Someday?

                     Tulad ng mga nakakaraang araw napatunganga nanaman ako...At pag ganon, napapaisip nanaman ako(napapadalas na to.delikado)....At para sa araw na to ang napagtanto ko...Ako nalang natira sa Pinas!


                     Hindi ko sinasabing ako nalang natitirang maganda sa mundo (kumontra mamamatay ngayon din!),kundi ako nalang sa karamihan ng mga kaibigan, kulig colleagues, kakilala,kapitbahay, kainuman, kabatak, ka...Teka napasobra. Sa karamihan, ako nalang ang natira sa Pinas. Tapos volunteer pa!Takteng buhay to...! Simula pa nung nakaraang taon isa isa na sa mga kaibigan ko ang sumasakabilang buhay este sumasakabilang dagat para kumita ng malaking salapi na hindi mo matitikman dito pwera nalang kung magpokpok ka..hahahahaha! Kaya kalimitan pag napagtitripan kong gumala wala na ko makaladkad at limited ang choices ng makakasama(choosy?). Kundi busy e nasa abroad nga....Sa mga susunod na buwan malamang may aalis nanaman. Malungkot man hindi ko naman sila pwede pigilan. Bakit ko sila pipigilan kung para sa ikabubuti nila yon(at kung nangako namang may pasalubong for me, ibubuyo ko pa sila)....


                    Dati para sa akin ang pagaabroad ay hindi pang matagalan.... Trip ng mga rich na walang magawa sa pera.hahaha! Bakasyon, libangan, paglilibot, tipong just for curiosity's sake o magpaka adventurous and try something new. Babalik din makalipas ang ilang araw, o linggo ng pamamahinga at paglilibot sa ibang ibayo. Hindi para magtrabaho at magpaalipin sa ibang lahi na minsan mas may pinag-aralan ka pa kesa kanila.


                    Sa hirap ng buhay ngayon hindi na talaga mabilang ang mga taong nangingibang bansa....Babae,lalaki, bata,matanda, beki, tiboli, lahat ng uri ng tao.Mga sumusugal sa poreyn foreign country(hindi ko matandaan tagalog ng foreign.LOL)...Kahit anong trabaho pinapasok kahit malayo sa pinagaralan sa paaralan. Mga nagbabakasakaling sa ibang bansa makatagpo ng magandang kapalaran at oportunidad para mapaginhawa ang buhay. Mga nagsasakripisyo ng pagkawalay sa mga mahal sa buhay para sa mas malaking sweldo. Malaking sweldo na kahit gano ka kasipag o katiyaga o kapursigido e hindi mo makakamtan dito sa Pinas....Makakita lang ng napakaraming zero sa alok na salapi, susugpangan na. Sino nga ba tatanggi sa ganon.Kaya naman kahit gano katigas ang ulo ko matiyaga si ermatz na pagabroadin din ako (oo mommy teka lang!chill)....hahahaha!sweet.


                    Kahirap nga naman kasi ng buhay dito sa Pinas. Gagastos ka ng limpak limpak na salapi sa pag-aaral tapos pagkagraduate mo at magkatrabaho, malaki pa minsan allowance mo nung nag-aaral ka kesa sa sinasahod mo...Minsan pa nga hindi ka makahanap ng trabaho. Tulad naming mga nurse. Taon taon kadaming nageenroll sa kursong nursing na kala mo yon nalang ang kurso sa mundo...Taon taon madami papasa sa board exam. Sa dami, wala nang mapaglagyan.....Meron man, volunteer lagi ang bagsak dahil nagtitipid ang gobyerno. Wala daw ipapasweldo...San ka pa?Para kang nakalibre....Minsan yung volunteer pa nagbabayad para lang magpaalila sa mga ospital.Bitter? Kaya naman kumukuha lang ng experience kaming mga nurse at saka maglilisaw kung saan saang bansa para naman magkasilbi yung mga pinagaralan namin at makatikim ng malaking sweldo..hahaha!

                    May balak din naman ako umabroad(kaya wit lang ermatz). Balang araw lilipad din ako(ibon?). Kahit masama sa loob ko na malayo sa mga mahal ko sa buhay(ikaw nga mommy!ayaw mo talaga ko makasama sa Pinas.hahaha!). Titiisin ko na lahat, kung sa pangingibang bansa ko lang mabibigyan ng magandang buhay (the usual...bahay,kotse,bling bling!LOL) ang mga mahal sa buhay na maiiwan ko dito sa Pinas (ekchuwali si Greta lang makikinabang..pakshet!hahaha)...Gustuhin ko man kasing magpakamakabayan at magsilbi sa sariling bansa kung sablay naman sa pasahod e lalayas kang talaga....Hindi naman masama ang hangarin kong mapabuti ang kalagayan ng mga mahal ko sa buhay(sundin ang luho ni Greta!matouch ka bits!). Kung nakaya ng iba lalo na ng ermatz ko, kakayanin ko rin. 


                    Kaya naman balang araw, magboblog na ko ng puro tungkol sa mga taong amoy shawarma!hahahaha...Sosyal na kayo at imported shits na ang mababasa niyo....


                    Muli ko nanamang inaksaya ang oras niyo...alabet!!!!hahahaha

16 comments:

Oliver said...

"sumasakabilang dagat para kumita ng malaking salapi na hindi mo matitikman dito pwera nalang kung magpokpok ka..."
- well, well, well. so alam na? ahahaha
re: wala ako nung eb. asa laguna kasi ako nun at lumalantak ng lanzones, haha

2ngawzki said...

hahaha!mas mlaki nmn tlga sahod abroad...pampokpok ng pinas.nyak!

sge kaw na mtkaw sa lansones!hahaha...srap non

Xprosaic said...

Ahahahhahaha syaks... wala na magmimigrate na ata lahat ng pinoy sa iba't ibang sulok ng mundo...lol

p0kw4ng said...

kahit saang bansa yata eh may kababayan na,hihihi

kung nag aral lang sana akong mabuti nong college malamang wala ako dito sa bansang kinalalagyan ko............oo malamang nasa Mars ako...ahahahaha!

Go na din..now na!! ano pang pinatutumpik tumpik mo...get na ng tewket!! hihihi

Ako si Yow said...

Eh bakit kasi ayaw pa lumipad? OFW blogger ka na din. Blogger na, bagong bayani pa. At makikiPEBA ka na din. Haha. Lipad na. Wag mo naman me kakalimutan. Hindi para kay Greta yun, para maranas naman ni Mommy ang tunay na diwa ng sarap ng buhay. Pinaghirapan tayong pagaralin kaya dapat ibalik ng siksik liglig at umaapaw (album title sa fb?). Haha. oo, litanya this.

Anonymous said...

tama si yow mkipeba k n rin. hahahaha. nko buti na lang hindi ako nag nursing ^_^

-kikilabotz

glentot said...

Kung pagpopokpok rin lang ang pag-uusapan, ano pang hinihintay mo? Go and earn the big bucks!!!

2ngawzki said...

@Xprosaic:lakihan muna ng pinas sweldo di na ko aalz...ever ever ever!hahaha

@Ate POwkie: Oo nga..lahat ng bansa my pinoy.sige makalayas na hbang sariwa pa ko.hahaha!

@Yow: aawww....oo na lalayas na ko!atat?hahaha!auko kau iwn e.weh!

@Kikilabotz: Ang nagdedeny na nurse nababaog...hahaha!mamaya mauna ka pa sakin umabroad.amp

@Glentot: Susme!!!Hindi ako kikita sa pagpopokpok...Alang ganda at sarap na ibubugaw sakin.hahaha!!!Oo na kau na hawt!hahaha

Poldo said...

andami mo pang sinasabi lumayas ka na dyan! be one of us! LOL
Goodluck para sayo Ungaz! godbless!

Super Balentong said...

ipapabaon ko sayo ang maligayang paglalakbay at masagang buhay, lipad na.

2ngawzki said...

@Poldo: Sige!Kunin mo na ko!!!whahahaha

@Balentong: Di pa ko lalayas...atat ka?auko pa!hahaha

Greta said...

gumora ka na kase!bat luho ko iniintindi mo, e luho mo lang hindi mo na kakayanin!hahaha

ito na ang tamang panahon, tignan naten kung magaabot pa kayo ni mudaraka!

2ngawzki said...

aaaaaaayyyyyyyooooookkkkkkkkkkooooooooo!!!!!!!!!

Tong-tong said...

pinagtutulakan nila kong mag abroad. malaki daw kasi kita.

eh ayoookoooooo

2ngawzki said...

hahahaha...may kakampi ko.ayoko din e!pero no choice...

Anonymous said...

bugok banyaga tagalog ng foreign bitch gahaha

Post a Comment