chef wannabe!

                                Pagkain....My 2nd favorite thing in the world kasunod ng pagtulog. Buhay na naman ng tamad!!!! Lahat ng tao hilig ang pagkain. Sino ba namang hindi? Pero ang pagluluto na ng pagkain? BOO!!!I hate cooking!!!

                     Oo. Hilig ko kumain pero ayoko sa lahat ng gawaing bahay (lahat ng gawaing bahay ayoko actually.LOL!) ay ang pagluluto.. Maeffort, mainit, hiwa here hiwa there (pati daliri mo mahihiwa).... Sablay pa ko tatantiya ng dami ng sangkap (maalat?napadami ata asin.hahahaha!). Minsan pa kundi hilaw overcooked (payn!sunog!)....Kaya naman mas hiyang ako sa buhay instant...Instat noodles, delata etc...so easy!!!

                    Kaya naman idinadaan ko nalang ang frustrations ko sa pagluluto sa panonood ng mga cooking shows!!!FUN! Tulad ng:


MASTERCHEF- Naaliw at natutuwa lang ako kung gaano kagaling magluto ang mga ordinaryong peepz ng mga kakaiba at masasarap na dishes. Para kong naiinspire. Kung kaya nila kaya ko rin?!(duda?LOL)...Pero mas trip ko panoorin yung version ng Australia. Mababait kasi yung mga aussy, kahit di ko naiintindihan mga sinasabi nila (parang laging patanong?!)...

                   contestant: i jest hev te puwt my igs in the pan...?(bat kami tinatanong mo!)
                   ako: igs?anong sangkap yown?unique..sowzi (tapoz makikita ko siya magbabati ng ITLOG!!!EGGS!!!hayup na iggs yan!)

                   Di tulad sa masterchef america na garapalan. pag ayaw niluto mo lilipad sa basurahan ang fruit of labor mo at harap harapang iluluwa pag di type, masisigawan ka pa. O diba?!Bastusan itey?!Lamunin ka nalang sana ng lupa sa kahihiyan... 

JUNIOR MASTERCHEF- Ito naman yung version ng mga bata.Junior nga o!!! Eto ang imba...Pambihirang mga bata yon.Ke liliit ke babata kung magluto dinaig pa matanda. Imba! Nang ganong mga edad mga dahon lang ang kaya kong lutuin sa bahay bahayan. Kainin mo at malalason ka! Pero sila kalabel ang mga professional chef.  Hindi talaga ko makamove on sa mga yon...Nakakahiya naman ikumpara skills ko sa kanila.hahahaha!!!


HELL'S KITCHEN- ere literal na impyerno...Saan ka naman kasi nakakita ng kusinang ang mga chef e hobby lang ang pagmura sa kapwa at pagsigaw sigaw. Kala mo laging may delubyo. Sa dalas magmura ng mga tao feeling ko nasa tabi ko ng isang cardiac monitor (igoogle!!!) sa dalas ng ttttoooooooottt!!!Parang anytime e magsasaksakan nalang yung mga yon. Di mo gaano masusubaybayan paapaano mabubuo ang isang dish di tulad sa masterchef. Mas tinitutukan kasi dito kung gaano kagaling ang isang chef sa time management at pagwowork under pressure. Pero kung kasali ko don malamang sa atakihin nalang ako sa puso o magseizure sa isang tabi sa stress!!!!!!!Kung mahina kang tulad ko, di ka uubra don.Pustahan tayo iiyak ka sa sobrang kahihiyan.Nakakapanliit talaga.Bwahahahahaha!!!


                   Mahirap talaga magluto...Nakakainggit ang mga taong magaling sa pagluluto. Kaya naman nainspire ako kakapanood ng mga yan. Nainspire kumain at mangarap lang...yon!!!Sa instant parin ako.wala na ko magagawa...bwhahahahahaah!!!!Balang araw magiging magaling din akong cook.Malay niyo.Cook sa karinderya.maske!kumontra lalasunin ko.LOL...Labya!:)
                   

10 comments:

Oliver said...

ako naman ok lang magluto. Kaso hindi ko kabisado ung mga recipe, kelangan ko ng guide hehe. Di tulad ng ate at nanay ko, memorize ung mga cookbook.
Ang ayaw ko ung naghuhugas ng pinggan, haha.
Ung mga asa junior masterchef australia, mga imba. Pinaglihi ata sa cookbooks ung mga un e.

Leah said...

Hehe.. napapasmile ako sa post na to, Ungaz. EGGS! hindi IGGS! LOL...

Aktwali, tama ka.. ang hirap nga naman magluto. Relate ako dito, kasi hindi rin ako magaling magluto. Ilang putahe lang alam kong lutuin.. at minsan, hindi pa masarap. hahaha..

Pero someday, matututo rin ako. Kakahiya naman sa husband-to-be ko (kung sino man sya) kung prito-prito lang kaya ko. haha.. :D

Supladong Office Boy said...

buti ako marunong kahit hindi magaling magluto! :)

frustrated chef din kasi ako..

oh wag kang kumontra dyan, sige ka, sasabihin ko sikreto mo na yung mga gwapong cook lang naman ang inaabangan mo dyan at hindi yung mismong palabas! LOL

YOW said...

Mahilig din ako manood ng cooking shows para magsuffer ako sa pagkatakam sa mga itsura ng niluluto nila. Itsura pa lang ng mga walang hiya, nakakahalina na. Hahaha. I can feel you. Di naman kasi kabilang sa job description mo ang pagluluto, manapa yung carpentry.

kikilabotz said...

ungas nakakahiya ka!! bwahahahaha parang pagluluto lang hindi mo alam. nyahahahahaha..ok fine pareho tayo.. pero nagppractice n ko ngayon. hahaha

glentot said...

Bakit wala yung Amazing cooking kids LOL diba sinusubaybayan mo yun haha. Ungaz patikim naman ng... putahe... mo LOLLOLLOL. Mag-blog ka nga mas madalas bwisit ka magpopost ka twice in 48 years.

KikomaxXx said...

hahaha.. shit paano nalang at naging nanay ka na... anong ipapakain mo sa mga anak mo damo... hahahah... joke lang

The Gasoline Dude said...

Dumating sa point na nahilig akong magluto at kung anu-anong cookbooks ang nabibili ko kaso ako din naman ang kumakain ng luto ko kaya ayan, antaba ko na tuloy.

Ungaz said...

@Oliver- Buti ka pa nakakasunod sa cookbook e...
Hahahaha...Feeling ko nga pinaglihi sa cookbook mga batang yon.

@Leah- Ayee!!! Go mag-aral na magluto para mabusog si mister...Sarapan mo.hehehe!

@SOB- Hindi mo pa ko nilaglag ng ganyang lagay?!traitor.hahahaha! Gwapo talaga e!

@Yow- O diba naging bonding moment pa natin panonood ng cooking shits.hahahaha! Carpentry?!More like labandera.hahahaha!

@Kikilabotz- Marunong ako magluto no! Hndi ng alang ata masarap! Tamang pansalba lang ng buhay ko.LOL

@Glentot- So jologs naman...hahaha!ANo naman niluluto don? Yema? Sinigang?!hahahaha! Hindi ako sing gilaz mo para maging active blogger.

@Kikomaxxx- Mag-aasawa ko ng marunong magluto. O kaya magpapayaman at maghihire ng chef.BONGGA!!!

@Gasul- OMG!!!NAgawi si sir gasul dito..what an honor.hahahaha!!labet.. Obligado talaga mrunong kayong magsipagluto dahil nasa abroad kayo at sarili lang nyo maaasahan niyo.hehehehe!!!

Tiradauno said...

Gusto mo ba ng online work?
Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
Contact Number: 09465046302
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

Post a Comment