Pangarap na di Maabot

              Hindi ako reklamador na trainee...Kahit anong schedule mo ko isalpak okay lang. Kahit halos araw arawin ni egg nurse ang midshit (oo midSHIT talaga) duty ko, kebs lang....Ako na utod ng bait. At dahil sa utod ko ng bait, sa lahat ng kasamahan ko, ako nalang ang di pa nakakaranas ng mahaba habang pahinga.3 days off diretso...


              3 days off na diretso ang pangarap ng bawat isa samin. Kami na mababaw! Sa araw araw na magduduty ka ng halos hilahin ka na ni kamatayan sa pagod e papangarapin mo talaga yung sunod sunod na off...Konting sakripisyo nga lang. Straight 5 days kang duty. Susulitin muna katawan mo sa pagod bago ka palasapin ng saraaaaapppp...


              Anyway sabi ko nga ako nalang ang sa aming lahat ang di pa nakakatikim non (yung off hindi yung ano!). Sa tagal tagal ko sa charity work ko hindi pa ko napagbigyan ng 3 days off na dirediretso...Ngayong February sa wakas napagbigyan...Excited na kong tumengga at bakasyon mula sa shitty duty ko...3 days din yon. Pumlano pa ko ng bonding namin ni Mommy V after my laundry duty.Nang.....potanginang volunteer's meeting sumakto sa ika-3rd day ng off!nyeta.late ko na nalaman. Sa impaktong ospital pa naman na yon BIG DEAL masayado ang pag-attend ng meeting na yon. Kahit yon at yon lang din ang paguusapan.pfft!! No choice na.Di pwedeng di dumalo sa linsyak na pagtitipon. Inilipat ko ang off ko at jumuty nalang nung araw na yon. Sayang pamasahe ko kung pupunta ko ng citey para lang sa meeting na yon.hmp!


             Today is the said date. Masama ang loob kung pumasok at nakaset ng nga sa pechay ko na off ko ngayon...Nagumpisa ang meeting. Humarap na kaming lahat kay "Tiyang" (yan ang tawag namin sa aming chief nurse.sssshhhh!!!)...At inumpisahan niya ang meeting sa pamamagitan ng isang matinding.........BIBLE STUDY!!!Nakang! Di nya ko sunugin sa kinauupuan ko. Matapos niya kaming subukang hikayating magbalik loob sa Diyos at mukang alam niyang bigo siya tumungo na kami sa main event of the meeting. Madaming pang intro si tiyang. Ang iginising ko pala ng utod ng aga, ang ipinagpalit kong off, at ang pinakamahalagang bagay pala na dapat imeeting ay.......ang nyetang PROPER HANDWASHING! Langya!Peste!Potakels!Shetness to the nth power!!!Hayup to the highest level!Yon lang!!!! Yon lang!!! Kabisadong kabisado na namin yon na minsan ikinakabangungot na ng bawat nurse! Alam na ng lahat yon e..maryosep!!E kahit safeguard kinocommercial na yon. Nanood nalang sana ko ng TV. Parang nanadya pa talaga si tiyang sabay sabay niya kaming pinaghugas kunyari ng kamay habang nagbebelt out ng HAPPY BIRTHDAY! Omaygad!!Kill me now! Masakit sa tenga marinig ang at least 20 kataong kumakanta ng Happy Birthday na kala mo nasa lamay at wala pa sa tono. Billionaire nalang sana kinanta o kaya Just the way you are o dirty bit .kahit ano maiba lang!!!! Pathetic!!!!


               Yon lang ang ipinagaksya ko ng off...handwashing! At dumagdag pa sa siphayo ko sa pamiryenda sa meeting. 1 SMALL PIECE OF PANDECOCO BREAD...Di ka man lang matitinga, hindi pa pinamigay ang kape. ANO BAAAAA!!!!! Pano kung nabilaukan kami sa gagakulangot na tinapay na yon?che!!!


               Once again...Bigo matupad ang pangarap ko. Sayang ang sakripisyo at effort. Next month susubukan ko ulit makamit ang straight 3 days off. At kahit sampung meeting pa maganap para humadlang sa pangarap ko, HINDI NA KO AATTEND!!!

11 comments:

KikomaxXx said...

hahaha..

Artiemous said...

kelangan ba talaga happy birthday to you ang kakantahin pag naghuhugas ng kamay? pag kinanta ko twinkle twinkle little stars or bahay kubo, hindi ba lilinis ang kamay ko? :D

Xprosaic said...

HAHAHHAHAHAHAHAHHA congrats! isa kang masunuring nurse na di nagpapalagpas ng meeting! lol

Jag said...

ang puso...chillax!!! hehehe...

malay mo bgyan k ng award: perfect meeting attendance haha! sheyt! bkit hapi bday pa ang kanta dapat all by myself n lng hanggang sa mgkulay valoyet sa kabibirit ang nghuhugas ng kamay haha

Ako si Yow said...

Haha. Eto ba yung meeting dun kanina? Parang di ko nadinig na kumakanta kayo ng happy bday. Haha. Eh bakit pinagpameeting pa yun? Para saan? Haha. Shet naman si Tiyang. Maisumbong ka ngang Tiyang tawag mo sa kanya. Mukha kaya siyang Mamita. Haha

ISTAMBAY said...

napakaimportante naman pala ng meeting.. proper hangwashing ahahahahaha.. teka teka.. ahahahahahah... hmmmmmm teka.. ahahahaha.. natawa ko ng bongga sa potakels na talaga namang napakaimportanteng meeting na yan... hindi kaya inaasar lang kayo ni tiyang.. ? hhehe

glentot said...

Kung maka-reklamo ka naman! Baka naman kasi hindi ka nagpeperform sa ospital kaya hindi sila masayang bigyan ka ng kagustuhan mong 3-day rest. Kung makapagdemand ka naman... Ahahaha joke!

Sana pechay washing na lang diba...

Pipay said...

grabe talaga si tiyang, alang magawa...power trip!!! LOL!

Anonymous said...

ako rin nga 3 days off palage. hahaha. naranasan ko rin yan yung nasa hospital ako nagttrainning. hehe. kapagod. pero anong mgagawa natin nakadikit na sa propesyon natin yan

-kikilabotz

Ungaz said...

@Kikomaxxx: Sa haba ng comment mo di ko malaman isasagot...hahahaha nalang din.LOL

@Artemious: May point ka..hindi ko rin alam bakit happy bday.sooo lame!Hahahaha!suggest natin bohemian rhapsody para wala ka nang balat after.hahaha!!

@istambay: Parang nanggagago nga lang e...kahit bangong panganak na sanggol alam na proper handwashing.duh!hahahaha...OA lang

@
@Xprosaic: Bawat meeting mahalaga...actually yung pakain lang talaga pinupunta ko don.hahaha!PG masyado...

@Jag: Ay hinayupak...all by myself?!hahahahaha!!!happy birthday nga di makuha ng tama tono bibirit pa ng makaputol litid na awitin.susme!LOL

@Yow: oo yon ung liktek na meeting...di nyo maririnig at parang lamay nga kasi.mga nasusuya kumanta ng heypi bday...at FYI hnd ako ang nagpasimuno ng tiyang! Sabay ng pagtayo ng ospital ang pagtataguyod ng bansag nya.LOL

@Glentot: Non lang ako humiling ng 3days off...trip ko itry di pa natuloy.hayup! pechay washing tapos may lalaking partner na gagawa syempre?hahaha!bastos.hahahaha!

@Pipay: Truuuuueeee!!!Pinaulit pa dahil para daw kaming nasa patay at out of tune.GLEE practice?!LOL

@Kikilabotz: nagreminisce?hahahaha...pagkatapos daw kasi ng hirap may sarap. sakin pagkatapos ng hirap may saklap.hahahaha!

Nishiboy said...

haha. makakahanap ka rin ng paraan para gantihan yung santa mong superior.

Post a Comment