Balik Eskwela

Tares!Napakacorny ng title...Hindi man lang pinagisipan. Parang taeng lusaw lang na kusa hindi mahirap ilabas...yak!


O eto na...Naisip ko lang pasukan na kaya gawan ng post. Trip ko e! Isa pa isa to sa mga bagay na hindi ko na naeenjoy dahil graduate na ko.. From an effin student to a professional tambay! OHA!!!!successful... Kaya magrereminisce nalang ako. parang matanda lang..

Pasukan na! woohoo! Syempre excited na mga bata ko.... Bago nanaman kasi mga gamit. orayt! yon ang mahalaga kasi sa sudyante... Kala nyo ba may paki sila kung matututunan sila o wala? na uh!ya got it all wrong...hahahaha! Ang first day of school ang pinakamahalagang araw sa buhay ng mgaaral... Reunion to ng barkada.Tamang kamustahan kala mo isang dekada di nagkita kahit arw arw mgkatxt ngcchat pa sa FB (tamaan ka!alam mong tama ako..hahaha) pero pagnagkita alangya kala mo pinaglayo ng tadhana.

First day of school mayari ang kamustahan eto na... Pa angasan na ng goods (new stuff). Pagandahan notebook!
student 1: ganda ng notebook ko o...kumpleto sila gu jun pio! (nakaismid pa yan a)
student 2: eeewww...yuck!so baduy. mas cool notebook ko...manila ko pa binili.ha! (sabay
pakita notbook,cover nya kumpleto F4 kasama JAN DI..FUCK!)

Kasama na diyan magpapagandahan ng shoes, bags, cellphone, damit at anek anek pa! Kala mo fashion show ang pinuntahan at hindi school. Pamahalan pa yan! Alin ba mas astig ang brand... Tuwa pa kayo! Di nyo na inisip pakahirap magulang nyo para diyan...wwwwoooaaaahhh!!!!nagmamalinis ako.hahahaha!

Syempre this is the very essence school.....Pinakaimportante sa lahat! inaabang-abangan parang NFA rice....everybody say it with me. with feelings please..ALLOWANCE!!!!!!!!!!!!!!wwwwwwwwooooooohhhhhhhoooooooooo......Ala nang mas hihigit pa diyan. Plastik magsabing hindi...mamamatay ka pag wala nyan! Tulad ko na wala na niyan...Laging nasa bingit ng kamatayan.hahahaha!

hay!nakakamiss talagang maging studyante...pero seriously ang nakakamis lahat ng sinabi ko sa taas. Higit sa lahat nakakamiss madami ka natututunan kahit akala mo wala..Kahit ang pansin mo nakatuon sa hiwa ng pwet ng kaklase mo na natatanaw sa pantalon, meron at meron kang matututunan. Kaya habang kayo mga nag-aaral sulitin nyo at pagbutihan nyo.. Kahit pagkatapos niyo hindi din kayo makakahanap ng trabaho (blue jeans)..hahahaha!

welcome back to school class 2010.....!

0 comments:

Post a Comment