Blurrrrrred bisyon!

           Normal naman akong ipinanganak sa pagkakaalam ko (sa kwento ng nanay ko).... Kumbakit papatanda e lumilitaw ang defects nampotek!  @#$^**&%$!!! e kung pwede lang ako isoli sa pagawaan as factory defect e ginawa na ng nanay ko(suya isipin san ako babalik).

           Hindi ko na iisa isahin ang mga depekto ko at aabutan tayo ng paggunaw ng mundo wala pa ko sa kalahati. ako na collector's item! Collector ng depekto...hahahaha!Ikukuwento ko nalang ang unang defect ni Ungaz.

Defect number 1: MALABO ANG MATA!

           It started nung nursery ata ko... Tahimik lang akong nanonood ng cartoons sa klase (oo binabayaran ang skwelahan namin para manood lang ako ng cartoons!) nang ipatawag ng hitad kong teacher ang nanay ko. Siyet! Am i in trouble? Nanonood naman ako tulad ng sabi nila ipapatawag pa nanay ko! Turns out naobserbahan lang pala ko ng tsismosang kulot na nagssquint daw ako pag nanonood tv which is hindi NORMAL sa isang 3 year old. Anong malay kong hindi pala reception ng tv ang problema kundi mga mata ko.

           E di pinachek up ni ermats mata ko...et voila! Ang 20/20 vision pumalo sa tumataginting na 450/450. e kung naiintindihan ko lang ano mga nangyayari non at kung marunong na ko magmura e naubos ko lahat ng mura sa mundo. 450/450!3 yrs old!!!!!!!!!! konti nalang bulag na ko!SAN KA PAAAAAAAAAAA!!!!!!

           Hindi ako prepared...well actually wala akong imik non.excited pa nga ata.pero maygad!Ang paglabo ng mata ng tao e sabay ng pagkulubot ng balat mo. bakit kailangang advance merry christmas sakin????

           Wala na ko nagawa kundi magsuot ng salamin... Nagmukang matalino kahit hindi naman. pfft!!!Lahat ata ng style ng frame pinagdaanan ko na. Humarry Potter na ko noon (limited ang design ng frames for kids!). Anjan ding kakapal, ninipis, bibilog, umooblong o rumerectangle ang lens ko. Kahit ano pa itsura ng salamin ko hindi mababago o maiaalis na malabo na poreber ang mata ko.

            E anong saklap ba pag malabo mata mo? Natural hindi ka mabubuhay ng walang salamin. Dependent ka sa punyetang magnifying glass ng buhay mo. Kung wala yon ikapapahamak ng buhay mo yon. Naranasan mo na bang madapa sa daan dahil maliit ang tantya mo sa bato pero gaga-ice berg sa titanic pala babanggaan mo? O kaya akala mo malayo ka pa sa bangin pero isang hibla nalang ng buhok nasa baba ka na. pwede ding mamali ka ng basa ng label.anung malay mong lason na lalapain mo.Ikamamatay mong tunay!         

           May mga bagay ding hindi mo pwedeng salihan at malabo nga mata...

           Pahamak din sa social life ang malabo mata....Pag nasa mall ako at di ko suot salamin ko, may mga tao akong nakakasalubong na panay ngiti sakin di ko naman kakilala (feeling ko naman ang ganda ko!)kaya deadma lang. Mali!Kakilala ko sila, hindi ko lang maaninag ang feyz.mapagkakamalan pa kong suplado.pakshet!

           Tampulan din ng panunukso....nuff said!

           Pag outings challenge sakin ang swimming. Lalo na ang night swimming. Madilim na may tubig pa!Syempre hindi naman ako lalangoy ng nakasalamin at maiwala ko pa sa tubigan o aksidente kung ano pa man e matusok pa mata ko. Kaya ang ending?bigla nalang ako gumugrupo sa mga di ko kakilala.huwat da pak!!!!!!!feeling close.

           Kahit sa trabaho sagabal ang hinayupak.... Intense ang operasyon! Busy ka.tagaktak pawis mo hanggang singit mo,pagod na kakatakbo. at dahil dakilang nars si Ungaz minsan nakamask maghapon. isang exhale lang....naaabala na trabaho ko.magmomoist kabod ang salamin ko mapapawish nalang ako na sana may wiper din parang kotse!!!!Kung di ko naman isusuot salamin ko baka sarili ko matusok ko sa halip na pasyente.

           Ikakacancer pa ng bulsa mo... Natural pag barubal kang tulad ko madalas talaga ang palit ng salamin. At dahil mataas grado ng mata ko (sana sa skul mataas ang grado e no!) mahal ang lente dagdag pa frame. Isang celpown na tumbas...aheyt et talaga!!!!

           E bakit hindi nalang ako magcontact lens! Tinry ko na...Yung isa napunit sa hindi ko malamang kadahilanan. 2 weeks palang non at tumataginting na 4000 ang isang pares! At nanuyot lang mata ko sa impaktong lens.

           Alam ko na sasabihin niyo..Laser surgery. Aba te kung mayaman lang ako hindi ako magaatubili...yan ang isang bagay na pagiipunan ko.Nawa hindi pa ko bulag pag nakaipon na.

          So far meron na atang 21 years (mahina ako sa math) na nagsusuffer (suffer talaga?!!!) sa pagkakaroon ng malabong mata.  I can list a million things kung anong saklap ang dulot ng malabong mata sa buhay ko.Pero natanggap ko na rin siya tulad ng masaklap kong cup size (maisingit lang!LOL)... Parte na ng buhay ko. Pasalamat parin ako at kahit malabo at least nakakakita parin ako. Nakikita ko parin ang magaganda (me) at mga hindi masyadong kagandahang (bahala na kayo mag-isip jan) likha ng Diyos.


                                                                                Muling nagrereklamo,
                                                                                UNGAZ
                                                                                


      

          




7 comments:

Bino said...

isang blessing naman para sa kin ang pagiging malinaw ng mga mata ko :)

KikomaxXx said...

ay buti nalang color blind lang ako... pero di parin eh may depekto parin mata ko...

YOW said...

HAHAHAHA. Nahiya naman ako sa magaganda na tinutukoy mo? LOL. At parang mas malaking depekto ang cupsize mo, wala na sa cup yan eh. Hahahaha. Ikaw na ang blogger! Ikaw na bumabalik! Dalasan na yan.

glentot said...

Haha natawa naman ako sa makikigrupo ka na lang bigla. Parang naiimagine ko nga na mega swim swim ka tapos yung mga kasama mo hindi ka kinakausap yun pala napadpad ka na sa area ng iba LOLx! Nyeta ka ungaz

Anonymous said...

habang binabasa ko to, napapatawa ako. Ang cool mag kwento, sa mga na experience mo HAHA' well thankful ako na mabasa ko to, dag dag info. din sa gagawin kong report :))

Ungaz said...

@Kuya Bino- Sige lang manginggit ka pa....Lalabo din yan.hahahahaha!!!

@Kikomaxxx- Ahahahahaha!Naloko na..pachek mo yan.pano na pagsumali ka sa pero o bayong?!bka mamali ka ng pili ng kulay.worried ako.LOL

@Yow- Yaan mo sa susunod yung masaklap kong cup size iboblog ko. Naku baka masuya ka lang. Naiisip ko palang nasusuya na ko.bwhahahahaha!!!amishu

@Glentot- weh anu pa nga ba. mukang tanga nakasmile pa ko pag-angat sa pagsisid tapos hindi ko kilala mga kaharap ko.pakshet!!!LOL

@Anonymous- salamat naman natawa ka sa mga mishaps ko.ang sama mo rin.hahahahaha!joke.anung report yan?!kabado ko?hahahaha!balik po sila.:)

~Hijabs~ said...

hahahaha! nakakaaliw ka magkwento.. nakakarelate ako sa lahat ng sinasabi mo.. sumpa talaga ang pagkakaroon ng malabong mata!

Post a Comment