Will You Marry Me?....A charity case!


                Pebrero taong 2000…Buwan ng mga kulang kulang (wag na umalma…in denial pa a!). Isinilang ang kauna unahang pamangkin ko………sa pinsan (walang matres si Greta para mabuntis!). Anak ng pinakagurang pinaka ancient pinakamatanda (wala nang ibang term talaga para diyan!) naming pinsang si BOGA*

           PIA* ang pangalan ng  napakagandang sanggol na mana sa ninang na Ungaz (ehem!) na bunga ng maagang pagtugon ni BOGA sa matinding tawag ng........calling ni Lord. Immaculate conception! PAYN!

           Si pia ay ipinanganak na maputi resulta ng diet na sprite at siopao ni Boga nung naglilihi. Naniniwala akong epektib ang diet kung gusto mong pumuti ang ipinagbubuntis mo at walang kukuhanan ng puti kay Boga no!(wag na kumontra boga). Cute naman ang naturang sanggol kahit tatatlo hibla ng buhok at parang laging sumasagap ng signal ang tengang harang.Anyway, isa ako sa mga napiling ninang. Isang pagkakamaling nagawa ni Boga.

           Teenager pa ko non..Preysh na preysh at super virgin sa pagiging tita at sa pagiging ninang. Kaya naman excited ako at ako e napili. Plus natutuwa naman ako at may dagdag na maganda sa pamilya bukod sakin. Nakakapagod ding ako lang maganda sa pamilya sa tinagal tagal.Kidding aside, masaya lang talaga ko truly madly deeply...blah blah blah!

           Sa sobrang saya, taranta, bugso ng damdaming malibog kangkarot teenager (hindi nagiisip), bumugso din ang kaUNGAZan ng bibig kong walang kasing saluyot sa dulas. Nasambit ko ang mga katagang "PAG 30 NA KO AT WALA PA KONG ASAWA AKO ANG SAGOT SA DEBUT NI PIA*!"...O e di napotashet na buhay ko! !Fotaness! Parang tinaningan ko buhay ko sa ginawa ko. Para na kong FRESH MILK na may expiration date...

           Sa kasalukuyan e 20 21 25 years old na ko....Nalalapit na ang takdang panahon wala pa kong makakaladkad sa altar. Kung sa pagsapit ng aking 30th birthday wala pa kong lalaking nauuto, nauupahan, nagagahasa o nabibili non,gagastos ako ng halagang katumbas ng isang bonggang kasalan para sa debut ng pamangking hudas! Dagdag stress sa nanunuyot kong matres!Pak diz! Maswerte lang talaga ko sa lablayp e no. Pahamak na buhay to!Meron ba kong mauuto diyan bago pa mahuli lahat?Hahahahahaha!!!Wag na uy!Maske!!!!

            Joke lang naman kasi sinabi ko e sineryoso masyado ng hitad na Boga. Hindi kaya niya naiisip na PROMISES ARE MEANT TO BE BROKEN?Uto uto din e no?Bwhahahahahahaha!!!!

            Wala naman akong balak tuparin ang sinabi ko...Bakit?!Wala ba kayong nasabi na dala lamang ng damdamin?! kam on!Tao lang din ako...

              MORAL LESSON: THINK BEFORE SAYING SOMETHING....

                         * Ungaz (25) ,Pia (12) at McDo (4) naglulupa together...

11 comments:

Bino said...

nasabi ko din sa sarili ko pag dating ko sa edad na ganito ay di na ko magaasawa. ayokong tuparin hahaha

YOW said...

HAHAHA. Yan na nga ba sinasabi ko. Ang hirap naman ng kundisyon na binigay mo. Alam mo namang nakatakda kang i-alay sa Bertud pag gunaw ng mundo, hindi ka dapat mag-aasawa. Hahaha. Ikaw ang natatanging pag-asa ng mundo. Anu ka be!

an_indecent_mind said...

napasubo ka tuloy! sfell presyur!! hahahaha!

KikomaxXx said...

hahaha may 5 years ka pa... madami pa dyan... hahaha

Traveliztera said...

Pag nakikipaglaro ka sa mga bata, talagang pati buhok mo dapat nakikitema noh? haha!


At kaladkarin mo na si DJ! hahahha!

hArTLeSsChiq said...

yari tayo diyan, napasubo ka tuloy... hahahaha

may limang taon pa, kaya pa yan!

Ungaz said...

@Kuya bino- aaaayyy...wag na!ganon na rin yon.hahahaha!

@Yow- E kung ikaw ialay ko sa bertud!LOL.Si greta kasi malabo nang ialay.karelasyon na niya ang bertud.choz!Hahahahah!!!

@an_indecent_mind- e balahura ako kausap...pano yan sori nalang pmangkin ko.hahahaha!

@Kikomaxxx- at talagang mageeffort ako?sige...tinatamad pala ko.hahahaha!

@Traveliztera- hindi nakainom ng gamot e kya gnyan ganap ng hair.hahahaha!!! Si DJ?!brother un...baka sakalin ako non.hahahaha!!!

@hArTLeSsChiq- kahit 10 years pa di ako eeffort.hahahaha!wa pakelz pala e.Ipagdasal nyo ko.LOL!

glentot said...

Baka mas makatipid ka pa kung bibili ka ng lalaki keysa sagutin ang debut ni Pia! Go bili na!

Ungaz said...

@Glentot- any suggestions wer ako mkakabili?hahaha!!!

glentot said...

hanap ka sa sulit.com LOL

Ungaz said...

@Glentot- buset na to...natry ko na wala.hahahaha!!Joke!sa CDR King kaya idol?LOL

Post a Comment