang loob ko… Nasa sanib mode nanaman ako non! Hanggang sa uuwi nalang kami iniisip isip ko pa ang potek na tae na yon.  Palabas na sana kami ng gate ng Fort. Lakad lang ako ng lakad habang nag-iisip… Tae tae tae..di ka napasa akin.. insert bubble head here..."Bababa kaya presyo ng gasoline?..si marvin ba talaga at jolina?...bakit kaya mukang siopao si Mara muka namang sandok si Clara. Pero yung TAE talaga e. Sayaaaaaang!!!!!! " Habang tumatakbo yang mga yan sa isip ko, sa dulo ng napakahabang daan patungo sa gate panay ang hiyaw at kaway ng mga kalesa drivers. Kala mo nakakita ng artista! (nagfefeeling na ko dito).. Di ko naman naiintindihan!Panay pa turo sakin. Punyeta!Hindi po kami sasakay anu be! Hindi din po ako si Kristine Hermosa, kahawig ko lang! Sige parin sila sa paghiyaw. Jusko naman di ko sila maintindihan. Kebs lang! Anu kaya problema mga yon?! Diretso pa ko sa paglakad  (nauuna ko kila mommy V). Hanggang sa kalabitin ako ni erpats sabay turo sa paa ko… charan!!!!NAKALUBOG ANG PAA KO SA ISANG TUMPOK NG MAINIT INIT AT SARIWANG TAE NG KABAYO!!!!!!!!!!!!!! (oo nafeel ko ang init) Itsura ng paa ko? Parang taeng tinubuan ng sapatos. Jusko di ko malimot! Spell shit.. ako na yon! Ampupu!!!

            O e di potashet lang! Nakakahiya at nakakabwisit! Bago pa naman yung sapatos ko non. Napakaluwang ng daan sa dadaanan ko pa natapat yung tae na yon. At kaiisip sa lecheng laruang tae hindi ko napansin ang tunay na tae ahead. Ampupu!!!Kaya pala nagwawala yung mga kalesa drivers e winawarningan ako. E di ako na timang! Ako na sikat…. At habang lugmok ako sa tae enjoy na enjoy lang na tumatawa ang buong pamilya ko. Ang sweet lang!!!!

            Umuwi akong amoy tae ng kabayo…Yun na! All in all masaya parin ang libot ko. At least paguwi ng mga pinsan ko sa gubat may ikukuwento silang katangahan ng pinsan nilang menela girl sa mga kamag-anakan at paulit ulit itong aalalalahanin habambuhay…Ang saya!

            Lesson Learned: “ Life is literally full of shit”…LOL!
          
            Hanggang sa muli…Labya!

                eto yung pinagkakamatayan ko non...!@#^&*(&^#!@~!!!!!

7 comments:

YOW said...

Hahahahahahaha. Alam mo? Ang dami ko dapat sasabihin kaya lang sobrang na-distract ako sa picture ng jebs. Walangya ka Teddy! Haha. Sinong naglinis nung sapatos? Nung tinuro na lang sayo tsaka mo lang nafeel na mainit? Hahahaha.

Anonymous said...

naexperience ko rin yan dyan mismo sa fort santiago. dami kasing kabayo hehehe. ei! if you have time, you can join my contest ha. Bagsik ng Panitik :)

Anonymous said...

eiw... hahaha

glentot said...

At ang cute ng tae may dust talaga LOL! At least you got what you wish for, naexperience mo pa ang real thrill...

Ungaz said...

@Yow- Nakakadistract ang jebakz?!LOL..Aba de syempre si mommy V ang naglinis. Pero hindi ko na ata sinuot ever.natrauma?hahahaha!!!

@Kuya Bino- Di pa nila palitan ng KUBETA NG KABAYO pangalan ng lugar.hahahaha! Ahay kahiya di ko keri lebel ng pacontest mo.hehehehe!sowsyal

@Kikomaxxx- Eww ka jan!LOL

@Glentot- Malala pa sa 3D at 4D experience idol...Sana maexperience mo din yon para makumpleto buhay mo.bwhahahahaha!!!

Anonymous said...

Cool and I have a nifty provide: How Long Do House Renovations Take whole home renovation

Anonymous said...

Cool and I have a tremendous present: What House Renovations Need Council Approval my home renovation

Post a Comment