Happy "F" Day









Bukas father's day na...Ngayopn palang babatiin ko na ang lahat ng ama sa buong
mundo....Effort to!Hindi ko naman to sincelebrate at si erpat parang action star
na MIA.hahahaha!Kaya tong entry na to hindi ko alam pano gagawin sa totoo lang.
Di ko na kukwento detalye at nirereserba ko yon para sa MMK pag wala na talaga
ko mapagkunan ng pera.hahahaha!

Ang tatay ang tinaguriang haligi ng tahanan..Tagapagtaguyog ng pamilya.
Hindi kumpleto pag wala sila.Hindi ka rin lilitaw sa mundo kundi dahil sa kanila.
Kasi....Ayoko ng sex education, wholesome ako dito.Bahala ka na magisip!
hahahaha....Ang mga ama bukod sa nanay ang takbuhan natin pag tinutukso ka ng
mga kalaro mo. Kasi gusto mong ipabuntal sa tatay mo!Si tatay din ang kakampi
mo pag may gagawin kang kautuan na malamang pag nalaman ng mahigpit mong
nanay patay kayong dalawa.At least may karamay ka!hahahaha...Si tatay ang walang
mintis na ipapahiya ka sa manlilgaw mo para lang makilatis maigi ang mamanyak sa
gratest creation niya.Si tatay ang tagapagturo ng tricks sayo pagdating sa panguuto
ng babae...Si tatay magulang, kapatid,bespren, kaaway,kalaro mo...etc!

Kaya naman sa lahat ng ama, nagpapaka ama, ama amahan, ama namin,
AMA computer college, ama-teur etc! Kahit ano pa tawag natin Dad, Daddy,Tatay,
Erpat,Dude,Papa,Fafa,Pudra, sa inyo HAPPY FATHER'S DAY AT SALAMAT PO.

Gusto ko lang icongratulate ang sarili ko na naisulat ko to ng matiwasay...
Hahahaha! Para naman sa tatay ko, dadddy kung buhay ka pa sana masaya ka
kung nasaang kandungan ka man Happy Father's day. Kung dedbol ka naman na RIP
happy father's day parin...hahahaha!no hard feelings tol.

Para naman sa MOMMY ko!HAPPY FATHER'S DAY...ikaw ang nanay at tatay ko.
Huwag kang matouch o maluha sa mensahe ko.kadiri...hahahaha!Saludo ko
sayo.Salamat ng marami. "I lalalalalovvvvveeee you...mwah!"

1 comments:

ako.si.yow said...

Nakang... Eh cheesy. Haha. Like.
Wala bang hard feelings? Parang ang labas sa ilong pagkakasabi. Nyahahaha.

Ayaw mo ng sex education? Fun kaya yun. Haha.

Post a Comment