This is it!


Serious mode tayo ngayon.Kaninang umaga o

tanghali ano mang oras yon, ganap nang nanumpa sa
harap ng
napakaraming pinoy sina vice president Jejomar Binay
at President Benigno Aquino III....Isa nanamang
makasaysayang araw para sa ating mga pinoy.

Sa umpisa ng program parang concert lang.
Iba't ibang artista nagperform ng kanya kanyang kanta
nila.hahahaha! Malamang pakana ni Kris A un...
After ng panunumpa ni P-Noy
(president noynoy) kaagad niyang inumpisahan ang mala nobela
niyang speech.... Nakatutok kami ni pogi sa TV para mapakinggang
mabuti ang litanya ni PNoy. Pero syempre interesado kami sa mga
gown ng Aquino sisters na gawa ni Paul Cabral. Agaw eksena,
magaganda mga gown lalo na ang gown ni Kris A na kala mo pinaslang
ni Paul Cabral si Big Bird ng Sesame Street para gawing gown ni Kris.hahahaha!
Maganda ang speech ni PNoy...Nagkaroon ako ng pag asa.Parang feeling
ko isa kong batang nakahanap ng kakampi. Hari nawa ito na nga ang simula
ng pagbabago para sa ating mga pinoy....Panahon nang umahon tayo at
umasenso. Pero siyempre dapat tulong tulong tayo.Hindi pwedeng iaasa
lamang natin sa pangulo ang lahat. Nagiisa lang siya, at
kailangan niya ang tulong ng bawat mamayan. Wala namang masama
dahil para naman ito sa ikabubuti ng bawat mamamayang Pilipino....
Congratulations! PNoy and Binay...Mabuhay ang Pilipinas. Panahon na ng
pagbabago...:)

0 comments:

Post a Comment