Tuyot Na Ko!!!

                    Ako man, makita ko lang ganyang title babasahin ko kabod....Mukang interesting e. Malibog!hahaha. Oo mga kapatid tuyot na ko, tigang pa...Pero hindi tulad ng iniisip niyo (ipinagdarasal ko ang inyong mga kaisipan)... Natutuyot at natitigang na ko sa pagod!!!!


             Pagod na pagod na ko! At palagay ko hindi magandang senyales ang madalas kong pagtitig sa matutulis na bagay (ex. kutsilyo, gunting...hhmmm). Sa sobrang pagod ko nitong mga nakaraang araw, wala nang balanse ang buhay ko. Paminsan minsan parang may mga pagkakataong palagay ko nawawala na ko sa katinuan(tumatawa mag-isa at madalas natutulala). Dahil dumarami na ang mga pasyente namin ngayon, halos hindi na kami magkanda ugaga sa pagtatrabaho kahit wala naman kaming sweldo (tunay na diwa ng pagtulong sa kapwa.pwe!) at kung paminsan minsan e ihi nalang ang pahinga. Kung minsan pipigilan pa. Ang tanging nangyayari nalang sakin ngayon ay ospital bahay ospital bahay. Pag off ko naman hindi rin ako makapagpahinga. Off ko nga sa ospital, duty naman ako bilang all around maid ni Greta dahil hindi ko malaman ba't ke tamad na niya ngayon at halos puro ako gumagawa sa bahay (totoo naman!Aapila ka pa!).... Matapos ang nakakapagod na off balik duty naman kinabukasan. Wala na kong kaoras oras para sa sarili ko. Ni hindi ko na magawang magsuklay paminsan minsan. Kahit makipagkita sa mga kaibigan o kamag-anak ay hindi ko na magawa. Pati pagboblog ng matino hindi ko na magawa....Pakshet!You see?My life sucks!!! Pagod ang ikamamatay ko. 


            Grabe! How i miss my tambay days....Muka pa kong tanga non, paiyak iyak pa ko non dahil sa busy life kong pagtambay  ngayon naman hinahanap hanap ko ang masalimuot na nakaraan bilang tambay. Ganon ako kasabik sa pahinga.... 


            Kaya naman ang pinakamagandang planong naisip ko ay.... Sumaglit sa punerarya para magpasukat na ng kabaong at maghanap na gown pamburol. At wag kalimutang magpakuha ng larawang pangibabaw tulad nito....

            

Paborito ko lang talagang buwisitin larawan ng pinsan ko....bwhahahaha!

         Bawi nalang ako sa susunod ng maayos ayos na post..Yun e kung buhay pako...Labya!

11 comments:

kikilabotz said...

meron po akong malaking gunting dito. gusto mo rentahan? ahahaha

Ako si Yow said...

I LOOOVVEEE seeing you in pain Teddy. Nyahahaha. Huminga ka ate. Masarap din gamitin ang baga paminsan minsan.

2ngawzki said...

@Kikilabotz: Sige!Laslasan mo na ko..hahahaha!

@Yow: Ayoko huminga!May PTB yung pasyente kanina..bwhahahaha!

glentot said...

Labia Majora!!! Paano ka hindi matutuyot eh ihi ka nang ihi. Dapat dagdagan mo ng konting sex life ang buhay mo para madiligan ka naman. Totnax lang ang sagot jan go you should try et.

Poldo said...

ayos lang yan!! kesa naman matuyot ka sa loob ng bahay.. at least natutuyot ka sa pagtulong sa kapwa! naks!!!

Stressed ka lang ungas.. sabi nga ni bossing glentot sexlife at ni yow Huminga..

put them together sex nga!!

2ngawzki said...

@Glentot: Tempting...but NO!!!hahaha!napakadalisay talga ng hangarin mo kahit kelan.hahaha!!

@Poldo: Isa ka pa...sumesex ka pa jan!Tantanan.hahaha!

Tong-tong said...

ay wag naman ganon katutulis ang isipin mo. makakasugat yon baka madeds ka. wahihihihii

nakakatakot talaga ikaw mantrip -= nkakahanap ka kagad ng litratong pang ibabaw. hihi

Oliver said...

haha, buti hindi mo naiisipang agawan ng ineksyon ung mga pasyente mo. =p
kung gusto mo ng onting entertainment, bakit hindi mo itry icut ung oxygen supply or dextrose supply ng patients mo. tapos pag nakikita mo na silang nahihirapan, balik mo uli. tapos pag ok na sila, icut mo uli. repeat til fade.
kung kamukha naman ni john lloyd ung pasyente nyo, sponge bath!

2ngawzki said...

@Tong: Sa pinsan ko naman yan kaya wala akong pakialm.bwhahahaha!Enge pic mo para may iba namang mapagtripan.joke!

@Oliver: I lurv all your ideas....Kaya lang baka matanggalan ako lisensya.hahaha!May natry na ko non at talaga namang gumising sa diwa ko.Di ko na wewento.hahaha!

Supladong Office Boy said...

adik tlaga mga kwento mo. enchanted tayo tara!

2ngawzki said...

@Supladong Office Boy: Game!hahaha..Musta naman,kalayo ko.effort!hahaha

Post a Comment