Bigat

            Kasagsagan ng bagyong Pedring... Aburido ang Pilipinas. Abala ang buong bansa paano aakyat ng kanya kanyang bubong. Nagugulumihanan ang mga estudyante kung papasok o hindi sa kabila ng mala tornadong hangin sa labas(gahaman sa baon). Ang mga papasok sa trabaho hindi makapasok dahil walang masakyan at nilamon ng tubing ang mga kalsada (nakahanap ng excuse para umabsent). Busy ang mga tambay sa pagupload ng pictures ng baha sa FB habang sila mismo e nakalublob sa baha. Nageenjoy lumangoy ang mga bata sa baha kasama ng mga basura at mga bagay na di mo dapat kasama sa pagswimming(YUCK!!!!). Nakuha pang magpapicture na nasa bubong todo smile pa(so wat daw naka dSLR naman!)... May mga naka side B na ang underwear.May mga lumalakad sa baha na kala mo namamasyal lamang sa park(malakas ang paniniwala nilang immune sila sa leptospirosis). May mga ateng para maiwasang mabasa ang palda, nililis ang palda pataas di na namamalayang kita na kipay niya(mabasa na ang kiki wag lang ang palda.bright!)...May mga pumapasok na hinahabol ng plantsa dahil walang kuryente hindi nakapagplantsa. May mga magsyotang nag-away dahil atat makatanggap ng text e delayed nga ang dating ng messages. May mga nahuli ng asawa sa Sogo may kasamang kabit at nastranded dahil baha na din sa Sogo.

            Habang lahat ng yan ay nagaganap, Habang unti unting nabubura sa mapa ng Pilipinas ang Cabanatuan, prente lang ako sa bahay. Walang masakyang biyahe papuntang citey kaya absent. At dahil sa gubat kami nakatira maraming trees na sisipsip ng tubig kaya ang baha dito hanggang dibdib lang naman....ng ipis! So far maghapon ayos ang cable, hindi nawalan ng kuryente. Parang hindi kami kasali sa bagyo(tampo pa ko?!). Habang namamatay sa kunsume ang mga kasamahan namin sa unit sa duty dahil ang dami naming absent e relax lang si Ungaz sa piling ni mommy V... Habang naglilimas ng mga gamit at tubig ang mga kaibigan kong binaha, nililimas ko ang mga cabinet ng mga chibog. All in all masaya ako kahit delubyo na sa citey at sa ibang parte ng Nueva Ecija.... Kebs lang!!!!

           Pero ang saya ay napalitan ng matinding kalungkutan... Papatulog na kami ni mommy V nang....


Mommy V: AAY!!! D****...Yung mga isda o!
AKO: (Dali daling lumabas ng kwarto at nagulat sa aking nakita!) MOMMYYY hindi!!!hindi!!!mommy!!!!naman e!!!!bakit?!ano ginawa mo?! (o diba nakuha ko pang manisi ng inosente)
Mommy V: Aba wala! Pinakain ko pa nga...


           Ang aming 3 beloved parrot fishes ay nagfofloating na sa aquarium...Hindi dahil trip lang nila kundi dahil patay na sila. Siyet! Saklap...Napaupo nalang ako sa sahig at nakatitig ng matagal sa mga lumulutang na bangkay sa aquarium. Hindi parin makapaniwalang patay na ang mga alaga. Hindi din namin alam bakit. Biglaan ang mga pangyari. Bigla nalang tuloy akong napareminisce... Naaalala ko pa nang una namin silang iuwi sa tahanan. Nung araw na hirap kaming pangalanan sila (TANGA kasi mukang tanga MATA kasi medyo luwa mata niya yung isa NAMELESS nakatamaran nang pangalanan)... At higit sa lahat di ko makakalimutan ang mga panahong nagtiyaga silang pakinggan ako at samahan nang mga panahong nababaog na ko sa depression (oo kinakausap ko ang mga isda?!kabado lang minsan baka biglang sumagot).. At di ko malimot ang lahat ng mga pinagsamahan namin(OA?!maske!). Parte na sila ng pamilya.


          Bandang huli wala na kong nagawa kundi sungkitin sila at ilipat sa supot (natutulilig na ko at nagtatatarang na si mommy V at mabaho na daw)... Mabigat sa damdamin. Bukod sa mabigat na sila sa supot e ang creepy sa pakiramdam no!!! At iniwan ko nalang sila sa isang tabi. Hindi ko na alam kung san sila napunta kinabukasan. Tuwing nakakaamoy ako ng malansa naaalala ko parin sila.

          Kung nasan man kayong tatlo nawa masaya kayo....Mamimiss namin kayo. Please watch over us...We love you!!!mwah!!!:)



"DAPAT PINAANOD NYO NA LANG SA BAHA UNG MGA FISHY KESA NADEDS!!!!!!!! :((((((((..." -GRETA

8 comments:

Bino said...

ay ang lungkot naman ng slight. kahit pa fish un

YOW said...

Eh bakit ba kasi namatay eh may kuryente naman? Nakasalamin ba si Mommy nung pinakain baka naman iba naitaktak? Hahahaha. Kawawa naman tuloy. Anyways, ipagdasal na lang natin ang kanilang kaluluwa. Baka hanggang dun lang ang life span nila at sumakto lang na may bagyo kaya lets blame Pedring for that. LOL. Condolences.

Supladong Office Boy said...

bili ka na lang ng bagong pet..

try mo snakes naman! bagay sa personality mo. LOL

hahahahahahaha.

Jag said...

Wawa naman! Baka Hindi naka ON ang oxygen (bubbles) kya sila namatay? o kya bka gusto nilang lumipat sa tubig baha? LOL Mahal p nmn ang parrot fish...

glentot said...

May PS pa na comment ni Greta LOL. Aliw na naman ako sa post mo Donna Marie! Oo matapos mo i-asterisk ang name mo ilalagay ko sya dito! bwahahhahha. Hindi man lang kayo nag-imbestiga kung ano ang ikinamatay nila tsk tsk tsk.

Oliver said...

hindi mo ba tnry na iCPR? lols
baka nalunod sila? hahaha

Fickle Cattle said...

:-( Kaya hindi ako nag-aalaga ng hayop. Mahirap na, baka ma-attach.

Fickle Cattle
http://ficklecattle.blogspot.com/

Ungaz said...

@kuya Bino- Okay lang nakamove on na ko...hahahaha! Pero sad nga...

@Yow- Namiz nila mama Greta nila... Inabandona kasi sila para magcol girl. nagsuicide nalang tuloy.hahahaha!!!

@SOB- At anong gusto mo ipahiwatig?!itali ko sa leeg mo yung ahas e!hahahahahahaha! masama ugali?

@Jag- Baka nagpakamatay...Pero di ko maimagine pano magpakamatay ang isda.hahahaha! Medyo mahal nga para sa dukhang tulad ko.hehehe!

@Glentot- Tunay na galing kay Greta yon...Parang gusto pa ko idemanda kahit wla ko kinalman sa kmtayn ng fishes.LOL! Alam na ng madla na ako si DONNA MARIE!!!salamat idol!hahahaha!!!

@Oliver- CPR?! tinanggap ko na kagad na patay na sila,pinaubaya ko na kay Lord.hahahahaha! Fish lips?!no thankz.hehehe!!

@Fickle Cattle- Di pwedend di ma-attach e.hehehe!! Salamat sa pagdalaw.:)

Post a Comment