trabaho hindi lalaki...!!!!

Hapo ang inyong lingkod nitong mga huling araw...Kahapon pa ko umaatend ng birthday party ng anak ng mga kabarkada ko since highschool. Akalain mong hindi na basta birthday ng bawat isa sa barkada ang agenda kundi mga anak anak na nila.Pakirmadam ko tuloy ke tanda ko nang tunay.hahahaha!

Sa ngayon paramihan na sila ng anak. Pinakamarami na ang 2..Minsan hindi na ko makrelate sa usapan at pang magulang na topic "saan mo pinasok na school?" "anong gatas pinainom mo?" "dapat pinachek up mo kya dr. (insert best pedia for you here)"...Para lang akong timang na nakikinig sa kanila. PTA meeting ata naatendan ko!

Pag natahimik na ang mga magulang at wala na mapagdiskitahan, ibabaling nila ang buong atensyon nila syempre sa akin...woohoo!!Ako nanaman ang bida.Ang star of the night!Ang main attraction sa zoo.Dahil walang murirat nilang uusisain ang non existing kong love life....Kung akong me katawan hindi nagiintindi sila naman kala mo requirement sa buhay yon na pag wala kang bf hindi ka tatanggapin sa langit!Ang lovelife ko ang paboritong topic nila pag naubusan na talaga ng libangan.Para lang akong mani sa lamay na di nila tatantan....Bilang pangaasar pa at huli na ko sa palahian kukulitin pa ko kelan mgaanak..Anak ng tinapa!Wala na nga syota mag aanak pa.gagawa ako magisa?magic?!ay lokohan...Utang na loob.Sarili ko nga di ko mabuhay magdadagdag pa ko ng bubuhayin ni ermatz?hahahaha!no thanks....Malamang nagpapagraduate na ng college ang mga kaibigan ko, ako naman ngpapapasok palang ng nursery o nagbubuntis palang.whahahahaha!

Mahalaga sakin ang pera kesa lovelife...Oo diba sabi sa inyo mukha kong pera.Ipagpapalit ko si utol sa pera.whahahahaha!!!!!Sasabihin ng marami money can't buy happiness ako naman love can't buy me groceries...whahahahaha.....Marami kasing mahalagang bagay kesa sa lalaki.Mas uunahin ko na ang trabaho. Tutal hindi naman ako kayang busugin ng lambing at hindi ko pwede ipambili ng ang pagmamahal...hahahaha!Saka ko na poproblemahin mga yan.Uubra pa naman siguro matres ko kaya walang dapat ipagmadali.kaya steady lang kayo diyan.Hold your application forms...Update every now and then, at hintayin nalang ang tawag ko for interview.whahahahaha!

REMINDER: HINDI NAKAKAMATAY ANG PAGIGING SINGLE...MAS NAKAMAMATAY ANG WALANG PERA...LOL!!!!

0 comments:

Post a Comment