petot!!!

Wala akong maisulat....Ilang araw na kong pumapasok sa hospital bilang isang volunteer.Wala pa mang nangyayari nahahapo na ko...amp! Puro orientation at observation lang muna. Napapagod ako sa wala.Para lang din akong nasa bahay na nakatunganga lang...hahahaha!


I need more energy para happy....Limang buwang kong bubunuin ang pagvovolunteer. Muli nanaman akong magpapakapagod at magpapaalipin ng walang bayad.Mayaman kasi ko e.Ako pa nagbabayad para magsilbi sa kapwa...Parte ng buhay ng isang nurse.hahahaha! Magpapakitang gilas ako ngayon. Kung kailangang bumuga ko ng apoy o tumae ng diyamante pipilitin ko mapasok lang ako.desperada?hahaha!Pag hindi pa naman ako mapasok nito tiyak TITIBAGIN ko ang ospital nila...hahahaha!Sama talaga ng ugali ko...

Dahil ako'y pagod and uninspired, yan lang masasabi ko....Diyan ka lang! Gagawa ako ng mahilab hilab na entry pag nakarecover na ko.Steady lang kayo...For the mean time ibaling niyo ang atensyon nyo sa blog ni best yow, bambitch at mukay (FREE ADVERTISEMENT PA KAYONG 3)....Hanggang sa muli.paalam...

0 comments:

Post a Comment