goodbye tambay?

Kahapon habang abala kami nagkakaladyaan at nagbubuwisitan ni pogi at bambitch nakatanggap ako ng magandang balita....For interview daw ako kinabukasan.Siyet!Kung kelang relax na ako at tanggap ko nang hindi talaga ko papalarin dito biglang ganon.watcha!!!!Syempere kinabahan ako...Inisip ko kabod interview.Madalas don ako sablay...hahaha!Taena kasi mga tanong, pangdoktor!

Kagabi hinanda ko na things ko(parang bata) para kinabukasan.Halong excitement at kaba nadarama ko (emotional baby)....Today nakauniform ako.Yon daw kasi isuot!I feel brand new.hahahaha!Parang feeling ko pers taym ko maging nars.Maaga ko dumating para naman good shot sabihin punctual.Pag dating ko don hinayupak pala kami sa dami at sa lobby ka maghihintay. Sa tagal ng pagtambay nakita ko pang nagmamadali si best YOW(special mention)pumasok.DI niya nga ko napansin sa kanyang pagmamadali.Di ko na din binati baka madapa pa.hahaha!Halos 9 na nagstart na iorient kami ng bahagya...Buzet! Pagdating sa room na sing kipot ng mani ni mahal(eeewwww) kanya kanyang upo kami.Mabilis ako at limited ang seats ayoko tumayo. Inabutan kami ng papers. Yung unang page puro essay.Nakanang!Writer ba inaapplyan ko?Yung mga sumunod personal info at training working info.Natawa nalang ko pagkatapos.Mukang brand new lang yung page tungkol sa working experience..hahahaha!baka isipin ni mam bastos ako.Wala talaga malalagay don kahit ipagpilitan niya...Kala ko tapos na yung nobela namin.Gigisahin pa pala isa isa...Nagtumambay muna kami sa lobby ng mga kapwa ko applicant at hinintay matawag.After 1 1/2 hours.."si PINEDA daw po..."BINGO!!!it's my time to shine.Pagpasok ko don anik anik tinanong ni chip nars.I'm bored!ang ending pinababalik niya ko para daw "makaharap si dr. capinpin".Sa pagkakasabi niya parang magtutuos kami nung doktor."Shall i bring a gun on Thursday?" naisip ko itanong.hahahaha!Umuwi ako na half contented and happy with sadness.hahaha!baliw...Hindi man maliwanag kung pasok ako sa kanila o hindi(hindi naman kasi niliwanag, ganon na din siguro yon) malamang pasok.Yes di na ko tambay.hindi nga ba?ewan! Pero nalungkot ako!Hindi na ko tambay?that's horrible.Hindi pa handa kalooban ko...Hindi ko kayang iwan ang comfortable life ko ng pagtunganga...Bitter ako!hahahaha...Nagwoworry ako na baka mapabayaan ko ang blogging at ang FB account ko.whahahaha!babaw...

O siya...Nanamnamin ko muna mga huling araw ko sa pagtambay...By the way, hindi pa ko susweldo at trainee lang ako.Kaya di ko pa to sineseryoso..whahahaha!

0 comments:

Post a Comment