Small World

                How i love Facebook....Eto na ang bagong libangan ng lahat ngayon. Pagmulat palang ng mata kahit puro muta pa, nagfefacebook na at hindi mapakali sa pagkutingting ng kung kanikaninong account. Source of chismis ika nga. Andyang mapapa "sila na pala ngayon.Yuck!" o kaya "Patay na pala yon!" at syempre "wow!Iba na itsura niya"....At kung ano ano pang reaksyon. Konting click, click here and there...BOOM!!!Nabulatlat mo na kalahati ng buhay ng mga tao....


               Hindi maiiwasang sa buhay ng tao may makikilalang bago. Sa liit ng mundo, ang bagong kakilala maaaring kakilala pala ng kakilala mo na kakilala ng kakilala ng kakilala mo...O diba ang gulo?Alabet!hahaha....Mga taong magkakatagpi ang buhay dahil sa iba't ibang pangyayari. Maaaring dating magkaklase(elementarya,HS,o kolehiyo),pwede ding magkapitbahay, pwedeng ex ni ganito ex ni ganon.O di kaya iisa ang industriyang ginagalawan.So small! Lalo na dito sa aming munting probinsya ng Capiz (maaaring kathang isip lang) na nilamon ang populasyon ng mga NURSE!Oo...Palibhasa yon lang ata kasi ang natitirang kurso sa mundo. Madami, as in akala mo may katarata ka na sa dami ng puting nakikita mo. At dahil iilan lang ang nursing school dito at kokonti lang naman ang ospital na maiikutan ng bawat nurse dito ay hindi maiiwasang magkakilanlan at magkakiskisang singit siko halos lahat. At patuloy parin kaming nagkakakilanlan one by one... 


               Sa mga ospital araw araw nagkakasama ang mga nurse(sympre naman).Nakakasalamuha ng mga nurse ang lahat ng uri ng tao...Araw araw may mga bagong nakikilala o natutuklasan. At tulad ng kahit sinong ordinaryong tao, e past time din ang magchismisan ng buhay ng may buhay.  Babae man o lalaki (naniniwala na talaga akong mas chismoso ang lalaki) nakikiumpok....Bida dito bida don. Ibang klase mantrip.May puri, may pintas, may comedy,may aksyon, may good, at hindi maiiwasang may yurakan at siraan ng pakatao ng iba...So evil.Love it!


               Ano kinalaman ng Facebook?  At dahil syempre nga tsimisan ng tsismisan, hindi maiiwasang may maibidang hindi kagandahan.Andyang maikwentong may nagbreak, nabuntis, etc etc. o kaya...syempre lahat naman may nakakainitan kaya ikukwento ang buhay ng kinaiimbyernahan at kung pano nakainitan. At dahil matagal nang kakilala ang mga kasama, tiwala kang hindi makararating sa iba ang mga napagkwentuhan tungkol sa ibang tao. Matapos ang kwentuhan at yurakan ng puri sa chismisan..Maglolog-in ka sa facebook..Maguupdate status "hindi ka maganda tulad ng akala mo"..Makikibasa ng wall ng iba...Nakitang may nakaonline,chat chat muna(tsismis nanaman).Explore lang ng explore hanggang..... POOF! Et voila...Friend pala ng kakwentuhan mo ang peste ng buhay mo(na nakangiti pa ng todo sa profile pic!asar)...Pakshet! Sa liit ng mundo nakalimutan mong halos lahat na nga pala ng tao magkakaFB!!!Ala na...Ayun na! May posibilidad nang makarating ang mga nasabi mo sa kampo ng kalaban.Di mo na mababawi ang mga nasabi mo. Para ka nalang naghihintay araw araw kelan sasabog ang susunod na world war...Walang kasing badtrip ang maliit na mundo (lalo na ng mga nurse)! Pero look on the bright side...At least alam mo kung sino posibleng suspect sa pagtatraydor.hahahaha!


              Moral lesson! Kahit anong propesyon mo, kahit anong mangyari, be careful on what you say....Di mo alam kung anong maaaring maging consequence ng mga nabitawang salita at baka may mga masaktan kang kapwa at baka pagsimulaan pa ng hindi pagkakaunawaan. Sabi nga ng ermatz ko "IF YOU DON'T HAVE ANYTHING NICE TO SAY, KEEP YOUR MOUTH SHUT!"Laging magiingat. At laging maging alerto sa  facebook!Labya!hahaha

15 comments:

Ako si Yow said...

Less talk less mistake. Eto pala hinuhurumintado mo sa status mo. Haha. E kapag may world war na naririto kami para maging back up... dancer. Ewan ko kung makatulong. Magbalik loob ka na kasi sa Panginoon. Sundin ang calling maging Madre.

2ngawzki said...

Putrez ka Yow!Di mo gawing misyon sa buhay na bawat comment mo sa blog ko hihikayatin mo kong sumali sa kulto mo....hahahaha!

YanaH said...

natuwa ako sa laging maging alerto sa facebook

kaya nga ba ako eh hindi na natutulog, i mean ung facebook ko pala, hindi na natutulog hehehe

so true.. dapat ingat-ingat tayo sa mga binibitawan natin na salita, we'll never know kung may masasagasaan tayo at baka magbounce back din saten in the end..

Jag said...

Ewan ko ba pero hindi ako naa-adik sa FB...nakalimutan ko n nga ang password ko eh at hindi ko mabuksan...tinatamad nmn akong magretrieve hahaha...pero tama ka hindi excuse porke't naging totoo ka sa sarili ay u can say anything...kya dapat tlga mag-ingat sa sinsabi hehehe...

glentot said...

Ingglesera ang ermatz mo? Haha

Oo sobrang interactive talaga yang Facebook madalas nga sumasali yan sa mga pinag-aawayan namin, yang mga status status na yan hmpf! Facebook is just another means of making hundreds of friends 50% of which are your enemies.

2ngawzki said...

@Yanah: Tama!Kaya ingat ingat sa pinagsasasabi.hahaha!

@Jag: SO true...Kaso kahirap pigilan.hahaha!Alangyang yan

@Glentot: Sino naman kaaway mo?ayee!malisyosa pala e..hahaha! Idelete na ang mga di kaiga igayang tao.

Traveliztera said...

Haha kaya wala maingat ako sa mga wallposts ko e haha! kasi kahit walang meaning ung iba, nabibigyan ng meaning--akalain mo un!? hahaha!

anyhoo... nakuuuu at least alam mo na sino ang suspek kapag may nalaman ang kabilang kampo! hahahaha!

2ngawzki said...

@Traveliztera: Tama! Siya lang ang naiiba saming lahat e.hahaha! Ayun..true to life pla kz e.hahaha!

I am Xprosaic said...

Buti na lang wala akong facebook... mukhang naforesee ko na sigurong magkakaproblema ako dun...lol... haters?! hehehhehehe...

2ngawzki said...

@Xprosaic: Wala kang facebook?ttssss....Dinaig ka pa ng nanay kong 57yrs old.whahahaha! Salamat sa pagdalaw..

Greta said...

eto na dumalaw na nyeta ka!hayan..tanggapin mong muli si bro sa iyong puso ng makamit mo ang divine holyness!

ano daw?matutulog na lang ako ulit!

2ngawzki said...

@Greta: WOW!!!!Ano nanaman pinagsasasabi mong adik ka! alang kinalaman!Hala sige!Matulog ka na!hahaha

Super Balentong said...

magbalik loob kana sa panginoon. tantanan mo na ang facebook sa pagbasa ng mga tsismis na buntisan. haha

Poldo said...

Bat ako minumura at tinatrash talk ko yung mga Nasa friendlist ko natutuwa pa sila?? weird..

kung sabagay.. mga walang hiya rin naman yung mga tao sa FB ko hihihi

2ngawzki said...

@Balentong: HHHHUUUUUU!!!E tantanan mong maging ma L tatantanan ko tsismis.hahahaha!!!

@Poldo: Pagkaclose ayoz lang balahurain..pg hndi gyera un..nku po!

Post a Comment