Araw ng HINDI NA UULIT!

                Hala sige sa tagal kong nawala parang feeling ko bago lang tong blog na to. Sige iupdate ko naman kunyare (as if may nangyaring kaiga igaya at kashare share). Para medyo maexercise naman tong utak ko at sa sobrang tagal di naexercise para siyang tiyan na nawalan ng abs.pfft!

                O ere na muna. So recently as in yesterday kasama ang aking mga butihing kasamahan sa simbahan (nagmadre na ko...weeeehhh!!!), tinungo ng mga promdi ang maynila para umattend ng isang seyminar on family planning.choz! Tutal libre naman kaya sumabit na ko. 5 am ang napag kasunduang call time (artizta?!call time?!) at may kalayuan ang Menela. Maaga kong gumising at gumayak bago pumutok ang araw! At dahil ilang bundok,ilog,bukid at sapa ang layo ko sa meeting place e nalate parin ako.... tsk tsk!

                Pagdating sa meeting place may van na nakapark sa gitna ng ospital. Hindi ako sure kung yun nga yung sasakyan namin pero sige nilapitan ko keri na kung strangers ang laman ng nasabing sasakyan. May tendency talagang makidnap ako e no. Tama naman pala ang nilapitan kong sasakyan. Pagbukas ng pinto...BOOM! "hi sexy!" Si itago nalang natin sa pangalang mother superior ay literal na laseng. 5 am....Lasing! At sa tabi nalang niya ang natitirang pwesto. siyeeeeeettt!! Oh well natulog lang naman kaming lahat sa biyahe.

               Pagmulat ng mga mata ko punas punas ng laway tanggal tanggal konti ng muta ayon nasa venue na kami. Nakarating kami ng ligtas at on time. May tama parin si mother superior at susuray suray lumakad. Para lang kami may alagang pre schooler...

               Paikliin na naten.. CR.Seminar.hikab.hikab.ginaw.nakita ko si pinsang boga.hikab hikab.nagbabawal ng lasing.evaluate seminar.nayari seminar.kuha certificate.nagbawal ng lasing.CR.picture picture.nagpaalam ke pinsang boga.etc etc. yown! HINDI NA KAMI UULIT umattend!

               Matapos ang seminar. Eto talaga palagay ko pakay ng lahat. Ang lumibot! Sugod ang mga sabik na promdi sa peyborit mall ng bayan. MOA!!!! yipee...Excited ang lahat dahil tirik na mata namin parepareho sa gutom.(insert tunog ng kumakalam na sikmura here).

               Siyempre paminsan minsan lang ang luwas (luwas talaga. kaaliw!) kaya napagkasunduan na magkamatayan na hindi kami kakain sa mga sumusunod na kainan JOLLIBEE, MC DONALD'S, KFC, GREENWICH, CHOWKING! Impernez hindi nga kami don kumain... Food court ang kinabagsakan namin!PAMBIHIRAAAAAAAAAAAA!!!!!! Utod kasi ng dami ng tao kaya lahat ng bet namin kainan e puno na. Kesa magpicnic kami under sa tirik na tirik na araw sa tabi ng malansang dagat at maghintay maheat stroke e pinagtyagaan na namin ang food court.pfft!

               Ilang ikot at kendeng pa nagkahiwa hiwalay na kami... Ang mga ina (Leanne at Lani) nagpunta sa kid's section ,ako at ang head namin na si ibana kerengkeng sa kerengkengan napunta at ang mga boys na sina mother superior, buret at arminda ay pumalaot para mag ice cream sa DAIRY CREME (bright child pinaghalo ang DAIRY QUEEN AT KRISPY KREME). Parang butter lang....

               Matapos magshopping ni ibana kerengkeng at nang magtagpo na kami ng tag team na mothers e napagtripan naming pumila sa J.Co donuts and coffee. Tutal minsan lang kami mapunta don why not maki uso. As you all know tong J.Co donuts na to e pinipilahan talaga... Kung baket e hindi ko alam. Kesyo mas mura at mas masarap sa krispy kreme. Tinapay lang din naman yown na may butas sa gitna. O anyway para di masyadong mapagiwanan at para balang araw may maikwento kong kahihiyan sa anak ko (huwaw umaasa!) at para masabi lang na nakatikim din ako e nakipila pila din kami don. Curious din ako kung may ginto ba nakapaloob at masyadong pinagkakaguluhan.

              E fyutang na! Mag iisang oras na ni hindi ko pa malapitan yung pinto....Overnight kaya mangyayari?! Kada sampu siguro nagpapasok yung guard. Pero sa dami ng pumapasok parang kokonti ang lumalabas.Magic?! Malapit na sumuko si ibana kerengkeng. Kaya pala e puputok na pantog niya. Kesa mawala siya sa pila mas pinili niyang masira bato niya. husay!(babala!wag tularan si ibana). Konti nalang ayan na...Tagktak na pawis ko sa lahat ng sulok. Manhid na binti ko sa sakit. Isang kintod nalang nasa loob na ko. Nagpapasok na yung guard. Awa ng Diyos naputol saken.leche!Hintay pa ulit ilang minuto. 

              Matapos ang matagal na paghihintay at mukang tangang pagpila, nakabili din kami... Sa wakas! Mayabang kaming lumabas ng store bitbit ang kahon na nagisisimbulo sa tagumpay namin. Ang pakiramdam? HINDI KO NA UULITIN TO KAYA DAPAT MASARAP TONG DONUT NA TO!!!!

              Nang magkita kita kami nila Buret sa van para kaming mga sundalong nakaahon sa madugong labanan. Nyeta! At para makumpleto ang gala it's picsyur picsyur teym... 

             Lakad lakad lang kami sa seaside parang nasa luneta lang habang panay kuha ng picture namin si mother superior na mukang nalipasan na ng tama ng alak (Salamat Lord! Muntik ko na siya itulak sa dagat).

             Konting lakad pa, tong dalawang kasama namin nakakita ng ride/rides (anuman tama). MAGIC DANCE! Pangalan palang kabado na ko. At mas kabado ko nung makita ko yung putres na clown na nakatore sa gitna. Senyales na hindi dapat ako tumuloy. Wala akong tiwala sa clown! Nakahinto ang nasabing ride kaya walang may alam samin pano mechanics non. Pikit matang bumili ng ticket sa halagang 75 at sumunod sa karamihan. Nag-aalala ko na baka mala alog itlog ang tactic ng sasakyang to dahil kasalukuyan akong lunod sa tubig ng mga oras na yon. May tendency na masuka ko. ahahay!Bahala ni si Lord.

             Nagsimula na ang putres na ride. Ayos ah! Masaya siya. Taas,baba,ikot. keri pa!sigaw sigaw konti para mukang natithrill. Sabi ko pa "ayoz naman di masyadong katakot!weeeee". Teka parang bumibiliz. E taena!Bumilis,umakyat,bumaba,umikot,umalog,nagkapalit palit ng anggulo habang umaalingawngaw sa ere si T pain o si busta rhymes. Sa hilo ko hindi ko na alam! Sa gitna ng kaguluhan may parang kumabyos na bakal.HUTANA WE'RE GONNA DIE!!!!! Nararamdaman ko na rin na parang gusto nang pumunta ng langit ng kaluluwa ko hindi ako kasama.Sinubukan kong ipokus ang tingin sa clown para mawala ang hilo pero napalala pa! istap eyt na! Maya maya pa huminto na.We survived... Medyo hilo pa kami pag baba. Parang lasing lang na di makalakad ng diretso. Kanya kanyang kanyang reklamo at payabangan "nasusuka ko" "nahihilo pa ko" "nanginginig pa ko" "naninigas na si buret kanina" "hundi naman nakakatakot" blah blah blah!

            Pagbalik ng van......Pauwi na. Tahimik ang lahat. Non palang namen naramdaman ang epekto ng sinumpang ride. Siyet! Nagtutunugan na ang mga supot. Mga nakaready to blow! Parang lahat ng kinain ko since birth gusto lumabas at bawat kaldag ng van ibang torture ang dulot. At natuklasan kong ang tanging epektib na posisyon para sa bumabaligtad kong sikmura ay ang fetal position. Muntanga lang! At napagkasunduan naming lahat na HINDI NA KAMI UULIT.

            Sa sobrang pagod wala na kaming ibang nagawa kundi matulog buong biyahe...ZZzzzzzZZ!!!! 

            So yan nalang muna for now...til' next time. Labya! 

P.S.

     i strongly recommend you try that ride! bwhahahahahaha!!!! Di talaga dapat nagtitiwala sa clown!



               

Maling dampot!

                          Belated Merry Christmas belated happy new year na rin sa limpak limpak kong mambabasa!huwat?!amishu all...Panandalian kong nakalimutang may blog pala ko at abala ko sa preparations para sa paggunaw ng mundo. Ihanda ang alay!!!! 

                 O eto talaga ikukwento ko. So habang papalapit ang pasko paunti unti na christmas shopping ko (kala mo naman may kayamanan!). At dahil sing espesyal ng special child tong si mommy V syempre dapat bongga ang regalo. Kaya naman kinakuntyaba ko na ang mga alipores sa pamilya para sa matinding supresang ikagugunaw ng mundo niya. OA much?! 

                 Share kami ni Greta sa isang mumunting microwave oven na inaasam asam ni mommy V...Ang kuripot namen no?share pa. hahahaha! O anyway e di ayown matagal tagal pa pasko e nakipabili na ako sa magasawang "B" (don't ask) at pansamantalang ipinakitago sa warehouse ni TL. 

                 Araw ng kapaskuhan non ko palang babalutin ang gift ni mommy V. At hinintay ko pa talaga ang pagdating ni Greta mula sa Menela at dala niya ang pambalot. ahahahahaha!!! Kami na prepared. Matagal nang nakapatago ang oven pero nung araw lang ng pasko ko nakita. Malaki ang kahon impernez at me kabigatan. At dahil may picture ng microwave oven e malamang yun nga yung gift. At dahil abala si TL sa malawakang party/ christmas feeding program hindi ko na vinerify. Excited na kong atakihin sa puso nanay ko.whoopee!!! Ere maganda...Kapos ang mga pambalot ni Greta.Dapak! Kaya naman diniskartehan na namin. Kahit pano nalang mabalot matakpan lang yung picture. 

                 Buong pwersa naming binuhat ang linsyak na mabigat na oven. Hindi ako sure kung bumagsak ang matres namin ni Greta! Pagbukas ni mommy V....Masaya naman siya. Hindi inatake sa puso at expected daw niya ang oven. Aba assuming!!!! 

                 Kinabukasan pumasok na ko sa werk...Maya maya nagtext ang Greta. Ayaw uminit ng oven. Lahat na ng tactics ginawa nila wa epek. Sira ata ampupu. Sabi ng magasawang "B" brand new yown. Anayreh?! Mainit pa daw sa oven ang ulo ni mommy V.

                 Paguwi ko ako naman ang kumalikot at dumalidalirot....sa oven! Ayaw nga uminit. Habang panay ang pindot ko, may pagdududang namumuo sa akong ovaries! Parang pamilyar ang itsura ng oven. Could it be?Did i just?Is it possible?Am i ishchupid?!.... Nang may kaba sa puso at damdamin, tinawagan ko ang TL na busy sa panonood ng sine. BOOM! Kumpirmado ang katangahan! Nadampot at nabalot namin ang sirang oven nila TL. kaya pala sounds pamiliyar ang itsura... nyak!!!!so kakahiya...hahahahaha! Nasa ibang kwarto pala nakatago ang para kay mommy V. Di kasi nagtatanong ang mga hitad..hahahahahaha!!!

                Nabawi (nabawi?inagaw?parang kami ata ang nang-agaw a!) din ni mommy V ang microwave na para sa kanya. Mas maliit pala yung para sa kanya at kaya kong buhatin alone. pfft! Umiinit siya at umiikot ng clockwise at counterclockwise. ambongga?!dali kong mamangha...Sulit na sulit ke mommy V ang oven lalo na nung New year. I'm sure pagdating ng electric bill matutuluyan na siyang atakihin.bwahahahahaha!!! Alabyu mommy!!! 


                 Exhibit 1: Si mommy V masaya sa maling gift niya..LOL

Moral lesson: HUWAG MASYADONG ASSUMING 


gang sa muliiii...labya!:)


                  

Safety Precautions?

          Proceed if you are above 18 years old…or kung sadyang tsismosa ka lang e di sige.Bira! 

         Habang abala ang buong Pilipinas sa pagpapalit ng profile picture nila sa Facebook at tinatakot ang mga sarili sa cybercrime law, iba naman ang kumikiliti sa aking curiosity. Ooohh!!so kire lang…Napaisip lang ako sa mga iwas disgrasya. Iwas disgrasya…Oh no! It’s not your average safety precaution ekek. OPLAN iwas buntis (hindi ko pa kailangan to!Disclaimer kabod?!LOL). O diba umaRH bill lang. 

        Maraming paraan para maiwasan ang di inaasahang paglobo ng bahay bata mo o ng syota mo o ng asawa mo o ng latest fubu mo. Pero sa dinami dami ng pangontra na tiyak kong kabisado na ng karamihan kesa sa lyrics ng lupang hinirang, marami parin ang sumasablay... Anu ano kayang tekniks ang sinusubukan naman kasi nila? Let's enumerate and try to contemplate. 


       Tignan natin alin sa mga ito ang patok...(katuwaan lamang to!)

 1.Before and after meals- Parang pagtake lang ng gamut diba? Eto yung paiihiin mo before and after kumembang si babae para mawash away ang worms  sperms! Nagbabakasakali kang masama sa flow ng ihi ang iyong mga binhi. Pero eto maganda don..Paanong sasama yon e magkaibang butas yown?!oha oha! Naisip mo ba yon?Now you know. LOL! Effectivity: 0-10%? I’m not sure 

 2. Itaktak mo- Taktak ajinomoto seasoning ang dating a. Kung talagang hindi na napigil at napahappy new year ka na sa area of responsibility ni ateng, eto ang para sayo. Ito ang karaniwang gawain ng mga taga barrio. Ganung ganon lang  sa dance moves ng "Itaktak Mo" ni Joey De Leon ang gagawin mo. Malay mo umepekto ang law of gravity at mahila pababa ang mga sperm mo bago makarating sa base. Effectivity: 0.. Read above! GAWAIN SA BARRIO!Ilan ang populasyon sa barrio?sige nga!

3. Withdrawal- Luma na to at peborit ng mga matipid at matitibay ang dibdib. Anu yown bangko? Eto ang sure. Parang bangko nga. Walang kasiguraduhan.  Hindi lahat ng idedeposito mo mawiwithdraw mo. Malay mo may matirang maintaining balance. Hintayin mo nalang ang malaking tubo after 9 mos. bwahahahahaha! Effectivity: 30-50%

4.Vitamin C- Weird I know. Hindi kayo nagiisa diyan. Eto ang pinakbago kong natutunan mula sa isang "reliable source". Ano nga ba konek? Pag ayon na nakalusot na, don't panic. Just insert lang daw 3 tabs (500mg) of Vitamin C (any brand will do.choosy pa?!) sa kipay ni ateng parang insert coin lang sa arcade. Gagawing acidic ng vitamin C ang buong pechay niya at tiyak patay ang iyong mga binhi. oha! Akalain mong hindi lang panlaban sa sakit ang vitamin C. Effectivity: 100% e as of now wala pang anak si "reliable source" 

5. Agimat ng Nursing- Sino man ang nakaisip ng BASTA NURSING HINDI MABUBUNTIS O MAKAKABUNTIS e walang kasing imba naman oo. Ano yon basta nagnunursing o basta nurse may pangontra sa pagbubuntis? Tao lang din sila. Nalilimutan na lahat ng pinagaralan niyan basta biglang pinakitaan ng anatomy yan. Effectivity: 100% kung di siya madidistract at malimutan ang turo sa school.hhmmm

6.The Prayer- If all else fails eto na ang last option mo. Bandang huli si Lord lang din talaga ang sagot sa problema mo. Effectivity: 100% duda ka?!duda ka?!Lagot ka...

         Wala namang kasiguraduhan ang mundo. Kaya sige lang. Tira lang! Kung di mo pa oras e di swerte mo. May kasabihan nga "kung di ukol hindi bubukol"... Pero siyempre pag nakabuo na wala namang laglagan. Kung hindi kaya ang responsibilidad aba e malagas nalang sana betlog niyong mga lalaki at magsara nalang ang bibingka ng babaeng mahilig. bwahahahahaha!!!

         Dapuan sana ko ng matinong thoughts para matino din posts ko...bwhahahahaha!!!Labya!:)

Isang Linggong Kabaitan

        Watch your mouth young lady! Anu nanaman tooo???!!!!


        O eto kasi yon... Dahil feeling close kayo sakin, alam na alam niyo namang wala sa karakter ko ang pagiging mahinhin o mabait man lang ata.Sadyang alaskador ako (mana ke mommy V), mapanlait (oh yes! Kristine Hermosa ko.) paminsan minsan bully, at barador. Oo na, ako na muna lalait sa sarili ko. Aminado naman ako...bwhahahahaha!!!

            Usong uso naman kasi ang biruan, barubalan, bullihan sa workplace namin(kahit saan naman ata). Sumasabay lang ako sa agos. Kahit ako minsan napagtitripan. Buti nalang hindi ako pikon na tao. Pero hindi ibig sabihin na hindi ako nasasaktan paminsan minsan. Kumbakit pag ako na bumirada e mga napipikon na.  Ampeyr! Kausap parin naman ng kausap sakin.jusme! gusto din e.hahahahaha!!! Minsan ang dating ata sa iba bastos na kahit pare pareho lang kami ng ginagawa. Ayoko din naman na nakakasakit ng kapwa kahit ganito ko. Sensitive nga lang ba talaga mga nasa paligid ko o ako na talaga may diprensya?


        Kaya naman i decided....MAGBAGONG BUHAY NA!!!! Diz is it!!!! I am so ready magpakatino at ipakitang kaya kong magbago. Help me Lord!


        Sinimulan ng Martes (oo dumemonyo muna ng Monday saglit)... Professional ang arrive ko. Lahat ng tao sa unit e tinatawag kong SIR ko o MA'AM instead sa na tawagin sa mga makapanyurak na pagkataong bansag na ako din ang me pasimuno, which isn't normal para sakin kaya don palang nagtaka na ang mga hitad na workmeytz. Kesyo anong problema ko?Hindi naman daw ako ganon.Bawal magbagong buhay?Kayo lang puwede?Maygad! Pero dahil mabait nga ako kinimkim ko ang kumentong barubalness.Yaan mo nang magkasala ako sa isip wala nalang akong napikon.bwahahahaha!!!! Mahihiya ang mga bata sakin kung maka PO at OPO ako. oha! Mas nakakabuset pa nung kunyari akong tumino e. hahahaha!!!


       Buong araw behave ako to the point na para lang akong computer na ma-lag sa bagal ng response. Iniisip pa muna kasi ang mga salitang bibitawan. Impernez ang hirap pala talaga pag hindi ka sanay. Lilitaw at lilitaw ang tunay na kulay. Nadudulas din paminsan minsan.hahahaha!siyet. Pigil na pigil talaga ko manakit ng katawan at damdamin.hahahaha!!! Pwedeng awardan ng MOST BEHAVE

       Araw araw nagpapakatino ako. Hirap na hirap man pero kinakaya ko. Kahit anong buyo ng mga taong bumalik na ko sa dati e hindi ako nagpatinag. Kakayanin ko to! Todo pigil ako sa pagkumento pag nagbibiruan sila. Malamang kasi pag ako na kumibo makakalast touch nanaman ako at baka umuwi akong lumpo after.nyak! Hindi ako makapagbitaw ng green jokes (imagine gano kahirap yon), o gay jokes, negative comments, waley din bad words...Parusa much!potashet lang na kaartehan ko. bwhahahahahaha!!! Pag ako na napagbalingan ng apihan kebs lang. Di ako lumalaban...Pagkakataon na nilang gumanti. Sige lang! Ngiti lang ang kaya kong isagot sa kanila.ayun o! 


      Pero pagdating sa bahay lahat ng naipon kong kasutilan e kay mommy V, Greta at mga kapamilya ko naibubuhos...Naloko na. Wala din!pfft!!


      Matapos ang isang linggo.... SUMUKO DIN AKO! (insert makagunaw mundong EVIL LAUGH here). May expiration date ang lahat. Hindi ko pala talaga kaya. Pasensya naman.... Eto na yon e. Ipaubaya niyo nalang ke Lord ang pagpaparusa sakin. May karma din ako don't worry. Sa ngayon pagtiisan niyo muna ko. hahahaha!!! Pwede ding suntukan nalang!


       Pinagmunimunian ko na to. Eto nalang, I promise to try my best na bawasan ng konti ang pagiging buset ko... mwah! Labya all...


      




*BALIK HIATUS MODE NA ULIT....


       

Will You Marry Me?....A charity case!


                Pebrero taong 2000…Buwan ng mga kulang kulang (wag na umalma…in denial pa a!). Isinilang ang kauna unahang pamangkin ko………sa pinsan (walang matres si Greta para mabuntis!). Anak ng pinakagurang pinaka ancient pinakamatanda (wala nang ibang term talaga para diyan!) naming pinsang si BOGA*

           PIA* ang pangalan ng  napakagandang sanggol na mana sa ninang na Ungaz (ehem!) na bunga ng maagang pagtugon ni BOGA sa matinding tawag ng........calling ni Lord. Immaculate conception! PAYN!

           Si pia ay ipinanganak na maputi resulta ng diet na sprite at siopao ni Boga nung naglilihi. Naniniwala akong epektib ang diet kung gusto mong pumuti ang ipinagbubuntis mo at walang kukuhanan ng puti kay Boga no!(wag na kumontra boga). Cute naman ang naturang sanggol kahit tatatlo hibla ng buhok at parang laging sumasagap ng signal ang tengang harang.Anyway, isa ako sa mga napiling ninang. Isang pagkakamaling nagawa ni Boga.

           Teenager pa ko non..Preysh na preysh at super virgin sa pagiging tita at sa pagiging ninang. Kaya naman excited ako at ako e napili. Plus natutuwa naman ako at may dagdag na maganda sa pamilya bukod sakin. Nakakapagod ding ako lang maganda sa pamilya sa tinagal tagal.Kidding aside, masaya lang talaga ko truly madly deeply...blah blah blah!

           Sa sobrang saya, taranta, bugso ng damdaming malibog kangkarot teenager (hindi nagiisip), bumugso din ang kaUNGAZan ng bibig kong walang kasing saluyot sa dulas. Nasambit ko ang mga katagang "PAG 30 NA KO AT WALA PA KONG ASAWA AKO ANG SAGOT SA DEBUT NI PIA*!"...O e di napotashet na buhay ko! !Fotaness! Parang tinaningan ko buhay ko sa ginawa ko. Para na kong FRESH MILK na may expiration date...

           Sa kasalukuyan e 20 21 25 years old na ko....Nalalapit na ang takdang panahon wala pa kong makakaladkad sa altar. Kung sa pagsapit ng aking 30th birthday wala pa kong lalaking nauuto, nauupahan, nagagahasa o nabibili non,gagastos ako ng halagang katumbas ng isang bonggang kasalan para sa debut ng pamangking hudas! Dagdag stress sa nanunuyot kong matres!Pak diz! Maswerte lang talaga ko sa lablayp e no. Pahamak na buhay to!Meron ba kong mauuto diyan bago pa mahuli lahat?Hahahahahaha!!!Wag na uy!Maske!!!!

            Joke lang naman kasi sinabi ko e sineryoso masyado ng hitad na Boga. Hindi kaya niya naiisip na PROMISES ARE MEANT TO BE BROKEN?Uto uto din e no?Bwhahahahahahaha!!!!

            Wala naman akong balak tuparin ang sinabi ko...Bakit?!Wala ba kayong nasabi na dala lamang ng damdamin?! kam on!Tao lang din ako...

              MORAL LESSON: THINK BEFORE SAYING SOMETHING....

                         * Ungaz (25) ,Pia (12) at McDo (4) naglulupa together...

A Life Lesson Learned



            Ishesheyr ko sa inyo ang isang memory na hanggang ngayon e ikinatatae ikinakikilabot parin ng pagkatao ko…ulk!!!

            Nakatira pa kami non sa Menela (oh ya dats rayt!Menela girl pa kami ni Greta non!)…  Isang summer nagbakasyon ang mga pinsan naming mula sa gubat (ngayon pare pareho kaming nasa gubat) sa Menela…At dahil nataon naman na nagbabaksyon din si Mommy V galling sa pagiging dancer sa Japan (maaaring hindi ito totoo), napagtripan nila kaming ilibot. At ang napiling destinasyon ay………….FORT SANTIAGO!  How…how…how…educational?

            Kebs na sa lugar. Bata palang naman kami non! Basta libot okay na.... Kahit sa kanto lang ang punta basta masakay lang ng kotse, bus, van, taxi, tricycle, kalesa, bisikleta o gulong masaya na.

            O e di naglibot nga kami sa Fort Santiago… Papicnic picnic. Walang kamatayang picturan. Takbo, lakad, takbo, lakad…E ala naman ibang magagawa don! Hanggang matambad ang mata ko sa isang bagay. TAE! (o diba bulgaran lang!)Yey! Alam mo yung tae na binebenta sa Blue Magic? Yon na nga…Yung pinatigas na papel na kinulayan ng mukang timang na yellow..o brown..o yellow brown.A basta yung mukang tae. O anyway may tindang ganon don sa Fort. At dahil likas na buset lang talaga ko non, gusto ko magpabili kay mommy V non. Naisip ko pag meron ako non ilalapag ko sa damuhan malapit sa mga TURISTANG PORENJER! E tignan ko lang kung di pa non nauso ang “IT’S MORE TAE SHITTY FUN IN THE PHILIPPINES”… Panay ang kulit ko ke mommy V. Buong araw ata akong nagpawis, nagpaasim at naglupasay at nagmuryot para bilan ng pekeng tae. Ala! Bigo ako as usual….

            Dumaan ang buong araw na masama ang loob ko… Nasa sanib mode nanaman ako non! Hanggang sa uuwi nalang kami iniisip isip ko pa ang potek na tae na yon.  Palabas na sana kami ng gate ng Fort. Lakad lang ako ng lakad habang nag-iisip… Tae tae tae..di ka napasa akin.. insert bubble head here..."Bababa kaya presyo ng gasoline?..si marvin ba talaga at jolina?...bakit kaya mukang siopao si Mara muka namang sandok si Clara. Pero yung TAE talaga e. Sayaaaaaang!!!!!! " Habang tumatakbo yang mga yan sa isip ko, sa dulo ng napakahabang daan patungo sa gate panay ang hiyaw at kaway ng mga kalesa drivers. Kala mo nakakita ng artista! (nagfefeeling na ko dito).. Di ko naman naiintindihan!Panay pa turo sakin. Punyeta!Hindi po kami sasakay anu be! Hindi din po ako si Kristine Hermosa, kahawig ko lang! Sige parin sila sa paghiyaw. Jusko naman di ko sila maintindihan. Kebs lang! Anu kaya problema mga yon?! Diretso pa ko sa paglakad  (nauuna ko kila mommy V). Hanggang sa kalabitin ako ni erpats sabay turo sa paa ko… charan!!!!NAKALUBOG ANG PAA KO SA ISANG TUMPOK NG MAINIT INIT AT SARIWANG TAE NG KABAYO!!!!!!!!!!!!!! (oo nafeel ko ang init) Itsura ng paa ko? Parang taeng tinubuan ng sapatos. Jusko di ko malimot! Spell shit.. ako na yon! Ampupu!!!

            O e di potashet lang! Nakakahiya at nakakabwisit! Bago pa naman yung sapatos ko non. Napakaluwang ng daan sa dadaanan ko pa natapat yung tae na yon. At kaiisip sa lecheng laruang tae hindi ko napansin ang tunay na tae ahead. Ampupu!!!Kaya pala nagwawala yung mga kalesa drivers e winawarningan ako. E di ako na timang! Ako na sikat…. At habang lugmok ako sa tae enjoy na enjoy lang na tumatawa ang buong pamilya ko. Ang sweet lang!!!!

            Umuwi akong amoy tae ng kabayo…Yun na! All in all masaya parin ang libot ko. At least paguwi ng mga pinsan ko sa gubat may ikukuwento silang katangahan ng pinsan nilang menela girl sa mga kamag-anakan at paulit ulit itong aalalalahanin habambuhay…Ang saya!

            Lesson Learned: “ Life is literally full of shit”…LOL!
          
            Hanggang sa muli…Labya!

                eto yung pinagkakamatayan ko non...!@#^&*(&^#!@~!!!!!

nasubukan sa P500

              Tukso...soooowwwwzzzz!!!!kahirap iwasan. Mamatay na ang kahit kelan hindi bumigay sa tawag ng tukso.Hepz!hindi "yon" sinasabi ko pero pwede na din. Malilibog! Anyway, sabi ko nga ang tukso mahirap iwasan. Minsan masusubukan talaga tatag ng kosensya mo (kung meron ka!) lalo pa't PERA ang usapan....

              Masaklap mawalan ng pera. Alam ko ang pakiramdam. Naalala niyo ba yung happy memory ko non sa jeep?Nung dukutin ang aking.....wallet.Ang sayang balikan ng ala-ala na yon.Nakakapanginig ng appendics!

              Anyway eto talaga kwento...Araw ng mga puso....Wala kong pakialam! Naglalakad lakad kami sa mall ng aking dear prends from work. Si mapanirang puring head nurse (yung pahamak sa mall non remember?)na si Ena (hindi yan naputol na mura) at isa pang itago natin sa pangalan Joey boy.anonymous na anonymous. Paikot ikot at bibili sana ko ng cake para kay mommy V at si Ena naman para sa boyfriend nyang si boy badtrip... Nang mapadpad kami sa tapat ng Dunkin Donuts. Hindi kami bumili ng donuts. Hanggang sa....

            JOEY BOY: P500?! 
               (sabay kuha ng nakalamukos na papel sa sahig...)

            Ako at ena: (nakatingin, nakaabang...pera nga ba?500 nga ba?come on joey boy iladlad mo na!)

                Unti unting binulatlat ni joey boy sa ere (kailangan talaga nakataas! Walang latay ng pagkadescrete tong pagkatao ni joey boy!)....

           Ako at Ena : Wow! 500 nga....HALIKA NA LUMAYO NA TAYO DITO!!! (mejo mahina para sana di marinig nung tindero sa dunkin)

           O diba.... Ganon lang kabilis samin ni ena magdesisyon. Desidido kami ni head nurse na magpakalayo layo na at ienjoy ang P500... Nangibabaw ang matinding pangangailangan kesa sa kunsensya. Mommy V tot me well!bwhahahahaha!!!

         
          Ena kay Joey boy: Yan na kapalit ng nawala mong 1000...Lika na

          Joey boy: eeeee...(nakalantad parin ang 500 at ayaw pa umalis sa pwesto. Dadagukan ko na sana e!)

          Sabay hila at tulak ke Joey boy na halatang nag-iisip pa kung laban o bawi ang gagawin nya.
          Masaya na sana ang valentine's day naming tatlo. Mga isang dipa na layo namin nang....

          Dunkin donut boy: sir sandali!!!!

          Paglingon namin.... potakelyas!andon yung may-ari ng 500! pakshet! Di ko ganong nasilayan itsura ni kuya at mabilis akong tumalikod habang buong pusong isinosoli ni Joey boy yung 500 don sa may-ari...Hindi namin kaya ni enang harapin si kuya.bwhahahahaha!!!Pakshet na buhay to o! Pera na naging bato pa!!!!! Valentine's day sucks! Naghiwahiwalay na rin kami after umiko ikot pa ng isang taon sa mall....Si joey boy kasi inannounce pa kasi yung 500!

          Ilang araw makalipas ang insidente naikwento ni Joey boy ang mga sumunod na mga pangyayari nung mag-isa nalang siya sa mall....

          Nakasalubong daw niya somewhere sa mall si kuyang may-ari ng 500 na bumibili ng flowers....Nagkangitian pa daw sila impernes. Close?!!! At ang mga tingin daw ni kuya parang nagsasabing "kung di mo sinoli 500 ko di ako makakabili flowers para sa syota ko".... O baka natypan lang din niya si joey boy. wa pakelz!

           Ibibili lang pala ng walang kwentang flowers ni kuya para masabi lang na sweet siya sa valentine's day! Malalanta rin yon! Itinakbo ko nalang sana yung 500 na yon nabusog pa kaming tatlo.bwhahahahahahaha!!!! buset! bitter....

            Araw araw talaga susubukin tayo ni Bro... Kaya magpakatatag tayo. Amen!Labya...