It's The Thought That Counts

                Thoughtful akong tao.Ako na pupuri sa sarili ko....Wala sa itsura kong sweet ako.Walang bakas ng lambot at walang lambing sa katawan. Pero maalalahanin ako....Pero sadyang walanghiya at mapantrip lang din talaga ko. Mabuhay ang mga sutil!!hahaha


                Pag may mga mahahalagang okasyon na required ang regalo tulad ng birthday, pasko, binyag, kasal, undas (gusto ko pati undas e.bakit ba!) umaarangkada ang aking pusong mapagbigay....Aktibo ang utak (pwera bulsa) ko sa pagiisip ng ipanreregalo. Noon, kung ano talaga gusto ng pagbibigyan ko bigay hilig ako basta kaya kong ibigay(katawan ko lang ang walang may nais.lol)....But...Hep!Hep!Hep! Naisip ko...Bakit ko ba sila pagbibigyan?Bakit dapat yung ikasisiya lang nila?Diba dapat kung ano gusto ko para sa kanila?Nung bata ako pag may nagregalo sakin ng isang set ng bimpo sa halip ng barbie na mas ikaliligaya ng puso ko nagrereklamo ba ko?NO!Pag niregaluhan ako ng picture frame na hindi ko naman pwede paglaruan(gagawin kong plato sa luto lutuan?)nampapakyu ba ko?NO!Tanggap lang ng tanggap!Masama tumatanggi sa grasya.Ayokong sumama loob ng nagbibigay ng regalo.Mahalaga, naalala ko nung nagbigay kahit ayoko regalo niya.hahahaha! Kaya naman naging buwisit akong magregalo....Ayoko ng the usual o ordinaryo.Ayoko yung talagang gusto ng reregaluhan.Parang hindi masyadong pinagisipan....Masabi lang na nagregalo.Pag bibili o magpeprepare ako ng regalo para sa pagbibigyan ko eto batayan ko "matutuwa ba ako sa magiging reaksyon niya?"....


                 Isang paskong walang kasing saya.... Ako ang dakilang designated rapper wrapper ni ina. Ako lang ang magaling magbabalot at sadyang mahilig magpaalipin kaya don ako natotoka!ppfffttt...At dahil alam niyo namang mahal ko si utol,syempre marami ko gift para sa batang Greta..Pagdating ng bukasan ng regalo nakaantabay ako kay Greta, na tuwang tuwa sa dami ng regalong natanggap. Kala mo nanalo sa lotto ang ngiti....Isa isa na niyang binubuksan ang mga regalo niya.Ihing ihi na ko pero pinipigil ko dahil ayoko mamiss ang mangyayari.Panay ang bukas ni Greta.WoooWW!!!ooohhhh!!!AAAHHHH!!Sa sobrang tuwa hindi na tinitignan maigi mga regalo niya. Matapos ang bukasan galore ni gaga....Inassess ang mga regalo.


                 Greta: PARANG GAMIT KO LAHAT TO A!!!AAAATTTEEEEE!!!!!BUSET KA!


                  Priceless!!!Muntik ko nang ilabas don ang ihing iniipon sa pantog kakatawa....Sooo worth it ang pagpigil. Ako ang naligayahan sa regalo ko!Hahaha...Napapala ng mga timawa sa regalo.whahahaha!Oh well nakaganti naman siya. Hinabol ako sa buong bahay at saka ako ginatukan!OUCH!!!Kaya simula non wala na siyang tiwala sa mga regalo ko kahit matino na laman.Praning!


                  Isang kabarkada ko naman ang nagbirthday...At dahil sweet and thoughtful ako, i want to give her something special.Something she'll never forget....Dahil kikay si friend mahirap regaluhan (nahirapan ako at hindi ako kikay) at nagpaikot ikot ako sa mall kakahanap ng akmang regalo.Pukikay na yan! Hanggang sa...I FOUND THE PERFECT ONE!!!Excited kong binili ang natagpuang gift at binalot sa bahay.Binalot ko in a special way and sealed with a kiss.hahaha!!Kinabukasan...


                   Ungaz: Happy Birthday!!!!!(makabasag pinggan)...Eto regalo ko!Sana magustuhan mo....hehehe


                   Friend: Wow!Thank you!So sweet naalala mo kong bigyan
                   (Naluluha siya.mukang natouch talaga.nakukunsensya ko.maski!)


                   Ungaz: Buksan mo na!!Dali....Mauubusan ka ng lakas at pasensya diyan.hahaha!!


                   Friend: Ha?to talaga...excited na ko.game!


                   As usual nanalalaki nanaman mata ko sa pag-aabang sa reaksyon niya pagbukas....Inuumpisahan na niyang buksan ang napakalaking regalo ko. Tulad ng inaasahan nauubusan na siya ng hope sa pagbukas ng regalo ko. Try mo magbukas ng regalong binalot ng sandamakmak na layer ng diyaryo!!!!Sweet diba...Nang mukang susuko na siya inudyukan ko siyang lakasan ang loob (taena sa kaartehan...sa bahay pa daw bubuksan!) at magtiyaga. Hindi pwedeng hindi ko makita ang itsura niya.Nang last layer na masaya siya!!!Makikita narin niya sa wakas ang aking gift....1...2....3....!!!
Charaaaaannnn....Nalaglag ang ngiti.Naiiyak sa buwisit si friend....Hindi malaman ang gagawin....Ang aking gift?Isang.......BAGUA!Nasabi ko bang usong pelikula non e Feng Shui?hahaha!Hindi maipaliwanag itsura ni friend.Balak pa ata basagin sa ulo ko yung gift.Sobra naman tuwa ko sa itsura niya....Wag siyang maginarte!Tinernuhan ko kaya ng suklay yon....Kikay!Bagua na mirror may suklay pa.swak!Gayon pa man naappreciate niya effort ko kahit may halong pangaasar. Impernez sa kanya, ginagamit niya paminsan minsan yung suklay at bagwa pag nabubunot ng buhok sa kilikili nagaayos siya(pag walang nakakakita).


                    It's really the thought that counts....Yung maalala ka lang ng isang tao kahit lifetime friendship,presence,moral support, o love lang ang kayang iregalo(dukha!)e talaga namang nakakataba ng puso...Hindi parin matutumbasan ng kahit anong materyal na bagay ang pagmamahal ng isang kaibigan.....May pagkabuset man ako mgregalo, taos mula sa puuu...so... ko ang pagbibigay at may kalakip na pagmamahal.weh!kire...hahaha!


                    May isang taong nalalapit ang birthday...Ano kaya ireregalo ko?hahahaha!!!Humanda siya...Labya!

12 comments:

Ako si Yow said...

babasahin ko mamaya at ako eh maglilinis ng sementeryo. haha.

Ako si Yow said...

Eh bakit ako di mo man lang binibigyan ng gift? Samantalang ako, ang regalo kong friendship at love sayo di ka masiyahan. Tsk.. Naalala ko tuloy mga regalo namin kay Greta nung HS. Haha. Yung panglinis ng kuko na kulay pink at figurine na mga baboy. O well. Wala kaming masamang intensyon. Haha.

YanaH said...

andame kong tawa dun sa bagua with matching suklay.. may point ka naman hahahaha

gawain ko din ung pagbabalot ng napakarami.. kung ilang patong ng dyaryo. tas ilalagay ko pa sa kahong.. minsan kahon ng sapatos.. hehehe

Xprosaic said...

Ang sweet nga! thoughtful! hahahahahha... ako nagawa ko nang lagyan ng malaking bato ang loob ng box yun pala maliit lang ang laman at iba pa... nyahahahhahahaha

p0kw4ng said...

hongsowet nemen!!

hmp magawa nga ito at lagi na lang akong todo epurt sa pag iisip kung ano ang pwedeng ibigay sa kung sino mang hudas ang nangangailangan ng regalo!!

nong nasa denmark pa ako..sobrang tuwa ko sa amo ko..kasi may kaugalian na silang hingan ka ng wish mo pag oras na bibigyan ka ng regalo..kaya naman ako eh todo sulat ng mga gusto ko na hindi ko mabili kasi mahal,hihihihi

2ngawzki said...

@Yow: Friendship gift mo e di yon din gift ko sau.quitz na!hahaha...pakuriputan pla e. regaluhan mo ngaun figurine si pogi tiyak babasagin sa ulo mo.hahahaha!!!

@Yanah: O diba nabigyan pa kita idea.hahaha!Try mo lagyan ng madaming scotch tape. epektib din

@Xprosaic: Mabuhay ang mga sutil..hahaha!Ang saya saya magbigay ng nakakabuwisit na gift.hahaha!Nagiging memorable yon kahit wa enta.hehe!

@Ate Powkie: Mabuti naman nabigyan kita ng idea.hahaha!!!Ano ba kasi hinihiling mo?BMW?Chedeng? Ipamana nalang kamo sayo yung bahay at lupa nila.hahaha!

Poldo said...

Ang sweet mo naman!
kung ako yung binigyan mo ng bagua mirror.. syempre appreciate much yun.. tapos pabulong kong isusupa na maging lotus feet ka sana!! .. bwahahaha joke..

glentot said...

Dapat gantihan ka rin ng regalo ng mga niregaluhan mo, yung regalo na magiging sanhi ng kapansanan mo. Saka mo sabihing it's the thought that counts ahahaha

2ngawzki said...

@Poldo: Fine ako si lotus feet!Papatayin kta for sure.hahaha!!

@Glentot: Di naman nla naisip gmanti...Kaw lang sguro kung sakali ggnti ng gnon.hahaha!!!Kaw na pinakasweet sa lahat!amp!

Greta said...

pakyu ka sa earth!

nakaganti din naman ako ah...nung niregaluhan kita ng THREE HUNDRED PESOS worth of load..ung card at saka ko binalot sa napakaraming dyaryo hanggang sa lumaki!naalala ko yun..back at you!

pero atleast madami kang load hayupita!

Oliver said...

parang nakakatakot kang magregalo a, haha.
pero nagawa ko na din ung regalo na madaming balot, =p

2ngawzki said...

@Greta: That's it?E ayos ka pala gaganti e.Parang gusto ko makunsensya.parang lang.hahaha!!!

@Oliver: Di naman...Sweet nga.Nakakaalala ko kahit pamuset lang.hehehe!!

Post a Comment