IKAW!!!!!

                               "Anak..Magiging ate ka na!" Yan ang mga kataga ng aking ina sa musmos na ungaz. Isang katagang nagbigay ligaya (at poot) sa aking mundo...Tandang tanda ko pa ang reaction ko. Natuwa ako non super... Pero nang malaman kong babae ang dinadalang halimaw bata ni ina ang nasabi ko lang ay "hmp!ayoko niyan!Gusto ko baby brother!"...At dahil huli na ang lahat, kipay na ang nabuo wala na akong nagawa.Papetiks!October 5,1990...Lumabas na ang aking kapatid. Sinong mag-aakala na ang batang minamasdan sa nursery na may magang pekpek katawan ay ang aking sister.Halong saya at kaba (my arch enemy's here) ang nadarama. Excited na ate ang munting cute na ungaz. Maraming pangarap para sa jubis na sanggol...Minsang nasambit na poprotektahan ko siya bilang ate.


                     


                      Pero sa pagdaan ng mga panahon,napagtanto kong hindi madaling maging ate ng batang ngayon ay malaki pa sa akin.Si Greta...Ang babaeng kaagaw kakumpitensya sa lahat. Kaagaw sa atensyon ng magulang(mas cute daw tsaka mabait), sa pagkain (timawa ka!), sa mga laruan.Ang laging pinagbibigyan "ikaw naman ang ate pagbigayan mo na si pate"..PWE!Ang kakumparahan ko sa kung sino ang MAS (oo na mas mataba ka!at mas mukang matanda sakin.belat!ramdam ko isasagot mo mas maganda ka.oo na!pakyu utol)....Si Greta, ang babaeng kayang kaya pag-initin ang ulo ko na mabilis pa sa kidlat. Ang babaeng dahil mas malaki sakin, ay walang pakundangan kung ako'y balyahin at wrestlingin(kawawa talaga ko.maltrato!). Ang babaeng pinagsisilbihan ko (sumbatan na to!) na hindi nagpapasalamat. Ang babaeng paborito ng nakararami (at mas pinaglalawayan ng kalalakihan)...In short,ANG BABAENG SALOT SA BUHAY KO!


                       Gayon pa man sa kabila ng aming mga pagkakaiba at hindi pagkakaunawaan paminsan minsan, hindi ko siya kayang idispatcha o ipagpalit kahit sa pera (pero kung malaki halaga pwedeng magbago).Kahit nakakaaway, siya'y karamay ko sa oras ng pangangailangan. Napag-iinit man ang ulo ko,napapaligaya ako sa tuwina (itsura palang). Maangil minsan pero pag tinamaan ng masamang hangin marunong din maglambing(o pag may kailangan lang?).Ang aking brother (kapwa ko siga)and sister, ang aking bespren, at katuwang sa buhay(jowa?yak!).....Si Greta.At dahil kaarawan mo (ang araw na aking sinusumpa.joke!)ngayon mula sa aking puso na walang halong pagiimbot....MALIGAYANG ika-DALAWAMPUNG KAARAWAN(bastusan na to). Hangad ko ang iyong kaligayahan(kasal?).Pakatandaan mo lamang na laging andito si ate (kahit binabarubal mo ko hayop ka!) para sayo kahit ano pa man (wag lang buntis nang wala sa oras)...i'm proud of you,and i'm so blessed to have you as my sister.Love you! (Matouch ka putragis ka!hahahaha..)


                        Ngayong birthday mo lang tong cheesy stuff na to...pagkatapos, back to normal.Peste ka ulit sa paningin ko.bwhahahaha!
                       
                        Eto picture greeting ko kahit nakita mo na...Walang kasurpresupresa....This pic shows how i truly feel about your existence.whahahaha!!!!















                   Oo na...Alam ko na sasabihin niyo.Muka pala kong bakla...Pero babae ako icheck nyo man anatomy ko.whahahaha!

13 comments:

Jag said...

Naks! Ang ganda ng lefs oh! Kesabul! hehehe...Hangsweet naman ni ate kahit nagmumura hehehehe...maxado bang maliwanag ang kendel kaya ka nakashades? lol...

Greta said...

yung totoo...tribute ito para sakin o pangyuyurak puri na post lang?

natouch ako hayop ka ATE!naiiyak na me..

thank you and pakyu ka sa earth!muah

Ako si Yow said...

Akala ko si Greta yung nasa picture. Magkahawig kayo. Magkapatid pala kayo? Shetness. Now ko lang nalaman. Ang cheesy ng post. Haha. Pambihira! Happy Birthday Greta.

glentot said...

"This pic shows how i truly feel about your existence."

Hahahaha panalo!!!!!!!!!!!!!!!!! Tinalo mo na ang pangbababoy ko kay Khikhi!!! Alavet.

Pacheck ng anatomy dali, pakipost.

2ngawzki said...

@Jag: Bulag kasi talaga ko.hahaha!Batiin mo si Greta ano ka ba.hahaha!

@Greta: Halong yurak at puri naman kaya iiyak at mabubuwisit ka.o iiyak sa buset.hahaha!

@Yow: feeling ko lang na sisters kami...Cheesy potaness.Kaw keln ka magttitribute sa kmatayan nya este pagkapnganak?hahahaha

@Glentot: Nahawa na ko sayo..Masyado kitang inidolo.tsk tsk....Batiin mo din si Greta!hahahaha....
Magdoktor ka muna para macheck anatomy ko...hahaha!Belat

Tong-tong said...

wow... yun lang wala me masabi...


sige na nga... naiinggit ako sa inyo because wala me ate na mag-aalaga sa kin.

ang kuya ko kasi if naisip kong aalagaan ako, dyahe yown!!!

hang ganda naman ni ungaz oh!

san ka nakatira? puntahan kita. lol

Poldo said...

AUf ka ungas! tawa ako ng tawa dito!!!

I knew it!!! magkapatid kayo! teka late na ba yung observation ko?? wahahahah.. dun palang sa meet-up nyo with yow parang may relasyon kayong dalawa(magkapatid)...

para kay greta happy birthday! pakiss sa malapad na binti!!! muah!! wahahaha

para sayo ungas pa-sight ng anatomy mo!! jowk!

2ngawzki said...

@Tong: Halika't aalagaan kita.Basta sa hospital a...hahaha!
Maganda talaga ko.Basta pilitn mong maniwala.hahahaha!

@Poldo: Hindi kami magkapatid.joke lang yon...whahahaha!

Tulad ng sinabi ko kay Glentot.Magdoktor ka para macheck anatomy ko.amp!

Traveliztera said...

HAHAHAHA ang sweet mong sister! hahahahah! pano ba yan? tapos na bday nia? hahahahahha! balik na sa normal nako lagot hahaha!

2ngawzki said...

@Traveliztera: Tapos na....Expired na ang cease fire nmin....back to normal.hahaha!Next year ult

kikilabotz said...

bwahahaha. yan ang ate. kapag bday lng mabait. hhahaha

2ngawzki said...

@Kikilabotz: Syempre...lahat ng bagay may expiration date.hahaha!

Traveliztera said...

HAHA tay na hahaha!

onga pala salamat sa comment... hahha sinadya ko ung kantang un kasi JOLOGS mode dapat sia e hahaha! andaming asar sa kantang un e hahahahahhaha

Post a Comment