Teacher ano ba talaga?

Namimiss ko maging college student...Namimiss ko maging student.period!Wala na

allowance e.hahaha! Hindi naman ako model student....Di mo ko maririnig magsabing "nagsusunog
ako ng kilay" mana pa "nagsusunog ng baga" (actually hindi din)...Di ako kasipagan talaga. Papasok
lang ako sa paaralan non dahil obligado hindi dahil gusto ko.NOTE: malamang pag nabasa ni ina to
madidismaya yon "inaaksaya mo lang pera!"hahahahahaha!....Malakas lang ako mantrip non.
kaklase, kaeskwela (magkaiba yon uy!), pati teacher...Kaya bigla ko naalala si ma'am tootooot!!
Tawagin natin siya sa pangalang mrs. F...ala lang.kasi siguro ung P niya F...tsk tsk.guro pa naman.hahaha!sorry po...Maganda si mrs. F at mabait...Kumplikado ang subject na tinuturo niya.
Isa siya sa mga dahilan ng pagdududa ko sa sarili kung "nababaliw na ba ko"..Isang araw busy siya ngdidiskusyon at as usual nililito mga delicate and fragile naming pagiisip (mahinang utak)...Hindi
ako nakikinig gaano.Ewan ko parang bangag ako nung araw na yon...Sabagay talent ko na din magshut down parang computer pag di ko na naiintindihan sinasabi ni mrs. F....Nagsnap out (sosayal)lang ako sa pagmumuni muni nung marinig ko siya na sabi "so class hindi totoo ang pasma, tignan nyo ang mga athletes after a game or fractice (practice) naliligo kagad.." tapos tuloy tuloy lang siya sa pagdiscuss na di tunay ang "pasma"...nagbibigay pa example mga kaklase ko na kala mo batang pag nakasagot my kendi...che! out of the blue bumanat ako, testing lang "ma'am e yung maliligo after mamalantsa di nakakapasma?"in ur peyz..answer that! natahimik mga epal kong kaklase.Eto sagot ni mrs. F "ay wag naman after mamalantsa.mapapasma ka.."...Siyet! Nagisip din mga classmate kong epal. nagduda din ata..Napaisip nalang ako na ginagago ako ni mrs. F...kasasabi lang niya na hindi totoo ang pasma. Joke ba yon?! Pinagkatiwala ko sa kanya ang edukasyon ko tapos niloloko lang nya ko?hahahaha! Di nalang sana niya sinabi kasi na di totoo pasma...Napagtripan ako ni ma'am napagtripan ko din siyang ilagay sa hot seat ng di oras.hahahaha!pasensya na....ano ba talaga kasi? tsk tsk...

Kaya wag kayong maliligo pagtapos niyong mamalantsa...eto seryozo, dahil mainit magddilate (lalaki o luluwang) mga veins nyo mabilis daloy ng dugo..pag naligo ka kabod,malamig tubig biglang magcoconstrict (kikipot) veins mo.mabibigla....ung mabilis na dugo biglang dadaan sa makipot na daan. mgcacause ng panginginig ng kamay mo na tinatawag nating pasma! malabo ba?basta ganon...p di ba educational pa?itama nyo nalang ako kung mali ako.hahahaha!

2 comments:

Pepay said...

kalerky naman si miss f...LOL

2ngawzki said...

true...echuzera charotera zya...hahaha!

Post a Comment