The Hole

                        Iboblog ko sana yung EB namin nung Sabado kaso nagawa na ni Jepoy yon at gagawa pa ng magandang version si Yow(oo na!Kaw na imba sususlat.hahaha!) kaya wag na uy.....


                Nung Sabado nga habang palaboy laboy kami sa loob ng MOA sa "Manela"(lumalapad na din kipay dila ko), nag-aya si idol Glentot na gumawi sa sinehan(hindi kami nanood)...Impernez madilim sa labas at may mga magjojowang walang kapararakang don na nagkembangan (bagong vocabulary...hahaha)sa publiko.Wala sigurong pangSOGO...Chipangga! Patingin tingin lang kami ng mga movies. Hanggang sa madapo ang atensyon ko sa isang poster ng movieng "The Hole".Isang horror film. Aba may tips pa kung pano mo malalaman na may multo sa bahay mo(Walang nakatulong sakin.Lang kwentang tips!). At dahil kuripot ako at hobby ang pamimirata napagdesisyunan kong idownload nalang yon pag uwi ko....I lurv horror movies kaya. Gusto ko yung mga tipong hindi ako makakatulog sa takot at nakakapraning ng bonggang bongga.


                Pagmulat ng mata walang hila hilamos o mumug mumog dinownload ko kabod yung movie(excited much?)...At mukang nakikisama ang net mabilis ang download..Ilang oras lang movie time na!!Wooohooo!!!Takutan na.


                At dahil horror ang impaktong movie dinamay ko sa takutan si Greta at ang si Yow (dito na tumira si Yow sa bahay!hahaha!)...Nung umpisa medyo okay naman. Yung kasing tatlong magiina bagong lipat ng bahay....Ilang araw palang sa bahay nakadiscover yung dalawang harot na magkapatid ng isang locked thingy sa basement. Di ko maintindihan sa mga kano bakit ayaw magbukas ng ilaw kahit madilim na.Nagtitipid?At dahil likas na usisero tinanggal ng magkapatid ang sandamakmak na lock(tanga din pala kano.kaya nga nakalock hindi dapat buksan!binuksan parin!).Pagbukas ng gate door latch passage "yon" pak!Ayun ang the hole....Ang hole na utod ng lalim na wala atang katapusan. At don nagsimula ang creepy shits sa buhay nila...


               Nung una medyo creepy at effective pa ang pananakot...Talaga namang napapasigaw at napapatalukbong pa ko parang tanga lang. E bigla ba naman umeksena yung putang creepy clown.Ibang klaseng takot ang dulot talaga ng clown sakin. Makulit ampotang clown...Nagsasalita, lumilipad, at nanghahabol.Taenang yan!Oo puro mura ginawa ko sa clown. I hate clowns!!!!Madami pang sumunod na creepy freaky scenes pero anak ng potaness yung mga bida.Parang tanga lang ang reaction. Matapos habulin ng manikang clown, matapos makita ang utak ng mumong police, matapos makakita ng mysterious iika ikang little girl from nowhere, at matapos panooring dumive don sa putang hole yung little girl....ala!Deadma!Parang normal na pangyayari lang. Parang parte ng everyday life ampota.Nakakabuwisit!Di man lang sumigaw. Di magsindi ng ilaw! Pumipirmis pa sa bahay at nagchill. Nakakapagjoke pa! Ay nakakainit ng ulo talaga....E kung ako yon lalayas ako kabod ng bahay kahit nakahubo at tatakbo ng pagkabilis bilis at pagkalayo layo with matching tili na nakakabuwisit at hinding hindi na ko babalik sa bahay na yon!!!!!Yon ang normal na reaksyon. Bandang dulo naging corny pa. Hindi ko maipaliwanag ang mga pangyayari bakit biglang parang naging hole ni Alice in Wonderland ang mga napasukan. So corny the scenes.Suya!!!! Kalebel ng lecheng film na to yung sariling atin na White House (Isa pang nakakapakshet yan!)


                Dismaya! Humarap nalang sana ko sa salamin. Malamang mas natakot pa ko...amp!Aabangan ko nalang yung Coming Soon(yan nga title)...Mukang yon epektib panakot.Can't wait!Hahaha...Hay!Labya...




                                Greta ang Ungaz...So natural!!!

10 comments:

Poldo said...

Naks... nag-momubi kritik!

at dahil nainggit ako sa meet up nyo at talagang sinadya nyo pa si sir jepoy sa manela! kailangan meet up din tayo sa burdei ko at sadyain nyo rin ako dito!...... sa ABU dhabi! joke lang hehehe..

ayos ang Pektyurs! horror horraran(sagwa ng term!) aylabet! pakners on crime talaga kayong magkapatid! hehehe

Ako si Yow said...

Parang kasama niyo nga ata ako nanuod nito? Haha. Pakingcorny ang hayop na palabas na yan. Lubayan! May higante pa? Shetness? I'm like WTF?! Haha. Comedy pala siya. Pambihirang the Hole. May ilang hole lang talaga na masarap pinapasukan. Ahmp. Haha.

Xprosaic said...

Huwaw naman... super saya pala ang gimik niyo nila jepoy nung sabado eh... hehehehehehe

Jag said...

naks! kayo na ang nakapag EB hahaha...mukha ngang mas nakakatakot yung pic kaysa napanood mo hahaha joke!

2ngawzki said...

@Poldo: Sure!Enge ticket at dudumugin ka namin!mapapasubo ka.hahaha!ano dw?

@Yow: Nakakabuset na hole...Isa syang assHOLE!!!hahaha....ano nmng hole nais mong pasukan.hhhhmmm!!!

@Xprosaic: sobra...sna kzma ka.hehehe!

@Jag: Ba't nga ba di ka kasali sa EB na un?we wanna meet ya pa nmn..tsk tsk.nkakatakot tlga kami...hahaha!literal?

glentot said...

A Tale of Two Sisters ang picture!!!!!!!!!

KikomaxXx said...

Horror...

2ngawzki said...

@Glentot: Parang ano a...Nag-ano...di ko msabi mwwla ako sa blogroll at FB mo.hahahaha!!!

@Kikomaxxx: katakot

Oliver said...

sayang di ko kayo nakita nung EB, hehe.
baka naman kasi comedy ung pinanood nyo, tsk. =p

2ngawzki said...

@Oliver: Asan ka ba kasi?Di ko maki dinayo...hahaha!!! Hindi rin siya funny.nkkairita lng tlgang muvi...

Post a Comment