Epic Fail to the Nth Power

                Kamakailan lang, sa kalagitnaan ng paghihintay ko sa mabagal na usad ng internet sa pagsstream ng favorite kong master chef sa youtube, bigla akong tinawag ng Greta para ipakita sakin ang isang youtube video na bubulabog sa blood pressure ko!


                Isang video post na gawa ni rayjendiane03. Isang simple't ordinaryong dalagita na walang magawa. Pambihirang babae to..Ito ang pinoy version ni Rebecca Black na mas pinalala.... Kung si Rebecca Black pretty pero nakakbuwisit ang boses, sa kanya ang nakakairita lang naman ay...ANG BUONG SIYA! Siya mismo! Lahat sa kanya. Suya na nga na corny pinoy banats na sinasabi niya na talagang wish mo na siyang banatan sinamahan pa niya ng mas nakakahigh blood na make faces. Kala ata nasa showtime at pumepeyz dance... Kumulo lang ang diabetic blood ko sa panonood. 


                 Kasi naman ginagaya niya pala tong si kim chuchu eklavu basta yon! Isang lalaking tumirada naman ng "Hi Ms. Pinoy Banats"(kayo na magsearch)... E susme, cute si kuya at effortless ang pagiging cute? Hindi siya nakakinis bumanat...ahihihihi!!! E si ate, epic fail sa lahat ng aspeto! Hahahahaha...


               Hindi ko masyadong inurirat ang comments sa video niya. Para kasi siyang bangungot na gusto ko nalang talagang kalimutan. Eto palang Greta talagang effort na binasa mga comments. Jozmeyo! Nakakaawa si ateng.. Inulan ng panyuyurak ang video niya... Super harsh na kahit akong nagbabasa lang e nahiya (feeling ko ako yon?!) para sa kanya. ex. kabayo ka ba? ay kabayo ka na pala...Di ko na pinatuunan gaano ng pansin.


               Kumbakit naman kasi naiintriga much ako sa putres na itey. Hinanap kong muli ang video niya sa youtube pero bigo ako...Burado na siya. Hala sige kalkal parin ako. Parang di makapaniwalang it's really gone. Mega search pa ko sa google!Effort. Haggang sa matagpuan ko rin ang nawawala niyang bangkay page/ youtube account niya. Ay burado nga talaga ang video niya. In fact, laaaaahhhhaaaaatttt ng video na nagawa niya ever! hahahahaha... Binasa ko comments sa kanya ulit. Watdapak!!!!!!!!! Ako man yon buburahin ko video ko. Better yet yung buong account ko o kaya binura ko na pati sarili ko sa mundo. Maygad na mga tao yon! Hahahahaha..Kung makapanlait sila na ang perfect at anak ng Diyos. Imba makapanyurak ng pagkatao... Yung iba parang halos death threat na dating.wwwwaaaaaahhh!! Siya na may award ng most haters! Bandang huli nakakaawa din siya...Siya kasi e! 


              Eto account niya...Read the comments! Nakakapanliit...wapak! http://www.youtube.com/user/rayjendiane03


              So ayon, sa sobrang kahihyan nalang din siguro e binura na nga niya video niya... Pero buti nalang at may isang nakapagsalba pa. Kaya isheshare ko siya sa inyo. ENJOYYYYYYYYY!!!!!!!!!
             http://www.youtube.com/watch?v=jChEsi7qo


                Hahahahahahaha! Ok lang yan ate kahit isang epic fail ang pagsikat mo sumikat ka parin..... kebs na sa haters mo (kasama na kami don!). Bilib ako sa'yo na hindi ka pa napapatiwakal sa kabila ng mga batikos na tinanggap mo. Dinaig mo pa si PNoy sa batikos! Good Job! Till next time...Labya!

chef wannabe!

                                Pagkain....My 2nd favorite thing in the world kasunod ng pagtulog. Buhay na naman ng tamad!!!! Lahat ng tao hilig ang pagkain. Sino ba namang hindi? Pero ang pagluluto na ng pagkain? BOO!!!I hate cooking!!!

                     Oo. Hilig ko kumain pero ayoko sa lahat ng gawaing bahay (lahat ng gawaing bahay ayoko actually.LOL!) ay ang pagluluto.. Maeffort, mainit, hiwa here hiwa there (pati daliri mo mahihiwa).... Sablay pa ko tatantiya ng dami ng sangkap (maalat?napadami ata asin.hahahaha!). Minsan pa kundi hilaw overcooked (payn!sunog!)....Kaya naman mas hiyang ako sa buhay instant...Instat noodles, delata etc...so easy!!!

                    Kaya naman idinadaan ko nalang ang frustrations ko sa pagluluto sa panonood ng mga cooking shows!!!FUN! Tulad ng:


MASTERCHEF- Naaliw at natutuwa lang ako kung gaano kagaling magluto ang mga ordinaryong peepz ng mga kakaiba at masasarap na dishes. Para kong naiinspire. Kung kaya nila kaya ko rin?!(duda?LOL)...Pero mas trip ko panoorin yung version ng Australia. Mababait kasi yung mga aussy, kahit di ko naiintindihan mga sinasabi nila (parang laging patanong?!)...

                   contestant: i jest hev te puwt my igs in the pan...?(bat kami tinatanong mo!)
                   ako: igs?anong sangkap yown?unique..sowzi (tapoz makikita ko siya magbabati ng ITLOG!!!EGGS!!!hayup na iggs yan!)

                   Di tulad sa masterchef america na garapalan. pag ayaw niluto mo lilipad sa basurahan ang fruit of labor mo at harap harapang iluluwa pag di type, masisigawan ka pa. O diba?!Bastusan itey?!Lamunin ka nalang sana ng lupa sa kahihiyan... 

JUNIOR MASTERCHEF- Ito naman yung version ng mga bata.Junior nga o!!! Eto ang imba...Pambihirang mga bata yon.Ke liliit ke babata kung magluto dinaig pa matanda. Imba! Nang ganong mga edad mga dahon lang ang kaya kong lutuin sa bahay bahayan. Kainin mo at malalason ka! Pero sila kalabel ang mga professional chef.  Hindi talaga ko makamove on sa mga yon...Nakakahiya naman ikumpara skills ko sa kanila.hahahaha!!!


HELL'S KITCHEN- ere literal na impyerno...Saan ka naman kasi nakakita ng kusinang ang mga chef e hobby lang ang pagmura sa kapwa at pagsigaw sigaw. Kala mo laging may delubyo. Sa dalas magmura ng mga tao feeling ko nasa tabi ko ng isang cardiac monitor (igoogle!!!) sa dalas ng ttttoooooooottt!!!Parang anytime e magsasaksakan nalang yung mga yon. Di mo gaano masusubaybayan paapaano mabubuo ang isang dish di tulad sa masterchef. Mas tinitutukan kasi dito kung gaano kagaling ang isang chef sa time management at pagwowork under pressure. Pero kung kasali ko don malamang sa atakihin nalang ako sa puso o magseizure sa isang tabi sa stress!!!!!!!Kung mahina kang tulad ko, di ka uubra don.Pustahan tayo iiyak ka sa sobrang kahihiyan.Nakakapanliit talaga.Bwahahahahaha!!!


                   Mahirap talaga magluto...Nakakainggit ang mga taong magaling sa pagluluto. Kaya naman nainspire ako kakapanood ng mga yan. Nainspire kumain at mangarap lang...yon!!!Sa instant parin ako.wala na ko magagawa...bwhahahahahaah!!!!Balang araw magiging magaling din akong cook.Malay niyo.Cook sa karinderya.maske!kumontra lalasunin ko.LOL...Labya!:)
                   

Sweet Mommy

                           Sa aming pamilya, hindi uso ang sweetness....Nakakilabot sa tumbong kung itatry namin. Hindi pwede ipagpilitan... Hindi uso ang pagiging affectionate.hahahaha!!Hugs?Mabilisan lang.Maninigas lang ako pag nagtagal...Kiss?Torture!beso lang ang kaya minsan suya pa. etc. etc...Ang lambingan sa amin ay, usapang barahan at pagilasang mamintas, pitikan at hampasan ng walang dahilan (mostly kami lang yon ni Greta), at magtawagan ng mga pangalang makayurak dangal. Carino brutal ika nga... Normal na yon...Pag medyo parang umiba don malamang nagmemerida na ang isa samin...Pero nagmamahalan naman kami pramiz. Hindi nga lang halata.hahahahahaha!!!

                         Kailan lang ay nadiscover kong may sticy notes ekek pala kami dito sa comfyuter(ako na huli sa uso!) na to....At dahil bago sa akin ang hinayupak e di tinry ko....Nagpost ako ng isang walang kakwenta kwentang mensahe na sure akong mababasa ng kahit sinong chismosa..."ANG BUMASA NITO PANGET..LOL"...Sabi sa inyo e,walang kakwenta kwenta pero epektib. Anyway, pansamantala muna naming iniwan ni Greta ang barrio at lumibot libot sa kabayanan (yek!sooo promdi.LOL).


                 Pag uwi namin, amputres na stick note e andon parin nakapaskil sa desktop. But wait!!!! Parang may nabago...Look a little closer...AYUN...!!!!

                              
                  May nadagdag impernez!!!! Edited version na ang tumabad sa aking harapan...At hulaan niyo sino rumetoke niyan....si MOMMY V!!!!sino pa nga ba! Siya na sweet na ina. Siya na walang sing sweet bumara!!!Natouch ako ng bonggang bongga hanggang kasingit singitan ng aking singit.hahahahaha!!!Sabi sa inyo sweet kami e...Now you know saan kami nagmana ng pagkabarubal...
 
                 Hanggang sa muli...Labya!!!:)

P.S. Title sana ng post na to "ANG BUMASA NITO PANGET!"...Malamang sa di niyo basahin kya binago ko nalang.hahahahahaha!!!!Ang cucute niyo kaya....barf!LOL