TODA...psst psst.sakay kayo?


TRIVIA QUESTION: Mula ka sa ibayong lugar papuntang CABANATUAN,Papaano mo malalaman na nakarating ka na sa destinasyon mo?

ANSWER:Pag hindi na maalis sa mata mong parang muta ang dami ng TRICYCLE sa paligid mo....

WELCOME TO THE TRICYCLE CAPITAL OF THE PHILIPPINES!!!CABANATUAN CITY...!!!!Kung saan makikita nyo ang sandamakmak na tricycle... Ito ang basic means of transportation sa Cabanatuan. Wherever you wanna go, just ride a tricycol....pinag rhyme ko pa talaga.hahahaha!B awat kanto dito meron tricycle.. Nagkalat na parang kiti kiti sa kanal. Pero hindi ito pinagmamalaki ng mga taga Cabanatuan. Sa sobrang dami, sila na ngcocause ng trapiko. Barubal pa asta ng mga drayber.... Parang taxi ang mga tricycle dito. Walang metro pero mahal ang pasahe. Nakokontrata pa....O diba pareho!
Malakas kumita ang mga drayber ng trike. Kanya kanya pang frat yan(Toda)... Pag member ng toda at nakapila, special yan...as in special price sa mahal. Eto yung club na naghuhuntahan lang naman maghapon at sosyal dahil may sariling TV sa spot nila kung saan maghapon nanonood ng basketbol o bakbakang movie. Ganito pa eksena pag naisakay ka ng trike na from toda at hindi naaayon sa toda regulations ang bayad mo..."KASI PO NAKAPILA KAMI"...ako naman, "SINABI KO BA KASING PUMILA KA?AKO SISINGILIN MO NG MAHAL!" sabay walkout... Iiwan ko si kuyang drayber na naglilitanya ng siphayo sa pagtaas ng presyo ng gasolina at balak pa ata isisi sakin ang paghihirap ng pamilya niya...Susme! Magtrike drayber na din kaya ako..hhhmmmm!!!!Dito mo lang sa Cabanatuan mararanasan pag agawan ng mga trike drayber. Feeling mo artista ka,dudumugin ka, lahat sila gusto ka isakay. Just name your price right kundi wala sa kanila ang magdadala sayo sa destinasyon mo.hahaha!Akalain mong choosy sila...Bitchy pa!Tuloy tuloy ang mga trike drayber magsalita.Parang abogado na hindi ka man lang bbigyan ng pagkakataon na sumagot.Lilitisin ka muna niya bago magdesisyon sa hukuman kung isasakay ka. Minsan gusto ko nang hingan nalang ng questionnare para mabilis sagutan....parang exam kung magtanong!"mis mis san ka?kapitan pepe?magkano bayad nyo?ilan kayo?san ba don?pwede ba gawin niyo nang 40?"....Di pa kaya tanungin din ni kuya bday ko, zodiac sign at favorite color.tzk tzk!Magnining ning pa mga mata nila kuya pag nakitang marami kayong sasakay. Naiisip na niyang tiba tiba siya.Kaya pilit niya kayong pagsisiksikin sa kanyang wheels na mukha kayong sardinas! Pero bilib ako sa mga trike drayber. Sangalan ng pera gagawin nila ang lahat...yun lang!hindi kami ganong close para purihin ko sila kasi mas madalas inaaway nila ko dahil kulang ang bayad ko...bwhahaahahahaahaha!!!!

psst psst sakay kayo?ilan kayo?30 lng kayong dalawa o..sakay na kayo!!!




0 comments:

Post a Comment