electroCUTEd

             Likas sa bawat bata ang pagiging makulit at mapaglaro.... Lahat ng bata dumaan sa pagiging hyper na parang sobra ang energy walang paglagyan..At dahil bata, inosente, hindi alam ang tama sa mali. Wa pakelz sa mundo. At hindi nilagpasan yan ng batang UNGAZ!!!!


             Si Ungaz ay made in IRAQ....Joke! I am born and raised somewhere out there. At dahil nagiisang anak pa ko ng mga panahon yon, sanay akong nakukuha lahat ng gusto ko. Gusto ko ako lagi bida.... At saka bata palang ibang klase na ko magpakita ng affection. Masakit ako magmahal.... Nananakit.hahahaha!!!


             Nang unang mapadpad ang cute na Ungaz sa Pinas para magbakasyon, ako ang bida dahil bagong salta. Siga kahit wala sa teritoryo ko. Ang nakakalaro ko lang non ay ang apat na nakatatandang pinsan.... Si Quin, ang punong diablo..Lider ng bataan. Kung nasaan ang tae andon ang mga langaw...Pag sinabi niyang tumalon ka sa ilog, gawin mo! Si General, the quiet geek na nasa loob kulo, si Nanasur ang all out sa kabugukan bata palang alam mo nang problema to one day (di pa kagad nasense ng mga tita ko)...at si Princess. Ang sweet girl na parang laging gulat sa laki ng eyes at maraming pets na kuto. Yan talaga mga nickname nila... Walang kinalaman sa pagkatao nila....hmp!


             At dahil ako pinakabata, lagi akong OP. Close na sila tapos ako bagong salta lang tapos buret pa....Deadma ko lagi. Laging saling ketket.BOO! Para mapansin nila ko pinakita at pinaramdam ko ang sweetness ko sa kanila. Panay lapit at sunod ko sa kanila. Tapos....Kabog sa likod!Tadyak sa gilid!Batok at dagok!Tuktok ng bakya sa ulot!At kung ano ano pang pangkakaladya. Lahat yon laro lang para sa akin...Nothing personal. bwhahahaha!malay ko bang magagalit sila at naghahanap ng magandang pagkakataon para makaganti..


          Isang gabing malagim, kinaladkad ako ng mga "ate" at "kuya" ko sa bahay ng isang pinsan....Oo,close na kami,Gabi na nasa galaan pa ang musmos na Ungaz. At dahil mga nakatatandang pinsan ang mga kasama ko, kampante ako na uuwi akong buhay....huwat a lie!!!!!


              Sa una laro laro lang ata muna kami (hindi sure??!!!)... Basta natatandaan ko nalang bigla akong inabutan ng punong diablo ng isang metal na ordinaryong susi (may plastic bang susi?!). Ako naman si tanga nagtataka...Para saan kaya ang hinayupak na susi?May treasure?! True enough nag-iba ang ihip ng hangin. Biglang naging parang game show ang eksena. Humilera sa di kalayuan ang tatlong kumag na sidekick ni punong diablo habang kaming dalawa e parang host at contestant. Siyempre ako contestant... May ineexplain ang host (si punong diablo). Ipasok ko lang daw ang susi sa "susian" at bubukas ang mahiwagang pinto sa tapat at lalabas ang maraming KENDI!!!!! i was like...HHHHUUUUUWWWWAAAAWWW!!!!CANDIES!!!Ako na patay gutom... O anyway sinong bata ba naman ang hindi nahumaling sa candy? Naisip ko, gow na. Pag nagbumaha ng candy isheshare ko sa mga pinsan ko.. Pampalubag loob sa pambubugbog ko sa kanila sa araw araw.... Pero bakit kaya i have this feeling na wag susian ang "keyhole"??!!!!

             Suspense ang susian portion.... Parang laban o bawi. Ipapasok ko ba  o hindi?(ampanget!)... Habang patumpik tumpik ako, nagchcheer lang ang tatlong kumag na sidekick. Something tells me mali talaga to e. May halos isang oras ata kaming naguutuan ni punong diablo para lang susian ko na. Nang mapalingon ako sa tatlong kumag na sidekick...Bakit kaya nagtatalukbong ng kumot yung isa???!!! Hanggang sa...Sige na nga. Nang matapos na. Isaksak na ang susi sa keyhole!!!1...2...3....tsuuuk!!!


            ----------------------------!!!!!BIGLANG BLACKOUT! Nawalan ng kuryente? Hindi, NAKURYENTE AKO!!!! Nagdilim lang pala paningin ko...Ang putres kong mga pinsan na pinagkakatiwalaan ko ng buhay ko, nilinlang ako.  Ang sinasabing "keyhole" e electric outlet! iba lang itsura!!!! At ang inaakalang munting pintong lalabasan ng candy ay crack sa dingding na hugis pinto daga (yung sa cartoons)!!!! Kinuryente nila ko....SIIIYYYEEETTT!!! Para kong nasilya elektrika... May nginig na dulot sa pakiramdam!!!


            Habang ako e in shock, (literal) dumadaloy sa pisngi ko ang mga luha habang nakaharap sa punong diablo at mga sidekick niya na nagtatawanan na kita mo na anus nila from the top kung makatawa!!!!Parang hindi nila ko muntik nang mapatay earlier(May tendency talaga maging kriminal yung mga yon). WWWHHHYYY???Ako na kawawa... Mukang wala sa itsura nilang ihahatid ako pauwi kaya naman i grabbed my super luwang na pajama (bat kasi yon pa naisuot) at sabay takbo pauwi umiiyak kahit deep inside takot na takot akong biglang may magpop out na halimaw sa dadaanan ko!!!Ako na batang mapride.... 


             Pag uwi ko di ko na alam nangyari. Panay lang iyak ko. I felt so betrayed sa murang edad ko kung alam ko nga yung feeling na nabetray.hahahahahaha!!!! Di ako makapaniwalang ang sariling mga kadugo ko pa at mga tinitingala at minahal ang gagawa sakin non...Oo may poot talaga ko. Makaganti lang o. Bata lang ako e...bata..Batang bayolente!pasensya naman... 


             Paano nga kaya kung di ko nabitawan kagad yung susi? Pano kung natuluyan akong makuryente at natuluyang mategi boom boom?! KARMA'S A BITCH....really.


             At dahil diyan, binabalaan ko ang aking mga pinsan...INGATAN NIYO ANG INYONG MGA SUPLING....Lintek lang ang  walang ganti.BBBWWWWAAAAHHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!
            



Ang mga frustrated murderers ko kasama ang aming dear lowla...KALA MO KABABAIT NG ITSURA!!!!CCCHHHEEE!!!!MURDERERS!!!!hahahahaha...



7 comments:

YOW said...

HAHAHAHAHAHA. Parang naikwento na to sa akin ni Gretalyn. LOL. Back at ya! Tanga tanga, galing pa man din ng Saudi parang walang electric outlet dun. Hahaha. Wag mo kay Mcdo igaganti, kawawa naman. Parang alam ko na kung ano ipapasalubong ko sayo pag umuwi ako diyan. Yung pangkuryente ng kriminal? Ano ba tawag dun? Hahaha.

Bino said...

sabi ni bob ong ang ibang term ng nakuryente ay nadagitab. kaya wag ka'ng sisigaw ng nadagitab ka dahil ilan lang ang nakakaalam nito at baka di ka matulungan hehehehe

KikomaxXx said...

hahaha.. tama... hahha talaga palang nung kabataan mo pa ang pagiging tanga-tangahan mo ano ungaz.. pero hay nako kahit pa pala noon may mga bullies na.. ahahhaa

Supladong Office Boy said...

aha! sa saudi ka pala pinanganak ha!!

bwahahahahaahahahahahaha!!

Michael said...

So, may lahi ka palang Arabo? LOL! :D

glentot said...

Just goes to show na ang masamang damo hindi basta-basta namamatay. Kaya pala nagkaganyan ka Ungaz... Now we know... LOL ahihi

Ungaz said...

@Yow- Taser! Ewan ko lang kung tama spelling ko...bwhahahahaha!!!

@Bino- Effort naman sabihin word na yon tapos bihira pa nakakaintindi...hahahaha!

@Kikomaxxx- Masyado lang kasi ko magtiwala.hahahaha!

@SOB- sa dinami dami ng sinabi ko yon lang ang nakuha mo?skip read...bwhahahahaha!!!

@Michael- isa pa to.hahahaha! Wala akong lahing arabo kahit hibla!

@Glentot- Awwww...sweet! Che! Makuryente ka din sana.hahahahaha!

Post a Comment