nasubukan sa P500

              Tukso...soooowwwwzzzz!!!!kahirap iwasan. Mamatay na ang kahit kelan hindi bumigay sa tawag ng tukso.Hepz!hindi "yon" sinasabi ko pero pwede na din. Malilibog! Anyway, sabi ko nga ang tukso mahirap iwasan. Minsan masusubukan talaga tatag ng kosensya mo (kung meron ka!) lalo pa't PERA ang usapan....

              Masaklap mawalan ng pera. Alam ko ang pakiramdam. Naalala niyo ba yung happy memory ko non sa jeep?Nung dukutin ang aking.....wallet.Ang sayang balikan ng ala-ala na yon.Nakakapanginig ng appendics!

              Anyway eto talaga kwento...Araw ng mga puso....Wala kong pakialam! Naglalakad lakad kami sa mall ng aking dear prends from work. Si mapanirang puring head nurse (yung pahamak sa mall non remember?)na si Ena (hindi yan naputol na mura) at isa pang itago natin sa pangalan Joey boy.anonymous na anonymous. Paikot ikot at bibili sana ko ng cake para kay mommy V at si Ena naman para sa boyfriend nyang si boy badtrip... Nang mapadpad kami sa tapat ng Dunkin Donuts. Hindi kami bumili ng donuts. Hanggang sa....

            JOEY BOY: P500?! 
               (sabay kuha ng nakalamukos na papel sa sahig...)

            Ako at ena: (nakatingin, nakaabang...pera nga ba?500 nga ba?come on joey boy iladlad mo na!)

                Unti unting binulatlat ni joey boy sa ere (kailangan talaga nakataas! Walang latay ng pagkadescrete tong pagkatao ni joey boy!)....

           Ako at Ena : Wow! 500 nga....HALIKA NA LUMAYO NA TAYO DITO!!! (mejo mahina para sana di marinig nung tindero sa dunkin)

           O diba.... Ganon lang kabilis samin ni ena magdesisyon. Desidido kami ni head nurse na magpakalayo layo na at ienjoy ang P500... Nangibabaw ang matinding pangangailangan kesa sa kunsensya. Mommy V tot me well!bwhahahahaha!!!

         
          Ena kay Joey boy: Yan na kapalit ng nawala mong 1000...Lika na

          Joey boy: eeeee...(nakalantad parin ang 500 at ayaw pa umalis sa pwesto. Dadagukan ko na sana e!)

          Sabay hila at tulak ke Joey boy na halatang nag-iisip pa kung laban o bawi ang gagawin nya.
          Masaya na sana ang valentine's day naming tatlo. Mga isang dipa na layo namin nang....

          Dunkin donut boy: sir sandali!!!!

          Paglingon namin.... potakelyas!andon yung may-ari ng 500! pakshet! Di ko ganong nasilayan itsura ni kuya at mabilis akong tumalikod habang buong pusong isinosoli ni Joey boy yung 500 don sa may-ari...Hindi namin kaya ni enang harapin si kuya.bwhahahahaha!!!Pakshet na buhay to o! Pera na naging bato pa!!!!! Valentine's day sucks! Naghiwahiwalay na rin kami after umiko ikot pa ng isang taon sa mall....Si joey boy kasi inannounce pa kasi yung 500!

          Ilang araw makalipas ang insidente naikwento ni Joey boy ang mga sumunod na mga pangyayari nung mag-isa nalang siya sa mall....

          Nakasalubong daw niya somewhere sa mall si kuyang may-ari ng 500 na bumibili ng flowers....Nagkangitian pa daw sila impernes. Close?!!! At ang mga tingin daw ni kuya parang nagsasabing "kung di mo sinoli 500 ko di ako makakabili flowers para sa syota ko".... O baka natypan lang din niya si joey boy. wa pakelz!

           Ibibili lang pala ng walang kwentang flowers ni kuya para masabi lang na sweet siya sa valentine's day! Malalanta rin yon! Itinakbo ko nalang sana yung 500 na yon nabusog pa kaming tatlo.bwhahahahahahaha!!!! buset! bitter....

            Araw araw talaga susubukin tayo ni Bro... Kaya magpakatatag tayo. Amen!Labya...



     

              

Blurrrrrred bisyon!

           Normal naman akong ipinanganak sa pagkakaalam ko (sa kwento ng nanay ko).... Kumbakit papatanda e lumilitaw ang defects nampotek!  @#$^**&%$!!! e kung pwede lang ako isoli sa pagawaan as factory defect e ginawa na ng nanay ko(suya isipin san ako babalik).

           Hindi ko na iisa isahin ang mga depekto ko at aabutan tayo ng paggunaw ng mundo wala pa ko sa kalahati. ako na collector's item! Collector ng depekto...hahahaha!Ikukuwento ko nalang ang unang defect ni Ungaz.

Defect number 1: MALABO ANG MATA!

           It started nung nursery ata ko... Tahimik lang akong nanonood ng cartoons sa klase (oo binabayaran ang skwelahan namin para manood lang ako ng cartoons!) nang ipatawag ng hitad kong teacher ang nanay ko. Siyet! Am i in trouble? Nanonood naman ako tulad ng sabi nila ipapatawag pa nanay ko! Turns out naobserbahan lang pala ko ng tsismosang kulot na nagssquint daw ako pag nanonood tv which is hindi NORMAL sa isang 3 year old. Anong malay kong hindi pala reception ng tv ang problema kundi mga mata ko.

           E di pinachek up ni ermats mata ko...et voila! Ang 20/20 vision pumalo sa tumataginting na 450/450. e kung naiintindihan ko lang ano mga nangyayari non at kung marunong na ko magmura e naubos ko lahat ng mura sa mundo. 450/450!3 yrs old!!!!!!!!!! konti nalang bulag na ko!SAN KA PAAAAAAAAAAA!!!!!!

           Hindi ako prepared...well actually wala akong imik non.excited pa nga ata.pero maygad!Ang paglabo ng mata ng tao e sabay ng pagkulubot ng balat mo. bakit kailangang advance merry christmas sakin????

           Wala na ko nagawa kundi magsuot ng salamin... Nagmukang matalino kahit hindi naman. pfft!!!Lahat ata ng style ng frame pinagdaanan ko na. Humarry Potter na ko noon (limited ang design ng frames for kids!). Anjan ding kakapal, ninipis, bibilog, umooblong o rumerectangle ang lens ko. Kahit ano pa itsura ng salamin ko hindi mababago o maiaalis na malabo na poreber ang mata ko.

            E anong saklap ba pag malabo mata mo? Natural hindi ka mabubuhay ng walang salamin. Dependent ka sa punyetang magnifying glass ng buhay mo. Kung wala yon ikapapahamak ng buhay mo yon. Naranasan mo na bang madapa sa daan dahil maliit ang tantya mo sa bato pero gaga-ice berg sa titanic pala babanggaan mo? O kaya akala mo malayo ka pa sa bangin pero isang hibla nalang ng buhok nasa baba ka na. pwede ding mamali ka ng basa ng label.anung malay mong lason na lalapain mo.Ikamamatay mong tunay!         

           May mga bagay ding hindi mo pwedeng salihan at malabo nga mata...

           Pahamak din sa social life ang malabo mata....Pag nasa mall ako at di ko suot salamin ko, may mga tao akong nakakasalubong na panay ngiti sakin di ko naman kakilala (feeling ko naman ang ganda ko!)kaya deadma lang. Mali!Kakilala ko sila, hindi ko lang maaninag ang feyz.mapagkakamalan pa kong suplado.pakshet!

           Tampulan din ng panunukso....nuff said!

           Pag outings challenge sakin ang swimming. Lalo na ang night swimming. Madilim na may tubig pa!Syempre hindi naman ako lalangoy ng nakasalamin at maiwala ko pa sa tubigan o aksidente kung ano pa man e matusok pa mata ko. Kaya ang ending?bigla nalang ako gumugrupo sa mga di ko kakilala.huwat da pak!!!!!!!feeling close.

           Kahit sa trabaho sagabal ang hinayupak.... Intense ang operasyon! Busy ka.tagaktak pawis mo hanggang singit mo,pagod na kakatakbo. at dahil dakilang nars si Ungaz minsan nakamask maghapon. isang exhale lang....naaabala na trabaho ko.magmomoist kabod ang salamin ko mapapawish nalang ako na sana may wiper din parang kotse!!!!Kung di ko naman isusuot salamin ko baka sarili ko matusok ko sa halip na pasyente.

           Ikakacancer pa ng bulsa mo... Natural pag barubal kang tulad ko madalas talaga ang palit ng salamin. At dahil mataas grado ng mata ko (sana sa skul mataas ang grado e no!) mahal ang lente dagdag pa frame. Isang celpown na tumbas...aheyt et talaga!!!!

           E bakit hindi nalang ako magcontact lens! Tinry ko na...Yung isa napunit sa hindi ko malamang kadahilanan. 2 weeks palang non at tumataginting na 4000 ang isang pares! At nanuyot lang mata ko sa impaktong lens.

           Alam ko na sasabihin niyo..Laser surgery. Aba te kung mayaman lang ako hindi ako magaatubili...yan ang isang bagay na pagiipunan ko.Nawa hindi pa ko bulag pag nakaipon na.

          So far meron na atang 21 years (mahina ako sa math) na nagsusuffer (suffer talaga?!!!) sa pagkakaroon ng malabong mata.  I can list a million things kung anong saklap ang dulot ng malabong mata sa buhay ko.Pero natanggap ko na rin siya tulad ng masaklap kong cup size (maisingit lang!LOL)... Parte na ng buhay ko. Pasalamat parin ako at kahit malabo at least nakakakita parin ako. Nakikita ko parin ang magaganda (me) at mga hindi masyadong kagandahang (bahala na kayo mag-isip jan) likha ng Diyos.


                                                                                Muling nagrereklamo,
                                                                                UNGAZ