Tooooottttt!!!!


       Weeks ago ata, nagpakalat ng memo sa buong ospital tungkol sa tema para sa nalalapit na Christmas party. Last year “Hawaiian” (puro PEARLY SHELL TUGTOG!!!!!)….At ngayong taon naman ang naisip nila ay…… FASHIONISTA!!!!!!!!!! Dapak… Yon na. Naloko na… Kung last year dumampot lang ako ng pajama na mukang Hawaiian umubra na, ngayon hirap ang Ungaz. Hindi ako fashionable! Bahala na…

        Sa kabila ng temang parang hindi pinag-isipan, nakapagprepare na ko ng outfit a week before the event (spell excited!). Hindi high fashion na tipong lelebel kay Tyra Banks pero tamang disente naman …. Ang theme ko, may-hang-over-ako look (kahit di ako manginginom). Oha!May sariling theme… Wa pakelz!!!

        Anyway, dahil ako prepared na outfit sinamahan ko kahapon sa mall ang aking preynd na bumili ng outfit para sa party bukas. Impernez madami kaming nakitang taga Hospital na mukang bumibili din ng damit para bukas. Talagang kung kelang malapit na tsaka nagkukumahog… At kailangan talaga bago. Hehehe!!!

        Lahat ng stalls pinasukan namin. Matagpuan lamang ang damit na papasok sa banga ni preynd. Parang naghahanap lang ng soulmate! At dahil lahat nga halos pinasok namin, syempre pinasok din namin Penshoppe…. The usual routine…. Halukay ng damit parang nasa ukay ukay lang, tingin dito tingin don. Hanggang sa…. Wala din kaming nabili. E di lumabas na kami.

        Paglabas ng stall nakita naming ang aming little dear Head Nurse na tulala at walang muwang na nasa harap na niya kami. Syempre binulabog naming siya. Surprise!!! Super hug na kala mo di nagkikita e non lang naman siya off.hahahahaha!!!

        May limang minuto na siguro kaming naggagaguhan sa TAPAT ng Penshoppe ng biglang…….. toot toot toot toot toot! (iperfect mo yung sound at timing para makatotohanan). Hindi ako nagmumura, tumutunog lang ang sensor ng shop.

        Sumigaw si head nurse ng “ETO PO O!SIYA YON” sabay turo sakin ng hinayupak….Tawanan lang kami at ganon lang talaga lambingan namin. Anong malay kong ikapapahamak ko pala yon.

        Maya maya….
Penshoppe Salesman: Ma’am excuse po (sabay turo sa punyetang sensor nila)
Ako: Ay! Seryoso?! Ako talaga…Hahahahahahaha!!! (deep inside, ” sapakin ko kaya to”)

Dami pa naman tao. Soooo diyahe! Ako naman si uto uto, nagfashion show sa sensor nila… Waley tumunog! In your peyz kuyang!!!! Impernez hindi nagsorry si putaragya. Manners! Kebs na… Basta wala ko ninenok…chepangga ba!

        Jusme, nakatambay nalang ako sa tapat ako pa pinagbintangan… Kagalang galang naman sana itsura ko at nakauniform pa ko ng pang Nars. Kuya, sumusweldo ko!!! Imba si kuya…Medyo judgmental kahit mas muka pa siyang mandurukot sakin. Buti nalang nasa mood ako kundi, may paglalamayan kila kuya sa pasko….  Dahil medyo parang pinahiya ako ni kumag, umeksena ako sa harap ng “HINDI NA KO BIBILI SA PENSHOPPE LINTEK!” Sabay turo kay kuya… Nahiya naman ata nagtago nalang. Hahahahaha! Gagung yun… Di tinuruan ng nanay niyang magsorry!

        Pero napag-isip isip ko kasalanan din ni head nurse yon… Mapanirang puri lang din e (Walanghiya po kayo mam Sheyna!Hahahahahaha!!!!). 

        Nawa hindi na to maulit…. Dahil next time di ko na palalagpasin. Hmft che!

        Advance Merry Christmas everyone…!!!!

       p.s. 
            Namiss ko magblog... Kinakalawang na ko. hahahahaha!!! Pasensya naman...Labya!:)

        

7 comments:

Bino said...

ay kabwisit naman nyan. ako naman sa odyssey dati

Traveliztera said...

Ahahahahhaa pahamak si head nurse hahaha pero kasalanan din ni kuya na di marunong mag sorry haha katawa ka kasama!

YOW said...

Hindi naman kasi malayo ngang nakakuha ka agad, ang bilis kaya ng kamay mo. Tanda ko pa dati sa Robinson's Supermarket may nakuha ka agad na upo, papalabas na tayo eh. Hay.. Magbago ka na Teddy. Noon ko pa sinasabi, mali na yan. Hahahahahaha.

rah said...

nangyari din sakin to dati. Yung libro pala na binili ko sa ukay ukay, may sensor, at nadedetekt sa mga sensor ngmgga stores sa mall. Nakakhiya talga. Hehe buti nalang napaka "supportive" nga kasama mo :)

glentot said...

@Yow UPO talaga????????

Grabe naman sila maka-judge wala ka pa ngang nakuha hinuhuli ka na......

Anonymous said...

wala ka bang bagong post? sa araw araw na lang, bumisita ako dito sa blog pero wala pa din :( hindi naman ibig sabihin non na crush na kita ha :) (haba ng hair ni ate.... hair sa ilong) nagagandahan lang sa mga post mo. nakaka-alis ng pagod
sulat ka na ulit.. miss na kita

Ungaz said...

@Kuya bino- ahahay!!!nagnenok ka CD ni April boy?!!LOL

@Traveliztera- Oo sadyang pahamak si head nurse..Muntik ko na ibaon ng buhay e!Hahahahaha!!!

@Yow- Akala ko ba sikret lang natin un?bunyagan na?!Hahahahaha...che!ang disente ko kaya.sumang-ayon ka!

@Glentot- Oo upo..tinry ko itago sa pntalon ko pra mgmukang mlaki etits ko.hahahaha!yak..muka tlga ko mndurukot ganon?!

@Rah- oooohhh!!!Sowsi nmn ng ukay ukay na yon...hahahaha!!!may detector ekek tlga.

@Anonymous- aaayyy...fan?hahahaha!!!e nakakahiya naman sayo madalas ka pa magchek ng blog ko kesa sakin,tapoz wlang bago.dahil jan.....tmad parin ako mgblog.hehehehe!!!slamat.:)

Post a Comment