Whatta Ride

                   Mabait akong tao...Gandang panimula! Kahit tong keyboard umaalma, patalon talon letra sinabi ko lang na MABAIT AKO!!!! Bukod sa mabait ako, matiyaga akong kausap. Di ako mag-angat ng sariling bangko dito...Bago pa kayo masuya....LET ME EXPLAIN.hahahaha!!!


              Di ako supladang tao. KIDLAT!KULOG!LINDOL!!! Oo na..Pero pag kinausap naman ako ng stranger at maayos ang approach e sasagutin ko naman siya ng maayos. Depende din sa mood ko... Matiyaga akong makinig sa kwento ng nangangailan ng kausap. Lalo na kung ikagagaan nila ng loob yon. Ke paulit ulit na problema sa lablayp ("nag-away kami ng syota ko...for the nth time"), o wala lang...("imbey talaga yon, may bago nanamang ginawang kabubuset"). Ako na mahilig maging human diary!


              Kanina, matapos ang duty ko for the day (lagi nalang matapos ang duty pangyayari...hahahaha!Ako na walang buhay.), just like everyday, diretso kagad si Ungaz sa terminal at sumakay sa mga nakaparadang jeep na babiyahe patungo sa piling ni mommy V...Pagsampa ko sa jeep wala pang gaanong sakay. Iisang ale lang na walang bitbit (supot hir supot der bag ober da sayd bag pa on da lap...see!walang bitbit)...Pag-upo ko kinalabit ako ng isang paslit. "ate ate pengeng piso..." tinitigan ko lang ang paslit ng matagal. Lumayas din. Kala ata adik ako...hahahahaha!!! Iniisip ko kasi kamuka ni Greta yung bata. hahahaha! Sabay birada ni ateng kasakay ko "di mo dapat bigyan kasi bigyan mo isa madami na lalapit.." i know right...kuyog. E muka naman mabait ang ate e di nginitian ko na sabay "oo nga po". Kala ko yon na katapusan ng interaction namin. Hindi pala.....


             After ng friendly advice ni ate, sumigada pa...itinuloy pa ang litanya. Deep inside "ate! you're a stranger!Don't talk to me!"joke...Nasabi ko nalang sa sarili ko "uy!close!sige tell me more" Nagpakanurse nanaman ako. At dahil hindi naman ako bastos pinakinggan ko lang siya. Hanggang sa tuluyan na ngang umalis ang biyahe. Akala ko pag bumiyahe na kami titikom na kipay bibig ni inang. Ayun nanaman ako sa akala ko! Sige parin si ate...Ginawa nang seminar ang pagsasalita. Para kong nasa convention na sapilitang inattendan!


             Eto ang ILAN sa mga naisiwalat ni ateng sakin :

  • Ang mga anak niya (isang nurse at isang doktor..asteeg) 
  • Nakapaglibot na sila sa asia (weh no ngayon?san san naman?!)
  • Sa sipag at tiyaga (Manny Villar?Kaw ba yan?)nairaos nila ang pagaaral ng mga anak 
  • Isa palang butihing guro si ate...(hindi niyo po ko studyante wag niyo na po ko lecturan)
  • Si Mayor tralala, e kamag-anak ni mang huever dat is at si manang na castillo e patay na (a ok po...sino po yon at how can you make the world a better place?)
                                    and MANY MANY MORE!!!!

             Nang sa palagay ko naikwento na niya buong talambuhay niya, sa tagal malamang malapit na ko sa bahay...Yes! Pagtingin ko sa labas...Potakels! Malayo pa ko sa katotohanan!Joke ba to? Tinignan ko relo ko...10 mins palang nakakaraan!Maygad!45 mins biyahe ko pauwi...I can't take it anymore!!!SUKO NA KO!!!Sumasakit na ulo ko. Sinasabayan pa ng isang ateng nagsisiwalat din ng buhay sa katabi na kung makabida parang bibitayin na . Mala rifle ang bibig. At ilokano ang salita. Dumagdag pa lecheng drayber na nagpatugtog ng utod ng lakas sa saliw ng " here iiii ammm...playing with those memriz agen".Nakakaiyak na biyahe. Parang pakikinig ng "Friday" Rebecca Black ng paulit ulit. I know you know how that feels....

            Para naman magkaclue na si ate na medyo i can't take anymore of her kwentos di na ko nagrereact sa mga sunod na pasikat niya (nakapaglibot na kami sa new zealand..maganda don.pwe!). Pero sige si ate.  MAY NAKASULAT BA SA NOO KONG "AKO SI ATE CHARO! IKWENTO MO ANG BUHAY MO!" ?????!!! Kulang nalang pati sexlife niya ikwento na niya sakin. Naisip ko na ding magheadset nalang kaso naisip ko sssoooo rrruuddeee....Hay tiis tiis.

            Maya maya magbabayad na si ate ng pamasahe. Inask niya ko wer ang baba ni Ungaz. Bumubunot na si ate ng pera at mukang damay ako kaya sinabi ko naman wer i live in hopes na bayaran niya ang talent fee ko sa pakikinig sa kanya sa buong 1hr na biyahe (mabagal biyahe). Nang aabot na niya bayad sabi ko "naku wag na po...thank you!" Pakipot naman kunyari. E walastik si ate hindi man lang nagpumilit. Hindi nga ako ibinayad ng pamasahe!Che!May pambayad ako....Paasa ka ate! O baka assuming lang din ako.hahahaha!Gusto lang pala malaman lang talaga wer i live. I live at....hmp!

            Nakauwi naman ako ng matiwasay, at nagmamadaling bumaba ng jeep at baka humabol pa ng kwento si ateng. At non lang ako nasabik umuwi ng bahay sa inaraw araw na biyahe ko..wwwaaaaaahhhhh!!!!! 


            In fairness kay ate nice naman siya at friendly siya sa strangers...Magilas ding guro at magulang at tao si ate. At pwede mo idolohin...hahahaha!Pramis. After non...Close na kami....Feeling ko next ime ililibre na talaga niya ko pamasahe.Hahahahaha!!!!

            O ayan nakapagreklamo nanaman ako..Masaya na ko. Gumaan na ang dibdib ko (na matagal nang magaan.alam na!...Labya

13 comments:

Pipay said...

"i know how you feel...tell me more about it..."

@_@

Jag said...

hahaha hindi mo pala naappreciate ang value ng no road is long with good company pero depende din kac yun sa kasama mo hehehe...ayoko din kasi ng gnun kasi hndi nmn ako machika na tao hehehe...

Xprosaic said...

Wow! ate Charo may kwento rin ako... bale ganito... yung si kuwan bale inano ni kuwan... tapos... yung kuwan... hehehehehehehe...

Nishiboy said...

next time pag inalok ka ng libre, ang sagot dapat eh "Naku ate, nakakahiya naman. Thanks!"

KikomaxXx said...

MMK ba ito... nahawa ka narin kay ate hinaba mo na litanya mo.. hehehe

Ako si Yow said...

Haha. Inaabot lang kasi ata sayo eh, umayaw ka agad. Baka pinapaabot lang na sadya. Parang nahiya ako for you. Haha. Minsan nga ako isalang kay Ate. Makipagpaligsahan ako para maingay sa jeep. HAHA.

Ang boring na ng blog natin. Wala na tayong mga LIFE. HAHA. Wala ng madalas maikwento. POTANESS lang.

Ungaz said...

@Pipay: Hindi po ako baaalliiiwww....LOL! Kaw na tunay na nurse.

@Jag: Hindi din ako chikadorang tao...tsaka si ate kung makakwento pararng kaclose ko yung binibida nya.hahahaha!!

@Xprosaic: Sige...Kwento mo sakin yan. Teka kuha lang ko pop corn baka mapahaba kwnto.hahahahahaha!!!

@Nishiboy: Ay oo nga naman..Mali pala ko ng birada...next time.hahahaha

@Kikomaxxx: aray ko naman...blog ko to bakit ba!whahahahahaha...sa susunod iiksian ko.hahahaha

@Yow: Excuse me...ililbre nya talaga ko.100 nilabas na salapi.nung tumanggi ko dumukot ng 50!in ur peyz!whahahahahaha.... Oo na ayoko na ata mgblog. isasara ko na to.la na kwnta e.hahahaha! kaw naman "IT'S YOW TIME IN THE US of A!!!" bwahahahahahaha...huhuhuhuhuhu!

glentot said...

Hmm mukha ngang magaan, as in magagagan yang mga dibdib mo... Kung makareklamo ka naman! Buti nga binigyan ka ni Ate ng isang experience sa buhay nya!

Malay mo...

Ikaw lang ang nakakakita sa kanya...

Ungaz said...

gang sa mga ganon paranormal shits parin naiisip mo..hahahahaha! impernez oo nga no...maygad.ate's a talking zombie.wooohhhooo!!!LOL

Anonymous said...

This amazing hi-tech, extraordinaire smallish
spying security plaything can be your company with your every day life.
At this point about, they've already utilized our converter cables to electric powered things in your amazing toaster thence that inability will begin. Used the personal carries a stove, early aging whether you have knives so that you can by using.

Have a look at my web page - microwave oven toaster oven ()

Blogger said...

If you are searching for the ultimate Bitcoin exchange company, then you should pick CoinMama.

Blogger said...

On Moon Bitcoin you may recieve free bitcoins. 29 satoshis every 5 minutes.

Blogger said...

Over at Take Free Bitcoin you may get faucet bitcoins. Up to 22 satoshis every 5 minutes.

Post a Comment