Sige Hubad Ka Na

                 Sa pagpasok natin o pag-aapply sa isang trabaho may mga requirements tayong dapat punan (punan?!)...Mapalocal man o mapa abroad. Obligado nating kumpletuhin ang mga ito para makapagtrabaho. At isa na don ang pagsailalim sa medical examination...

                         Medical check up..Yes. Sino ba naman ang di dumaan dito... I'm sure memorable ito sa bawat tao lalo na sa mga umaabroad. Kahit ako hindi nakaligtas diyan...bitter sweet memory!!!Mas lamang ang bitter kesa sweet.siyet!

                Minsan kasi sa buhay ko e muntik na ko lumayas ng bansa kundi lang minalas at umarangkada ang pagkaUNGAZ! Anyway dahil nga paabroad ang drama ni ate e sabi sakin ng kumpanya dadaan daw ako sa isang medical check up. First time kong magpapamedical check up. Wala akong idea kung ano gagawin don. Basta alam ko lang papatingin sa doctor para tignan kung healthy ba mga body parts ko at pwedeng kumana ng trabaho sa ibang bansa.

                The day before at sa mismong araw ng check up wala akong preparasyong ginawa. Tanging dasal lang ang ginawa ko na sana lumabas na normal lahat ng results ko at maging maganda ang experience kong ito.

                Sinong magaakalang mawawalan ako ng dangal sa pagpapamedical!!!!!!!!!

                Dali dali akong pumunta sa clinic na referred ng company with a smile. Ang aga ko sa clinic pero ang dami ng tao. 1st step urinalysis at fecalysis. Nawala ang ngiti ko!Putragiz!!! Ihi madaling ibigay kahit maya't maya mo ko hingan pero tae dumi ko?!!excuse me! Hindi prepared ang pwet ko for this!!! Lalo akong naconstipate sa kaiisip. Buti nalang madaling kausap ang medtech at pumayag na bumalik nalang kinabukasan with my fresh hot poops!yuck!!! Natuwa naman ako. Saka ko naisip pakshet na effort dalin tae ko sa byahe. bahala na... Tapos kinuhanan na ko ng dugo at pinapunta sa susunod na station.

                Next stop....Xray! A eto mabilis lang ang pangyayari. pinagsuot lang ako ng gown at pinaghubad ng bra (sa kapal ng padding baka di makita baga ko) at tshirt tapos...click!tapos na...

                        Sunod naman ang dental check up... Sa pagkakaalam ko e maganda naman ang kalagayan ng mga ngipin ko. Pag upo ko sa cozy chair, sinira ng dentista ang tingin ko sa mga ngipin ko. 6 ngipin ko daw ang nangangailangan ng bagong pasta. I was like pota ka ate! Di mo pa pastahan lahat. Napakadami. Ano ko di nagtotooth brush?! Wala na ko nagawa. Pinastahan niya lahat dahil obligado at lumabas akong luhaan. 300 isang ngipin sinong di ngangakngak!leche!!!

               Pagod na ko pero may isa pang test. Una pinaupo ako ng mga nurse at saka ininterview. 

               Nurse: Kelan huling mens?
               Ako: di ko pi matandaan irreg po kasi ko
               Nurse: Tuwing kelan ka dinadatnan
               Ako: irreg nga po kaya di ko matantya (nurse ka ba talaga?!)
               Nurse: Kelan huling nakipagtalik
               Ako: HINDI PA PO KAHIT KELAN!!!! (nandidilat kong sagot! masyadong defensive?!LOL)

               Nakakapanginig ng laman si ate...FYI pwede pa kong ialay pag gumunaw na mundo para iligtas ang pathetic life ni ate. Lecheng yon! Hay.Kala ko don na matatapos ang  kahihiyan ko...But wait!There's more...


               Nurse: Ma'am dito na po tayo para sa pregnancy test...


               Sunod naman ako... I'm so compedenz kasi kahit araw araw ako magpregnancy test e negative yon!bwhahahahaha..easy. Pero hindi. Pagpunta ko sa mini CR nila hinihila ko ang kurtina para magkaroon naman ako ng privacy. Potang curtain ayaw mahila! Ay teka nakafix...Panic ako, tinawag ko ang nurse na nakaupo sa harap ng CR para humingi ng tulong. At ang sabi lang niya ay....


               Nurse: ma'am talagang iniiwang bukas yan. kailangan po kasing bantayan yung patient baka dayain ang result.


               Pakshet!For real?!!iihi ako sa harap ni ate!o come on!!! This can't be real!!! Nang makita kong seryoso si ate wala na ko nagawa. So degrading kahit di binabantayan lang niya ko sa peripheral vision niya. Habang umiihi naisip ko nalang na "Lord para sa pera to!!!"...Awa ng Diyos nakaihi ako ng matiwasay at tulalang lumabas ng lobby. 

               Medyo in shock pa ako at di makapaniwalang nagawa ko yon... Nang medyo nakmove on na ko lumipat na ko sa last stop. Ang physical exam!!! Go na ko ng matapos na at nang makaiyak na paguwi...


              Pagdating sa room sinalubong ako ng isang friendly doktora. Nangingiti ngiti na ko kahit di ko pa alam ang sasapitin ko sa mga kamay niya. Pinapasok niya ko sa isang private cubicle at....


             Doktora: Sige hubarin mo na yung damit mo.
             Ako: (come again?) Ano po?! 
             Doktora: Tanggalin mo na damit and underwear mo para macheck na kita.
             Ako: (seryoso ba tong babaeng to?) Pati underwear po?!


             Oo parang tanga lang paulit ulit kong tanong dahil hindi ko maarok ang mga sinasabi ni doktora! Parang gusto ko sumigaw ng HELP!!! Hindi po ko nagaapply na pokpok!!!wwwwwwwwwaaaaaaahhhhh...ayoko maghubad. Hindi na ko sinagot ng doktora mukang nairita na sa akin. At dahil conservative ako (conservative pero nakaihi sa harap ng ibang tao!pathetic) hirap ang kalooban kong sundin si doktora. Pero naisip ko nalang walang malisya to at doktor siya. SA NGALAN NG SALAPI!!!!Unti unti na kong nagtanggal ng dapat tanggalin (parang xerex naman.yak!) tapos kapa dito kapa don... Impernez wala siyang nakapa!bwhahahahaha... Tapos sunod pati panty daw. HUWAT?!!!! Ibig ibig ko na bumack out! Leche... No choice, sumunod nanaman ako. Kapa hir and der, chek hir and der and then pinatuwad para tignan kung may almoranas ako!  WALA NA TALAGA KONG DANGAL!!!! Mabilis ang mga pangyayari hindi ko na nasundan. Namalayan ko nalang mabilis akong nagbibihis at tumakbo palabas.i feel so dirtey!!!hahahahahahaha!!!Tapos nadinig ko naguusap mga nauna sakin ganon din pala ginawa sa kanila. Lahat naman pala dumaan don maarte lang ako...OA!!!


               Wala akong idea kung ano ginagawa sa physical check up ng lalaki. Wala naman silang susong puwedeng tubuan ng bukol so ano ang kakapain sa kanila. Hanggang sa makausap ko si Lando*(hindi tunay na pangalan)isang kasamahan sa trabaho... Ganon din nung nag-aapply siya sa abroad. Same procedure. Pinaghuhubad tapos pinatututuwad. Sa kanya, dinakma, ay teka hinawakan? ginrab? di ko malaman pano basta ginanon betlogz niya at siya'y nasaktan at saka daw siya pinaubo. Sinipat sipat din ata ang batuta ni kuyang. Impernez tulad ko hindi din niya type ireminisce ang physical check up niya...Naisip ko, may nangyari pa kayang iba bukod sa hawak betlog nya na di nya sinasabi?!hahahahaha...

              So anyway, matapos ang ilang linggong paghihintay, awa ng Diyos lumabas na normal lahat ng tests ko... At awa ng Diyos hindi rin ako nakaalis ng bansa. All that for nothing!!!wapak!


              So ayan... Lahat gagawin at titiisin kapalit ng salapi... Mawala na dangal at lahat. Patapangan nalang ng hiya.hahahaha!! 


P.S.


              Kinikilabutan parin ako tuwing maaalala ko ang physical exam ko...hahahaha!!!Labya


             
                   

9 comments:

kikilabotz said...

hnd ako naniniwala na hindi ka pa nkipag tututut ever. hahahaha. joke.. ganun talga..kaya lagi ka na magpractice tumuwad

Poldo said...

"Nurse: Kelan huling nakipagtalik
Ako: HINDI PA PO KAHIT KELAN!!!! (nandidilat kong sagot! masyadong defensive?!LOL)"

Dito palang dapat bagsak na ang exam! liar! LOL

Taragis meron din akong kwento tungkol dyan! hahaha yan yung haplos betlog bwahahahaha

YOW said...

Hahaha. Wala talaga akong alam sa medical check-up. WALA! Repressed memory! Hahaha. Ang dugyot. Buti wala na sa aking sapo-betlog with ubo-ubo on the side. Pero wala talaga akong ganyang experience. Hahaha.

@POLDO: Maniwala ka! Yan ang tunay na Like a Virgin! Hahahaha

EngrMoks said...

LOL. tawa ko sa interview ng nurse syo. Adik ka!

KikomaxXx said...

hahaha.. di sure te ang nurse sa sagot mong kailan ka nakipagsex.. hahahha.. to see is to believe.. hahaha

glentot said...

Shaks sana may video man lang para mapagkakitaan mo kapag binenta mo as porno film at least hindi mo masasabing all that for nothing!!! At sana dumating yung araw na iaalay ka nga hehehehehehehehe

Traveliztera said...

Grabe. Sobra ... Although naentertain ako sa pag narrate mo, pero... parang... ampanget nga... I feel you dun sa hubad part. Lumabas ako ng clinic na feeling ko na-harass ako ahahaha! And to think asa medical field ako. Kaya ako? Super bait ko sa patients ko hahahha

Ungaz said...

@Kikilabotz- suz...di ko isasalba kaluluwa mo pg inalay na ko.hahahaha!!!maktuwad nga ng madalas.yak!

@Poldo- Proud pa ko sumagot non!hahahaha..deadma ang nurse impernez

@Yow- ahahahahaha!!!pasalamat ka nga kaw ang sumapo sa betlog mo...e yung si tooott!!! ung nurse o doc ang dumakma.muzta naman sa pakiramdam yon?wwwwaaaahhhh!!!

@Engr.Moks- Mararanasan mo din yan...hahahaha!maghanda ka

@Kikomaxxx- to see is to believe?!adik ba?nakikita ba un?LOL!

@Glentot- dugyot!mas masagwa pa yon sa mga kumakalat na scandal ngayon.kilabot to death! kaw nalang kaya ialay nang mabilis gumunaw mundo.LOL!

@Traveliztera- Yes may kakampi ko...ahahahaha!!!O diba kah

Ungaz said...

@Traveliztera- Parang tanga lang naputol comment ko.may sarili syang desisyon!amp..anyway kahit sabihin mong walang malisya at man of science ekek e susme...nakakarimarim parin maghubad sa harap ng stranger!!!!LOL

Post a Comment