Pamintas

Musmos palang ang inyong lingkod(malalim?) pinangangaralan na ko ng matindi ni mother dear..MOMMY:anak wag ka namimintas ng kapwa mo.masama yon ha?mabait yan diba? AKO: oooopppooooo(tono pataas tapos bababa then fade)...Pero dahil matigas ang ulo ko at dakilang ungas talaga hindi ko siya pinakinggan.


Ewan ko ba.Dakilang pintasera talaga ko.Kung bakit kasi hindi ko mapigil sarili ko..Nakalakhan ko na at hindi ko maalis.Lahat nalang may pintas.Hahahaha!Walang patawad.Kahit si pogi walang ligtas.Dahil bigatin si utol non lagi kong binabalahura timbang niya.Pahiya ako kasi ngayon sexy na ampota gumanda pang hamak sakin.Peste talaga mga kapatid.O anyway,ayon pintasera nga ako...Pero promise pinipigil ko.Aminado naman akong hindi magandang ugali yon...E kaso ano nga gagawin ko!Itatawa ko nalang kesa iutot ko yung thoughts ko...hahahahaha!Parang pringles.Once you pop you can't stop.Lumiligaya ako sa pamimintas....Damoho!Palibhasa nasa lahi narin diba mommy?hahaha!Hindi ako kagandahan pero wag ka nga!namimintas ka din..wag kayo magmalinis..kaya wag nyo ko husgahan.hahaha! Sa kasamaang palad nahawa na din ata mga kaibigan ko sakin...tsk tsk.Dahil sa impluwensiya ko nakagawian namin nung college na pag walang pera e tumabay sa mol para mambiktima....Uupo kami sa may food court kung saan madami dumadaang tao.Hihilera kami na animo judge sa contest at walang awang yuyurakan ang pagkatao ng inosenteng bata, matanda, babae, lalaki, beki, borboli, magsyota,pamilya,mag-ama, mag-ina at samut saring tao!Maghapon ganon lang.Pag nabitin kami sa huli kami kami na ang mgpipintasan...hahaha! Masaya na ko ganon lang..babaw talaga....

Tao nga naman.Kala mo perpekto.Lahat nalang may pintas at puna....Lahat may mali. Di maiwasan...tsk tsk!Bakit nga ba? Pero alamin din ang limitasyon.Mamimintas ka man sarilinin mo nalang tulad ko ng di ka nakakasakit ng damdamin....Walang bastusan.Kaw man pintasan ng harapan tignan ko lang kung di ka makamassacre ng di oras.hahahaha! Pero tama si ermats.Masama ang mamintas ng kapwa mo.Wala namang perperkto kundi si perpekto yasay!corny i know...but i know you know what i mean...Hindi lahat naaayon sa panlasa mo. Pero kung di mo talaga mapigil, try hard na wag nang ikalat pa ang hindi magandang naiisip. Kung wala kang magandang sasabihin then just zip it!

Sa mga taong napintasan, napipintasan, pipintasan, at patuloy na yuyurakan ko, (sa isip lamang) patawad...at maraming salamat dahil napapaligaya nyo ko at naiibsan ang mga problema ko.O di ba nakakatulong? Hanggang sa uultin kong pambabalahura...hahahahahaha!

1 comments:

ako.si.yow said...

Ayun naman oh. Bait baitan. Nyahahaha.
Bakit nga ba kasi ang pangungutya ay masarap isineshare? Sharing of thoughts... Ayus lang yun. Wag ka na maguilty. At least nakapuntos ka na kay san pedro..

UNGAZ offenses:
Judgmental = ||||||||||||||||| (ooooh, mabenta)

Post a Comment