Kanina nakalimutan ko na saan nagsimula bigla ko nasambit ang NOKIA. As in No-ki-ya...Ganyan tulad ng nakasanayan. Pero hindi ako pinaglagpas ng sing laki ng german sausage na si buret sa pronunciation. Ayon sa kanya ang tama daw ay Nokya (bilisan with sowzy accent). Sinangayunan naman nung bulig e di talo na ko. Nokya na kung Nokya! Lochia!(isearch kung di alam)... Oh well i don't ker kako pano man ang bigkas niya.
Sa panahon ngayon ang dami nang nagsusulputang hi-tech phones na sing laki na halos ng TV(sing halaga narin ng TV.pfft!). Naghahabulan lang ang Samsung at Sony kung sino mas S (sozyal) na phone.Pilit namang hinahabol ng Star Mobile, Cherry mobile, myphone etc. (sige lang habol lang kayo). Samutsaring features na imba na minsan hindi mo naman talaga kailangan masabi lang na may ganon ka sa cellphone(so yabang).Sobrang hi-tech kulang nalang lumabas na sa cellphone mo katext/kausap mo. Hindi na ko magtataka kung balang araw nasusukat narin ng cellphone mo BP at blood sugar mo sa pagkurap lamang.oha!
Pero bago mo naranasan ang touch, naligayahan ka muna ng todo sa pindot pindot lang. Wag masyadong green!Hindi papunta don ang usapan. Tara na't magbalik tanaw at tumanaw ng utang na loob sa unang cellphone brand na nagpakilala satin sa isang bagay na ikasisira ng buhay at bulsa natin. Nokia.....
Naalala mo pa ba si 5110 (insert "oo nga")?Di ako sure at wala kong balak isearch pero ito ang unang cellphone na patok sa masa noon bukod sa alcatel na hugis safeguard (insert "oo nga" again here). Ito ang pumalit sa mga pager. Noon pag naka 5110 ka na mayaman ka na ng bahagya. Makapal at matibay ang model na to. Pwede mong ipampukol sa kagalit mo at tiyak comatose bagsak non.
Sunod sunod na nagsipagsulputan ang 3210, 3310,8210,8250. Hanep parang pin code lang ng atm no? Kabisado ko pa to non. The higher the number the better. Dito din nagoriginate ang model na may "i" hindi iPhone (5110i). Parang may ikinaganda naman pag may "i".hahahahahaha!!!
Kung ngayon di ka makali sa pagpalit ng cover ng phone mo, dati din humaling na humaling ang mga tao kapapalit ng "housing" ng cellphone nila. Meron see through, plastic, o rubberize. Makukulay! Nakakaaliw... At dahil sadyang wala magawa sa cellphone, di nakuntento papalitan pa ng backlight at para medyo kakaiba palalagyan ng "acetate" yung screen (hindi pa uso wallpaper non).
I'm sure minsan naranasan mo nang maya't maya icheck ang cellphone mo dahil akala mo may text ka dahil panay ang dinig mo sa paligid mo ng message tune mo. Kasalanan mo ba na "standard", "ascending", at "special" lang pagpipilian mo?
Malamang dahil adik ka din sa text noon nagkakalyo ka na sa mga hinlalaki mo at nabura mo narin mga letra ng keypad mo pero ganon pa man kayang kaya mo bumuo ng cohesive na mensahe ng nakapikit. Itry mo yan sa touch screen sige! Tignan ko lang.... Nakakamiss yung ingay ng pagtipa sa keypad no?hahahaha!
Naalala mo pa ba kung ilan high score mo sa snake? Ano ang unang ringtone na nacompose mo? Nagmakaawa ka na ba minsan sa kaibigan mo na sendan ka ng "graphic quotes"?Yung mga text na may kasamang teddy bear o rose o stars na gawa sa pinagdugtong dugtong na symbols (insert "ay oo").
Sa pagdaan ng panahon nagsulputan pa ang mga bagong modelo ng nokia. Nagkaroon na ng kulay (3510i,3550). Hanggang sa umasenso nagkacamera pa (7610,6610). Sa dami ng modelo at mga kompanya na kumumpetensiya sa nokia, hindi ko na nasundan ang mga sumunod na model ng Nokia tapos napagiwanan pa sila sa features lalo na sa operating system. Nagkampihan kasi yung iba sa android nagmaganda Nokia hindi jumoin. aaawwww!!!sad. Naglitawan na ang mga cellphone na touch screen. Tumaas na resolution ng camera ultimo internal organs mo kita na (oa lang ako). Ala na....
Gayon pa man salamat parin Nokia sa memories (patay na ba?!) at experiences and knowledge na naimbag niyo sa buhay ng mga taong sabik sa text at tawag.
Hindi naman mahalaga kung anong modelo ng telepono meron ka. Mura man mo mahal, nakakabuhay man ng patay o hindi, ang mahalaga natutulungan tayo nito para maabot at makausap man lang ang mga taong mahalaga man o hindi na malayo sa atin. Sabi nga ng Nokia "Connecting People"....
Nga pala, hindi ako binayaran ng Nokia sa post na to. Trip trip lang to...hahahaha!! Until next time.. Labya!
Before Touch!
Ungaz | 5:39 AM | | 4 comments
In Between
Ungaz | 4:12 AM | | 2 comments
Tulad nga nang nasabi ko nung nakaraang post ko, nakapogi cut ang buhok ko ngayon. Isang desisyong matagal kong pinag muni munihan. Nang mahagilap ko na lahat ng lakas ng loob na sinabayan ng singhot ng rugby, isinakatuparan ko na ang plano.
Yipee!!! Uma Anne Hathaway ang hair. Hair lang kaya ko habulin sa kanya hindi ang ganda. Siyempre madaming haka haka, kanya kanyang teorya bakit ako biglaang nagpagupit. At ang pinakamasaklap na napagkayariang conclusion don e magpagkamalan akong tiboli. Nakanangtuch! Kumbakit kasi nung napagdesisyunan kong magpagupit ng todo short sumabay naman magladlad (question!akma ba ang ladlad sa tibz?)tong si Charice Pempengco! It's a boy!!!! Mali ang timing ni ate kuya ....It. It?! As if naman hindi pa nahuhulaan ng mundo na mas bet niya ang tahong kesa tender JUICY hotdog!che!
Deadma nalang. Tutal wala namang katotohanang ako ay nagnanasa sa kapwa pechay. Kesa kunsumihin ko sarili ko. Kebz lang pagbintangang tibo. Ewness naman! Mga judgemental....choz! Sisihin si Charice!!!!
O e ayun na nga...Napagkakamalan na nga kong tiboli kahit nakalipstick na nga ng makulay at nakafit ng damit. Nakakita ka na ba ng tibong nakalipstick at nakapush up bra?!come on!!!! naman o!!
Kaso kahit anong effort ko naman mag ayoz para magmukang babae e iba nanaman ang interpretasyon ng mga tao. Napagkakamalan naman akong lalaki. Correction! Bading. Napagkakamalan akong beki... Naknampota naman!
Scenario : Si Ungaz nagpunta ng national bookstore para magpagawa ng stamp shitnezz para sa trabaho. Kinakausap ni Ungaz ang sales watever nang....
Sales ekek: papirma nalang po dito sir.
Ungaz: (deadma lang. Baka namali lang si ate at mukang disoriented sa pagod.)
Sales ekek: Pasulat nalang po nung pangalan
....habang sinusulat ni Ungaz ang kanyang pangalan...
Sales ekek: Pangalan niyo po yan? (parang di makapaniwala si potaness!with a smile na alam na)
Ungaz: OO! (sabay irap..imbey na si Ungaz nang mga oras na yown. Lumalaos si ateng!)
E gagu lang ni ate diba? Tinawag na nga kong sir hindi pa siya makapaniwala na ako nagmamay ari sa pangalang DONNA MARIE! Oha! Di niya akalaing babae ko?Dapak! Bakla lang ang peg ganun?! Salamat sa short hair ko at maliit na jugenggay talo na ko sa debate kung meron man diba. Makapanginig laman lang si ate e...
Inhale exhale lang count 1-10 muna para maiwasang makapatay ng tao kahit nung mga oras na yun lang. Iba e.. Parang gusto ko ipakita sa kanya ang anatomy ko ng mga oras na yon. Nakaka ano si ate e! Gigil!!!!
Hay naku...O anyway wa pakels na anu pa man ang tingin sakin ng tao. Problema na nila kung di nila mawari ang kasarian ko. Aliw lang din minsan. Hulaan nalang. Keri lang...Ienjoy ko nalang ang mapahamak kong buhok. Hahahaha!!!
Let's sing.. GIRL BOY BAKLA TOMBOY BUTIKI BABOY... ALIN ALIN ALIN ANG NAIBA?!
Ano nga bang mas nakakaoffend?Mapagkamalang tibo o bading?...Hanggang sa muli. Labya!:)
Ever Evolving Hair
Ungaz | 8:12 PM | | 1 comments
Aminado kong hindi ako kagandahan (ekshuweli hindi talaga maganda!) kaya naman madali akong masuya masora magsawa sa itsura ko! Matagal ko na sinukuan to kala niyo ba. Di ko na inasam na habulin ang ganda ni Kirstine Hermosa at baka kahit kalyo non hindi ko maabot.
Anyway dahil diyan, para medyo iwas busog umay pag wala magawa pinagtitripan ko nalang ang buhok ko. O ako ang pinagtitripan ng parlorista? Di na ko sure...Hahahaha!!! Maiba lang paminsan minsan kahit parang wala naman masyado pagbabago. Anu anong kalechehan nga ba pinagdaanan ko? Tunghayan!!!
1. The Lady....
Pag mahaba buhok walang palyang alam nang babae ka (in my case minsan hindi din)... Wala nang mas babae pa sa mahaba, makintab, at malambot na buhok. Ganito itsura ng buhok ko pag marami kong pambili ng shampoo o kinakatamaran kong pumunta ng pagupitan o gusto ko lang umuso sa losyang look (no offense sa mga babaeng mahahaba buhok.ako nilalait ko dito wag na umalma!LOL).
- Chumacharice ka ba?
- Bigo ka ba sa pag-ibig?
- kamuka mo na si vice ganda
- nasisira na ba ulo mo?
Araw ng HINDI NA UULIT!
Ungaz | 1:54 AM | | 3 comments
Hala sige sa tagal kong nawala parang feeling ko bago lang tong blog na to. Sige iupdate ko naman kunyare (as if may nangyaring kaiga igaya at kashare share). Para medyo maexercise naman tong utak ko at sa sobrang tagal di naexercise para siyang tiyan na nawalan ng abs.pfft!
O ere na muna. So recently as in yesterday kasama ang aking mga butihing kasamahan sa simbahan (nagmadre na ko...weeeehhh!!!), tinungo ng mga promdi ang maynila para umattend ng isang seyminar on family planning.choz! Tutal libre naman kaya sumabit na ko. 5 am ang napag kasunduang call time (artizta?!call time?!) at may kalayuan ang Menela. Maaga kong gumising at gumayak bago pumutok ang araw! At dahil ilang bundok,ilog,bukid at sapa ang layo ko sa meeting place e nalate parin ako.... tsk tsk!
Pagdating sa meeting place may van na nakapark sa gitna ng ospital. Hindi ako sure kung yun nga yung sasakyan namin pero sige nilapitan ko keri na kung strangers ang laman ng nasabing sasakyan. May tendency talagang makidnap ako e no. Tama naman pala ang nilapitan kong sasakyan. Pagbukas ng pinto...BOOM! "hi sexy!" Si itago nalang natin sa pangalang mother superior ay literal na laseng. 5 am....Lasing! At sa tabi nalang niya ang natitirang pwesto. siyeeeeeettt!! Oh well natulog lang naman kaming lahat sa biyahe.
Pagmulat ng mga mata ko punas punas ng laway tanggal tanggal konti ng muta ayon nasa venue na kami. Nakarating kami ng ligtas at on time. May tama parin si mother superior at susuray suray lumakad. Para lang kami may alagang pre schooler...
Paikliin na naten.. CR.Seminar.hikab.hikab.ginaw.nakita ko si pinsang boga.hikab hikab.nagbabawal ng lasing.evaluate seminar.nayari seminar.kuha certificate.nagbawal ng lasing.CR.picture picture.nagpaalam ke pinsang boga.etc etc. yown! HINDI NA KAMI UULIT umattend!
Matapos ang seminar. Eto talaga palagay ko pakay ng lahat. Ang lumibot! Sugod ang mga sabik na promdi sa peyborit mall ng bayan. MOA!!!! yipee...Excited ang lahat dahil tirik na mata namin parepareho sa gutom.(insert tunog ng kumakalam na sikmura here).
Siyempre paminsan minsan lang ang luwas (luwas talaga. kaaliw!) kaya napagkasunduan na magkamatayan na hindi kami kakain sa mga sumusunod na kainan JOLLIBEE, MC DONALD'S, KFC, GREENWICH, CHOWKING! Impernez hindi nga kami don kumain... Food court ang kinabagsakan namin!PAMBIHIRAAAAAAAAAAAA!!!!!! Utod kasi ng dami ng tao kaya lahat ng bet namin kainan e puno na. Kesa magpicnic kami under sa tirik na tirik na araw sa tabi ng malansang dagat at maghintay maheat stroke e pinagtyagaan na namin ang food court.pfft!
Ilang ikot at kendeng pa nagkahiwa hiwalay na kami... Ang mga ina (Leanne at Lani) nagpunta sa kid's section ,ako at ang head namin na si ibana kerengkeng sa kerengkengan napunta at ang mga boys na sina mother superior, buret at arminda ay pumalaot para mag ice cream sa DAIRY CREME (bright child pinaghalo ang DAIRY QUEEN AT KRISPY KREME). Parang butter lang....
Matapos magshopping ni ibana kerengkeng at nang magtagpo na kami ng tag team na mothers e napagtripan naming pumila sa J.Co donuts and coffee. Tutal minsan lang kami mapunta don why not maki uso. As you all know tong J.Co donuts na to e pinipilahan talaga... Kung baket e hindi ko alam. Kesyo mas mura at mas masarap sa krispy kreme. Tinapay lang din naman yown na may butas sa gitna. O anyway para di masyadong mapagiwanan at para balang araw may maikwento kong kahihiyan sa anak ko (huwaw umaasa!) at para masabi lang na nakatikim din ako e nakipila pila din kami don. Curious din ako kung may ginto ba nakapaloob at masyadong pinagkakaguluhan.
E fyutang na! Mag iisang oras na ni hindi ko pa malapitan yung pinto....Overnight kaya mangyayari?! Kada sampu siguro nagpapasok yung guard. Pero sa dami ng pumapasok parang kokonti ang lumalabas.Magic?! Malapit na sumuko si ibana kerengkeng. Kaya pala e puputok na pantog niya. Kesa mawala siya sa pila mas pinili niyang masira bato niya. husay!(babala!wag tularan si ibana). Konti nalang ayan na...Tagktak na pawis ko sa lahat ng sulok. Manhid na binti ko sa sakit. Isang kintod nalang nasa loob na ko. Nagpapasok na yung guard. Awa ng Diyos naputol saken.leche!Hintay pa ulit ilang minuto.
Matapos ang matagal na paghihintay at mukang tangang pagpila, nakabili din kami... Sa wakas! Mayabang kaming lumabas ng store bitbit ang kahon na nagisisimbulo sa tagumpay namin. Ang pakiramdam? HINDI KO NA UULITIN TO KAYA DAPAT MASARAP TONG DONUT NA TO!!!!
Nang magkita kita kami nila Buret sa van para kaming mga sundalong nakaahon sa madugong labanan. Nyeta! At para makumpleto ang gala it's picsyur picsyur teym...
Lakad lakad lang kami sa seaside parang nasa luneta lang habang panay kuha ng picture namin si mother superior na mukang nalipasan na ng tama ng alak (Salamat Lord! Muntik ko na siya itulak sa dagat).
Konting lakad pa, tong dalawang kasama namin nakakita ng ride/rides (anuman tama). MAGIC DANCE! Pangalan palang kabado na ko. At mas kabado ko nung makita ko yung putres na clown na nakatore sa gitna. Senyales na hindi dapat ako tumuloy. Wala akong tiwala sa clown! Nakahinto ang nasabing ride kaya walang may alam samin pano mechanics non. Pikit matang bumili ng ticket sa halagang 75 at sumunod sa karamihan. Nag-aalala ko na baka mala alog itlog ang tactic ng sasakyang to dahil kasalukuyan akong lunod sa tubig ng mga oras na yon. May tendency na masuka ko. ahahay!Bahala ni si Lord.
Nagsimula na ang putres na ride. Ayos ah! Masaya siya. Taas,baba,ikot. keri pa!sigaw sigaw konti para mukang natithrill. Sabi ko pa "ayoz naman di masyadong katakot!weeeee". Teka parang bumibiliz. E taena!Bumilis,umakyat,bumaba,umikot,umalog,nagkapalit palit ng anggulo habang umaalingawngaw sa ere si T pain o si busta rhymes. Sa hilo ko hindi ko na alam! Sa gitna ng kaguluhan may parang kumabyos na bakal.HUTANA WE'RE GONNA DIE!!!!! Nararamdaman ko na rin na parang gusto nang pumunta ng langit ng kaluluwa ko hindi ako kasama.Sinubukan kong ipokus ang tingin sa clown para mawala ang hilo pero napalala pa! istap eyt na! Maya maya pa huminto na.We survived... Medyo hilo pa kami pag baba. Parang lasing lang na di makalakad ng diretso. Kanya kanyang kanyang reklamo at payabangan "nasusuka ko" "nahihilo pa ko" "nanginginig pa ko" "naninigas na si buret kanina" "hundi naman nakakatakot" blah blah blah!
Pagbalik ng van......Pauwi na. Tahimik ang lahat. Non palang namen naramdaman ang epekto ng sinumpang ride. Siyet! Nagtutunugan na ang mga supot. Mga nakaready to blow! Parang lahat ng kinain ko since birth gusto lumabas at bawat kaldag ng van ibang torture ang dulot. At natuklasan kong ang tanging epektib na posisyon para sa bumabaligtad kong sikmura ay ang fetal position. Muntanga lang! At napagkasunduan naming lahat na HINDI NA KAMI UULIT.
Sa sobrang pagod wala na kaming ibang nagawa kundi matulog buong biyahe...ZZzzzzzZZ!!!!
So yan nalang muna for now...til' next time. Labya!
P.S.
i strongly recommend you try that ride! bwhahahahahaha!!!! Di talaga dapat nagtitiwala sa clown!
Maling dampot!
Ungaz | 1:13 AM | | 4 comments
Belated Merry Christmas belated happy new year na rin sa limpak limpak kong mambabasa!huwat?!amishu all...Panandalian kong nakalimutang may blog pala ko at abala ko sa preparations para sa paggunaw ng mundo. Ihanda ang alay!!!!
O eto talaga ikukwento ko. So habang papalapit ang pasko paunti unti na christmas shopping ko (kala mo naman may kayamanan!). At dahil sing espesyal ng special child tong si mommy V syempre dapat bongga ang regalo. Kaya naman kinakuntyaba ko na ang mga alipores sa pamilya para sa matinding supresang ikagugunaw ng mundo niya. OA much?!
Share kami ni Greta sa isang mumunting microwave oven na inaasam asam ni mommy V...Ang kuripot namen no?share pa. hahahaha! O anyway e di ayown matagal tagal pa pasko e nakipabili na ako sa magasawang "B" (don't ask) at pansamantalang ipinakitago sa warehouse ni TL.
Araw ng kapaskuhan non ko palang babalutin ang gift ni mommy V. At hinintay ko pa talaga ang pagdating ni Greta mula sa Menela at dala niya ang pambalot. ahahahahaha!!! Kami na prepared. Matagal nang nakapatago ang oven pero nung araw lang ng pasko ko nakita. Malaki ang kahon impernez at me kabigatan. At dahil may picture ng microwave oven e malamang yun nga yung gift. At dahil abala si TL sa malawakang party/ christmas feeding program hindi ko na vinerify. Excited na kong atakihin sa puso nanay ko.whoopee!!! Ere maganda...Kapos ang mga pambalot ni Greta.Dapak! Kaya naman diniskartehan na namin. Kahit pano nalang mabalot matakpan lang yung picture.
Buong pwersa naming binuhat ang linsyak na mabigat na oven. Hindi ako sure kung bumagsak ang matres namin ni Greta! Pagbukas ni mommy V....Masaya naman siya. Hindi inatake sa puso at expected daw niya ang oven. Aba assuming!!!!
Kinabukasan pumasok na ko sa werk...Maya maya nagtext ang Greta. Ayaw uminit ng oven. Lahat na ng tactics ginawa nila wa epek. Sira ata ampupu. Sabi ng magasawang "B" brand new yown. Anayreh?! Mainit pa daw sa oven ang ulo ni mommy V.
Paguwi ko ako naman ang kumalikot at dumalidalirot....sa oven! Ayaw nga uminit. Habang panay ang pindot ko, may pagdududang namumuo sa akong ovaries! Parang pamilyar ang itsura ng oven. Could it be?Did i just?Is it possible?Am i ishchupid?!.... Nang may kaba sa puso at damdamin, tinawagan ko ang TL na busy sa panonood ng sine. BOOM! Kumpirmado ang katangahan! Nadampot at nabalot namin ang sirang oven nila TL. kaya pala sounds pamiliyar ang itsura... nyak!!!!so kakahiya...hahahahaha! Nasa ibang kwarto pala nakatago ang para kay mommy V. Di kasi nagtatanong ang mga hitad..hahahahahaha!!!
Nabawi (nabawi?inagaw?parang kami ata ang nang-agaw a!) din ni mommy V ang microwave na para sa kanya. Mas maliit pala yung para sa kanya at kaya kong buhatin alone. pfft! Umiinit siya at umiikot ng clockwise at counterclockwise. ambongga?!dali kong mamangha...Sulit na sulit ke mommy V ang oven lalo na nung New year. I'm sure pagdating ng electric bill matutuluyan na siyang atakihin.bwahahahahaha!!! Alabyu mommy!!!
Exhibit 1: Si mommy V masaya sa maling gift niya..LOL
Safety Precautions?
Ungaz | 4:41 AM | | 3 comments
Habang abala ang buong Pilipinas sa pagpapalit ng profile picture nila sa Facebook at tinatakot ang mga sarili sa cybercrime law, iba naman ang kumikiliti sa aking curiosity. Ooohh!!so kire lang…Napaisip lang ako sa mga iwas disgrasya. Iwas disgrasya…Oh no! It’s not your average safety precaution ekek. OPLAN iwas buntis (hindi ko pa kailangan to!Disclaimer kabod?!LOL). O diba umaRH bill lang.
Maraming paraan para maiwasan ang di inaasahang paglobo ng bahay bata mo o ng syota mo o ng asawa mo o ng latest fubu mo. Pero sa dinami dami ng pangontra na tiyak kong kabisado na ng karamihan kesa sa lyrics ng lupang hinirang, marami parin ang sumasablay... Anu ano kayang tekniks ang sinusubukan naman kasi nila? Let's enumerate and try to contemplate.
Tignan natin alin sa mga ito ang patok...(katuwaan lamang to!)
1.Before and after meals- Parang pagtake lang ng gamut diba? Eto yung paiihiin mo before and after kumembang si babae para mawash away ang
2. Itaktak mo- Taktak ajinomoto seasoning ang dating a. Kung talagang hindi na napigil at napahappy new year ka na sa area of responsibility ni ateng, eto ang para sayo. Ito ang karaniwang gawain ng mga taga barrio. Ganung ganon lang sa dance moves ng "Itaktak Mo" ni Joey De Leon ang gagawin mo. Malay mo umepekto ang law of gravity at mahila pababa ang mga sperm mo bago makarating sa base. Effectivity: 0.. Read above! GAWAIN SA BARRIO!Ilan ang populasyon sa barrio?sige nga!
3. Withdrawal- Luma na to at peborit ng mga matipid at matitibay ang dibdib. Anu yown bangko? Eto ang sure. Parang bangko nga. Walang kasiguraduhan. Hindi lahat ng idedeposito mo mawiwithdraw mo. Malay mo may matirang maintaining balance. Hintayin mo nalang ang malaking tubo after 9 mos. bwahahahahaha! Effectivity: 30-50%
4.Vitamin C- Weird I know. Hindi kayo nagiisa diyan. Eto ang pinakbago kong natutunan mula sa isang "reliable source". Ano nga ba konek? Pag ayon na nakalusot na, don't panic. Just insert lang daw 3 tabs (500mg) of Vitamin C (any brand will do.choosy pa?!) sa kipay ni ateng parang insert coin lang sa arcade. Gagawing acidic ng vitamin C ang buong pechay niya at tiyak patay ang iyong mga binhi. oha! Akalain mong hindi lang panlaban sa sakit ang vitamin C. Effectivity: 100% e as of now wala pang anak si "reliable source"
5. Agimat ng Nursing- Sino man ang nakaisip ng BASTA NURSING HINDI MABUBUNTIS O MAKAKABUNTIS e walang kasing imba naman oo. Ano yon basta nagnunursing o basta nurse may pangontra sa pagbubuntis? Tao lang din sila. Nalilimutan na lahat ng pinagaralan niyan basta biglang pinakitaan ng anatomy yan. Effectivity: 100% kung di siya madidistract at malimutan ang turo sa school.hhmmm
6.The Prayer- If all else fails eto na ang last option mo. Bandang huli si Lord lang din talaga ang sagot sa problema mo. Effectivity: 100% duda ka?!duda ka?!Lagot ka...
Wala namang kasiguraduhan ang mundo. Kaya sige lang. Tira lang! Kung di mo pa oras e di swerte mo. May kasabihan nga "kung di ukol hindi bubukol"... Pero siyempre pag nakabuo na wala namang laglagan. Kung hindi kaya ang responsibilidad aba e malagas nalang sana betlog niyong mga lalaki at magsara nalang ang bibingka ng babaeng mahilig. bwahahahahaha!!!
Dapuan sana ko ng matinong thoughts para matino din posts ko...bwhahahahaha!!!Labya!:)
Isang Linggong Kabaitan
Ungaz | 4:21 AM | | 5 comments
Watch your mouth young lady! Anu nanaman tooo???!!!!
O eto kasi yon... Dahil feeling close kayo sakin, alam na alam niyo namang wala sa karakter ko ang pagiging mahinhin o mabait man lang ata.Sadyang alaskador ako (mana ke mommy V), mapanlait (oh yes! Kristine Hermosa ko.) paminsan minsan bully, at barador. Oo na, ako na muna lalait sa sarili ko. Aminado naman ako...bwhahahahaha!!!
Usong uso naman kasi ang biruan, barubalan, bullihan sa workplace namin(kahit saan naman ata). Sumasabay lang ako sa agos. Kahit ako minsan napagtitripan. Buti nalang hindi ako pikon na tao. Pero hindi ibig sabihin na hindi ako nasasaktan paminsan minsan. Kumbakit pag ako na bumirada e mga napipikon na. Ampeyr! Kausap parin naman ng kausap sakin.jusme! gusto din e.hahahahaha!!! Minsan ang dating ata sa iba bastos na kahit pare pareho lang kami ng ginagawa. Ayoko din naman na nakakasakit ng kapwa kahit ganito ko. Sensitive nga lang ba talaga mga nasa paligid ko o ako na talaga may diprensya?
Kaya naman i decided....MAGBAGONG BUHAY NA!!!! Diz is it!!!! I am so ready magpakatino at ipakitang kaya kong magbago. Help me Lord!
Sinimulan ng Martes (oo dumemonyo muna ng Monday saglit)... Professional ang arrive ko. Lahat ng tao sa unit e tinatawag kong SIR ko o MA'AM instead sa na tawagin sa mga makapanyurak na pagkataong bansag na ako din ang me pasimuno, which isn't normal para sakin kaya don palang nagtaka na ang mga hitad na workmeytz. Kesyo anong problema ko?Hindi naman daw ako ganon.Bawal magbagong buhay?Kayo lang puwede?Maygad! Pero dahil mabait nga ako kinimkim ko ang kumentong barubalness.Yaan mo nang magkasala ako sa isip wala nalang akong napikon.bwahahahaha!!!! Mahihiya ang mga bata sakin kung maka PO at OPO ako. oha! Mas nakakabuset pa nung kunyari akong tumino e. hahahaha!!!
Buong araw behave ako to the point na para lang akong computer na ma-lag sa bagal ng response. Iniisip pa muna kasi ang mga salitang bibitawan. Impernez ang hirap pala talaga pag hindi ka sanay. Lilitaw at lilitaw ang tunay na kulay. Nadudulas din paminsan minsan.hahahaha!siyet. Pigil na pigil talaga ko manakit ng katawan at damdamin.hahahaha!!! Pwedeng awardan ng MOST BEHAVE!
Araw araw nagpapakatino ako. Hirap na hirap man pero kinakaya ko. Kahit anong buyo ng mga taong bumalik na ko sa dati e hindi ako nagpatinag. Kakayanin ko to! Todo pigil ako sa pagkumento pag nagbibiruan sila. Malamang kasi pag ako na kumibo makakalast touch nanaman ako at baka umuwi akong lumpo after.nyak! Hindi ako makapagbitaw ng green jokes (imagine gano kahirap yon), o gay jokes, negative comments, waley din bad words...Parusa much!potashet lang na kaartehan ko. bwhahahahahaha!!! Pag ako na napagbalingan ng apihan kebs lang. Di ako lumalaban...Pagkakataon na nilang gumanti. Sige lang! Ngiti lang ang kaya kong isagot sa kanila.ayun o!
Pero pagdating sa bahay lahat ng naipon kong kasutilan e kay mommy V, Greta at mga kapamilya ko naibubuhos...Naloko na. Wala din!pfft!!
Matapos ang isang linggo.... SUMUKO DIN AKO! (insert makagunaw mundong EVIL LAUGH here). May expiration date ang lahat. Hindi ko pala talaga kaya. Pasensya naman.... Eto na yon e. Ipaubaya niyo nalang ke Lord ang pagpaparusa sakin. May karma din ako don't worry. Sa ngayon pagtiisan niyo muna ko. hahahaha!!! Pwede ding suntukan nalang!
Pinagmunimunian ko na to. Eto nalang, I promise to try my best na bawasan ng konti ang pagiging buset ko... mwah! Labya all...
*BALIK HIATUS MODE NA ULIT....




