Ang pagtanda ko...

                    Tip: Listen to "Ayokong tumanda" by itchy worms while reading this...Jooookkkkeeee! 

               Dahil napipinto nanaman ang pagtanda ko, gusto kong ishare sa inyo ang pains ko sa pagtanda....Arti lang. Damang dama ko e. Alam ko namang makakarelate kayo.

               Sino bang gusto tumanda?Malamang wala. Kung alam ko lang ang mga pasakit ng pagtanda inenjoy ko sana kabataan ko.bwahahahaha!!! Nung bata ako nagmamadali akong tumanda para magagawa ko lahat ng gusto ko. Ako ang batas! Hindi din pala.amft! 

               Nung bata ako ayokong matutulog ng maaga o iidlip sa hapon kahit takutin mo kong hindi ako lalaki. i don't ker mommy V! andame kong energy para aksayahin sa paglaro. Bat ko itutulog yon diba?diba?! Yun pala pagtanda ko ang tanging nanaiisin ko sa araw araw ay matulloooogggg to the max tipong comatose. Yung tunog ng alarm mo parang nang aasar lang na tuwing maririnig mo umiinit ulo mo. Isang minutong idlip lang langit na! Tumanda lang ako naging antukin na. Hindi ko alam saan napunta lahat ng energy. Minsan pa kahit busy ka sa trabaho bubulabugin ka ng antok na hindi mo mapigil. Kung pwede lang murahin ang antok! Taena diz.... Kahit isang toneladang kape pa tirahin mo hindi tatalab. Hindi ko na din kayang magpuyat tulad ng dati. Sa ngayon pag hindi pa ko tulog ng 10pm asahan mong kinabukasan lasing ako sa antok daig pa pinukpok na hito. yeboy! 

               Nung kabataan mo marami kang gusto bilhin.... Pero syempre forever kontrabida ang magulang mo.  Ang tanging aasahan mo ay ang allowance mo na saktong sakto lang sa pambili ng meryenda,lunch, at pampaxerox ng kung ano anong pesteng school shitz na di mo naman pakikinabangan sa future (bitter much!). Luxury na  ang pagsisine, pagkain sa labas at pagbili ng kung ano anong bet mo. Sasabihin mo sa sarili mo, "Pag tanda ko at may trabaho na ko!Mabibili ko lahat ng gusto ko". Soooo wrong... Iba na pag kinikita mo na pera mo. Mas natuto akong magtipid. Bago ko bumili iispin ko muna kailangan ko ba talaga to?Nakakaiyak! Senyales pa ng pagtanda mo ang pagbabayad ng SSS, Philhealth, Pagibig, tax etc. na matitira lang sa sweldo mo sakto lang hanggang sa susunod na sweldo. Literal na dadaan lang sa palad mo ang salapi sa kaliwa't kanang bayarin....waaaaaaahhhhhhh!!!! Bills bills bills...

               Pag minsang nagkakagalit kami ni mommy V ang laging banat niya "tatanda ka rin!". Nanakot pa! Pero pagtuntong ko in my late 20s...HALA!!! I'm not just old. I look and feel old! Potashet... Dumadaan tayo sa physical changes. Kung kelan medyo kuminis kinis ng beri light ang muka ko saka naman ako nilitawan ng fine lines and all. Haggard look lang! Ano yon, nag give way lang ang pimples para sa wrinkles?nakanangtuch! I need na anti ageing stuff. Lately na rin ako nagkakorte ang diretso kong katawan tipong may bewang ng konti kaso sinabayan ng paglapad ng katawan kaya muka paring diretso.peste! Sa lahat ng pagbabagong pisikal, naiwan parin ang flat kong dibdib! Siga ambuset! Mas malala narin hairfall ko. Hala makakalbo na yata ko. Pero atleast hindi halatain na tulad sa lalaki na kahit anong tago ng bangs lumilitaw parin ang malagim na tuktok! hahahahaha! 

               Noon kahit anong kain ko hindi ako tumataba. Napagkit na sa 52 kg ang timbang ko. Hindi din lumalaki tyan ko kahit anong dami ng kain ko.oh yes!anyabang ko... Pero ngayon,sing bagal ng internet ko ang metabolismo ko. Umaabot sa puntong hindi ko na maisara uniform ko.Kakahiya! Kahit parang mas konti naman ang kain ko kesa noon. Nag attempt naman ako magdiet pero hilo lang at panlalata ang inabot ko. Bumalik lang ako sa lamon mode. Pagbigyan!

               Eto pinakamasaklap sa pagtanda. Dati masigasig ako sa trabaho. Parang hindi napapagod. Kahit anong dami pa ng trabaho feeling ko anlakas lakas ko.Oha! Superwoman lang. Pero napansin ko ngayon para na kong si ermatz! Sa edad na 27 ang pinaguusapan na naming mga nasa late 20s ay ang pagsakit ng iba't ibang parte ng katawan.huhuhu!!! i so effin heyt et. Sumasakit na balakang ko, madali hingalin, namamanhid at sumasakit ang kamay, namimintig ang binti, pati tuhod medyo sumasakit na din. waaaaahhh!!!kadire i'm old. Balang araw pag aattend ako ng reunions ang usapan na ay pagalingan ng doktor na tumitingin sayo. Tapos araw araw para kang naglalaro ng sungka sa pagaayos ng sandamakmak na gamot mo para sa koleksyon mo ng sakit. yikes! Help me Lord!

                Para medyo hindi mo mafeel ang pagtanda, sinusubukan mong gawin ang mga usong gawain ng mga bata ngayon. Pero parang asiwa! Nakakaasar sa paningin ang magsuot ng mga damit na di akma sa edad mo. Nagmumuka kang nagmumurang kamias! You also surround yourself with young people para feeling bata lang pero minsan hindi ka makarelate sa pinag uusapan (sino yon?Kpop ba yon?). Hindi mo pa minsan magets ang usapan sa dami ng shortcuts na sinasabi (KFW?bae?#SOTD?YOLO?TBH?).WTF!!! Hindi ba pwedeng makausap ng normal?juice colored!!!Nakakakunsume!


               Hay! Pero hindi naman natin maiiwasan ang pagtanda...Parte ng buhay yan. Ienjoy mo nalang ang buhay. Marami pang pagbabagong magaganap. Ang mahalaga diyan ay ang mga natutunan mong aral sa buhay. Babaliktanawan mo ang paglalakbay mo sa buhay.... I'm sincerely praying for everyone's awesome journey through life. May we all someday rest in peace! Hahahahaha!Labya.

0 comments:

Post a Comment