Oh no you didn't


MAINIT ANG ULO KO!Banas na banas ako ngayong araw na to...Ngayon ako mgpapagawa ng medical certificate na hinhingi ng ospital sakin para sa taining. Bago ko umalis ng bahay lumaklak na ko ng isang drum n tubig para pagdating don madali nalang umihi.Maaga ko umalis para hindi ako abutan ng lunchbreak at mabulok don.Pagdating don nagpakuha kagad ako ng dugo at sakto naiihi na ko nagbigay ako ng sample ng mainit init at fresh kong ihi sa laboratory.Last na!Xray nalang...After 1 hour makakauwi na kako ko.Pagtapos ng xray sabi sakin ng technician maghintay daw ako.Hindi niya sinabi kung ilang oras..."mga 1hr po?" sabi ko.Ngumiti lang siya at hindi kinonfirm. Litang kaya siya?lumabas nalang ako at naghintay sa lobby.After 1 hour binalikan ko yung labs ko.Ayos naman...Normal lahat.Binalikan ko yung xray ko.Wala pa...Wala pa daw kasi yung mgbabasa.Hintay nanaman ako!Inabutan na ko ng lunchbreak.Malamang matagal pa ipaghihintay ko!Natapos na lunchbreak pati ata dinner break wala pa rin!ANAK NG TINAPA!Nakaisang gabi na ko sa lobby.Nagpaconfine na sana ko para nasulit araw ko!Hindi na muna ko naglunch at nagtitipid ako.Sa bahay nalang kako ko kakain!Makalipas isang dekada wala pa din!DAMOHO!Sa bwisit ko umalis na ko.babalikan ko nalang mamaya.Mamamatay na mga alaga ko sa tiyan.

Bumaba ako ng jollibee at hayok na talaga ko.Parang talagang nangaasar si Bro..Kinuha ng babae order ko.Pinili ko na pinakamura.Eto ang nakakainis...

girl: ma'am ano po drinks nila?
ako: sprite na lang na regular
girl: ma'am sorry po coke lang po available
ako: (tahimik lang...w8*&%&%*%*%$*$%(^*$#^(^)

Hinagilap ko lahat ng pasensya sa buong mundo para lang mapigil sarili ko na sakalin ang kawawang babae sa harap ko!WALA PALANG IBANG DRINKS TINANONG PA KO KUNG ANO GUSTO KO!!!!PAPATAYIN KITA TALAGA!!!!

Tinake out ko na at napagdesisyunang sa bahay ko na titirahin order ko.Iwas na din na makapatay ng kapwa...Nahimasmasan lang ako paguwi ng matikman na ang langhap sarap kong jollibee.Pumayapa na din ang nagrerebulusyon kong tiyan.

Eto ang mensahe ko doktor na babasa (hindi pa nya nababasa tinitira ko na siya patalikod) ng xray ko...Para kayong multo na lilitaw lang kung kelan niyo gusto at anong oras niyo gusto.Inaaksaya niyo lang ang panahon ng mga tao. Sayang lang ang binabayd sa inyo!Dahil sa sama ng loob ko naisip ko na you are so incompetent and unreliable that you shouldn't be a doctor!(Nose bleed)...Gawin na nating internal bleeding to!Hindi ko kaya.ako din mahihirapan.hahahaha!Kung ayaw niyo gawin trabaho niyo,magresign nalang kayo!Kahihiyan kayo sa lipunan...Nakakahiya kayo na pinaghihintay niyo pasyente nyo. Makakarma din kayo!BWAHAHAHAHAHAHAHA.....DAPAT SA YO IKABAONG!HAHAHAHA

2 comments:

Yow said...

So yun pala ang relevance ng kabaong na picture? Haha. Nagaabang ako ng kabaong nasa dulo pala. Sana nagself-interpretation ka na lang nung xray mo. Anu lang ba naman makikita mo dun bukod sa scolio mo? Ahm.. Asthmatic lungs. E di natapos ka sana. HAHAHAHA.

simple. pandagdag inis lang. haha

2ngawzki said...

hahahaha!nagpakadoktor pala e..hahaha!mwah

Post a Comment