Feeling "S" in the Citey

              Wag na maraming arte kukwento ko na kabod!Hello nga pala...hahaha! My 2 days off sa Lungsod....

              Last week umaatake na rayuma ko all over my hot bodey nang kaladkarin ako ni mamy V sa Menela. I heyt Menela.. Maisip ko palang ang lakad na gagawin ko don humihiwlay na paa ko sa katawan ko. Makikipagkita si mamy V sa old (wag na mahurt. you're old na talaga..hhmmm) college BFFs nya. Sumama na ko kahit masamang masamang masama ang loob pakiramdam ko. Nauto ako ni ina nung sabihin niyang susunduin ako ni Greta at ililibot na parang bata around the citey with matching pocket money. Di na ko pumalag! She got me at "pocket money".Mukang pera lang diba...

              Sobrang excited ni ina, pagdating ng friends niya iniwan na niya ko sumwer sa SM North. Bahala na kung masundo ako ni Greta. Siyet! Parang batang inabandona ng ina. Medyo kabado ko maging alone. Hindi ako mahihiyang sabihin na madali akong iwala sa Menela. Ikot ikot lang ko don. Sabi ni mamy V don't talk to strangers. Tagal ko naghihintay ke Greta feel ko na umiyak. Kaya nang sabihin ni Gretang nasa Cubao na siya ang sabi ko lang "Ang layo mo pa!bilisan mo.Nukaba" (as if makokontrol niya bilis ng MRT) sabay reply niya ng "kumalma ka!dalawang station nalang!"..Di ko talaga lam gano kalayo yown.

               Nagkita din naman kami...Kalmado na ko nung makita kong papalapit na ang malapad kong sistah! it's like Santa coming to my aid. LOL!
I feel safe... Nagugutom na ko kaya nagpasama na ko humanap ng kakainan. E nakalimutan ko kapestehan sa Maynila na wala kang makainan ng ganong oraz sa dami ng tao. Tirik na mata ko wala parin... Napunta ko sa medyo pricey for my budget. Wa pakels na keza tumembwang ako don sa gutom. Walang dangal!

             After that lakad lakad lang kami ng maalala kong hanapin ang book ni Glentot sa National Bookstore. To kasing Greta na nasa Menela na hindi ko pa maasahang bumili. Pagdating sa bookstore halughog kami sa bookshelves. Di ko makita. Nagtanong nalang kami sa saleslady. 

             Me: Ate meron pa kayo Wicked Mouth ni Glenn Tabarejos
             Saleslady: Wicked Mouth? (confused ang muka much!Pramiz)
             Me: Yung pong "unang putok?" (i swear pabulong ko tinanong!hahaha)
             

              Hanap hanap lang si ate sa shelves sabay pagmamalaking alphabetically arranged by author mga books don. I don't ker ate! 

              Saleslady: Ano pangalan author? Glenn Taba ba? Glenn taba... Glenn taba..

              Panay correct naming Tabarejos... Pero matigas ulo niya! Naku ate pagnarinig ka ni Glenn i swear ililipat niya pechay mo sa noo! 

              Bigo kami.... Kaya naman tumawid pa kami Trinoma. This time hindi na kami nagtanong sa saleslady at lalo lang kami mapepeste. Hinalughog namin buong bukstore! Medyo natagalan kami kasi parang bet ni Greta sumali sa book signing event ng precious hearts romance...yek! 

              Malapit na kami sumuko. Wala sa hilera ng catching fire, precious hearts, wala din sa tabi ng diary ng panget. Leche! Napagtripan ko ang catchy cover ng book ni Tado kung saan nakabandera muka niya nang biglang.....

              "Potangina Meggy ereeee!!!!" Akalain mong nakahilera si Glentot kay Tado at Lourd De Veyra... Sobrang excited inaya ko kagad umuwi ang Greta para mabasa na.

              Pagdating sa hauz ni Greta Inumpisahan ko na basahin ang libro. Muka kong tnga tumatawa magisa. Maya maya pa sinabayan ko na ng tulog ang naghihilik na call girl...

              Pag gising namin inaya na ko gumayak ni Greta. She's gonna walk me layk a dog sa market market at itotour sa Bonifacio Highstreet. Jusme! Minumura na ko ng paa ko sa pagod. Halatang halata sa naghuhumiyaw na mga ugat. Pero dahil feeling S (sozyal) e sumige na ko..

              Andameng tao sa Market Market. Fyutana! Parang wet market sa dami at ingay... Literal na sumakit ulo ko. Di kami masyado nagtagal. Inaya na ko ni Greta sa Boni high...ooohhh!!! With matching bilin na, "wag ka mabibigla, puro S don. umayos ka!"  !%^@$^@*

              Pagtawid palang ng kalsada para kong tumapak sa some kinda portal. Parang biglang naging ibang dimensyon napuntahan ko. Madaming tao pero quiet ang rich peepz. Hindi ako sure kung may lamay sumwer at bawal mag ingay. Medyo OP ang promdi... I thot nasa US of A na ko. Kung makaenglish mga tao. May bayad kaya pag nagtagalog?hahahaha!

              Nung medyo napagod ako umupo muna kami sa isang tabi watching little rich kids play with dirt. How cute tignan... Pero kung ordinaryong bata yon, ang sasabihin mo "dugyot na bata naglulupa. Yak!"... kung makadiscriminate!

              Later on sabi ng Greta mag Jamba Juice daw kami... Kumbakit pagkadinig ko ng Jamba sum kinda dance shit ang nasa isip ko. Place for fruit shakes pala yown na mahal. Sensya na! Fruitas lang kasi meron sa kabukiran. LOL

              Ipinagpaubaya ko na ke Greta ang pagorder at nakakahiya kung may maimispronounce ako... Leave it to the slang call girl. S!

              Tumambay muna kami habang umuubos na "fruit shake" (muntanga lang! Fruit shake e kalamig ng panahon..amft!). Tapos non naglakad nanaman kami. Hindi ko inakalang death march pala gagawin ko buong araw....gggrrr!!!

               Nang nagkapaguran at antukan na umuwi na kami... Sukdulang magtaxi na. Can't take it anymore... Pero bago matulog tinira ko muna book ni idol. Nayari ko kinabukasan! hahahaha...So worth it.

               The next day nagpaka S nanaman kami... Dinala kami ni mamy V sa Greenbelt 4 para maglunch. May kakaiba sa mall na to....Tahimik nanaman! May observe silence bang nakapaskil sumwer? How i miss ang ingay at gulo sa pangMASA na malls.Hahahahahaha!!!

               Kaya kami napunta don kasi ang inang mo magpapakain ng steak! Huwaw...Bago pa magbago isip kumana na kami. Wala naman okasyon... Naawa ata sakin nung minsang nasabi kong di pa ko nakakakain ng sosyal na steak. Hahahaha!Yak.. Yagit lang! Ang sarap ng food. Sulit ang fyutang 800+ para sa inihaw na karne!LOL Ninamnam kong maigi ang food... Pero di nagpahalata na perztaym...hihihihi

                Sa pagod ko ng 2 days e nilagnat ako (hindi sanay sa S!)... Kaya hindi ako nakapasok sa work. Although tired and exhausted, nag enjoy ako sa 2 days ko sa Menela (pwera sa death march!) kasi nakapagbonding kaming tatlong mag-iina. Hindi man kami S sa pang araw araw e sapat na sakin na magkakasama kami at masayang nagaaway nagmamahalan. S for sentimental!LOL  

                 Til' next time...Labya! :)

Brown Out vs Bran/d Out

           Since wala akong magawa at medyo may katagalan narin nung last ako nanlait nambully nagpakilala sa inyo ng mga tao sa paligid ko eto muna.... 

       Introducing Macky aka buret, aka kuya, aka makipot, aka jomari at marami pa siyang aka na di ko na babanggitin at di tayo matatapos. Trust me sa dami niyan isa lang diyan banggitin mo lilingon yon. 

       Tong si Buret (fave alias.hihihihi) ay isa sa pinakamabait naming katrabaho at kaibigan. Kung anong kakulangan ng buhok niya, siya namang ikinalago ng kabaitan niya. At kung anong ikinaiksi ng biyas niya, siya namang ikinahaba ng pasensya niya. Di masyadong pikon. Kahit napapagtripan na dedma lang. Di ko lam kung sadyang mahaba pasensya niya o kami na pinagtitripan niya. badtrip din e no! Pero trust me, gustong gusto niyang binabastos siya. Insert flashback here "Sige nga mam,bastusin mo ko!"... Gusto rin e. Pagbigyan!

       Dahil sa kanyang pasensya at taglay na kainosetehan (kunyari) peyborit siyang pagtripan ng karamihan. Isang araw..... (insert fairy tale voice over here). Habang abala ang mga tao sa kanilang pagtatrabaho nang biglang......tttooooooooootttttt!!!Nagkandamatayan ang makina!Biglang dumilim ang paningin paligid ng beri beri light!Relax! Hindi to horror.Nawalan lang ng kuryente. Saglit lang naman ang kadiliman, maya maya pa bumalik na ang liwanag.

       Kausap ni Buret ang isa sa mga clients, "oo mommy nagbrown out kasi e!"..... Biglang sabi ng isa, "sir mac!Hindi brown out!Brand out!". Boom! Sa hindi malamang kadahilanan walang warning, walang pasabi nagkaisa ang buong bayan, nurse at pasyente na paglaruan saglit si buret. "oo nga sir!anukaba!brand out hindi brown out!Nakakahiya ka!". To namang si buret "oh?!nakakahiya!!!hindi ko alam.huuuuyyy!!!"


       O diba?Maniniwala kabang ganon siya kadali at kabilis linlangin?! Ilang oras din ang nagtagal. Nalugmok na sa hiya si buret kakakutya namin na mali ang brown out niya. Hindi parin niya ramdam na napapagtripan na siya. Ere pa matindi ,"all my layp akala ko talaga brown out!Nakakahiya!tapos pag gabi black out" at akala pa pala niya ang brown out e pang umaga hanggang hapon at pag sa gabi nawalan ng kuryente black out! Huwaw! May schedule pa pa pala vocabulary niya. Imba! Ahahahahaha! Nakakatuyot ng matres talaga... 


       Hindi din nakatiis si Buret. Bago pa siya makapagdesisyong magpakamatay dahil sa khihiyan sinearch pa talaga niya sa ever reliable na WIKIPEDIA ang brown out. At don natapos ang agam agam niya. Tama naman pala ang term niyang brown out. Ang mali lang talaga niya e nagtiwala siya samen. Hahahahahaha!!!Gayun pa man hindi masyadong nagalit si Buret. Ganon kabait yon kaya naman mapalad kami sa kanya.

       Marami pang bloopers at tricks yang si Buret. Hindi mauubusan! Pero kahit madalas naming ginagawang pet toy yon e lab na lab namin siya. Yak!Sorry di ko mapigil..hahahaha! Salamat nalang at andiyan si Buret na napapasaya kami ng walang kaeffort effort. O awat na puri at malamang pag nabasa niya to e umemowt ng todo yon at magyabang ng bongga.

      Hanggang sa susunod... Labya!!! 




                                       bwahahahahahahaha!!!siyet


           eto na talaga...medyo marangal.hahahaha!!!Mabuhay ka Buret!

Before Touch!

                  Kanina nakalimutan ko na saan nagsimula bigla ko nasambit ang NOKIA. As in No-ki-ya...Ganyan tulad ng nakasanayan. Pero hindi ako pinaglagpas ng sing laki ng german sausage na si buret sa pronunciation. Ayon sa kanya ang tama daw ay Nokya (bilisan with sowzy accent). Sinangayunan naman nung bulig e di talo na ko. Nokya na kung Nokya! Lochia!(isearch kung di alam)...  Oh well i don't ker kako pano man ang bigkas niya. 

           Sa panahon ngayon ang dami nang nagsusulputang hi-tech phones na sing laki na halos ng TV(sing halaga narin ng TV.pfft!). Naghahabulan lang ang Samsung at Sony kung sino mas S (sozyal) na phone.Pilit namang hinahabol ng Star Mobile, Cherry mobile, myphone etc. (sige lang habol lang kayo). Samutsaring features na imba na minsan hindi mo naman talaga kailangan masabi lang na may ganon ka sa cellphone(so yabang).Sobrang hi-tech kulang nalang lumabas na sa cellphone mo katext/kausap mo. Hindi na ko magtataka kung balang araw nasusukat narin ng cellphone mo BP at blood sugar mo sa pagkurap lamang.oha! 

           Pero bago mo naranasan ang touch, naligayahan ka muna ng todo sa pindot pindot lang. Wag masyadong green!Hindi papunta don ang usapan. Tara na't magbalik tanaw at tumanaw ng utang na loob sa unang cellphone brand na nagpakilala satin sa isang bagay na ikasisira ng buhay at bulsa natin. Nokia.....

          Naalala mo pa ba si 5110 (insert "oo nga")?Di ako sure at wala kong balak isearch pero ito ang unang cellphone na patok sa masa noon bukod sa alcatel na hugis safeguard (insert "oo nga" again here). Ito ang pumalit sa mga pager. Noon pag naka 5110 ka na mayaman ka na ng bahagya. Makapal at matibay ang model na to. Pwede mong ipampukol sa kagalit mo at tiyak comatose bagsak non. 

         Sunod sunod na nagsipagsulputan ang 3210, 3310,8210,8250. Hanep parang pin code lang ng atm no? Kabisado ko pa to non. The higher the number the better. Dito din nagoriginate ang model na may "i" hindi iPhone (5110i). Parang may ikinaganda naman pag may "i".hahahahahaha!!!

         Kung ngayon di ka makali sa pagpalit ng cover ng phone mo, dati din humaling na humaling ang mga tao kapapalit ng "housing" ng cellphone nila. Meron see through, plastic, o rubberize. Makukulay! Nakakaaliw... At dahil sadyang wala magawa sa cellphone, di nakuntento papalitan pa ng backlight at para medyo kakaiba palalagyan ng "acetate" yung screen (hindi pa uso wallpaper non).

         I'm sure minsan naranasan mo nang maya't maya icheck ang cellphone mo dahil akala mo may text ka dahil panay ang dinig mo sa paligid mo ng  message tune mo. Kasalanan mo ba na "standard", "ascending", at "special" lang pagpipilian mo?

         Malamang dahil adik ka din sa text noon nagkakalyo ka na sa mga hinlalaki mo at nabura mo narin mga letra ng keypad mo pero ganon pa man kayang kaya mo bumuo ng cohesive na mensahe ng nakapikit. Itry mo yan sa touch screen sige! Tignan ko lang.... Nakakamiss yung ingay ng pagtipa sa keypad no?hahahaha!

         Naalala mo pa ba kung ilan high score mo sa snake? Ano ang unang ringtone na nacompose mo? Nagmakaawa ka na ba minsan sa kaibigan mo na sendan ka ng "graphic quotes"?Yung mga text na may kasamang teddy bear o rose o stars na gawa sa pinagdugtong dugtong na symbols (insert "ay oo").

        Sa pagdaan ng panahon nagsulputan pa ang mga bagong modelo ng nokia. Nagkaroon na ng kulay (3510i,3550). Hanggang sa umasenso nagkacamera pa (7610,6610). Sa dami ng modelo at mga kompanya na kumumpetensiya sa nokia, hindi ko na nasundan ang mga sumunod na model ng Nokia tapos napagiwanan pa sila sa features lalo na sa operating system. Nagkampihan kasi yung iba sa android nagmaganda Nokia hindi jumoin. aaawwww!!!sad. Naglitawan na ang mga cellphone na touch screen. Tumaas na resolution ng camera ultimo internal organs mo kita na (oa lang ako). Ala na....

        Gayon pa man salamat parin Nokia sa memories (patay na ba?!) at experiences and knowledge na naimbag niyo sa buhay ng mga taong sabik sa text at tawag. 

        Hindi naman mahalaga kung anong modelo ng telepono meron ka. Mura man mo mahal, nakakabuhay man ng patay o hindi, ang mahalaga natutulungan tayo nito para maabot at makausap man lang ang mga taong mahalaga man o hindi na malayo sa atin. Sabi nga ng Nokia "Connecting People"....

        Nga pala, hindi ako binayaran ng Nokia sa post na to. Trip trip lang to...hahahaha!! Until next time.. Labya!

In Between

                Tulad nga nang nasabi ko nung nakaraang post ko, nakapogi cut ang buhok ko ngayon. Isang desisyong matagal kong pinag muni munihan. Nang mahagilap ko na lahat ng lakas ng loob na sinabayan ng singhot ng rugby, isinakatuparan ko na ang plano.

                Yipee!!! Uma Anne Hathaway ang hair. Hair lang kaya ko habulin sa kanya hindi ang ganda. Siyempre madaming haka haka, kanya kanyang teorya bakit ako biglaang nagpagupit. At ang pinakamasaklap na napagkayariang conclusion don e magpagkamalan akong tiboli. Nakanangtuch! Kumbakit kasi nung napagdesisyunan kong magpagupit ng todo short sumabay naman magladlad (question!akma ba ang ladlad sa tibz?)tong si Charice Pempengco! It's a boy!!!! Mali ang timing ni ate kuya ....It. It?! As if naman hindi pa nahuhulaan ng mundo na mas bet niya ang tahong kesa tender JUICY hotdog!che!

                Deadma nalang. Tutal wala namang katotohanang ako ay nagnanasa sa kapwa pechay. Kesa kunsumihin ko sarili ko. Kebz lang pagbintangang tibo. Ewness naman! Mga judgemental....choz! Sisihin si Charice!!!!

                O e ayun na nga...Napagkakamalan na nga kong tiboli kahit nakalipstick na nga ng makulay at nakafit ng damit. Nakakita ka na ba ng tibong nakalipstick at nakapush up bra?!come on!!!! naman o!!

               Kaso kahit anong effort ko naman mag ayoz para magmukang babae e iba nanaman ang interpretasyon ng mga tao. Napagkakamalan naman akong lalaki. Correction! Bading. Napagkakamalan akong beki... Naknampota naman!

                Scenario : Si Ungaz nagpunta ng national bookstore para magpagawa ng stamp shitnezz para sa trabaho. Kinakausap ni Ungaz ang sales watever nang....

                Sales ekek: papirma nalang po dito sir.

                Ungaz: (deadma lang. Baka namali lang si ate at mukang disoriented sa pagod.) 

                Sales ekek: Pasulat nalang po nung pangalan 

                ....habang sinusulat ni Ungaz ang kanyang pangalan...

                Sales ekek: Pangalan niyo po yan? (parang di makapaniwala si potaness!with a smile na alam na)
                
                  Ungaz: OO! (sabay irap..imbey na si Ungaz nang mga oras na yown. Lumalaos si ateng!)

               E gagu lang ni ate diba? Tinawag na nga kong sir hindi pa siya makapaniwala na ako nagmamay ari sa pangalang DONNA MARIE! Oha! Di niya akalaing babae ko?Dapak! Bakla lang ang peg ganun?! Salamat sa short hair ko at maliit na jugenggay talo na ko sa debate kung meron man diba. Makapanginig laman lang si ate e... 

               Inhale exhale lang count 1-10 muna para maiwasang makapatay ng tao kahit nung mga oras na yun lang. Iba e.. Parang gusto ko ipakita sa kanya ang anatomy ko ng mga oras na yon. Nakaka ano si ate e! Gigil!!!!

               Hay naku...O anyway wa pakels na anu pa man ang tingin sakin ng tao. Problema na nila kung di nila mawari ang kasarian ko. Aliw lang din minsan. Hulaan nalang. Keri lang...Ienjoy ko nalang ang mapahamak kong buhok. Hahahaha!!!

               Let's sing.. GIRL BOY BAKLA TOMBOY BUTIKI BABOY... ALIN ALIN ALIN ANG NAIBA?! 

               Ano nga bang mas nakakaoffend?Mapagkamalang tibo o bading?...Hanggang sa muli. Labya!:)


Ever Evolving Hair

                 Aminado kong hindi ako kagandahan (ekshuweli hindi talaga maganda!) kaya naman madali akong masuya masora magsawa sa itsura ko! Matagal ko na sinukuan to kala niyo ba. Di ko na inasam na habulin ang ganda ni Kirstine Hermosa at baka kahit kalyo non hindi ko maabot.

               Anyway dahil diyan, para medyo iwas busog umay pag wala magawa pinagtitripan ko nalang ang buhok ko. O ako ang pinagtitripan ng parlorista? Di na ko sure...Hahahaha!!! Maiba lang paminsan minsan kahit parang wala naman masyado pagbabago. Anu anong kalechehan nga ba pinagdaanan ko? Tunghayan!!!

1. The Lady....

     Pag mahaba buhok walang palyang alam nang babae ka (in my case minsan hindi din)... Wala nang mas babae pa sa mahaba, makintab, at malambot na buhok. Ganito itsura ng buhok ko pag marami kong pambili ng shampoo o kinakatamaran kong pumunta ng pagupitan o gusto ko lang umuso sa losyang look (no offense sa mga babaeng mahahaba buhok.ako nilalait ko dito wag na umalma!LOL).

 Mahaba na yan ng ganyang lagay.. Achieve na achieve ang losyang look. neeexxxttt!!!

2. The Lion King...

      Minsang maisipan ko nanamang iimprove ang looks ko (nax!) nagpasama ko kay pinsang Boga sa isang mamahaling pagupitan. Siyempre sa halagang 150 (mahal na yon saken!) ineexpect kong lalabas ako ng salon na mukang amazing. Sabi ko igupit anumang babagay sakin at saomething new! At dahil pinili ko ang parlorista nilang bestseller tiwala akong perfect ito. Et voila! Amazing nga! Lumabas akong in between harajuku girl and lion King. !&^#$*@(#! 

medyo improved version pa yan at humaba na ng bahagya!

3. The bob aka Dora the explorer!

        Minsan talaga kesa mapagkamalan kang lukaluka itsura at out of this world don ka nalang talaga sa itsurang iwas pusoy. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana at sadyang adik lang ang mga manggugupit nowadays. Pag sinabi kong pabatain mo itsura ko hindi ko sinabing ireplika mo ko sa paborito ng kabataang nakakairitang lakwatserang negritang si Dora! Pasalamat nalang din ako at nakalimutan lagyan ng full bangs! Mabait pa din si Lord!!!


Kaya pala panay tanong sakin "nasan backpack mo?"

4. The helmet

        Eto na ata pinakapinagsisisihan ko. Don ako sa suking manggugupit nagpatira. Tiwala na ko sa kanya. Hindi ko alam kung nung araw na yon may pinagdadaanan siyang matindi o pagod siya o may galit siya dahil kuripot ako sa tip. Nung araw na yon na ang huling pagupit ko sa kanya! Vinictoria Beckham niya buhok ko alam naman niyang walang kasing sponghada at kapal ang buhok ko! Hindi akma! Don na natapos ang realsyon namin.Lipat parlor!

Ang laging tanong.. "Nagmomotor ka ba?Lagi ka nakahelmet!"

5. Pogi cut! (my current look)

        The bravest cut a girl could have.(ang brave koooo!!!!) Marami kong natanggap na papuri at panyuyurak dito. Mula kasi sa "The lady" napunta ko sa "Daniel Padilla". Maraming buhok ang nasayang. Nun ngang nagpagupit ako mas apektado pa ang mga kababaihan sa parlor kesa sakin sa iksi ng ipagugupit ko. Pinanghihinayangan nila yung haba ng buhok na mawawala sakin. Pakialmera! Hahahaha! Ayon. BOOM! Ampogi ko na..Siyempre hindi ako nakaligtas sa mata ng mga mapanlait na madla. 
  • Chumacharice ka ba?
  • Bigo ka ba sa pag-ibig?
  • kamuka mo na si vice ganda
  • nasisira na ba ulo mo?
        Andameng nasabi't naipintas! Hindi ba pwedeng trip ko lang? At tsaka ang mahal ng shampoo at conditioner no... Laki kaya ng natitipid ko ngayon. Hahahahaha! Ang gaan pa sa pakiramdam.. 
ganda ko talaga! LOL

      So there you go. Go ahead at magpakabrave at magpakasaya sa pageexperiment sa buhok... Wag mo isipin sasabihin ng ibang tao. Walang pakialamanan. Hindi naman sila bumibili ng shampoo mo. Inggit lang din yon! Hahahaha! Basta masaya ka and it makes you feel good inside and out sige lang. Anyway it's just hair.. It'll grow back eventually. 

       Hanggang sa muli.. Labya! 



Araw ng HINDI NA UULIT!

                Hala sige sa tagal kong nawala parang feeling ko bago lang tong blog na to. Sige iupdate ko naman kunyare (as if may nangyaring kaiga igaya at kashare share). Para medyo maexercise naman tong utak ko at sa sobrang tagal di naexercise para siyang tiyan na nawalan ng abs.pfft!

                O ere na muna. So recently as in yesterday kasama ang aking mga butihing kasamahan sa simbahan (nagmadre na ko...weeeehhh!!!), tinungo ng mga promdi ang maynila para umattend ng isang seyminar on family planning.choz! Tutal libre naman kaya sumabit na ko. 5 am ang napag kasunduang call time (artizta?!call time?!) at may kalayuan ang Menela. Maaga kong gumising at gumayak bago pumutok ang araw! At dahil ilang bundok,ilog,bukid at sapa ang layo ko sa meeting place e nalate parin ako.... tsk tsk!

                Pagdating sa meeting place may van na nakapark sa gitna ng ospital. Hindi ako sure kung yun nga yung sasakyan namin pero sige nilapitan ko keri na kung strangers ang laman ng nasabing sasakyan. May tendency talagang makidnap ako e no. Tama naman pala ang nilapitan kong sasakyan. Pagbukas ng pinto...BOOM! "hi sexy!" Si itago nalang natin sa pangalang mother superior ay literal na laseng. 5 am....Lasing! At sa tabi nalang niya ang natitirang pwesto. siyeeeeeettt!! Oh well natulog lang naman kaming lahat sa biyahe.

               Pagmulat ng mga mata ko punas punas ng laway tanggal tanggal konti ng muta ayon nasa venue na kami. Nakarating kami ng ligtas at on time. May tama parin si mother superior at susuray suray lumakad. Para lang kami may alagang pre schooler...

               Paikliin na naten.. CR.Seminar.hikab.hikab.ginaw.nakita ko si pinsang boga.hikab hikab.nagbabawal ng lasing.evaluate seminar.nayari seminar.kuha certificate.nagbawal ng lasing.CR.picture picture.nagpaalam ke pinsang boga.etc etc. yown! HINDI NA KAMI UULIT umattend!

               Matapos ang seminar. Eto talaga palagay ko pakay ng lahat. Ang lumibot! Sugod ang mga sabik na promdi sa peyborit mall ng bayan. MOA!!!! yipee...Excited ang lahat dahil tirik na mata namin parepareho sa gutom.(insert tunog ng kumakalam na sikmura here).

               Siyempre paminsan minsan lang ang luwas (luwas talaga. kaaliw!) kaya napagkasunduan na magkamatayan na hindi kami kakain sa mga sumusunod na kainan JOLLIBEE, MC DONALD'S, KFC, GREENWICH, CHOWKING! Impernez hindi nga kami don kumain... Food court ang kinabagsakan namin!PAMBIHIRAAAAAAAAAAAA!!!!!! Utod kasi ng dami ng tao kaya lahat ng bet namin kainan e puno na. Kesa magpicnic kami under sa tirik na tirik na araw sa tabi ng malansang dagat at maghintay maheat stroke e pinagtyagaan na namin ang food court.pfft!

               Ilang ikot at kendeng pa nagkahiwa hiwalay na kami... Ang mga ina (Leanne at Lani) nagpunta sa kid's section ,ako at ang head namin na si ibana kerengkeng sa kerengkengan napunta at ang mga boys na sina mother superior, buret at arminda ay pumalaot para mag ice cream sa DAIRY CREME (bright child pinaghalo ang DAIRY QUEEN AT KRISPY KREME). Parang butter lang....

               Matapos magshopping ni ibana kerengkeng at nang magtagpo na kami ng tag team na mothers e napagtripan naming pumila sa J.Co donuts and coffee. Tutal minsan lang kami mapunta don why not maki uso. As you all know tong J.Co donuts na to e pinipilahan talaga... Kung baket e hindi ko alam. Kesyo mas mura at mas masarap sa krispy kreme. Tinapay lang din naman yown na may butas sa gitna. O anyway para di masyadong mapagiwanan at para balang araw may maikwento kong kahihiyan sa anak ko (huwaw umaasa!) at para masabi lang na nakatikim din ako e nakipila pila din kami don. Curious din ako kung may ginto ba nakapaloob at masyadong pinagkakaguluhan.

              E fyutang na! Mag iisang oras na ni hindi ko pa malapitan yung pinto....Overnight kaya mangyayari?! Kada sampu siguro nagpapasok yung guard. Pero sa dami ng pumapasok parang kokonti ang lumalabas.Magic?! Malapit na sumuko si ibana kerengkeng. Kaya pala e puputok na pantog niya. Kesa mawala siya sa pila mas pinili niyang masira bato niya. husay!(babala!wag tularan si ibana). Konti nalang ayan na...Tagktak na pawis ko sa lahat ng sulok. Manhid na binti ko sa sakit. Isang kintod nalang nasa loob na ko. Nagpapasok na yung guard. Awa ng Diyos naputol saken.leche!Hintay pa ulit ilang minuto. 

              Matapos ang matagal na paghihintay at mukang tangang pagpila, nakabili din kami... Sa wakas! Mayabang kaming lumabas ng store bitbit ang kahon na nagisisimbulo sa tagumpay namin. Ang pakiramdam? HINDI KO NA UULITIN TO KAYA DAPAT MASARAP TONG DONUT NA TO!!!!

              Nang magkita kita kami nila Buret sa van para kaming mga sundalong nakaahon sa madugong labanan. Nyeta! At para makumpleto ang gala it's picsyur picsyur teym... 

             Lakad lakad lang kami sa seaside parang nasa luneta lang habang panay kuha ng picture namin si mother superior na mukang nalipasan na ng tama ng alak (Salamat Lord! Muntik ko na siya itulak sa dagat).

             Konting lakad pa, tong dalawang kasama namin nakakita ng ride/rides (anuman tama). MAGIC DANCE! Pangalan palang kabado na ko. At mas kabado ko nung makita ko yung putres na clown na nakatore sa gitna. Senyales na hindi dapat ako tumuloy. Wala akong tiwala sa clown! Nakahinto ang nasabing ride kaya walang may alam samin pano mechanics non. Pikit matang bumili ng ticket sa halagang 75 at sumunod sa karamihan. Nag-aalala ko na baka mala alog itlog ang tactic ng sasakyang to dahil kasalukuyan akong lunod sa tubig ng mga oras na yon. May tendency na masuka ko. ahahay!Bahala ni si Lord.

             Nagsimula na ang putres na ride. Ayos ah! Masaya siya. Taas,baba,ikot. keri pa!sigaw sigaw konti para mukang natithrill. Sabi ko pa "ayoz naman di masyadong katakot!weeeee". Teka parang bumibiliz. E taena!Bumilis,umakyat,bumaba,umikot,umalog,nagkapalit palit ng anggulo habang umaalingawngaw sa ere si T pain o si busta rhymes. Sa hilo ko hindi ko na alam! Sa gitna ng kaguluhan may parang kumabyos na bakal.HUTANA WE'RE GONNA DIE!!!!! Nararamdaman ko na rin na parang gusto nang pumunta ng langit ng kaluluwa ko hindi ako kasama.Sinubukan kong ipokus ang tingin sa clown para mawala ang hilo pero napalala pa! istap eyt na! Maya maya pa huminto na.We survived... Medyo hilo pa kami pag baba. Parang lasing lang na di makalakad ng diretso. Kanya kanyang kanyang reklamo at payabangan "nasusuka ko" "nahihilo pa ko" "nanginginig pa ko" "naninigas na si buret kanina" "hundi naman nakakatakot" blah blah blah!

            Pagbalik ng van......Pauwi na. Tahimik ang lahat. Non palang namen naramdaman ang epekto ng sinumpang ride. Siyet! Nagtutunugan na ang mga supot. Mga nakaready to blow! Parang lahat ng kinain ko since birth gusto lumabas at bawat kaldag ng van ibang torture ang dulot. At natuklasan kong ang tanging epektib na posisyon para sa bumabaligtad kong sikmura ay ang fetal position. Muntanga lang! At napagkasunduan naming lahat na HINDI NA KAMI UULIT.

            Sa sobrang pagod wala na kaming ibang nagawa kundi matulog buong biyahe...ZZzzzzzZZ!!!! 

            So yan nalang muna for now...til' next time. Labya! 

P.S.

     i strongly recommend you try that ride! bwhahahahahaha!!!! Di talaga dapat nagtitiwala sa clown!



               

Maling dampot!

                          Belated Merry Christmas belated happy new year na rin sa limpak limpak kong mambabasa!huwat?!amishu all...Panandalian kong nakalimutang may blog pala ko at abala ko sa preparations para sa paggunaw ng mundo. Ihanda ang alay!!!! 

                 O eto talaga ikukwento ko. So habang papalapit ang pasko paunti unti na christmas shopping ko (kala mo naman may kayamanan!). At dahil sing espesyal ng special child tong si mommy V syempre dapat bongga ang regalo. Kaya naman kinakuntyaba ko na ang mga alipores sa pamilya para sa matinding supresang ikagugunaw ng mundo niya. OA much?! 

                 Share kami ni Greta sa isang mumunting microwave oven na inaasam asam ni mommy V...Ang kuripot namen no?share pa. hahahaha! O anyway e di ayown matagal tagal pa pasko e nakipabili na ako sa magasawang "B" (don't ask) at pansamantalang ipinakitago sa warehouse ni TL. 

                 Araw ng kapaskuhan non ko palang babalutin ang gift ni mommy V. At hinintay ko pa talaga ang pagdating ni Greta mula sa Menela at dala niya ang pambalot. ahahahahaha!!! Kami na prepared. Matagal nang nakapatago ang oven pero nung araw lang ng pasko ko nakita. Malaki ang kahon impernez at me kabigatan. At dahil may picture ng microwave oven e malamang yun nga yung gift. At dahil abala si TL sa malawakang party/ christmas feeding program hindi ko na vinerify. Excited na kong atakihin sa puso nanay ko.whoopee!!! Ere maganda...Kapos ang mga pambalot ni Greta.Dapak! Kaya naman diniskartehan na namin. Kahit pano nalang mabalot matakpan lang yung picture. 

                 Buong pwersa naming binuhat ang linsyak na mabigat na oven. Hindi ako sure kung bumagsak ang matres namin ni Greta! Pagbukas ni mommy V....Masaya naman siya. Hindi inatake sa puso at expected daw niya ang oven. Aba assuming!!!! 

                 Kinabukasan pumasok na ko sa werk...Maya maya nagtext ang Greta. Ayaw uminit ng oven. Lahat na ng tactics ginawa nila wa epek. Sira ata ampupu. Sabi ng magasawang "B" brand new yown. Anayreh?! Mainit pa daw sa oven ang ulo ni mommy V.

                 Paguwi ko ako naman ang kumalikot at dumalidalirot....sa oven! Ayaw nga uminit. Habang panay ang pindot ko, may pagdududang namumuo sa akong ovaries! Parang pamilyar ang itsura ng oven. Could it be?Did i just?Is it possible?Am i ishchupid?!.... Nang may kaba sa puso at damdamin, tinawagan ko ang TL na busy sa panonood ng sine. BOOM! Kumpirmado ang katangahan! Nadampot at nabalot namin ang sirang oven nila TL. kaya pala sounds pamiliyar ang itsura... nyak!!!!so kakahiya...hahahahaha! Nasa ibang kwarto pala nakatago ang para kay mommy V. Di kasi nagtatanong ang mga hitad..hahahahahaha!!!

                Nabawi (nabawi?inagaw?parang kami ata ang nang-agaw a!) din ni mommy V ang microwave na para sa kanya. Mas maliit pala yung para sa kanya at kaya kong buhatin alone. pfft! Umiinit siya at umiikot ng clockwise at counterclockwise. ambongga?!dali kong mamangha...Sulit na sulit ke mommy V ang oven lalo na nung New year. I'm sure pagdating ng electric bill matutuluyan na siyang atakihin.bwahahahahaha!!! Alabyu mommy!!! 


                 Exhibit 1: Si mommy V masaya sa maling gift niya..LOL

Moral lesson: HUWAG MASYADONG ASSUMING 


gang sa muliiii...labya!:)