Safety Precautions?

          Proceed if you are above 18 years old…or kung sadyang tsismosa ka lang e di sige.Bira! 

         Habang abala ang buong Pilipinas sa pagpapalit ng profile picture nila sa Facebook at tinatakot ang mga sarili sa cybercrime law, iba naman ang kumikiliti sa aking curiosity. Ooohh!!so kire lang…Napaisip lang ako sa mga iwas disgrasya. Iwas disgrasya…Oh no! It’s not your average safety precaution ekek. OPLAN iwas buntis (hindi ko pa kailangan to!Disclaimer kabod?!LOL). O diba umaRH bill lang. 

        Maraming paraan para maiwasan ang di inaasahang paglobo ng bahay bata mo o ng syota mo o ng asawa mo o ng latest fubu mo. Pero sa dinami dami ng pangontra na tiyak kong kabisado na ng karamihan kesa sa lyrics ng lupang hinirang, marami parin ang sumasablay... Anu ano kayang tekniks ang sinusubukan naman kasi nila? Let's enumerate and try to contemplate. 


       Tignan natin alin sa mga ito ang patok...(katuwaan lamang to!)

 1.Before and after meals- Parang pagtake lang ng gamut diba? Eto yung paiihiin mo before and after kumembang si babae para mawash away ang worms  sperms! Nagbabakasakali kang masama sa flow ng ihi ang iyong mga binhi. Pero eto maganda don..Paanong sasama yon e magkaibang butas yown?!oha oha! Naisip mo ba yon?Now you know. LOL! Effectivity: 0-10%? I’m not sure 

 2. Itaktak mo- Taktak ajinomoto seasoning ang dating a. Kung talagang hindi na napigil at napahappy new year ka na sa area of responsibility ni ateng, eto ang para sayo. Ito ang karaniwang gawain ng mga taga barrio. Ganung ganon lang  sa dance moves ng "Itaktak Mo" ni Joey De Leon ang gagawin mo. Malay mo umepekto ang law of gravity at mahila pababa ang mga sperm mo bago makarating sa base. Effectivity: 0.. Read above! GAWAIN SA BARRIO!Ilan ang populasyon sa barrio?sige nga!

3. Withdrawal- Luma na to at peborit ng mga matipid at matitibay ang dibdib. Anu yown bangko? Eto ang sure. Parang bangko nga. Walang kasiguraduhan.  Hindi lahat ng idedeposito mo mawiwithdraw mo. Malay mo may matirang maintaining balance. Hintayin mo nalang ang malaking tubo after 9 mos. bwahahahahaha! Effectivity: 30-50%

4.Vitamin C- Weird I know. Hindi kayo nagiisa diyan. Eto ang pinakbago kong natutunan mula sa isang "reliable source". Ano nga ba konek? Pag ayon na nakalusot na, don't panic. Just insert lang daw 3 tabs (500mg) of Vitamin C (any brand will do.choosy pa?!) sa kipay ni ateng parang insert coin lang sa arcade. Gagawing acidic ng vitamin C ang buong pechay niya at tiyak patay ang iyong mga binhi. oha! Akalain mong hindi lang panlaban sa sakit ang vitamin C. Effectivity: 100% e as of now wala pang anak si "reliable source" 

5. Agimat ng Nursing- Sino man ang nakaisip ng BASTA NURSING HINDI MABUBUNTIS O MAKAKABUNTIS e walang kasing imba naman oo. Ano yon basta nagnunursing o basta nurse may pangontra sa pagbubuntis? Tao lang din sila. Nalilimutan na lahat ng pinagaralan niyan basta biglang pinakitaan ng anatomy yan. Effectivity: 100% kung di siya madidistract at malimutan ang turo sa school.hhmmm

6.The Prayer- If all else fails eto na ang last option mo. Bandang huli si Lord lang din talaga ang sagot sa problema mo. Effectivity: 100% duda ka?!duda ka?!Lagot ka...

         Wala namang kasiguraduhan ang mundo. Kaya sige lang. Tira lang! Kung di mo pa oras e di swerte mo. May kasabihan nga "kung di ukol hindi bubukol"... Pero siyempre pag nakabuo na wala namang laglagan. Kung hindi kaya ang responsibilidad aba e malagas nalang sana betlog niyong mga lalaki at magsara nalang ang bibingka ng babaeng mahilig. bwahahahahaha!!!

         Dapuan sana ko ng matinong thoughts para matino din posts ko...bwhahahahaha!!!Labya!:)

Isang Linggong Kabaitan

        Watch your mouth young lady! Anu nanaman tooo???!!!!


        O eto kasi yon... Dahil feeling close kayo sakin, alam na alam niyo namang wala sa karakter ko ang pagiging mahinhin o mabait man lang ata.Sadyang alaskador ako (mana ke mommy V), mapanlait (oh yes! Kristine Hermosa ko.) paminsan minsan bully, at barador. Oo na, ako na muna lalait sa sarili ko. Aminado naman ako...bwhahahahaha!!!

            Usong uso naman kasi ang biruan, barubalan, bullihan sa workplace namin(kahit saan naman ata). Sumasabay lang ako sa agos. Kahit ako minsan napagtitripan. Buti nalang hindi ako pikon na tao. Pero hindi ibig sabihin na hindi ako nasasaktan paminsan minsan. Kumbakit pag ako na bumirada e mga napipikon na.  Ampeyr! Kausap parin naman ng kausap sakin.jusme! gusto din e.hahahahaha!!! Minsan ang dating ata sa iba bastos na kahit pare pareho lang kami ng ginagawa. Ayoko din naman na nakakasakit ng kapwa kahit ganito ko. Sensitive nga lang ba talaga mga nasa paligid ko o ako na talaga may diprensya?


        Kaya naman i decided....MAGBAGONG BUHAY NA!!!! Diz is it!!!! I am so ready magpakatino at ipakitang kaya kong magbago. Help me Lord!


        Sinimulan ng Martes (oo dumemonyo muna ng Monday saglit)... Professional ang arrive ko. Lahat ng tao sa unit e tinatawag kong SIR ko o MA'AM instead sa na tawagin sa mga makapanyurak na pagkataong bansag na ako din ang me pasimuno, which isn't normal para sakin kaya don palang nagtaka na ang mga hitad na workmeytz. Kesyo anong problema ko?Hindi naman daw ako ganon.Bawal magbagong buhay?Kayo lang puwede?Maygad! Pero dahil mabait nga ako kinimkim ko ang kumentong barubalness.Yaan mo nang magkasala ako sa isip wala nalang akong napikon.bwahahahaha!!!! Mahihiya ang mga bata sakin kung maka PO at OPO ako. oha! Mas nakakabuset pa nung kunyari akong tumino e. hahahaha!!!


       Buong araw behave ako to the point na para lang akong computer na ma-lag sa bagal ng response. Iniisip pa muna kasi ang mga salitang bibitawan. Impernez ang hirap pala talaga pag hindi ka sanay. Lilitaw at lilitaw ang tunay na kulay. Nadudulas din paminsan minsan.hahahaha!siyet. Pigil na pigil talaga ko manakit ng katawan at damdamin.hahahaha!!! Pwedeng awardan ng MOST BEHAVE

       Araw araw nagpapakatino ako. Hirap na hirap man pero kinakaya ko. Kahit anong buyo ng mga taong bumalik na ko sa dati e hindi ako nagpatinag. Kakayanin ko to! Todo pigil ako sa pagkumento pag nagbibiruan sila. Malamang kasi pag ako na kumibo makakalast touch nanaman ako at baka umuwi akong lumpo after.nyak! Hindi ako makapagbitaw ng green jokes (imagine gano kahirap yon), o gay jokes, negative comments, waley din bad words...Parusa much!potashet lang na kaartehan ko. bwhahahahahaha!!! Pag ako na napagbalingan ng apihan kebs lang. Di ako lumalaban...Pagkakataon na nilang gumanti. Sige lang! Ngiti lang ang kaya kong isagot sa kanila.ayun o! 


      Pero pagdating sa bahay lahat ng naipon kong kasutilan e kay mommy V, Greta at mga kapamilya ko naibubuhos...Naloko na. Wala din!pfft!!


      Matapos ang isang linggo.... SUMUKO DIN AKO! (insert makagunaw mundong EVIL LAUGH here). May expiration date ang lahat. Hindi ko pala talaga kaya. Pasensya naman.... Eto na yon e. Ipaubaya niyo nalang ke Lord ang pagpaparusa sakin. May karma din ako don't worry. Sa ngayon pagtiisan niyo muna ko. hahahaha!!! Pwede ding suntukan nalang!


       Pinagmunimunian ko na to. Eto nalang, I promise to try my best na bawasan ng konti ang pagiging buset ko... mwah! Labya all...


      




*BALIK HIATUS MODE NA ULIT....


       

Will You Marry Me?....A charity case!


                Pebrero taong 2000…Buwan ng mga kulang kulang (wag na umalma…in denial pa a!). Isinilang ang kauna unahang pamangkin ko………sa pinsan (walang matres si Greta para mabuntis!). Anak ng pinakagurang pinaka ancient pinakamatanda (wala nang ibang term talaga para diyan!) naming pinsang si BOGA*

           PIA* ang pangalan ng  napakagandang sanggol na mana sa ninang na Ungaz (ehem!) na bunga ng maagang pagtugon ni BOGA sa matinding tawag ng........calling ni Lord. Immaculate conception! PAYN!

           Si pia ay ipinanganak na maputi resulta ng diet na sprite at siopao ni Boga nung naglilihi. Naniniwala akong epektib ang diet kung gusto mong pumuti ang ipinagbubuntis mo at walang kukuhanan ng puti kay Boga no!(wag na kumontra boga). Cute naman ang naturang sanggol kahit tatatlo hibla ng buhok at parang laging sumasagap ng signal ang tengang harang.Anyway, isa ako sa mga napiling ninang. Isang pagkakamaling nagawa ni Boga.

           Teenager pa ko non..Preysh na preysh at super virgin sa pagiging tita at sa pagiging ninang. Kaya naman excited ako at ako e napili. Plus natutuwa naman ako at may dagdag na maganda sa pamilya bukod sakin. Nakakapagod ding ako lang maganda sa pamilya sa tinagal tagal.Kidding aside, masaya lang talaga ko truly madly deeply...blah blah blah!

           Sa sobrang saya, taranta, bugso ng damdaming malibog kangkarot teenager (hindi nagiisip), bumugso din ang kaUNGAZan ng bibig kong walang kasing saluyot sa dulas. Nasambit ko ang mga katagang "PAG 30 NA KO AT WALA PA KONG ASAWA AKO ANG SAGOT SA DEBUT NI PIA*!"...O e di napotashet na buhay ko! !Fotaness! Parang tinaningan ko buhay ko sa ginawa ko. Para na kong FRESH MILK na may expiration date...

           Sa kasalukuyan e 20 21 25 years old na ko....Nalalapit na ang takdang panahon wala pa kong makakaladkad sa altar. Kung sa pagsapit ng aking 30th birthday wala pa kong lalaking nauuto, nauupahan, nagagahasa o nabibili non,gagastos ako ng halagang katumbas ng isang bonggang kasalan para sa debut ng pamangking hudas! Dagdag stress sa nanunuyot kong matres!Pak diz! Maswerte lang talaga ko sa lablayp e no. Pahamak na buhay to!Meron ba kong mauuto diyan bago pa mahuli lahat?Hahahahahaha!!!Wag na uy!Maske!!!!

            Joke lang naman kasi sinabi ko e sineryoso masyado ng hitad na Boga. Hindi kaya niya naiisip na PROMISES ARE MEANT TO BE BROKEN?Uto uto din e no?Bwhahahahahahaha!!!!

            Wala naman akong balak tuparin ang sinabi ko...Bakit?!Wala ba kayong nasabi na dala lamang ng damdamin?! kam on!Tao lang din ako...

              MORAL LESSON: THINK BEFORE SAYING SOMETHING....

                         * Ungaz (25) ,Pia (12) at McDo (4) naglulupa together...

A Life Lesson Learned



            Ishesheyr ko sa inyo ang isang memory na hanggang ngayon e ikinatatae ikinakikilabot parin ng pagkatao ko…ulk!!!

            Nakatira pa kami non sa Menela (oh ya dats rayt!Menela girl pa kami ni Greta non!)…  Isang summer nagbakasyon ang mga pinsan naming mula sa gubat (ngayon pare pareho kaming nasa gubat) sa Menela…At dahil nataon naman na nagbabaksyon din si Mommy V galling sa pagiging dancer sa Japan (maaaring hindi ito totoo), napagtripan nila kaming ilibot. At ang napiling destinasyon ay………….FORT SANTIAGO!  How…how…how…educational?

            Kebs na sa lugar. Bata palang naman kami non! Basta libot okay na.... Kahit sa kanto lang ang punta basta masakay lang ng kotse, bus, van, taxi, tricycle, kalesa, bisikleta o gulong masaya na.

            O e di naglibot nga kami sa Fort Santiago… Papicnic picnic. Walang kamatayang picturan. Takbo, lakad, takbo, lakad…E ala naman ibang magagawa don! Hanggang matambad ang mata ko sa isang bagay. TAE! (o diba bulgaran lang!)Yey! Alam mo yung tae na binebenta sa Blue Magic? Yon na nga…Yung pinatigas na papel na kinulayan ng mukang timang na yellow..o brown..o yellow brown.A basta yung mukang tae. O anyway may tindang ganon don sa Fort. At dahil likas na buset lang talaga ko non, gusto ko magpabili kay mommy V non. Naisip ko pag meron ako non ilalapag ko sa damuhan malapit sa mga TURISTANG PORENJER! E tignan ko lang kung di pa non nauso ang “IT’S MORE TAE SHITTY FUN IN THE PHILIPPINES”… Panay ang kulit ko ke mommy V. Buong araw ata akong nagpawis, nagpaasim at naglupasay at nagmuryot para bilan ng pekeng tae. Ala! Bigo ako as usual….

            Dumaan ang buong araw na masama ang loob ko… Nasa sanib mode nanaman ako non! Hanggang sa uuwi nalang kami iniisip isip ko pa ang potek na tae na yon.  Palabas na sana kami ng gate ng Fort. Lakad lang ako ng lakad habang nag-iisip… Tae tae tae..di ka napasa akin.. insert bubble head here..."Bababa kaya presyo ng gasoline?..si marvin ba talaga at jolina?...bakit kaya mukang siopao si Mara muka namang sandok si Clara. Pero yung TAE talaga e. Sayaaaaaang!!!!!! " Habang tumatakbo yang mga yan sa isip ko, sa dulo ng napakahabang daan patungo sa gate panay ang hiyaw at kaway ng mga kalesa drivers. Kala mo nakakita ng artista! (nagfefeeling na ko dito).. Di ko naman naiintindihan!Panay pa turo sakin. Punyeta!Hindi po kami sasakay anu be! Hindi din po ako si Kristine Hermosa, kahawig ko lang! Sige parin sila sa paghiyaw. Jusko naman di ko sila maintindihan. Kebs lang! Anu kaya problema mga yon?! Diretso pa ko sa paglakad  (nauuna ko kila mommy V). Hanggang sa kalabitin ako ni erpats sabay turo sa paa ko… charan!!!!NAKALUBOG ANG PAA KO SA ISANG TUMPOK NG MAINIT INIT AT SARIWANG TAE NG KABAYO!!!!!!!!!!!!!! (oo nafeel ko ang init) Itsura ng paa ko? Parang taeng tinubuan ng sapatos. Jusko di ko malimot! Spell shit.. ako na yon! Ampupu!!!

            O e di potashet lang! Nakakahiya at nakakabwisit! Bago pa naman yung sapatos ko non. Napakaluwang ng daan sa dadaanan ko pa natapat yung tae na yon. At kaiisip sa lecheng laruang tae hindi ko napansin ang tunay na tae ahead. Ampupu!!!Kaya pala nagwawala yung mga kalesa drivers e winawarningan ako. E di ako na timang! Ako na sikat…. At habang lugmok ako sa tae enjoy na enjoy lang na tumatawa ang buong pamilya ko. Ang sweet lang!!!!

            Umuwi akong amoy tae ng kabayo…Yun na! All in all masaya parin ang libot ko. At least paguwi ng mga pinsan ko sa gubat may ikukuwento silang katangahan ng pinsan nilang menela girl sa mga kamag-anakan at paulit ulit itong aalalalahanin habambuhay…Ang saya!

            Lesson Learned: “ Life is literally full of shit”…LOL!
          
            Hanggang sa muli…Labya!

                eto yung pinagkakamatayan ko non...!@#^&*(&^#!@~!!!!!

nasubukan sa P500

              Tukso...soooowwwwzzzz!!!!kahirap iwasan. Mamatay na ang kahit kelan hindi bumigay sa tawag ng tukso.Hepz!hindi "yon" sinasabi ko pero pwede na din. Malilibog! Anyway, sabi ko nga ang tukso mahirap iwasan. Minsan masusubukan talaga tatag ng kosensya mo (kung meron ka!) lalo pa't PERA ang usapan....

              Masaklap mawalan ng pera. Alam ko ang pakiramdam. Naalala niyo ba yung happy memory ko non sa jeep?Nung dukutin ang aking.....wallet.Ang sayang balikan ng ala-ala na yon.Nakakapanginig ng appendics!

              Anyway eto talaga kwento...Araw ng mga puso....Wala kong pakialam! Naglalakad lakad kami sa mall ng aking dear prends from work. Si mapanirang puring head nurse (yung pahamak sa mall non remember?)na si Ena (hindi yan naputol na mura) at isa pang itago natin sa pangalan Joey boy.anonymous na anonymous. Paikot ikot at bibili sana ko ng cake para kay mommy V at si Ena naman para sa boyfriend nyang si boy badtrip... Nang mapadpad kami sa tapat ng Dunkin Donuts. Hindi kami bumili ng donuts. Hanggang sa....

            JOEY BOY: P500?! 
               (sabay kuha ng nakalamukos na papel sa sahig...)

            Ako at ena: (nakatingin, nakaabang...pera nga ba?500 nga ba?come on joey boy iladlad mo na!)

                Unti unting binulatlat ni joey boy sa ere (kailangan talaga nakataas! Walang latay ng pagkadescrete tong pagkatao ni joey boy!)....

           Ako at Ena : Wow! 500 nga....HALIKA NA LUMAYO NA TAYO DITO!!! (mejo mahina para sana di marinig nung tindero sa dunkin)

           O diba.... Ganon lang kabilis samin ni ena magdesisyon. Desidido kami ni head nurse na magpakalayo layo na at ienjoy ang P500... Nangibabaw ang matinding pangangailangan kesa sa kunsensya. Mommy V tot me well!bwhahahahaha!!!

         
          Ena kay Joey boy: Yan na kapalit ng nawala mong 1000...Lika na

          Joey boy: eeeee...(nakalantad parin ang 500 at ayaw pa umalis sa pwesto. Dadagukan ko na sana e!)

          Sabay hila at tulak ke Joey boy na halatang nag-iisip pa kung laban o bawi ang gagawin nya.
          Masaya na sana ang valentine's day naming tatlo. Mga isang dipa na layo namin nang....

          Dunkin donut boy: sir sandali!!!!

          Paglingon namin.... potakelyas!andon yung may-ari ng 500! pakshet! Di ko ganong nasilayan itsura ni kuya at mabilis akong tumalikod habang buong pusong isinosoli ni Joey boy yung 500 don sa may-ari...Hindi namin kaya ni enang harapin si kuya.bwhahahahaha!!!Pakshet na buhay to o! Pera na naging bato pa!!!!! Valentine's day sucks! Naghiwahiwalay na rin kami after umiko ikot pa ng isang taon sa mall....Si joey boy kasi inannounce pa kasi yung 500!

          Ilang araw makalipas ang insidente naikwento ni Joey boy ang mga sumunod na mga pangyayari nung mag-isa nalang siya sa mall....

          Nakasalubong daw niya somewhere sa mall si kuyang may-ari ng 500 na bumibili ng flowers....Nagkangitian pa daw sila impernes. Close?!!! At ang mga tingin daw ni kuya parang nagsasabing "kung di mo sinoli 500 ko di ako makakabili flowers para sa syota ko".... O baka natypan lang din niya si joey boy. wa pakelz!

           Ibibili lang pala ng walang kwentang flowers ni kuya para masabi lang na sweet siya sa valentine's day! Malalanta rin yon! Itinakbo ko nalang sana yung 500 na yon nabusog pa kaming tatlo.bwhahahahahahaha!!!! buset! bitter....

            Araw araw talaga susubukin tayo ni Bro... Kaya magpakatatag tayo. Amen!Labya...



     

              

Blurrrrrred bisyon!

           Normal naman akong ipinanganak sa pagkakaalam ko (sa kwento ng nanay ko).... Kumbakit papatanda e lumilitaw ang defects nampotek!  @#$^**&%$!!! e kung pwede lang ako isoli sa pagawaan as factory defect e ginawa na ng nanay ko(suya isipin san ako babalik).

           Hindi ko na iisa isahin ang mga depekto ko at aabutan tayo ng paggunaw ng mundo wala pa ko sa kalahati. ako na collector's item! Collector ng depekto...hahahaha!Ikukuwento ko nalang ang unang defect ni Ungaz.

Defect number 1: MALABO ANG MATA!

           It started nung nursery ata ko... Tahimik lang akong nanonood ng cartoons sa klase (oo binabayaran ang skwelahan namin para manood lang ako ng cartoons!) nang ipatawag ng hitad kong teacher ang nanay ko. Siyet! Am i in trouble? Nanonood naman ako tulad ng sabi nila ipapatawag pa nanay ko! Turns out naobserbahan lang pala ko ng tsismosang kulot na nagssquint daw ako pag nanonood tv which is hindi NORMAL sa isang 3 year old. Anong malay kong hindi pala reception ng tv ang problema kundi mga mata ko.

           E di pinachek up ni ermats mata ko...et voila! Ang 20/20 vision pumalo sa tumataginting na 450/450. e kung naiintindihan ko lang ano mga nangyayari non at kung marunong na ko magmura e naubos ko lahat ng mura sa mundo. 450/450!3 yrs old!!!!!!!!!! konti nalang bulag na ko!SAN KA PAAAAAAAAAAA!!!!!!

           Hindi ako prepared...well actually wala akong imik non.excited pa nga ata.pero maygad!Ang paglabo ng mata ng tao e sabay ng pagkulubot ng balat mo. bakit kailangang advance merry christmas sakin????

           Wala na ko nagawa kundi magsuot ng salamin... Nagmukang matalino kahit hindi naman. pfft!!!Lahat ata ng style ng frame pinagdaanan ko na. Humarry Potter na ko noon (limited ang design ng frames for kids!). Anjan ding kakapal, ninipis, bibilog, umooblong o rumerectangle ang lens ko. Kahit ano pa itsura ng salamin ko hindi mababago o maiaalis na malabo na poreber ang mata ko.

            E anong saklap ba pag malabo mata mo? Natural hindi ka mabubuhay ng walang salamin. Dependent ka sa punyetang magnifying glass ng buhay mo. Kung wala yon ikapapahamak ng buhay mo yon. Naranasan mo na bang madapa sa daan dahil maliit ang tantya mo sa bato pero gaga-ice berg sa titanic pala babanggaan mo? O kaya akala mo malayo ka pa sa bangin pero isang hibla nalang ng buhok nasa baba ka na. pwede ding mamali ka ng basa ng label.anung malay mong lason na lalapain mo.Ikamamatay mong tunay!         

           May mga bagay ding hindi mo pwedeng salihan at malabo nga mata...

           Pahamak din sa social life ang malabo mata....Pag nasa mall ako at di ko suot salamin ko, may mga tao akong nakakasalubong na panay ngiti sakin di ko naman kakilala (feeling ko naman ang ganda ko!)kaya deadma lang. Mali!Kakilala ko sila, hindi ko lang maaninag ang feyz.mapagkakamalan pa kong suplado.pakshet!

           Tampulan din ng panunukso....nuff said!

           Pag outings challenge sakin ang swimming. Lalo na ang night swimming. Madilim na may tubig pa!Syempre hindi naman ako lalangoy ng nakasalamin at maiwala ko pa sa tubigan o aksidente kung ano pa man e matusok pa mata ko. Kaya ang ending?bigla nalang ako gumugrupo sa mga di ko kakilala.huwat da pak!!!!!!!feeling close.

           Kahit sa trabaho sagabal ang hinayupak.... Intense ang operasyon! Busy ka.tagaktak pawis mo hanggang singit mo,pagod na kakatakbo. at dahil dakilang nars si Ungaz minsan nakamask maghapon. isang exhale lang....naaabala na trabaho ko.magmomoist kabod ang salamin ko mapapawish nalang ako na sana may wiper din parang kotse!!!!Kung di ko naman isusuot salamin ko baka sarili ko matusok ko sa halip na pasyente.

           Ikakacancer pa ng bulsa mo... Natural pag barubal kang tulad ko madalas talaga ang palit ng salamin. At dahil mataas grado ng mata ko (sana sa skul mataas ang grado e no!) mahal ang lente dagdag pa frame. Isang celpown na tumbas...aheyt et talaga!!!!

           E bakit hindi nalang ako magcontact lens! Tinry ko na...Yung isa napunit sa hindi ko malamang kadahilanan. 2 weeks palang non at tumataginting na 4000 ang isang pares! At nanuyot lang mata ko sa impaktong lens.

           Alam ko na sasabihin niyo..Laser surgery. Aba te kung mayaman lang ako hindi ako magaatubili...yan ang isang bagay na pagiipunan ko.Nawa hindi pa ko bulag pag nakaipon na.

          So far meron na atang 21 years (mahina ako sa math) na nagsusuffer (suffer talaga?!!!) sa pagkakaroon ng malabong mata.  I can list a million things kung anong saklap ang dulot ng malabong mata sa buhay ko.Pero natanggap ko na rin siya tulad ng masaklap kong cup size (maisingit lang!LOL)... Parte na ng buhay ko. Pasalamat parin ako at kahit malabo at least nakakakita parin ako. Nakikita ko parin ang magaganda (me) at mga hindi masyadong kagandahang (bahala na kayo mag-isip jan) likha ng Diyos.


                                                                                Muling nagrereklamo,
                                                                                UNGAZ