To Hell With You

                   Dahil apektado ko masyado sa damohong episode ng Glee kanina(ya.I'm a gleek!) e naisipan kong ikwento na to sa inyo....Kung bakit ako hindi palasimba.Wag na magreklamo sa walang kwentang post!!!


             Hindi naman ako dati ganito....Nung bata pa ko sinanay na ko ng mga magulang ko sa pagsisimba tuwing linggo. Syempre sama naman ako kasi after simba lumilibot kami(habol ko lang talaga lakwatsa.hahaha!). Sagana ako sa pangaral ng pari non. Idagdag mo pa na nag-aaral kami sa all girls catholic school, e mapupurga ka talaga sa simba. Lalagpas ka na sa langit(wag kang green minded) sa paraan na ginagawa samin non...Nang tumanda na ko (not so tanda...) dumalang na ang pagdayo ko sa simbahan. Nakakaguilty nga, kasi hindi ko man lang mabigyan ng kaunting oras ang Diyos. Nasubsob na ko sa pag-aaral. Pag wala namang pasok nakakatamaran ko na magsimba at itinutuon ko nalang sa pagpapahinga ng katawan. Mababaw na dahilan....Tamad lang talaga.tsk tsk!


             Katamaran nga lang ba talaga? Bago board exam panay ang simba ko at hiling na ipasa ko kahit saktong 75% lang ang score ko. Kadami ko nang binargain non (kasama na ang aking puri at dangal) sa Diyos makapasa lang. Awa ng langit saktong 75% nga ang hinayupak na rating ko. There goes my lovelife and everything!hahaha...Nang taong yon at mga sumunod na taon pinutakte ang angkan ko ng problema. Andyang sabay nagkacancer mga utol ni ina. Di ko malaman kung nagkainggitan ba. Tapos andyang nagkatampuhan pa kami ng isang pinsang abnoy na umabot sa ilang taong hindi paguusap at ano ano pa. Pero hindi ako bumitaw sa Diyos. Nagsisimba parin ako.....good girl e.


            Isang araw sa misa.....Kasama ang tito kong cancer survivor ng stage 4 nasopharyngeal CA (kunyari naintindihan mo). At ang homilya ni father na talaga namang tumatak sa malapad kong noo "Kung may cancer ka na at stage 4 ka na akala mo ba gagaling ka pa?Kahit gaano kadaming chemo gawin mo mamamatay ka din.Yan binigay ng Diyos sayo tanggapin mo!"...E hutana!Anong klaseng homilya yan. Buti nalang may pagkabingi si tito at di ata nadinig.hahaha!Pilit ko nang iniwasan yung pari na yon. Ibang oras na ko nagsisimba.Pero natatapat parin ako sa misa niya langya. Minsan namang hinomilya e mga "magkakalaguyo" (Yan ang word niya para kay ogie at regine) nang sumunod na misa (pasintabi sa mga kapatid na INC)"anong kalokohan ng mga iglesia na yan at sila lang maliligtas?!Bakit?Kasi may spaceship sila(kapilya)?"...Di ko malaman kung sadyang bastos si father o may regla lang. Nang puro ganon nalang ang naririnig ko every week, i decided then and there "AYOKO NA MAGSIMBA!!!"Kahit sa tv pati trabaho ng gobyerno pinakikialaman...Puro reklamo.Puro panghuhusga. Puro dapat ito dapat ganon! How so Christian of them.hahaha!
             
            Isang araw nag-apply ako bilang CI sa isang catholic school. Everything's well and good nung una. Kumbakit kasi may isang pari (nakafancy watch,magandang model ng SE ang phone at nakabraces.observant ako!) sa panel at tsaka ako hinot seat....


           Vain Priest: Are you in favor of using contaceptives?
           AKO: (Sabi ng pari nung bata ako,WAG MAGSISINUNGALING)...Honestly, yes sir i'm in favor of it...!(in your peyz!Alam kong kontra sila don)
           
           Oo.Alam kong mali ang sagot ko...Kaya naman buong puso niya kong tinawanan at hinusgahan. Nilecturan na niya ko kung pano pinipigil ng contraceptive ang pagbuo ng isa pang buhay.inexplain pa sakin ang pagbuo ng bata.hahaha!At hindi na niya ko binigyan ng pagkakataong idepensa sarili ko.!Kung korte yon, nakulong na ko ng walang laban.amp!hahaha! Sa sobrang epal niya natatawa ko dahil awkward si father banggitin ang salitang SEX(mabilis na mahina ang bigkas).bwahahaha!Kahit marewind ang oras, yon parin ang isasagot ko. Unang una nurse ako at trabaho kong pangalagaan ang kalusugan ng isang tao. Pangalawa, ang OB subject ang ikinatuyot ng matres ko nung kolehiyo sa pagaaral kaya alam ko pinagsasasabi niya.Paker!!! Don't lecture mo on things that i know more than you do...bwahahahaha!


          Oo.Pari ang dahilan...Ang mga mapanghusgang pari. Hindi ko kailangan ng pari na hamak na tao lang din naman para turuan akong manghusga at mamintas ng kapwa. I can practically do that on my own. Diyos ka ba?!Perpekto ka ba?! To hell with you! Kaya hindi na ko palasimba. Nagdadasal parin naman ako. Ang mahalaga naman sakin may pananampalataya parin ako sa Diyos (hindi matitibag ng kahit sino yon)at  pwede ko siyang kausapin kahit saan kahit kailan hangga't gusto ko and not necessarily sa simbahan. Hindi lang sa simbahan pwede magdasal o matuto ng aral ng Diyos.I believe God's everywhere.Ang tunay na aral niya e nasa paligid at matututunan mo araw araw.  Kaya magagawa ko paring magpasalamat at humingi ng patnubay nang walang panghuhusga mula kapwa tao na nagfefeeling Diyos. Kaya hindi ganon kahalaga sa akin ang pagsisimba....Sorry.


         Ayan...Kaya hindi ako ganon kadali ayain magsimba.hahaha!Go ahead judge me all you want. I don't care.Kanya kanyang trip lang yan....Belat! God bless...!


             

14 comments:

Ako si Yow said...

Kakatapos ko nga lang panoorin yung Glee shit na episode na yun. Ok fine. Di ka na aayain. Date date nahahaltak ko pa kayo magkapatid magsimba kahit sa ilalim lang ng puno ng calachuchi (oo, puno sya) at patapos na ang misa, nagsisimba ka pa din. Magbalik-loob ka na sa Panginoon. Pano na ang chismisan sa loob ng simbahan nyan? Haha.

Tong-tong said...

no di ka dapat husgahan ungaz. nasa katwiran ka. sadyang mas bukas ang isipan mo kaysa sa paring nakausap mo. basta pro-contraceptives din ako tulad mo. hindi naman pag aaksaya ng buhay ang pagputok sa labas. human nature yan eh. eh kung sa bawat pagputok eh may buhay na mabubuhay tapos di mo kayang buhayin, iyon ang tunay na kasalanan. diba.

ako di ako naging palasimba kasi...

namamawis ang kamay ko, nahihiya ako kapag ama namin na. nahihiya akong makipaghawak kamay. sunday mass na lang ako.

Traveliztera said...

naiintindihajn kita ungas (grb nmn ung isang pari na ntatapat syo :( )... although hindi nman lht gnun, in the end, ang mahalaga ay hindi nawawala ang pananampalataya at oras sa itaas...

glentot said...

Ang poot mo! Balak ko pa naman mag-pari, at kapag pari na ako huhuntingin kita para ilunod sa holy water at ieexorcise kita para iwan mo na ang katawan mo. Ahihihi.

Greta said...

may poot ka talaga kila pader!hahah!bitter!

sabagay sora nga naman ung pari na yon.tssss

2ngawzki said...

@Yow: O diba powerful hayop na Glee...ALabet!iba magmaasim si kurt.

Dadayo ka pa ng simbahan e kahit saan pwde tau mgchismisan.hahaha!

@Tong: Salamat...Kanya kanyang trip lang naman.hehehe!

Ihian mo kamay mo para mawala pasma.nyahahaha!!!

@Traveliztera: Tama...Di nga naman siguro lahat ng pari ganon.Ganon pa man kahit sinong pari ang magmisa di nila ko mapapatino.hahahaha!

@Glentot: Sige magpari ka.Magmamamadre ako at gagawin ko lahat mapalabas ka lang ng seminaryo.hahaha! sweet mo talga.gggrrrr

@Greta: Witness ka naman sa mga paring yon...Hindi lahat ng nagsisimba mabait.paglabas ng simbahan mas masama pa sakin.hahaha!pakshet.bitter talaga

Oliver said...

Nice, clap clap sa sinagot mo sa pari, =p
pareho tayo ng tema ng post, hehe. pero nauna ung post ko bago si glee. naanticipate ko na ata ang mangyayari sa tv shows, =p
ako din dati, may paring dun sa church na pinagsisimbahan ko, buti ngayon wala na, kaya nagsisimba na uli ako, hehehe.

Tong-tong said...

hindi naman effective. namanghi lang ako

2ngawzki said...

@Oliver: pashare naman link ng blog mo para mabasa ko na din sa wakas..hehehe!tenkyu

@Tong: Nakanang!Sinubukan nga.hahaha!

Poldo said...

Pro-contraceptives din ako... at hindi rin naman lahat ng pari e ganun hihihi.. may iniidolo akong pari puro showbiz ang sermon in positive ways hindi yung puro mapanghusga lang....

dont worry di ka nagiisa nandun narin yung pangalan ko bilang kanang kamay ni santa-nas welcome ungas! hahahahaha joke...

2ngawzki said...

@Poldo: yehey may kakampi ko..hahaha!adik

Oliver said...

sori, nakasuplado mode on pala ung blogger profile ko, haha.
hindi ko napansin, inayos ko na. =p
http://olyabut.wordpress.com.

rico de buco said...

ang puso mo ang puso mo,,baka magcardiac arrest ka! katokayo pala kita sa profession hehehe..hayaan mo na ung pari palibhasa kupal lng siya..

di bale ang importante nagddasal ka padin..hindi ka ngiisa di din na ako ngissimba hahaha

2ngawzki said...

@rico: yey!May nakilala nanaman akong colleague...hahahaha!

Tama...At ipinagdadasal ko sila father.hahaha!

Post a Comment