Maling dampot!

                          Belated Merry Christmas belated happy new year na rin sa limpak limpak kong mambabasa!huwat?!amishu all...Panandalian kong nakalimutang may blog pala ko at abala ko sa preparations para sa paggunaw ng mundo. Ihanda ang alay!!!! 

                 O eto talaga ikukwento ko. So habang papalapit ang pasko paunti unti na christmas shopping ko (kala mo naman may kayamanan!). At dahil sing espesyal ng special child tong si mommy V syempre dapat bongga ang regalo. Kaya naman kinakuntyaba ko na ang mga alipores sa pamilya para sa matinding supresang ikagugunaw ng mundo niya. OA much?! 

                 Share kami ni Greta sa isang mumunting microwave oven na inaasam asam ni mommy V...Ang kuripot namen no?share pa. hahahaha! O anyway e di ayown matagal tagal pa pasko e nakipabili na ako sa magasawang "B" (don't ask) at pansamantalang ipinakitago sa warehouse ni TL. 

                 Araw ng kapaskuhan non ko palang babalutin ang gift ni mommy V. At hinintay ko pa talaga ang pagdating ni Greta mula sa Menela at dala niya ang pambalot. ahahahahaha!!! Kami na prepared. Matagal nang nakapatago ang oven pero nung araw lang ng pasko ko nakita. Malaki ang kahon impernez at me kabigatan. At dahil may picture ng microwave oven e malamang yun nga yung gift. At dahil abala si TL sa malawakang party/ christmas feeding program hindi ko na vinerify. Excited na kong atakihin sa puso nanay ko.whoopee!!! Ere maganda...Kapos ang mga pambalot ni Greta.Dapak! Kaya naman diniskartehan na namin. Kahit pano nalang mabalot matakpan lang yung picture. 

                 Buong pwersa naming binuhat ang linsyak na mabigat na oven. Hindi ako sure kung bumagsak ang matres namin ni Greta! Pagbukas ni mommy V....Masaya naman siya. Hindi inatake sa puso at expected daw niya ang oven. Aba assuming!!!! 

                 Kinabukasan pumasok na ko sa werk...Maya maya nagtext ang Greta. Ayaw uminit ng oven. Lahat na ng tactics ginawa nila wa epek. Sira ata ampupu. Sabi ng magasawang "B" brand new yown. Anayreh?! Mainit pa daw sa oven ang ulo ni mommy V.

                 Paguwi ko ako naman ang kumalikot at dumalidalirot....sa oven! Ayaw nga uminit. Habang panay ang pindot ko, may pagdududang namumuo sa akong ovaries! Parang pamilyar ang itsura ng oven. Could it be?Did i just?Is it possible?Am i ishchupid?!.... Nang may kaba sa puso at damdamin, tinawagan ko ang TL na busy sa panonood ng sine. BOOM! Kumpirmado ang katangahan! Nadampot at nabalot namin ang sirang oven nila TL. kaya pala sounds pamiliyar ang itsura... nyak!!!!so kakahiya...hahahahaha! Nasa ibang kwarto pala nakatago ang para kay mommy V. Di kasi nagtatanong ang mga hitad..hahahahahaha!!!

                Nabawi (nabawi?inagaw?parang kami ata ang nang-agaw a!) din ni mommy V ang microwave na para sa kanya. Mas maliit pala yung para sa kanya at kaya kong buhatin alone. pfft! Umiinit siya at umiikot ng clockwise at counterclockwise. ambongga?!dali kong mamangha...Sulit na sulit ke mommy V ang oven lalo na nung New year. I'm sure pagdating ng electric bill matutuluyan na siyang atakihin.bwahahahahaha!!! Alabyu mommy!!! 


                 Exhibit 1: Si mommy V masaya sa maling gift niya..LOL

Moral lesson: HUWAG MASYADONG ASSUMING 


gang sa muliiii...labya!:)


                  

3 comments:

YOW said...

HAHAHAHAHA. Eto pala yung mga post sa FB, ang bright ko talaga dun pa lang gets ko na. Medyo di na ako nag-expect ng too much from you Teddy! Ungaz ka talaga! Hahahaha.

glentot said...

Hahaha! Hintay ako nang hintay sa twist! Nasa title pala ang kasagutan LOL. Di ka man lang naglaan ng suspense...

olyabut said...

sino ung magasawang "B"? (ang kulit, don't ask na nga e, haha!
ang impt happy si mommy sa microwave oven! sa susunod, ung gas range oven na daw! :p

Post a Comment