Bad Bully!

                      Naranasan mo nabang mabully? Wag ka nang magmatigas na magdeny. Kahit gaano ka man kaastig ngayon, imposibleng minsan sa buhay mo hindi ka inapi at napagsamantalahan(parang rape naman) ang kahinaan mo. 


              Nung bata ako dahil bulinggetong kumpara sa mga nagkakaprehan at naggagandahang kaklase e madalas napagtitripan. Idagdag mo pa na sa murang edad palang, wala pang slam dunk e nauso na si "boy labo"...Me! Isama mo pa mga pinsan kong ang tanging paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sakin ay ang pangaalaska sakin na kala mo mauubusan ng pangaasar...Di titigil!! hanggang sa ipagpilitan ko nang sumaksak ulit sa matres ng nanay ko!!!At dahil kampon talaga ng kadiliman ang mga walanghiya, kinuryente pa ko minsan.Kadugo ko na yan a!!!Nang medyo lumaki laki na ko(fine!Petite ako) at sa wakas natuklasan at napagtagumpayang ienhance ang aking inner kawalanghiyaan wala nang nakakapambully sakin.hah!In your peyz!Tumalas ang dila ni Ungaz at bumigat ang kamay(kung makakabog garantisado tanggal ang baga mo!). Hindi talaga papaapi....No more bullying for me!


              Akala ko non ang pambubully e sa mga bata lang. Anong malay ko hanggang ngayong bente tres anyos na ko e makakatikim pa ko ng pambubully.....Deym!Buset!!Hindi pa pala matatapos to....


              I love charity work, bukod sa no choice ako....Sa bawat ospital magkakahalo ang mga mababait at kampon ni bin laden...Mapanurse man yan o duktor(TANDAAN!Hindi lahat ng nakaputi mabait!), simpleng NA,labandera,o janitor asahan mong meron at merong malakas malakas mantrip at sadyang innate ang pamumuwisit ng kapwa...At kadalasang napagtitripan ay ang mga volunteer na tulad ko(nagpapaalipin na nga ng libre napagtitripan pa.santa inez na buhy to!)....!Nawala ang tapang ng ungaz at muli nanamang nagpaapi.Let's enumerate ang ilan sa mga dakilang bully sa aking charity works...


  • Si Nancy Drew(screen name lang).Mataas ang panunungkulan sa palasyo. Pag nakasalubong mo at kahit anong bati mo, mahuhubaran ka talaga sa panghehead to foot, at ang aura ng muka parang laging hindi napagbigyan tumorjak ng asawa....Kahit ano nalang pupunahin mabully ka lang. Andyang sabihan kang "andumi ng shoes mo.Linisin yan!" kahit maputi pa sa kaluluwa niya at mukang brand new yung sapatos.Kilala siya sa buong ospital na mahilig mantrip lalo na ng mga volunteer na tulad ko.tsk tsk!
  • si INA(Intrimitidang NA)...Ang Nursing aide na feeling chief nurse kung makapuna sa gawain mo. Type niya toxicin ang mga trainee. Minsan na kong napagtripan non at laging tinatanong ng "alam mo ba gagawin mo pate?(with taas ng tattoong kilay)"...Irita ampota!!!Minsan gusto ko nang sampalin ng lisensya at shumout out ng "ATENG!ALAM KO YAN AT GRADUATE AKO NG NURSING.NURSE AKO!READ MY LICENSE O!!!REGISTERED NURSE!!!ANO KA NA NGA ULIT DITO?!" Pero syempre bad yon...Naisip ko nalang ganon siya dahil nasiphayo siyang tapusin ang kursong nursing tapos di pa makapasa pasa sa board exam anak niya(ano ka ngayon bitch!!!)..
  • Si Kaylikayli...Kapwa nurse na sing asim ng kilikili paguugali. Anak ata ni Nancy Drew yon e...Ang trip naman niya at misyon ay maging the greatest barador ever.Babarahin ka talaga at gigisahin ka pag type niya.Ipararamdam sayo na mas mataas siya sayo. O well papel!!!!Di ako masisindak ng putla nya. Nagseselos lang siya samin dahil type lang niya head nurse namin na lagi naming kasama. Sorry siya...Di niya makukuha puri ni sir.belat!!!!bwhahahaha!
  • Si Diego! Ang babaeng i swear!!!!Scanned face ni Diego ng bubble gang ang impakta...Ang trabaho niya buong araw ay magsulat ng mga parapernalayas na tinatangay mo mula sa kaharian niya...Pero dahil sadyang mapower trip ang pambansang nguso kami pang mga volunteer ang pagsusulatin niya. Trip lang. Araw araw yon...At pag di mo siya sinunod,bibigyan ka niya ng mga gamit na may depekto(butas na gloves,manipis pa sa tissue na mask).Haller! Para namang papetiks lang kami at walang mga pasyenteng nangangailangan ng aming kalinga sa kanya kanyang unit....tsk tsk!
  • At ang huli ay ang aking favorite best friends....Ang espasols...Ang mga dakilang labandera sa linen section na every day is foundation day sa puti ng mga muka. Kumbakit kasi maglalaba lang kailangan nakamake up pa(hindi ba bubula sabon pag hindi maputi muka ng naglalaba?)...Pano nila ko binubully?Pag kami kumukuha ng linen, madamot ang mga hinayupak. Laging nagaalangan kung dapat ba kaming bigyan kahit dapat sila sana nagdadala samin sa unit. Kasi trainee kami kaya kayan kayanan lang.Pag binigyan ka at naman at humingi ng extra tatanungin ka pa ng "BAKIT?!"(tanga ba?aanhin ba linen?ibibigti ko sana sayo ate!) ...Ibig ibig kong ibabad ang mga hitad sa clorox para baka sakali pumuti at pumantay na puti ng muka sa katawan. Pag naman si sir (head nurse) ang kukuha ng linen todo ngiti,pakagat kagat ng labi, paikot ikot mata(nagseizure na si gaga),todo pacute at nakalimutan ng may asawa sila, sabay abot ng sobra sobrang linen kay sir (maalindog talaga si kuyang) na kahit kurtinang hindi namin kailangan e inaabot...
       Pero kahit anong pambubully nila sakin at sa mga kasamahan ko, hindi namin sila papatulan...Hindi ko gagamitin ang taglay na talento ng kawalanghiyaan sa kanila at magpapaubaya nalang.Ganito lang yon, pakikita ko paring nirerespeto ko sila at pinakikitunguhan ng maayos kahit hindi nila ko pakitaan ng maganda. Mali na nga ginagawa nila gagayahin ko pa ba naman?Syempre hindi(bukod sa walang laban ang trainee). Hahaba lang usapan.Baka nakakatulong pa ko sa pagpapaubaya ko. Baka gumagaan loob nila at tumataas tingin sa sarili pag nakakapantrip sila ng tao...kawawa naman! Pero hindi ko sila hahayaang abusuhin ako(minsan babarilin ko nalang kabod mga yon.hahaha!)...May limitasyon ang lahat.Pero may tamang approach din don...Kaya sa ngayon,timpi timpi muna.

       Dahil mabait ako, lagi silang parte ng dasal ko.......Na sana kunin na sila ni Lord.Sweet diba?Pray with me people!!!Come on...LORD KUNIN NYO NA SILA PLEASE!!!!!!!!!!!!

       

8 comments:

I am Xprosaic said...

Ahahahahhaha ang sweet mo nga! lol... ipagpray over natin yan...lol

2ngawzki said...

Yey!!!Spread the word para mas lalong epektib!hahaha...nakakinit ng ulo mga un e

YanaH said...

nakakaloka. naiimagine ko na sunud-sunod mo silang madadaanan araw-araw.. bawat liko mo sa pasilyo eh pagmumukha nila ang makikita mo.

pampaasim ng araw hahaha

bad cheetahs..

glentot said...

Hahahaha! Bakit muna Nancy Drew? May pagka-detective ba sya as in tsismosa.

Greta said...

si maam nancy ba yan ung head nurse ng OR? ewan ko ung apelido at kung san nga kaharian nya!makabintang lang ba!

woo..lampa ka pa din pagdating sa ospital!wag kang papaapi..kawalanghya mo na yan eh, papakabog ka?

2ngawzki said...

@Yanah: Tama!Kahit saan susulpot na parang kabute.sira na arw mo...tsk tsk

@Glentot: May pagkadetective nga...Idedetect mali sayo.Magaling hahanap ng ikakapahiya mo.hahaha!

@Greta: Tama ang unang hula...bright child! Di ko papatulan yung mga labanderang mapuputi muka...wa class!whahahaha

Ako si Yow said...

Hayaan mo na. Dito ko isisingit ang balik-loob campaign ko. Magbagong buhay ka na kasi. Para di ka na magmukhang kaapi-api. Hahahaha.

2ngawzki said...

Hindi ka talga titigil!!!hahaha...ere na!Ipagtitirik na kita ng kandila...

Post a Comment