It's The Thought That Counts

                Thoughtful akong tao.Ako na pupuri sa sarili ko....Wala sa itsura kong sweet ako.Walang bakas ng lambot at walang lambing sa katawan. Pero maalalahanin ako....Pero sadyang walanghiya at mapantrip lang din talaga ko. Mabuhay ang mga sutil!!hahaha


                Pag may mga mahahalagang okasyon na required ang regalo tulad ng birthday, pasko, binyag, kasal, undas (gusto ko pati undas e.bakit ba!) umaarangkada ang aking pusong mapagbigay....Aktibo ang utak (pwera bulsa) ko sa pagiisip ng ipanreregalo. Noon, kung ano talaga gusto ng pagbibigyan ko bigay hilig ako basta kaya kong ibigay(katawan ko lang ang walang may nais.lol)....But...Hep!Hep!Hep! Naisip ko...Bakit ko ba sila pagbibigyan?Bakit dapat yung ikasisiya lang nila?Diba dapat kung ano gusto ko para sa kanila?Nung bata ako pag may nagregalo sakin ng isang set ng bimpo sa halip ng barbie na mas ikaliligaya ng puso ko nagrereklamo ba ko?NO!Pag niregaluhan ako ng picture frame na hindi ko naman pwede paglaruan(gagawin kong plato sa luto lutuan?)nampapakyu ba ko?NO!Tanggap lang ng tanggap!Masama tumatanggi sa grasya.Ayokong sumama loob ng nagbibigay ng regalo.Mahalaga, naalala ko nung nagbigay kahit ayoko regalo niya.hahahaha! Kaya naman naging buwisit akong magregalo....Ayoko ng the usual o ordinaryo.Ayoko yung talagang gusto ng reregaluhan.Parang hindi masyadong pinagisipan....Masabi lang na nagregalo.Pag bibili o magpeprepare ako ng regalo para sa pagbibigyan ko eto batayan ko "matutuwa ba ako sa magiging reaksyon niya?"....


                 Isang paskong walang kasing saya.... Ako ang dakilang designated rapper wrapper ni ina. Ako lang ang magaling magbabalot at sadyang mahilig magpaalipin kaya don ako natotoka!ppfffttt...At dahil alam niyo namang mahal ko si utol,syempre marami ko gift para sa batang Greta..Pagdating ng bukasan ng regalo nakaantabay ako kay Greta, na tuwang tuwa sa dami ng regalong natanggap. Kala mo nanalo sa lotto ang ngiti....Isa isa na niyang binubuksan ang mga regalo niya.Ihing ihi na ko pero pinipigil ko dahil ayoko mamiss ang mangyayari.Panay ang bukas ni Greta.WoooWW!!!ooohhhh!!!AAAHHHH!!Sa sobrang tuwa hindi na tinitignan maigi mga regalo niya. Matapos ang bukasan galore ni gaga....Inassess ang mga regalo.


                 Greta: PARANG GAMIT KO LAHAT TO A!!!AAAATTTEEEEE!!!!!BUSET KA!


                  Priceless!!!Muntik ko nang ilabas don ang ihing iniipon sa pantog kakatawa....Sooo worth it ang pagpigil. Ako ang naligayahan sa regalo ko!Hahaha...Napapala ng mga timawa sa regalo.whahahaha!Oh well nakaganti naman siya. Hinabol ako sa buong bahay at saka ako ginatukan!OUCH!!!Kaya simula non wala na siyang tiwala sa mga regalo ko kahit matino na laman.Praning!


                  Isang kabarkada ko naman ang nagbirthday...At dahil sweet and thoughtful ako, i want to give her something special.Something she'll never forget....Dahil kikay si friend mahirap regaluhan (nahirapan ako at hindi ako kikay) at nagpaikot ikot ako sa mall kakahanap ng akmang regalo.Pukikay na yan! Hanggang sa...I FOUND THE PERFECT ONE!!!Excited kong binili ang natagpuang gift at binalot sa bahay.Binalot ko in a special way and sealed with a kiss.hahaha!!Kinabukasan...


                   Ungaz: Happy Birthday!!!!!(makabasag pinggan)...Eto regalo ko!Sana magustuhan mo....hehehe


                   Friend: Wow!Thank you!So sweet naalala mo kong bigyan
                   (Naluluha siya.mukang natouch talaga.nakukunsensya ko.maski!)


                   Ungaz: Buksan mo na!!Dali....Mauubusan ka ng lakas at pasensya diyan.hahaha!!


                   Friend: Ha?to talaga...excited na ko.game!


                   As usual nanalalaki nanaman mata ko sa pag-aabang sa reaksyon niya pagbukas....Inuumpisahan na niyang buksan ang napakalaking regalo ko. Tulad ng inaasahan nauubusan na siya ng hope sa pagbukas ng regalo ko. Try mo magbukas ng regalong binalot ng sandamakmak na layer ng diyaryo!!!!Sweet diba...Nang mukang susuko na siya inudyukan ko siyang lakasan ang loob (taena sa kaartehan...sa bahay pa daw bubuksan!) at magtiyaga. Hindi pwedeng hindi ko makita ang itsura niya.Nang last layer na masaya siya!!!Makikita narin niya sa wakas ang aking gift....1...2....3....!!!
Charaaaaannnn....Nalaglag ang ngiti.Naiiyak sa buwisit si friend....Hindi malaman ang gagawin....Ang aking gift?Isang.......BAGUA!Nasabi ko bang usong pelikula non e Feng Shui?hahaha!Hindi maipaliwanag itsura ni friend.Balak pa ata basagin sa ulo ko yung gift.Sobra naman tuwa ko sa itsura niya....Wag siyang maginarte!Tinernuhan ko kaya ng suklay yon....Kikay!Bagua na mirror may suklay pa.swak!Gayon pa man naappreciate niya effort ko kahit may halong pangaasar. Impernez sa kanya, ginagamit niya paminsan minsan yung suklay at bagwa pag nabubunot ng buhok sa kilikili nagaayos siya(pag walang nakakakita).


                    It's really the thought that counts....Yung maalala ka lang ng isang tao kahit lifetime friendship,presence,moral support, o love lang ang kayang iregalo(dukha!)e talaga namang nakakataba ng puso...Hindi parin matutumbasan ng kahit anong materyal na bagay ang pagmamahal ng isang kaibigan.....May pagkabuset man ako mgregalo, taos mula sa puuu...so... ko ang pagbibigay at may kalakip na pagmamahal.weh!kire...hahaha!


                    May isang taong nalalapit ang birthday...Ano kaya ireregalo ko?hahahaha!!!Humanda siya...Labya!

Someday?

                     Tulad ng mga nakakaraang araw napatunganga nanaman ako...At pag ganon, napapaisip nanaman ako(napapadalas na to.delikado)....At para sa araw na to ang napagtanto ko...Ako nalang natira sa Pinas!


                     Hindi ko sinasabing ako nalang natitirang maganda sa mundo (kumontra mamamatay ngayon din!),kundi ako nalang sa karamihan ng mga kaibigan, kulig colleagues, kakilala,kapitbahay, kainuman, kabatak, ka...Teka napasobra. Sa karamihan, ako nalang ang natira sa Pinas. Tapos volunteer pa!Takteng buhay to...! Simula pa nung nakaraang taon isa isa na sa mga kaibigan ko ang sumasakabilang buhay este sumasakabilang dagat para kumita ng malaking salapi na hindi mo matitikman dito pwera nalang kung magpokpok ka..hahahahaha! Kaya kalimitan pag napagtitripan kong gumala wala na ko makaladkad at limited ang choices ng makakasama(choosy?). Kundi busy e nasa abroad nga....Sa mga susunod na buwan malamang may aalis nanaman. Malungkot man hindi ko naman sila pwede pigilan. Bakit ko sila pipigilan kung para sa ikabubuti nila yon(at kung nangako namang may pasalubong for me, ibubuyo ko pa sila)....


                    Dati para sa akin ang pagaabroad ay hindi pang matagalan.... Trip ng mga rich na walang magawa sa pera.hahaha! Bakasyon, libangan, paglilibot, tipong just for curiosity's sake o magpaka adventurous and try something new. Babalik din makalipas ang ilang araw, o linggo ng pamamahinga at paglilibot sa ibang ibayo. Hindi para magtrabaho at magpaalipin sa ibang lahi na minsan mas may pinag-aralan ka pa kesa kanila.


                    Sa hirap ng buhay ngayon hindi na talaga mabilang ang mga taong nangingibang bansa....Babae,lalaki, bata,matanda, beki, tiboli, lahat ng uri ng tao.Mga sumusugal sa poreyn foreign country(hindi ko matandaan tagalog ng foreign.LOL)...Kahit anong trabaho pinapasok kahit malayo sa pinagaralan sa paaralan. Mga nagbabakasakaling sa ibang bansa makatagpo ng magandang kapalaran at oportunidad para mapaginhawa ang buhay. Mga nagsasakripisyo ng pagkawalay sa mga mahal sa buhay para sa mas malaking sweldo. Malaking sweldo na kahit gano ka kasipag o katiyaga o kapursigido e hindi mo makakamtan dito sa Pinas....Makakita lang ng napakaraming zero sa alok na salapi, susugpangan na. Sino nga ba tatanggi sa ganon.Kaya naman kahit gano katigas ang ulo ko matiyaga si ermatz na pagabroadin din ako (oo mommy teka lang!chill)....hahahaha!sweet.


                    Kahirap nga naman kasi ng buhay dito sa Pinas. Gagastos ka ng limpak limpak na salapi sa pag-aaral tapos pagkagraduate mo at magkatrabaho, malaki pa minsan allowance mo nung nag-aaral ka kesa sa sinasahod mo...Minsan pa nga hindi ka makahanap ng trabaho. Tulad naming mga nurse. Taon taon kadaming nageenroll sa kursong nursing na kala mo yon nalang ang kurso sa mundo...Taon taon madami papasa sa board exam. Sa dami, wala nang mapaglagyan.....Meron man, volunteer lagi ang bagsak dahil nagtitipid ang gobyerno. Wala daw ipapasweldo...San ka pa?Para kang nakalibre....Minsan yung volunteer pa nagbabayad para lang magpaalila sa mga ospital.Bitter? Kaya naman kumukuha lang ng experience kaming mga nurse at saka maglilisaw kung saan saang bansa para naman magkasilbi yung mga pinagaralan namin at makatikim ng malaking sweldo..hahaha!

                    May balak din naman ako umabroad(kaya wit lang ermatz). Balang araw lilipad din ako(ibon?). Kahit masama sa loob ko na malayo sa mga mahal ko sa buhay(ikaw nga mommy!ayaw mo talaga ko makasama sa Pinas.hahaha!). Titiisin ko na lahat, kung sa pangingibang bansa ko lang mabibigyan ng magandang buhay (the usual...bahay,kotse,bling bling!LOL) ang mga mahal sa buhay na maiiwan ko dito sa Pinas (ekchuwali si Greta lang makikinabang..pakshet!hahaha)...Gustuhin ko man kasing magpakamakabayan at magsilbi sa sariling bansa kung sablay naman sa pasahod e lalayas kang talaga....Hindi naman masama ang hangarin kong mapabuti ang kalagayan ng mga mahal ko sa buhay(sundin ang luho ni Greta!matouch ka bits!). Kung nakaya ng iba lalo na ng ermatz ko, kakayanin ko rin. 


                    Kaya naman balang araw, magboblog na ko ng puro tungkol sa mga taong amoy shawarma!hahahaha...Sosyal na kayo at imported shits na ang mababasa niyo....


                    Muli ko nanamang inaksaya ang oras niyo...alabet!!!!hahahaha

The Hole

                        Iboblog ko sana yung EB namin nung Sabado kaso nagawa na ni Jepoy yon at gagawa pa ng magandang version si Yow(oo na!Kaw na imba sususlat.hahaha!) kaya wag na uy.....


                Nung Sabado nga habang palaboy laboy kami sa loob ng MOA sa "Manela"(lumalapad na din kipay dila ko), nag-aya si idol Glentot na gumawi sa sinehan(hindi kami nanood)...Impernez madilim sa labas at may mga magjojowang walang kapararakang don na nagkembangan (bagong vocabulary...hahaha)sa publiko.Wala sigurong pangSOGO...Chipangga! Patingin tingin lang kami ng mga movies. Hanggang sa madapo ang atensyon ko sa isang poster ng movieng "The Hole".Isang horror film. Aba may tips pa kung pano mo malalaman na may multo sa bahay mo(Walang nakatulong sakin.Lang kwentang tips!). At dahil kuripot ako at hobby ang pamimirata napagdesisyunan kong idownload nalang yon pag uwi ko....I lurv horror movies kaya. Gusto ko yung mga tipong hindi ako makakatulog sa takot at nakakapraning ng bonggang bongga.


                Pagmulat ng mata walang hila hilamos o mumug mumog dinownload ko kabod yung movie(excited much?)...At mukang nakikisama ang net mabilis ang download..Ilang oras lang movie time na!!Wooohooo!!!Takutan na.


                At dahil horror ang impaktong movie dinamay ko sa takutan si Greta at ang si Yow (dito na tumira si Yow sa bahay!hahaha!)...Nung umpisa medyo okay naman. Yung kasing tatlong magiina bagong lipat ng bahay....Ilang araw palang sa bahay nakadiscover yung dalawang harot na magkapatid ng isang locked thingy sa basement. Di ko maintindihan sa mga kano bakit ayaw magbukas ng ilaw kahit madilim na.Nagtitipid?At dahil likas na usisero tinanggal ng magkapatid ang sandamakmak na lock(tanga din pala kano.kaya nga nakalock hindi dapat buksan!binuksan parin!).Pagbukas ng gate door latch passage "yon" pak!Ayun ang the hole....Ang hole na utod ng lalim na wala atang katapusan. At don nagsimula ang creepy shits sa buhay nila...


               Nung una medyo creepy at effective pa ang pananakot...Talaga namang napapasigaw at napapatalukbong pa ko parang tanga lang. E bigla ba naman umeksena yung putang creepy clown.Ibang klaseng takot ang dulot talaga ng clown sakin. Makulit ampotang clown...Nagsasalita, lumilipad, at nanghahabol.Taenang yan!Oo puro mura ginawa ko sa clown. I hate clowns!!!!Madami pang sumunod na creepy freaky scenes pero anak ng potaness yung mga bida.Parang tanga lang ang reaction. Matapos habulin ng manikang clown, matapos makita ang utak ng mumong police, matapos makakita ng mysterious iika ikang little girl from nowhere, at matapos panooring dumive don sa putang hole yung little girl....ala!Deadma!Parang normal na pangyayari lang. Parang parte ng everyday life ampota.Nakakabuwisit!Di man lang sumigaw. Di magsindi ng ilaw! Pumipirmis pa sa bahay at nagchill. Nakakapagjoke pa! Ay nakakainit ng ulo talaga....E kung ako yon lalayas ako kabod ng bahay kahit nakahubo at tatakbo ng pagkabilis bilis at pagkalayo layo with matching tili na nakakabuwisit at hinding hindi na ko babalik sa bahay na yon!!!!!Yon ang normal na reaksyon. Bandang dulo naging corny pa. Hindi ko maipaliwanag ang mga pangyayari bakit biglang parang naging hole ni Alice in Wonderland ang mga napasukan. So corny the scenes.Suya!!!! Kalebel ng lecheng film na to yung sariling atin na White House (Isa pang nakakapakshet yan!)


                Dismaya! Humarap nalang sana ko sa salamin. Malamang mas natakot pa ko...amp!Aabangan ko nalang yung Coming Soon(yan nga title)...Mukang yon epektib panakot.Can't wait!Hahaha...Hay!Labya...




                                Greta ang Ungaz...So natural!!!

Hi miss!O shit!Lalaki ka pala...

               As usual lawit ang dila sa pagod na umuwi ang Ungaz kagabi. Bukas ang ilaw sa bahay..OH!Greta's home...TOK TOK TOK TOK!!!Aba ayaw buksan...TOK TOK TOK!!!Lintek dumungaw na kapitbahay ayaw pa ko pagbuksan ni Greta. At dahil pagod na ko at mainit ang ulo nilabas ko na susi at saka binuksan ang pinto. Pagbukas ng pinto....WWWWAAAHHH!!!!Damohong Greta nasa likod ng pinto at bumulaga! Napunta lahat ng dugo ko sa paa...Humahalloween prank ambuset. Nang masigurong nagulat niya ko tuwang tuwang bumalik sa paghilata si Greta. Napakabait talaga!


             Maya maya pa nakaramdam ng rebolusyon ang tiyan ko..At dahil pagod na hindi na ko makakapagluto kaya inaya kong si Greta magMcdo. Medyo manhid pa binti ko sa pagod kaya naman tumambay muna ko sa harap ng computer. As usual log-in sa FB para sa aking daily dose of chismis at nagbasa ng blogs...Nang biglang singit ang Greta...


              Greta: Ay ate tabi ka diyan! May papakita ko sayo dali..
              Ako: TSK!Ano nanaman ba yan?Baka yung biglang may lilitaw na impakto sa screen mabubuwisit mo na talaga ko!
              Greta: Hindi kasi...Magugulat ka dito!hahaha


             Nilogout nya FB ko at nilog-in account niya...Click search...May tinype na pangalan....Enter.Nang makita hinahanap click. At tumambad kami sa isang account na nagngangalang Kevin Penoy...


              Ako: O ano kagulat gulat kay Kevin?!(Naiinis at napagtitripan nanaman  ata ako)
              Greta: Yan!Yan si Kevin!Taenang yan!hahahahaha!!!!
              Ako: Asan ba?!


              Sabay turo ng Greta sa monitor...ANO???!!!!Hindi ko akalaing ang magandang dilag na minamasdan ay ang tinutukoy na Kevin ni Greta. Babae si Kevin?!(Slow ampota)The girl is Kevin.OH MY GOD!!!WTF!!!In denial ako...Sabi ko baka girlfriend niya yung nakaprofile picture...Kaya naman iniscan ko iba pang pictures ni ateng.Pruweba lang na babae talaga ang nakikita ko.But no!Ako'y bigo.Si Kevin nga!Alangya!E mapagkakamalan pang ako ang bakla pag tumabi don..Dyosa si ateng!Naghalo na lahat ng pakiramdam ko. Di ko malaman kung ako'y natomboy sa bading, o normal na humanga sa lalaki...Nakakalito!hahaha!Naghalong paghanga at inggit ang nadarama ko(Matres lang ang lamang ko sa kanya)at matinding panghihinayang dahil gwapo si kuya kung hindi lang lumipat ng kampo(magandang palahian este lahi). Masyado akong na-amaze na kailangan pang pagalitan ng pasimunong Greta para tigilan na pagscan ng pictures....Unfair talaga mundo. Bakit ba ibiniyaya ang gandang pambabae sa isang lalaki?Malamang pag napadaan ka sa account niya mapapacomment ka ng "ganda mo naman girl..kainggit" at "wow!Ang ganda mo naman.can i have your number?"..Pustahan pa tayo!!!


               Dahil na rin sa chismosang Greta napag alaman kong kabarangay ng isa sa bests ni Greta si Kevin.She's He's It's real pala...Pretty kevin really exists. Minsan daw na bumili sa tindahan si Kevin, namangha ang mga kalalakihan sa taglay na ganda ng binata dilag. Pero gumuho ang mundo nila nang magsalita ang Kevin "Pagbilan nga po".WOAH!!!Pare pala siya.Wag nga lang daw kikibo hindi mo mabibistong chiksilog siya...At sumasali pa sa beauty contest si ateng at laging panalo dahil babaeng babae itsura...Banas!


                Dahil sadyang walanghiya ako ninakaw ko mga larawan niya for you guys....Kung kilala niyo siya...Shut up ka lang!hahaha..


                WARNING: Ang mga masasaksihang larawan ay makakapagdulot ng matinding pagkalito at konting atake sa puso...Pinapayuhang mag-ingat.


Exhibit #1: Ang lalaking Kevin

At eto si Kevin ngayon....















CHARRRAAAAANNNN.....


Exhibit #2: Beauty queen.Oha!!!Ganda diba....
Exhibit #3: Natural Beauty.hahaha!

             BWHAHAHAHAHA!!!Lalong lumutang ganda..I know!Pangontra libog yung katabi niya.hahaha!

               You see? Napamura ka din hano?!I know the feeling..hahaha!Hay Kevin. Nalinlang mo ko.Tandaan: Hindi lahat ng maganda ay may genuine kipay....Minsan may lalawit lawit na parang keychain!hahaha...


Huwag Kang Magnanakaw!

                  Lunes na Lunes at napakapositibo ng tingin ko sa araw na to.....Paglabas ko ng bahay, napakulimlim ng langit at may kalamigan ang hangin. Kaya ang impaktang energetic na Ungaz muling inantok! Ganon ako kadaling maapektuhan ng panahon.hahaha!


                  Sing kulimlim pala ng panahon ang kapalaran ko today.Hindi kagandahan ang umpisa ng duty...Nagsabay sabay at nagsunod sunod ang kapalpakan at ang tanging nais ko nalang gawin at maginhale exhale sa isang sulok sa kapaguran. Matapos kong tumakbo takbo, magpaikot ikot, mag-amoy tae, maligo ng dugo (parang sasali sa Halloween costume party), at magmukang nirape at nanrape e nakaraos din ako..Ang sarap makaraos! Syempre dahil laspag na ko at wala nang pakinabang sa mundo gumala muna ko.... Kahit mukang galing lang sa santambak na labada mula sa ilog sumaglit ako ng mall para bumili ng chibog. Pagkatapos dumampot ng kung ano anong basurang ipagpipilitan ko sa katawan ko, nagpasya na kong umuwi. Nang magbabayad na.....ABA TEKA!Parang may kulang sa pera ko.SHET!Nawawala nga..Buti nalang may pera pa ko, kahit tulala na sa kaiisip san nagmagic ang linsyak na salapi, yon ang inabot sa mukang mainit na ulong kahera (ako man ang may ganong pagmumuka sa kanya iinit ulo ko!hahaha). Hanggang paguwi laman ng puso't isipan ko ang misteryosong pagkawala ng pera ko. At bandang huli saka ko napagtantong..."KATANGA MO D**** NANAKAWAN KA!!!"....Malamang sa sobrang busy ko nung umaga sa pagsalba ng buhay ng taong ayaw ng mabuhay, hindi ko na namalayang may malikot na kamay na dumudukot sa bag ko...Hindi man lang nagpaalam ang bastos. Napakacharitable ko talaga.Proud si ina malamang..Yey! Idinaan ko nalang sa kain ang inis. Wala na ko magagawa...Di ko na maibabalik ang nawalang pera maglalaslas man ako ng pulso.Move on!


                 Sadyang simula pagkabata taglay ko na ang pagiging charitable(in tagalog TANGA!)...Pag binilan ako ni ina ng bagong gamit asahan mong paguwi ko galing sa maghapong paglalaro pag-aaral e hindi ko na alam kung nasan ang bagong pencil,pencil case, crayons, at kung ano ano pa...Sabi nga ni ina "kung di pa nakakabit mani mo nawala narin!". Kahit hanggang sa magkolehiyo nananakawan parin....Kahit anong gawing ingat ay naiisahan parin ako. Wais na magnanakaw! Ang saklap pa non isa pa sa mga kaibigan ko ang nagnenenok. Dahil nga kaibigan ko hindi ko pinagdudahan. Kaya pala kung sino sinong binabanggit na baka kumuha ng pera ko para lang hindi ko mabukong siya. Langyang yon...Tinuruan pa kong magbintang. Kaya pala pag parang nilamukot na tae lang itsura ko sa siphayo sa nawalang pera wa pakels si babae at masaya pa at aayain pa ako sa mall(ala nga kong pera bitch!) kahit ang ipangshoshopping pala ng hitad e pera ko. Sa huli nabuking ko ding siya pala ang magilas na klepto ng buhay ko....Natagpuan ko kasi ang ilang kagamitang nawawala na akala ko namisplace ko lang dahil sa lumalala kong Alzheimer. Pagbukas ng cabinet niya, akala ko cabinet ko ang tinititigan sa dami ng gamit ko....Bright! Katanga ko talaga..tsk tsk....Klepto!!! Hindi naman sana Purita Mirasol nagnanakaw pa. Napakasweet pa sa nanay ko kahit ninanakaw niya pinaghirapan ng nanay ko.Plastic si bitch! Hindi naman sana ko madamot ba't kailangan pa niya ko nakawan...Ang tanging nagawa ko nalang ay pag-ingatan ang perang nahahawakan. Andyang sakto lang ang dinadala(pamasahe lang.Pag kinulang umiyak ka nalang!), andyang lahat ng pwede pagtaguan ng pera tinaguan na(natry ko na sa bra kaso problemado ako pag coins),natry sa medyas,makitago sa ibang wallet (yung pinagtaguan ko naman ang nanakawan.matalas pangamoy!),at kung ano ano pa.Kulang nalang itago pati sa panty kaso that's so gross!!! Bandang huli ipinagdasal ko nalang ang karma niya...hahahaha!


                  Kaya naman sa latest na magnanakaw ng aking kaperahan (take note!Unang sweldo ko ang ninakaw kaya walang kasing saklap!),iyo na pinaghirapan ko...Abuloy ko sa nalalapit mong burol!Wait ka lang ayan na karma mo...bwhahahahahahaha!Nakakapanginit ka ng matres buset ka!


                  Pangilang utos ng Diyos (di ko alam at di ako banal) HUWAG KANG MAGNANAKAW!!! Hindi ako palasimba pero alam ko yang utos na yan at isinasabuhay ng bonggang bongga. Kahit gaano kalaki pangangailangan mo sa pera maganda man hangarin mo(pero malamang hindi), mababaw man o malalim dahilan hindi parin tamang magnakaw ka...Ang hindi sayo wag mong paginteresan. Mas masarap magkapera mula sa malinis na paraan....At kung matigas talaga ulo mo...MAPUTOL SANA KAMAY MO SA LIKOT MO!ampness ka!At para sa mga biktimang tulad ko..Ingat!Hindi na cute paminsan minsan ang katangahan....Labya all!!!


                 

Bad Bully!

                      Naranasan mo nabang mabully? Wag ka nang magmatigas na magdeny. Kahit gaano ka man kaastig ngayon, imposibleng minsan sa buhay mo hindi ka inapi at napagsamantalahan(parang rape naman) ang kahinaan mo. 


              Nung bata ako dahil bulinggetong kumpara sa mga nagkakaprehan at naggagandahang kaklase e madalas napagtitripan. Idagdag mo pa na sa murang edad palang, wala pang slam dunk e nauso na si "boy labo"...Me! Isama mo pa mga pinsan kong ang tanging paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sakin ay ang pangaalaska sakin na kala mo mauubusan ng pangaasar...Di titigil!! hanggang sa ipagpilitan ko nang sumaksak ulit sa matres ng nanay ko!!!At dahil kampon talaga ng kadiliman ang mga walanghiya, kinuryente pa ko minsan.Kadugo ko na yan a!!!Nang medyo lumaki laki na ko(fine!Petite ako) at sa wakas natuklasan at napagtagumpayang ienhance ang aking inner kawalanghiyaan wala nang nakakapambully sakin.hah!In your peyz!Tumalas ang dila ni Ungaz at bumigat ang kamay(kung makakabog garantisado tanggal ang baga mo!). Hindi talaga papaapi....No more bullying for me!


              Akala ko non ang pambubully e sa mga bata lang. Anong malay ko hanggang ngayong bente tres anyos na ko e makakatikim pa ko ng pambubully.....Deym!Buset!!Hindi pa pala matatapos to....


              I love charity work, bukod sa no choice ako....Sa bawat ospital magkakahalo ang mga mababait at kampon ni bin laden...Mapanurse man yan o duktor(TANDAAN!Hindi lahat ng nakaputi mabait!), simpleng NA,labandera,o janitor asahan mong meron at merong malakas malakas mantrip at sadyang innate ang pamumuwisit ng kapwa...At kadalasang napagtitripan ay ang mga volunteer na tulad ko(nagpapaalipin na nga ng libre napagtitripan pa.santa inez na buhy to!)....!Nawala ang tapang ng ungaz at muli nanamang nagpaapi.Let's enumerate ang ilan sa mga dakilang bully sa aking charity works...


  • Si Nancy Drew(screen name lang).Mataas ang panunungkulan sa palasyo. Pag nakasalubong mo at kahit anong bati mo, mahuhubaran ka talaga sa panghehead to foot, at ang aura ng muka parang laging hindi napagbigyan tumorjak ng asawa....Kahit ano nalang pupunahin mabully ka lang. Andyang sabihan kang "andumi ng shoes mo.Linisin yan!" kahit maputi pa sa kaluluwa niya at mukang brand new yung sapatos.Kilala siya sa buong ospital na mahilig mantrip lalo na ng mga volunteer na tulad ko.tsk tsk!
  • si INA(Intrimitidang NA)...Ang Nursing aide na feeling chief nurse kung makapuna sa gawain mo. Type niya toxicin ang mga trainee. Minsan na kong napagtripan non at laging tinatanong ng "alam mo ba gagawin mo pate?(with taas ng tattoong kilay)"...Irita ampota!!!Minsan gusto ko nang sampalin ng lisensya at shumout out ng "ATENG!ALAM KO YAN AT GRADUATE AKO NG NURSING.NURSE AKO!READ MY LICENSE O!!!REGISTERED NURSE!!!ANO KA NA NGA ULIT DITO?!" Pero syempre bad yon...Naisip ko nalang ganon siya dahil nasiphayo siyang tapusin ang kursong nursing tapos di pa makapasa pasa sa board exam anak niya(ano ka ngayon bitch!!!)..
  • Si Kaylikayli...Kapwa nurse na sing asim ng kilikili paguugali. Anak ata ni Nancy Drew yon e...Ang trip naman niya at misyon ay maging the greatest barador ever.Babarahin ka talaga at gigisahin ka pag type niya.Ipararamdam sayo na mas mataas siya sayo. O well papel!!!!Di ako masisindak ng putla nya. Nagseselos lang siya samin dahil type lang niya head nurse namin na lagi naming kasama. Sorry siya...Di niya makukuha puri ni sir.belat!!!!bwhahahaha!
  • Si Diego! Ang babaeng i swear!!!!Scanned face ni Diego ng bubble gang ang impakta...Ang trabaho niya buong araw ay magsulat ng mga parapernalayas na tinatangay mo mula sa kaharian niya...Pero dahil sadyang mapower trip ang pambansang nguso kami pang mga volunteer ang pagsusulatin niya. Trip lang. Araw araw yon...At pag di mo siya sinunod,bibigyan ka niya ng mga gamit na may depekto(butas na gloves,manipis pa sa tissue na mask).Haller! Para namang papetiks lang kami at walang mga pasyenteng nangangailangan ng aming kalinga sa kanya kanyang unit....tsk tsk!
  • At ang huli ay ang aking favorite best friends....Ang espasols...Ang mga dakilang labandera sa linen section na every day is foundation day sa puti ng mga muka. Kumbakit kasi maglalaba lang kailangan nakamake up pa(hindi ba bubula sabon pag hindi maputi muka ng naglalaba?)...Pano nila ko binubully?Pag kami kumukuha ng linen, madamot ang mga hinayupak. Laging nagaalangan kung dapat ba kaming bigyan kahit dapat sila sana nagdadala samin sa unit. Kasi trainee kami kaya kayan kayanan lang.Pag binigyan ka at naman at humingi ng extra tatanungin ka pa ng "BAKIT?!"(tanga ba?aanhin ba linen?ibibigti ko sana sayo ate!) ...Ibig ibig kong ibabad ang mga hitad sa clorox para baka sakali pumuti at pumantay na puti ng muka sa katawan. Pag naman si sir (head nurse) ang kukuha ng linen todo ngiti,pakagat kagat ng labi, paikot ikot mata(nagseizure na si gaga),todo pacute at nakalimutan ng may asawa sila, sabay abot ng sobra sobrang linen kay sir (maalindog talaga si kuyang) na kahit kurtinang hindi namin kailangan e inaabot...
       Pero kahit anong pambubully nila sakin at sa mga kasamahan ko, hindi namin sila papatulan...Hindi ko gagamitin ang taglay na talento ng kawalanghiyaan sa kanila at magpapaubaya nalang.Ganito lang yon, pakikita ko paring nirerespeto ko sila at pinakikitunguhan ng maayos kahit hindi nila ko pakitaan ng maganda. Mali na nga ginagawa nila gagayahin ko pa ba naman?Syempre hindi(bukod sa walang laban ang trainee). Hahaba lang usapan.Baka nakakatulong pa ko sa pagpapaubaya ko. Baka gumagaan loob nila at tumataas tingin sa sarili pag nakakapantrip sila ng tao...kawawa naman! Pero hindi ko sila hahayaang abusuhin ako(minsan babarilin ko nalang kabod mga yon.hahaha!)...May limitasyon ang lahat.Pero may tamang approach din don...Kaya sa ngayon,timpi timpi muna.

       Dahil mabait ako, lagi silang parte ng dasal ko.......Na sana kunin na sila ni Lord.Sweet diba?Pray with me people!!!Come on...LORD KUNIN NYO NA SILA PLEASE!!!!!!!!!!!!

       

Small World

                How i love Facebook....Eto na ang bagong libangan ng lahat ngayon. Pagmulat palang ng mata kahit puro muta pa, nagfefacebook na at hindi mapakali sa pagkutingting ng kung kanikaninong account. Source of chismis ika nga. Andyang mapapa "sila na pala ngayon.Yuck!" o kaya "Patay na pala yon!" at syempre "wow!Iba na itsura niya"....At kung ano ano pang reaksyon. Konting click, click here and there...BOOM!!!Nabulatlat mo na kalahati ng buhay ng mga tao....


               Hindi maiiwasang sa buhay ng tao may makikilalang bago. Sa liit ng mundo, ang bagong kakilala maaaring kakilala pala ng kakilala mo na kakilala ng kakilala ng kakilala mo...O diba ang gulo?Alabet!hahaha....Mga taong magkakatagpi ang buhay dahil sa iba't ibang pangyayari. Maaaring dating magkaklase(elementarya,HS,o kolehiyo),pwede ding magkapitbahay, pwedeng ex ni ganito ex ni ganon.O di kaya iisa ang industriyang ginagalawan.So small! Lalo na dito sa aming munting probinsya ng Capiz (maaaring kathang isip lang) na nilamon ang populasyon ng mga NURSE!Oo...Palibhasa yon lang ata kasi ang natitirang kurso sa mundo. Madami, as in akala mo may katarata ka na sa dami ng puting nakikita mo. At dahil iilan lang ang nursing school dito at kokonti lang naman ang ospital na maiikutan ng bawat nurse dito ay hindi maiiwasang magkakilanlan at magkakiskisang singit siko halos lahat. At patuloy parin kaming nagkakakilanlan one by one... 


               Sa mga ospital araw araw nagkakasama ang mga nurse(sympre naman).Nakakasalamuha ng mga nurse ang lahat ng uri ng tao...Araw araw may mga bagong nakikilala o natutuklasan. At tulad ng kahit sinong ordinaryong tao, e past time din ang magchismisan ng buhay ng may buhay.  Babae man o lalaki (naniniwala na talaga akong mas chismoso ang lalaki) nakikiumpok....Bida dito bida don. Ibang klase mantrip.May puri, may pintas, may comedy,may aksyon, may good, at hindi maiiwasang may yurakan at siraan ng pakatao ng iba...So evil.Love it!


               Ano kinalaman ng Facebook?  At dahil syempre nga tsimisan ng tsismisan, hindi maiiwasang may maibidang hindi kagandahan.Andyang maikwentong may nagbreak, nabuntis, etc etc. o kaya...syempre lahat naman may nakakainitan kaya ikukwento ang buhay ng kinaiimbyernahan at kung pano nakainitan. At dahil matagal nang kakilala ang mga kasama, tiwala kang hindi makararating sa iba ang mga napagkwentuhan tungkol sa ibang tao. Matapos ang kwentuhan at yurakan ng puri sa chismisan..Maglolog-in ka sa facebook..Maguupdate status "hindi ka maganda tulad ng akala mo"..Makikibasa ng wall ng iba...Nakitang may nakaonline,chat chat muna(tsismis nanaman).Explore lang ng explore hanggang..... POOF! Et voila...Friend pala ng kakwentuhan mo ang peste ng buhay mo(na nakangiti pa ng todo sa profile pic!asar)...Pakshet! Sa liit ng mundo nakalimutan mong halos lahat na nga pala ng tao magkakaFB!!!Ala na...Ayun na! May posibilidad nang makarating ang mga nasabi mo sa kampo ng kalaban.Di mo na mababawi ang mga nasabi mo. Para ka nalang naghihintay araw araw kelan sasabog ang susunod na world war...Walang kasing badtrip ang maliit na mundo (lalo na ng mga nurse)! Pero look on the bright side...At least alam mo kung sino posibleng suspect sa pagtatraydor.hahahaha!


              Moral lesson! Kahit anong propesyon mo, kahit anong mangyari, be careful on what you say....Di mo alam kung anong maaaring maging consequence ng mga nabitawang salita at baka may mga masaktan kang kapwa at baka pagsimulaan pa ng hindi pagkakaunawaan. Sabi nga ng ermatz ko "IF YOU DON'T HAVE ANYTHING NICE TO SAY, KEEP YOUR MOUTH SHUT!"Laging magiingat. At laging maging alerto sa  facebook!Labya!hahaha

Tuyot Na Ko!!!

                    Ako man, makita ko lang ganyang title babasahin ko kabod....Mukang interesting e. Malibog!hahaha. Oo mga kapatid tuyot na ko, tigang pa...Pero hindi tulad ng iniisip niyo (ipinagdarasal ko ang inyong mga kaisipan)... Natutuyot at natitigang na ko sa pagod!!!!


             Pagod na pagod na ko! At palagay ko hindi magandang senyales ang madalas kong pagtitig sa matutulis na bagay (ex. kutsilyo, gunting...hhmmm). Sa sobrang pagod ko nitong mga nakaraang araw, wala nang balanse ang buhay ko. Paminsan minsan parang may mga pagkakataong palagay ko nawawala na ko sa katinuan(tumatawa mag-isa at madalas natutulala). Dahil dumarami na ang mga pasyente namin ngayon, halos hindi na kami magkanda ugaga sa pagtatrabaho kahit wala naman kaming sweldo (tunay na diwa ng pagtulong sa kapwa.pwe!) at kung paminsan minsan e ihi nalang ang pahinga. Kung minsan pipigilan pa. Ang tanging nangyayari nalang sakin ngayon ay ospital bahay ospital bahay. Pag off ko naman hindi rin ako makapagpahinga. Off ko nga sa ospital, duty naman ako bilang all around maid ni Greta dahil hindi ko malaman ba't ke tamad na niya ngayon at halos puro ako gumagawa sa bahay (totoo naman!Aapila ka pa!).... Matapos ang nakakapagod na off balik duty naman kinabukasan. Wala na kong kaoras oras para sa sarili ko. Ni hindi ko na magawang magsuklay paminsan minsan. Kahit makipagkita sa mga kaibigan o kamag-anak ay hindi ko na magawa. Pati pagboblog ng matino hindi ko na magawa....Pakshet!You see?My life sucks!!! Pagod ang ikamamatay ko. 


            Grabe! How i miss my tambay days....Muka pa kong tanga non, paiyak iyak pa ko non dahil sa busy life kong pagtambay  ngayon naman hinahanap hanap ko ang masalimuot na nakaraan bilang tambay. Ganon ako kasabik sa pahinga.... 


            Kaya naman ang pinakamagandang planong naisip ko ay.... Sumaglit sa punerarya para magpasukat na ng kabaong at maghanap na gown pamburol. At wag kalimutang magpakuha ng larawang pangibabaw tulad nito....

            

Paborito ko lang talagang buwisitin larawan ng pinsan ko....bwhahahaha!

         Bawi nalang ako sa susunod ng maayos ayos na post..Yun e kung buhay pako...Labya!

To Hell With You

                   Dahil apektado ko masyado sa damohong episode ng Glee kanina(ya.I'm a gleek!) e naisipan kong ikwento na to sa inyo....Kung bakit ako hindi palasimba.Wag na magreklamo sa walang kwentang post!!!


             Hindi naman ako dati ganito....Nung bata pa ko sinanay na ko ng mga magulang ko sa pagsisimba tuwing linggo. Syempre sama naman ako kasi after simba lumilibot kami(habol ko lang talaga lakwatsa.hahaha!). Sagana ako sa pangaral ng pari non. Idagdag mo pa na nag-aaral kami sa all girls catholic school, e mapupurga ka talaga sa simba. Lalagpas ka na sa langit(wag kang green minded) sa paraan na ginagawa samin non...Nang tumanda na ko (not so tanda...) dumalang na ang pagdayo ko sa simbahan. Nakakaguilty nga, kasi hindi ko man lang mabigyan ng kaunting oras ang Diyos. Nasubsob na ko sa pag-aaral. Pag wala namang pasok nakakatamaran ko na magsimba at itinutuon ko nalang sa pagpapahinga ng katawan. Mababaw na dahilan....Tamad lang talaga.tsk tsk!


             Katamaran nga lang ba talaga? Bago board exam panay ang simba ko at hiling na ipasa ko kahit saktong 75% lang ang score ko. Kadami ko nang binargain non (kasama na ang aking puri at dangal) sa Diyos makapasa lang. Awa ng langit saktong 75% nga ang hinayupak na rating ko. There goes my lovelife and everything!hahaha...Nang taong yon at mga sumunod na taon pinutakte ang angkan ko ng problema. Andyang sabay nagkacancer mga utol ni ina. Di ko malaman kung nagkainggitan ba. Tapos andyang nagkatampuhan pa kami ng isang pinsang abnoy na umabot sa ilang taong hindi paguusap at ano ano pa. Pero hindi ako bumitaw sa Diyos. Nagsisimba parin ako.....good girl e.


            Isang araw sa misa.....Kasama ang tito kong cancer survivor ng stage 4 nasopharyngeal CA (kunyari naintindihan mo). At ang homilya ni father na talaga namang tumatak sa malapad kong noo "Kung may cancer ka na at stage 4 ka na akala mo ba gagaling ka pa?Kahit gaano kadaming chemo gawin mo mamamatay ka din.Yan binigay ng Diyos sayo tanggapin mo!"...E hutana!Anong klaseng homilya yan. Buti nalang may pagkabingi si tito at di ata nadinig.hahaha!Pilit ko nang iniwasan yung pari na yon. Ibang oras na ko nagsisimba.Pero natatapat parin ako sa misa niya langya. Minsan namang hinomilya e mga "magkakalaguyo" (Yan ang word niya para kay ogie at regine) nang sumunod na misa (pasintabi sa mga kapatid na INC)"anong kalokohan ng mga iglesia na yan at sila lang maliligtas?!Bakit?Kasi may spaceship sila(kapilya)?"...Di ko malaman kung sadyang bastos si father o may regla lang. Nang puro ganon nalang ang naririnig ko every week, i decided then and there "AYOKO NA MAGSIMBA!!!"Kahit sa tv pati trabaho ng gobyerno pinakikialaman...Puro reklamo.Puro panghuhusga. Puro dapat ito dapat ganon! How so Christian of them.hahaha!
             
            Isang araw nag-apply ako bilang CI sa isang catholic school. Everything's well and good nung una. Kumbakit kasi may isang pari (nakafancy watch,magandang model ng SE ang phone at nakabraces.observant ako!) sa panel at tsaka ako hinot seat....


           Vain Priest: Are you in favor of using contaceptives?
           AKO: (Sabi ng pari nung bata ako,WAG MAGSISINUNGALING)...Honestly, yes sir i'm in favor of it...!(in your peyz!Alam kong kontra sila don)
           
           Oo.Alam kong mali ang sagot ko...Kaya naman buong puso niya kong tinawanan at hinusgahan. Nilecturan na niya ko kung pano pinipigil ng contraceptive ang pagbuo ng isa pang buhay.inexplain pa sakin ang pagbuo ng bata.hahaha!At hindi na niya ko binigyan ng pagkakataong idepensa sarili ko.!Kung korte yon, nakulong na ko ng walang laban.amp!hahaha! Sa sobrang epal niya natatawa ko dahil awkward si father banggitin ang salitang SEX(mabilis na mahina ang bigkas).bwahahaha!Kahit marewind ang oras, yon parin ang isasagot ko. Unang una nurse ako at trabaho kong pangalagaan ang kalusugan ng isang tao. Pangalawa, ang OB subject ang ikinatuyot ng matres ko nung kolehiyo sa pagaaral kaya alam ko pinagsasasabi niya.Paker!!! Don't lecture mo on things that i know more than you do...bwahahahaha!


          Oo.Pari ang dahilan...Ang mga mapanghusgang pari. Hindi ko kailangan ng pari na hamak na tao lang din naman para turuan akong manghusga at mamintas ng kapwa. I can practically do that on my own. Diyos ka ba?!Perpekto ka ba?! To hell with you! Kaya hindi na ko palasimba. Nagdadasal parin naman ako. Ang mahalaga naman sakin may pananampalataya parin ako sa Diyos (hindi matitibag ng kahit sino yon)at  pwede ko siyang kausapin kahit saan kahit kailan hangga't gusto ko and not necessarily sa simbahan. Hindi lang sa simbahan pwede magdasal o matuto ng aral ng Diyos.I believe God's everywhere.Ang tunay na aral niya e nasa paligid at matututunan mo araw araw.  Kaya magagawa ko paring magpasalamat at humingi ng patnubay nang walang panghuhusga mula kapwa tao na nagfefeeling Diyos. Kaya hindi ganon kahalaga sa akin ang pagsisimba....Sorry.


         Ayan...Kaya hindi ako ganon kadali ayain magsimba.hahaha!Go ahead judge me all you want. I don't care.Kanya kanyang trip lang yan....Belat! God bless...!


             

IKAW!!!!!

                               "Anak..Magiging ate ka na!" Yan ang mga kataga ng aking ina sa musmos na ungaz. Isang katagang nagbigay ligaya (at poot) sa aking mundo...Tandang tanda ko pa ang reaction ko. Natuwa ako non super... Pero nang malaman kong babae ang dinadalang halimaw bata ni ina ang nasabi ko lang ay "hmp!ayoko niyan!Gusto ko baby brother!"...At dahil huli na ang lahat, kipay na ang nabuo wala na akong nagawa.Papetiks!October 5,1990...Lumabas na ang aking kapatid. Sinong mag-aakala na ang batang minamasdan sa nursery na may magang pekpek katawan ay ang aking sister.Halong saya at kaba (my arch enemy's here) ang nadarama. Excited na ate ang munting cute na ungaz. Maraming pangarap para sa jubis na sanggol...Minsang nasambit na poprotektahan ko siya bilang ate.


                     


                      Pero sa pagdaan ng mga panahon,napagtanto kong hindi madaling maging ate ng batang ngayon ay malaki pa sa akin.Si Greta...Ang babaeng kaagaw kakumpitensya sa lahat. Kaagaw sa atensyon ng magulang(mas cute daw tsaka mabait), sa pagkain (timawa ka!), sa mga laruan.Ang laging pinagbibigyan "ikaw naman ang ate pagbigayan mo na si pate"..PWE!Ang kakumparahan ko sa kung sino ang MAS (oo na mas mataba ka!at mas mukang matanda sakin.belat!ramdam ko isasagot mo mas maganda ka.oo na!pakyu utol)....Si Greta, ang babaeng kayang kaya pag-initin ang ulo ko na mabilis pa sa kidlat. Ang babaeng dahil mas malaki sakin, ay walang pakundangan kung ako'y balyahin at wrestlingin(kawawa talaga ko.maltrato!). Ang babaeng pinagsisilbihan ko (sumbatan na to!) na hindi nagpapasalamat. Ang babaeng paborito ng nakararami (at mas pinaglalawayan ng kalalakihan)...In short,ANG BABAENG SALOT SA BUHAY KO!


                       Gayon pa man sa kabila ng aming mga pagkakaiba at hindi pagkakaunawaan paminsan minsan, hindi ko siya kayang idispatcha o ipagpalit kahit sa pera (pero kung malaki halaga pwedeng magbago).Kahit nakakaaway, siya'y karamay ko sa oras ng pangangailangan. Napag-iinit man ang ulo ko,napapaligaya ako sa tuwina (itsura palang). Maangil minsan pero pag tinamaan ng masamang hangin marunong din maglambing(o pag may kailangan lang?).Ang aking brother (kapwa ko siga)and sister, ang aking bespren, at katuwang sa buhay(jowa?yak!).....Si Greta.At dahil kaarawan mo (ang araw na aking sinusumpa.joke!)ngayon mula sa aking puso na walang halong pagiimbot....MALIGAYANG ika-DALAWAMPUNG KAARAWAN(bastusan na to). Hangad ko ang iyong kaligayahan(kasal?).Pakatandaan mo lamang na laging andito si ate (kahit binabarubal mo ko hayop ka!) para sayo kahit ano pa man (wag lang buntis nang wala sa oras)...i'm proud of you,and i'm so blessed to have you as my sister.Love you! (Matouch ka putragis ka!hahahaha..)


                        Ngayong birthday mo lang tong cheesy stuff na to...pagkatapos, back to normal.Peste ka ulit sa paningin ko.bwhahahaha!
                       
                        Eto picture greeting ko kahit nakita mo na...Walang kasurpresupresa....This pic shows how i truly feel about your existence.whahahaha!!!!















                   Oo na...Alam ko na sasabihin niyo.Muka pala kong bakla...Pero babae ako icheck nyo man anatomy ko.whahahaha!