Huwag Kang Magnanakaw!

                  Lunes na Lunes at napakapositibo ng tingin ko sa araw na to.....Paglabas ko ng bahay, napakulimlim ng langit at may kalamigan ang hangin. Kaya ang impaktang energetic na Ungaz muling inantok! Ganon ako kadaling maapektuhan ng panahon.hahaha!


                  Sing kulimlim pala ng panahon ang kapalaran ko today.Hindi kagandahan ang umpisa ng duty...Nagsabay sabay at nagsunod sunod ang kapalpakan at ang tanging nais ko nalang gawin at maginhale exhale sa isang sulok sa kapaguran. Matapos kong tumakbo takbo, magpaikot ikot, mag-amoy tae, maligo ng dugo (parang sasali sa Halloween costume party), at magmukang nirape at nanrape e nakaraos din ako..Ang sarap makaraos! Syempre dahil laspag na ko at wala nang pakinabang sa mundo gumala muna ko.... Kahit mukang galing lang sa santambak na labada mula sa ilog sumaglit ako ng mall para bumili ng chibog. Pagkatapos dumampot ng kung ano anong basurang ipagpipilitan ko sa katawan ko, nagpasya na kong umuwi. Nang magbabayad na.....ABA TEKA!Parang may kulang sa pera ko.SHET!Nawawala nga..Buti nalang may pera pa ko, kahit tulala na sa kaiisip san nagmagic ang linsyak na salapi, yon ang inabot sa mukang mainit na ulong kahera (ako man ang may ganong pagmumuka sa kanya iinit ulo ko!hahaha). Hanggang paguwi laman ng puso't isipan ko ang misteryosong pagkawala ng pera ko. At bandang huli saka ko napagtantong..."KATANGA MO D**** NANAKAWAN KA!!!"....Malamang sa sobrang busy ko nung umaga sa pagsalba ng buhay ng taong ayaw ng mabuhay, hindi ko na namalayang may malikot na kamay na dumudukot sa bag ko...Hindi man lang nagpaalam ang bastos. Napakacharitable ko talaga.Proud si ina malamang..Yey! Idinaan ko nalang sa kain ang inis. Wala na ko magagawa...Di ko na maibabalik ang nawalang pera maglalaslas man ako ng pulso.Move on!


                 Sadyang simula pagkabata taglay ko na ang pagiging charitable(in tagalog TANGA!)...Pag binilan ako ni ina ng bagong gamit asahan mong paguwi ko galing sa maghapong paglalaro pag-aaral e hindi ko na alam kung nasan ang bagong pencil,pencil case, crayons, at kung ano ano pa...Sabi nga ni ina "kung di pa nakakabit mani mo nawala narin!". Kahit hanggang sa magkolehiyo nananakawan parin....Kahit anong gawing ingat ay naiisahan parin ako. Wais na magnanakaw! Ang saklap pa non isa pa sa mga kaibigan ko ang nagnenenok. Dahil nga kaibigan ko hindi ko pinagdudahan. Kaya pala kung sino sinong binabanggit na baka kumuha ng pera ko para lang hindi ko mabukong siya. Langyang yon...Tinuruan pa kong magbintang. Kaya pala pag parang nilamukot na tae lang itsura ko sa siphayo sa nawalang pera wa pakels si babae at masaya pa at aayain pa ako sa mall(ala nga kong pera bitch!) kahit ang ipangshoshopping pala ng hitad e pera ko. Sa huli nabuking ko ding siya pala ang magilas na klepto ng buhay ko....Natagpuan ko kasi ang ilang kagamitang nawawala na akala ko namisplace ko lang dahil sa lumalala kong Alzheimer. Pagbukas ng cabinet niya, akala ko cabinet ko ang tinititigan sa dami ng gamit ko....Bright! Katanga ko talaga..tsk tsk....Klepto!!! Hindi naman sana Purita Mirasol nagnanakaw pa. Napakasweet pa sa nanay ko kahit ninanakaw niya pinaghirapan ng nanay ko.Plastic si bitch! Hindi naman sana ko madamot ba't kailangan pa niya ko nakawan...Ang tanging nagawa ko nalang ay pag-ingatan ang perang nahahawakan. Andyang sakto lang ang dinadala(pamasahe lang.Pag kinulang umiyak ka nalang!), andyang lahat ng pwede pagtaguan ng pera tinaguan na(natry ko na sa bra kaso problemado ako pag coins),natry sa medyas,makitago sa ibang wallet (yung pinagtaguan ko naman ang nanakawan.matalas pangamoy!),at kung ano ano pa.Kulang nalang itago pati sa panty kaso that's so gross!!! Bandang huli ipinagdasal ko nalang ang karma niya...hahahaha!


                  Kaya naman sa latest na magnanakaw ng aking kaperahan (take note!Unang sweldo ko ang ninakaw kaya walang kasing saklap!),iyo na pinaghirapan ko...Abuloy ko sa nalalapit mong burol!Wait ka lang ayan na karma mo...bwhahahahahahaha!Nakakapanginit ka ng matres buset ka!


                  Pangilang utos ng Diyos (di ko alam at di ako banal) HUWAG KANG MAGNANAKAW!!! Hindi ako palasimba pero alam ko yang utos na yan at isinasabuhay ng bonggang bongga. Kahit gaano kalaki pangangailangan mo sa pera maganda man hangarin mo(pero malamang hindi), mababaw man o malalim dahilan hindi parin tamang magnakaw ka...Ang hindi sayo wag mong paginteresan. Mas masarap magkapera mula sa malinis na paraan....At kung matigas talaga ulo mo...MAPUTOL SANA KAMAY MO SA LIKOT MO!ampness ka!At para sa mga biktimang tulad ko..Ingat!Hindi na cute paminsan minsan ang katangahan....Labya all!!!


                 

13 comments:

Jag said...

Nanakawan ka kasi may mananakaw sayo. hehehe. buti ka pa...ako timawa na hahahaha...

ok lng yan...tandaan mo hindi umuunlad ang mga magnanakaw...

Poldo said...

Pinatago lang naman yata sayo yung pera nagrereklamo ka pa! wahahaha...
unang sweldo nanakaw pa!!

dibale sabi nga nila pag may nawala may kapalit doble pa!!! Double pay daw ang pumasok ngayon dahil may bagyo!! at may bonus ka sa christmas! hahaha

Next time sakin mo nalang ibigay ililibre pa kita..

ahmer said...

pag may nawawala mas malaki ang bumabalik : D

2ngawzki said...

@Ahmer: Sana nga...Okz lang at materyal na bgay lang un.napapalitan.hehehe!Tenx sa pagdalaw...

Ako si Yow said...

Nasan ang galit at poot? Nasan? Haha. Kalma.
Dahil nawalan ka, nagawa mo pa tuloy maggunita ng mga ala-ala. Pambihira. Haha. Hayaan mo, in na ngayon ang mahirap. Kaya makiisa ka na sa amin. Haha. At for the nth time, magbalik loob ka na sa Panginoon para pagpalain ka.

Tignan mo reply mo kay Poldo, Oliver pinangalan mo. Haha.

2ngawzki said...

@Jag: Yon lang ang tanging mananakaw...
Sana nga hindi sla umunlad.bwhahahaha!!

@Poldo: Sana nga doble kapalit...Langya!Nakakasama talaga ng loob.(AYAN NAAYOZ NA.SORI NMAN!NDULING LANG...HAHAHA!!)

Wala nang mananakaw sakin...puri nlng.hahaha!

2ngawzki said...

@Yow: Oo nga...taena sa katangahan sasagot ng comment.Oras na nga para mgbalik loob sa kulto mo...amp! Mahirap na ko non mas humirap pa ngayon.yey!dmay damay tau!hahahaha

Xprosaic said...

Mukha ka raw kasing may dalang pera... kami kasing mga aliping saguiguilid eh humihingi lang ng abuloy sa iba...lol

Ingats na lang sa susunod ah...*wink* hehehehhehe

KU-KI-RU said...

Naku sistur... kamalas mo naman! kaswerte nung nakakuha... unang paglalaspag ng katawan(pinagtrabahu-an) naglaho parang bula...

ingat nalang next time..

'Ki'

glentot said...

Ang UNGAZ pala ay synonym ng SHUNGA wag kang mag-alala hindi ka nagiisa ako rin madalas nawawalan ng kung ano ano dahil sa kashungaan. Siguro may klepto rin sa paligid, bakit hindi na lang ang katawan ko ang nakawin at pagsawaan. Choosy pa sya.

Nga naman, kapag sa panty mo itinago baka pag ibinayad mo eh may buhok pa. Kung coins naman, para kang nagkaroon ng instant alkasnya! hihihihih

2ngawzki said...

@Xprosaic: Hu!kaw nga rich kid jan...nanakawan kita.whahahahaha!!!kya ingat ka.

@KI: Tama....Kung alam ko lang gnastoz ko na sana un.hahaha!

@Glentot: Oo na shunga na ko....ouch!hahaha!Ako man di ko nanakawin ktawn mo.hahaha!joke.payn ur hawt.aun o!

Mahirap ilgay sa panty pano pa pg may regla.OMG!dugyot...hahaha!

Oliver said...

wag kang magalala, mamatay din sila, haha.
badtrip ngang manakawan (hindi pa rin ako nakakagetover sa pagkawala ng selfon ko dati =p)
Bakit Oliver ung pangalan ni Poldo, iniisip mo ko no?! hahaha.

2ngawzki said...

@Oliver: Yes!May karamay ako sa kaengotan...hahaha!
Oo nga namali ako e.susme!Malamang naiisip kita.ayee!!!kirempang.hahaha!

Post a Comment