Weeks
ago ata, nagpakalat ng memo sa buong ospital tungkol sa tema para sa nalalapit
na Christmas party. Last year “Hawaiian” (puro PEARLY SHELL TUGTOG!!!!!)….At
ngayong taon naman ang naisip nila ay…… FASHIONISTA!!!!!!!!!! Dapak… Yon na.
Naloko na… Kung last year dumampot lang ako ng pajama na mukang Hawaiian umubra
na, ngayon hirap ang Ungaz. Hindi ako fashionable! Bahala na…
Sa kabila ng temang parang hindi
pinag-isipan, nakapagprepare na ko ng outfit a week before the event (spell
excited!). Hindi high fashion na tipong lelebel kay Tyra Banks pero tamang
disente naman …. Ang theme ko, may-hang-over-ako look (kahit di ako manginginom). Oha!May sariling theme…
Wa pakelz!!!
Anyway,
dahil ako prepared na outfit sinamahan ko kahapon sa mall ang aking preynd na
bumili ng outfit para sa party bukas. Impernez madami kaming nakitang taga
Hospital na mukang bumibili din ng damit para bukas. Talagang kung kelang
malapit na tsaka nagkukumahog… At kailangan talaga bago. Hehehe!!!
Lahat ng
stalls pinasukan namin. Matagpuan lamang ang damit na papasok sa banga ni
preynd. Parang naghahanap lang ng soulmate! At dahil lahat nga halos pinasok
namin, syempre pinasok din namin Penshoppe…. The usual routine…. Halukay ng damit parang
nasa ukay ukay lang, tingin dito tingin don. Hanggang sa…. Wala din kaming nabili.
E di lumabas na kami.
Paglabas
ng stall nakita naming ang aming little dear Head Nurse na tulala at walang
muwang na nasa harap na niya kami. Syempre binulabog naming siya. Surprise!!! Super hug na
kala mo di nagkikita e non lang naman siya off.hahahahaha!!!
May limang
minuto na siguro kaming naggagaguhan sa TAPAT
ng Penshoppe ng biglang…….. toot toot
toot toot toot! (iperfect mo yung sound at timing para makatotohanan).
Hindi ako nagmumura, tumutunog lang ang sensor ng shop.
Sumigaw si
head nurse ng “ETO PO O!SIYA YON”
sabay turo sakin ng hinayupak….Tawanan lang kami at ganon lang talaga lambingan
namin. Anong malay kong ikapapahamak ko pala yon.
Maya
maya….
Penshoppe
Salesman: Ma’am excuse po (sabay turo sa punyetang sensor nila)
Ako:
Ay! Seryoso?! Ako talaga…Hahahahahahaha!!! (deep inside, ” sapakin ko kaya to”)
Dami pa naman tao. Soooo
diyahe! Ako naman si uto uto, nagfashion show sa sensor nila… Waley tumunog! In
your peyz kuyang!!!! Impernez hindi nagsorry si putaragya. Manners! Kebs na…
Basta wala ko ninenok…chepangga ba!
Jusme,
nakatambay nalang ako sa tapat ako pa pinagbintangan… Kagalang galang naman
sana itsura ko at nakauniform pa ko ng pang Nars. Kuya, sumusweldo ko!!! Imba si kuya…Medyo judgmental
kahit mas muka pa siyang mandurukot sakin. Buti nalang nasa mood ako kundi, may
paglalamayan kila kuya sa pasko…. Dahil
medyo parang pinahiya ako ni kumag, umeksena ako sa harap ng “HINDI NA KO BIBILI SA PENSHOPPE LINTEK!” Sabay turo kay kuya…
Nahiya naman ata nagtago nalang. Hahahahaha! Gagung yun… Di tinuruan ng nanay niyang magsorry!
Pero
napag-isip isip ko kasalanan din ni head nurse yon… Mapanirang puri lang din e
(Walanghiya po kayo mam Sheyna!Hahahahahaha!!!!).
Nawa hindi
na to maulit…. Dahil next time di ko na palalagpasin. Hmft che!
Advance
Merry Christmas everyone…!!!!
p.s.
Namiss ko magblog... Kinakalawang na ko. hahahahaha!!! Pasensya naman...Labya!:)