Havaianas o Beachwalk?


Hay naku!Usong uso na ang "flip-flops"

as daily footwear ng mga pinoy. Comfy daw kasi
tsaka fashionable....Ayaw pang umamin na hindi
talaga sanay magsapatos at tsinelas lang ang
kayang bilhin.hahaha!Pagtripan natin ngayon
ang mga "flip-flops" sabi nga ng mga sosyal...
Nung nauso ang mga mamahaling tsinelas tulad
ng HAVAIANAS,IPANEMA,HOT FLOPS ang
tsinelas naging flip flops na.Pak! O siya,umpisahan na natin...
NOON...Dati pa naman uso na ang flip-flops pero hindi bilang panlakad
(panggmik,pang-alis..ya know wt i min) kundi pambahay lang. Napakasosyal
mo naman kung magsasapatos ka pa sa loob lng ng bahay.Para kang laging
may gimik pa ganon. Tawag pa non sa flip flops e stepin (step-in),tsinelas,
slip-ons etc...Mga tatak lang na kilala natin noon Beachwalk, ramboo, at islander.
Mga mura at matitibay na tsinelas. Astig na to non ang dami pang kulay na
pagpipilian(red,yellow,green,blue.ganon kadami).Para matesting ang tibay,
tinetesting ng mga magulang na tungak sa pwet ng mga anak nila.pag namula
ng bongga pwet at umiyak na parang ambulansiya masasabi nang great quality
ang nabiling tsinelas. Hindi ginagawang koleksyon non ang mga tsinelas...Kasi
ang tsinelas non e parte ng loungewear (pambahay) at best weapon mo sa
larong tumbang preso. Hindi ka pwedeng lumarga ng nakatsinelas lang...
malamang sa pagtawanan ka lang. iisipin ng mga tao non"wala sigurong
pambili ng shoes...hahaha" o basta ganon....

Ngayon...Hay naku ngayon naman flip-flops na usong tawag sa favorite
footwear ng pinoy. Usong uso pag summer, dahil sa init ng panahon pinasisingaw
ang mga paa...Ngayon payabangan na ng flip flops...Kung hindi ka nkahavaianas,
ipanema o ano pa mang mamahalin na flip flops e "jologs" ka na...Anak ng hitad
naman talaga! Pinakamababa na ang halagang 700 para lang sa isang pares ng
flip flops nila. Maraming design na pagpipilian.Talo dito ang beach walk at
ramboo.siyet!Sa dami ng design nakakaoverwhelm hindi mo alam alin pipiliin
mo!Muka kang tanga na ngeenie-minnie para lang sa tsinelas.ooops!flip flops...
Eto ngayon ang bagong trip (trend sabi nga ng mga sosyal) na gawing koleksiyon
ng mga babae o lalaki kahit bata.balak atang gawing moseo ng tsinelas ang bahay.
Eto ang new accessory...Payabangan!padamihan ng pares,pamahalan,
pagandahan.pwe!Di bale nang hindi kumain basta makabili lang ng flipflops....
watdapak!if you don't have even a single pair of the trendiest flip flops you're out...
ouch!de sige..maski..!!!!
So what!Sa karamihan ng mga kakilala ko ako nalang ata ang walang
havaianas o ipanema. Aminado akong nakahiligan ko rin ang pagsusuot nito
dahil comfy nga at no brainer pag nagiisip ng get up...Pero hindi mahalaga kung
mahal o uso flip flops ko. Ako kasi comfort over fashion.Masaya na ko sa banana
peel ko(oy!may 300 naman yon) basta nakakarating ako sa patutunguhan ko ng
matiwasay. Kahit hindi mamahalin flops ko hindi naman gaanong nakakahiya ipakita
paa ko dahil malinis naman pati kuko. Ito naman nakakalimutan at hindi
binibigyang pansin ng mga pasyonizta (pasyonizta-feeling sosyal TH). Hindi ko
naman hinuhusgahan ang mga nagsusuot ng mamahaling flip flops. It's your choice
and it is your right. right?right! Kaya lang hindi naman siguro masama na maglinis ng
kuko paminsan minsan at alagaan ang paa para magandang tignan.Nakahavaianas ka
nga para namang farmville lang paa mo! El nino sa tibak taniman pa ng palay yung
kuko at sing haba ng san juanico bridge(gusto ko lang magexagg)!eeewww....
Hygiene parin mga tol at sis. Show your passion for fashion with trendy flops pero
insert some hygiene. Para magandang tignan. A friendly reminder mula
sa nurse na tambay...yan ang NURSING CARE!

Insert NCP (nursing care plan) here for foot care/hygiene care....

2 comments:

Anonymous said...

hehehe....good good....

ako.si.yow said...

Oooh.. Like! Ngayon ko lang nabasa. Haha. Tama nga naman. Mahirap magitcha na pera para lang sa saplot sa paa na makakakita ka naman ng ibang mas mura at mas makatarungan paglaanan ng pera. Be fractical.

Post a Comment