NURSING....A mistake?


Ikukwento ko sa inyo ang siphayo ko sa buhay....Hahahaha!Bakit nga ba Nursing kinuha kong course?Eto ang napatripan ko ngayon...Kasi naman talamak parang shabu.Mahaba to pero tapusin mo!!!!Nang magkaintindihan tayo...BABALA: ilan sa mga bahagi ng kwento maaaring totoo at maaaring kathang isip at gawa gawa ko lang.hahahaha!


Sa dinami dami ng course sa mundo bakit nursing kinuha mo?Let me answer that for you...Kasi uto uto ka!hahahaha.Gaya ko!Kasalanan to ni ermats...Pagraduate na ko ng highschool, wala parin ako maisip na kuning course.Ugaling tambay talaga.Nafeel ko na kaya na ganon kahihinatnan ko?hahahaha! Habang ang mga kaklase ko payabangan na ng kukuning course at saang school, ginugugol ko ang precious time and brains ko sa pagsubaybay sa anik anik na anime sa GMA. Bakasyon nagapanic na si ermats. "Anak, ano ba talaga gusto mo kunin?"...Syempre sumagot ako "gee i don't know" parang lasing lang.proud pa ko! Ayon nagsimula na siya magseminar talk na kala mo nagtitinda ng insurance kung bakit dapat magnursing nalang ako. Eto ang mga reasons:

1. Nasa lahi ang kumukuha ng science course...
2. Ang ganda ng uniform o. White! (mukang kagalang galang kahit hindi)
3. Uso kasi
4. Walang math (woohoo!!!tamang tanga ko don...alien talk sakin yon)
5. Eto da best at siguradong kinagat mo din "MADALI MAKAPUNTA NG AMERICA AT MALAKI ANG SWELDO!"

DING!DING!DING! $$$$$!!!Oo.Mukha kong pera e tapos tulad ng sinabi ko uto uto ako...So i said "why not poknat"..Wala na tumakbo sa utak ko non kundi kikitain ko balang araw.
Nag-enrol na ko sa isang nursing school. Di ko na babanggitin pangalan at baka sabihin niyo "Never heard" so never mind...Nung unang 2yrs papetiks petiks lang...Chicken lang naman subjects.Di ako mayabang!hindi naman ako kabobohan kumpara sa mga kabatch ko.ay teka parang mayabang nga.ok mayabang ako!hahahahaha...Nagsimula na kalbaryo ko nung 3rd year.Dami na gawain.Nagduduty na din kami sa hospital part ng curiculum syempre.practice ika nga...Ok sige.Madami naman ako natutunan.Nakakaenjoy paminsan minsan pwera nalang matapat ka sa pasynte na parang foreign ang salitang LIGO o kaya hinahatak na ni kamatayan ayaw pa sumama.KJ!Tuwing nagrerender ako ng care, (naks!weh?) masaya naman ako...Di ko na iniinda mga eeewwwyyy stuff like pagkuha ng turkak,hugas ng pwet,humarap sa dugo na di mo na lam saang butas galing, pagsipat maigi sa tae!etc!!!(pasintabi sa mga kumakain)....nasa isip ko nalang DOLLARS!

Nakagraduate na ko at lahat sa di ko alam na dahilan minsan paanong nangyari at akalain mo nakaya ko!hahahaha...Another challenge ay pagpasa ng board exam. Nak ng teteng! Kadami humps bago mo marating ang main goal mo...AMERICA! Awa ng Diyos nakapasa naman ako. Salamat sa tulong ng lahat ng santong kinol a prend ko. Sumabit ako saktong 75% walang labis walang kulang.so close!whew!America na ba kasunod?

Mali...!!!!America ur peyz!Nalaman ko bago ka pumunta america madmi ka pa exam na kukunin.eto ang part na hindi naipaliwanag sakin ng kahit sino...di ko alam to.sumabay pa ang pgabagsak ng ekonomiya ng amerika.siyet!wala na...Nagvolunteer muna ko kung saan saan at umattend anik anik na seminar pampabulaklak sa resume. Anik anik na training para dagdag credentials...Inapplyan ko din ata lahat ng hospital pati schools para mgCI...whew!nakakapagod

Resulta?3years na kong tambay...Nananatiling empleyado ni ermats bilang anak since birth...amp! 1 year na since last training ko.Naisip ko na tuloy magtayo ng sariling hospital at gaganti ko sa mga tumanggi sakin (nangunguna ka chip nars at pader!u know hu u r)...

Sa dami ng pumapasang nurse taon taon dumadami lang kakumpitensya...dumdami walang trabaho.Wala na kasi mapaglagyan.Palakasan pa palakaran ngayon!Ngayon ako nagsisisi at ngnursing ako.gggrrrr!!!di ko lam na ganon pala kahirap humanap ng trabaho!dapat i-ban na nursing e.BITTER!Pati saudi (ANG AKING BAYANG SINILANGAN) naginarte pa, paimportante.Bigla nalang nghanap ng working experience dito sa Pinas.toinks!

Moral lesson...Huwag ka pipili ng course dahil uso o naimpluwensyahan ka lang o dahil nauto ka sa AMERICA at laki ng sweldo. Piliin mo yung talagang gusto mo at pagbutihan mo(naiiyak ako teka)...Seryosohin mo bawat desisyong gagawin mo dahil don nakasalalay ang pyuchur mo...Payo naman sa mga kasalukuyang nursing students, MAGSHIFT NA KAYO!!!!at para sa mga bagong pasa n nurse.naks!welcome sa mundo ng mga tambay...pwe!

1 comments:

ako.si.yow said...

Haha. Wala akong naramdaman o nabakas na bitterness pagkabasa ko. Haha. Wala ka lang kasi pa trabaho pero pag meron na proud ka na rin at tumira ka ng nursing. Balang araw mapapayaman mo din si Mudra. Haha. At pag dumating ang araw na yun? Bilin mo yung ospital ni chip nars at eskwelahan ni pader sabay tawa ng BWAHAHAHAHAHA

Post a Comment